Tag: Porma 1

1 of 1

Filter : id=porma

Damitan

Submitted by on October 17, 2018 (9 months ago)
Posted in Poem: Tagalog · Categories: Erotic · Tags:

Ang hirap maging hubad,

sapagkat ang katawan kong puro sugat ay lantad

ang aking nakaraan ay nakabulatlat,

higit pa sa librong nakabuklat

ang saplot ko ng pagiging mapagkunwari;

kamiseta ng pagiging masaya,

pantalon ng pagiging matiyaga,

panloob ng pagiging mag-isa—

lahat yon ay tinanggal ko nang makilala kita

Noong una ay niyakap ko pa ang hilaw kong pagkatao

dahil ayokong makita mong ito lang ako;

puno ng kamalian at pagiging wasak,

puro dumi at peklat na dulot ng ilang taong paghihirap—

na maging sapat para sa sarili ko,

higit sa lahat, para sa ibang tao

Ngunit sinabi mo sa aking hindi ko kailangang magpanggap

dahil ako ay lubusan mong tanggap

...
0  ·  0  ·  0  ·  413
Recent Comments