M
E
N
U

Takip-silim 2

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance, Sci-Fi and Fantasy · Tags: ,
Date: July 11, 2014 (8 years ago)


(Ang bawat bahagi o ano mang materyal o katauhan na ginamit sa kwentong ito ay pawang mga produkto lamang ng imahinasyon ng may Akda. Ang mga tanyag na pangalan ay sinadyang ginamit para sa ikagaganda ng kwento.)

"Takip-silim"
by: Fiction-Factory
Nobelas2014

Chapter 2

Hindi talaga ako makapaniwalang napunta ako sa Lumang Panahon. Hindi ko pa matukoy kung kaninong panahon ako napadpad.

"Ano kamo? Ikaw si Luis Taruc? Ikaw ang pinuno ng grupong HukBaLaHap?"
pagkagulat ko nang marinig ko ang kanyang pangalan.

Ang lalaking kaharap ko nga ba ngayon ay si Luis Taruc, at ang lalaking binitay kanina ay si Jose Rizal?

Halos mamatay na ako sa kakaisip. Nasa'n ba talaga ako? Ano bang nangyayari sa mundo? Kung hindi ako nagkakamali, si Jose Rizal ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, pero si Luis Taruc ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, pero paano sila ngayon nagkasama sa iisang panahon?

Kung isa itong panaginip, sana magising na ako. Kinurot-kurot ko pa ang sarili ko, (thinking i'm only dreaming half alive.) Sinampal-sampal pero wala namang nangyayari. Sa tingin ko gising na gising talaga ako.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hatakin ng lalaking ito.
"Binibini, kung maaari sana'y huwag kang maingay. Halika't pumarito muna tayo!"
sambit nya at palingon-lingon sa paligid.

Hinatak nya ako at lumayo kami sa kumpol ng mga tao kung saan naganap ang pagbibitay. Nagtago kami sa likod ng isang malaking punong-kahoy. Mukhang may pinangangambahan sya at mukhang ayaw iparinig ang aming usapan.

"Bakit alam mo ang lihim na kilusan ng HukBaLaHap?"
pabulong nyang tanong.

"Huh?!"
kumunot ang kilay ko sa tanong.

"Halos lahat naman ng kabataan o lahat ng nabubuhay sa mundo alam na ang bagay na yun eh!"
tugon ko.

"Shhh..."
hinawakan pa nya ang magkabila kong braso.

"Kung maaari sana'y huwag kang maingay. Baka may ibang taong makahagilap ng iyong sinasabi. Ako'y nagtataka, sino ka nga bang talaga, at bakit mo nasabing lahat ng tao sa mundo ay alam ang kilusang Hukbalahap? Samantalang tanging mga kasapi lamang ang nakakaalam nito."

Kumunot lalo ang kilay ko. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Pero bigla kong naalala, nasa ibang panahon pala ako. Baka nga hindi pa alam ng iba ang tungkol sa grupo.

"Ah wala! narinig ko lang sa kung saan. Ako nga pala si Lirah Heartbel."
pagpapakilala ko sabay abot sa kamay ko.

"Lirah Heartbel? Kaygandang pangalan, walang kawangis. Maaari ko bang malaman kung saan isinilang ang magandang binibini na nagmamay-ari ng magandang ngalan?"

Tinutukan ko ang kanyang mukha,
"Ganyan ka ba talaga magsalita? Huh? Anyway, i'm from the beautiful place of Quezon City!"

Punong-puno sya ng pagtataka,
"Tunay na isa ka ngang maharlika pagka't ang husay mo sa pananalita ng wikang banyaga. Ipagpaumanhin mo at ako'y isang hamak na maralita lamang, kung kaya't hindi ko maabot ang rurok ng inyong binibigkas na kataga."

Kailangan pa-tula ang linya? Damn! I'm going crazy! Pilit ko nalang inintindi ang kanyang pinag-sasabi. Kahit malabo pa rin ang lahat ng nangyayari.

"Ang sabi ko taga-Quezon City ako! Alam mo ba 'yon? Dalhin mo 'ko don!"
patuloy ko.

Napatingin sya sa malayo, dun sa mga taong nanonood sa pagbababa ng bangkay ni Jose Rizal. Mukhang malalim ang iniisip nya, ako naman umaasa na alam nya ang daan pabalik sa QC, umaasa pa rin na nasa isang probinsya lang ako sa Pinas napadpad, sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon at hindi pa umuunlad sa progreso. Ngunit nabigo ako.

"Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko alam ang lugar na tinutukoy mo..."
ang tanging naisagot nya.

Bigla akong nalamya at nalaglag ang magkabilang balikat, ngunit agad ding sumigla dahil sa sumunod nyang sinabi.
"Hmm... Ngunit baka matulungan ka ng aming Pinuno..."

"Talaga?!"

"Uhm-hum. Kung iyong mamarapatin, maaari kang sumama sa akin nang sa gayon harapan mong maitanong sa kanya."

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sakanya. Masayang-masaya habang sya parang nagyelo ang katawan at gulat na gulat.

"Sandali lamang Binibining Lira, bakit mo po ako niyayapos?"
pagtataka nya, hindi pa nya malaman kung paano ihihiwalay ang katawan nya sa akin, parang nagaalinlangan sya na hawakan ako.

"Ah. Tanda yon ng appretiation! Basta!"
kumalas na rin ako, baka ano pang isipin nya.

"Hindi po ba't tanda yaon ng pagmamahal? Tanging magsing-irog lang ang gumagawa ng ganoon."
patuloy nya.

Kumunot uli ang kilay ko,
"Anu ba yan! Assuming naman!"
ang sumagi sa isip ko.

"Ganoon po ba? Ipagpaumanhin nyo po ang aking kapang-ahasan! He he"
natatawa talaga ako sa pag-gaya sa pananalita nya.

"Halina't baka abutin pa tayo ng dilim"
anyaya nya.

Tinahak namin ang daan pabalik, kung saan kami unang nagkita kanina. Magkasabay kaming naglalakad, at tanging kaming dalawa lang ang tao sa kalsadang tinatahak namin.

Maraming puno, parang gubat, pero malinis ang lugar, parang lang akong nasa baguio. Pero mainit dito, ramdam ko pa rin ang klima ng Pilipinas.

Sa paglalakad namin. Nilampasan kami ng isang taong nakasakay sa ibabaw ng kalabaw, isang itim na kalabaw na may hinihilang Garitela, isang makalumang gariton na malimit ko na lang makita.

"Ginoo! Ginoo!"
pagtawag ni Luis.

Lumingon ang tao at pinahinto nito ang sinasakyan nyang kalabaw.

"Maaari po ba kaming maki-angkas papuntang Sapang-bato?"
patuloy ni Luis.

Sapang-bato? Pamilyar ang lugar sa akin.

"Ginoo, maaari nga kayong maki-angkas, ngunit pagtiyagaan nyo na lamang ang aking kariton."

"Walang problema. Maraming salamat po."

Sa madaling salita nakisakay nga kami. Hindi ko pa alam kung papaano iupo ang pwet ko sa garetelang kawayan na ito. Aba sa buong talambuhay ko ngayon lang ako nasakay sa ganito.

Magkatabi kaming umupo ni Luis sa pinakadulo, tapos ginaya ko nalang sya kung paano sya sumandal sa mga sako ng palay, huwag lang sana akong mangati.

Kinabahan pa ako't muntik pang mahulog nang magsimula ng umandar ang kariton. Napalingon ako sa katabi ko. Na-shock ako nang mapansin kong nakadungaw sya sa siwang ng suot kong sleeveless blouse, sa parteng dibdib ko, medyo lumilitaw kase ang cleavage ko.

"Ehem!"
clearthroat kunwari habang hinihila ko pataas ang kwelyo ng suot ko.

Napalunok sya at ibinaling ang paningin sa kalsada. Medyo nag-blush pa sya, napahiya ata ang pilyo.

"Patawarin mo po ako Binibining Lira, bagaman ako'y mapagkumbaba, akin pong aaminin na hindi ako sanay sa inyo pong gayak. Katunayan ngayon lamang po ako nakakita ng ganyang kasuotan. Karamihan po kase ng mga kababaihan dito'y saya ang saplot s...

About the Author :

Fiction-Factory's Profile Picture

Joined: July 10, 2013 (9 years old)
Writings: 196
Male  ·  Offline
Description:
I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
Signature Text:
To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇
1  ·  24  ·  0  ·  5,992
 · 

Comments
daffodil's Profile Picture
daffodil
July 11, 2014 (8 years ago)

Teka sino ba ang pambansang bayani? Andres boni o jose rizal? Hahaha halabyoo na ff! Salamat kay luis taruc.. Nawa'y makabasa ng maiinit at kapana-panabik sa susunod na kabanata ;)

"I prefer to be crazy and happy rather than normal and bitter" -Paulo Coelho

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Daff!!! :D pumapaltos din ang peg ko! Hehe thanks for reading! Mwah tsup

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Boy_Bastos12
July 11, 2014 (8 years ago)

...ahahaha! hindi ko alam kung san ako dadalhin ng kwentong ito pero kamangha mangha ang mga linya at nagpapagulat at  napapasabik sa maaring mangyayari sa hinaharap, gayunpaman, ito'y aking aabangan...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Thanks 4 reading Boy B. :)

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jason_the_jackal's Profile Picture
jason_the_jackal
July 11, 2014 (8 years ago)

Matindi Ef. Magnet ang kabig. Next! :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Thanks Jason de wolf. :)

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
July 12, 2014 (8 years ago)

uber ka sir FF love it to the max~ sana mameet ko den si ninoy xD with Luis taruc xD~ go lng ng go sir..,

Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Thanks 4 reading beautiful Marje! ;)

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
July 13, 2014 (8 years ago)

ahaha fic fac, hindi pa nga ako nakarekober kina Bella at Edward, heto na naman... anyway, sana di na matagalan ang susunod na pahina...

"The erotic is rarely nudity. It is subtle, a feeling, a gesture, mood, a story frozen in the moment that holds you breathless waiting for the next moment. Understand this & you understand erotic."

Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

TPM, thanks 4 reading at sa komento! Medyo pahirap ng pahirap ang isang 'to! Awat muna ako! Hehe thanks ulit. :)

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa. :)

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
July 15, 2014 (8 years ago)

Umamin ka Sir FF, may kaharap kang English-Tagalog dictionary noh? Lols. Aliw much reading the high-falutin Tagalog terms. Sarap mo kurutin, talino lang kc eh!

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Sumb, hinukay ko pa libingan ng lola ko makahagilap lang ng lumang salita! Hehe ako nga nawindang sa term mo na "Pisti", at yung isa anu nga yon? "Namuyu ng halik" nga ba yon? Hehe 1hour memory lang ang ff! ;D

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
July 15, 2014 (8 years ago)

Sows hahaha, "kinuyumos," ewan ko nga din san ko dinampot yun, pero yung "pisti" that's in lieu of "potah" lols. Yung isa pinatigas at yung isa pinalambot...ang vowels. :-))

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Haha pati nga smileys sa lobby nagagamit na! =)) kitam! Hihi thanks for (skip) reading! :) o sige na nga imisyu na! :p

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
July 15, 2014 (8 years ago)

Oist d naman ako lagi skip reading, ang mean mo hehe. Imisyu daw, echoserong plankton. Dami mo naman nami-miss eh. Lols

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 15, 2014 (8 years ago)

Haha syempre madami tayong namimiss. Palibhasa ikaw si starst lang namiss mo! Hmp! Echos pa! Di aku echows! Hehe

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
July 15, 2014 (8 years ago)

Hoy hahaha intrigero to! Sige na, aymisyu naman din. (Malanding sea bug hahaha)

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
amfufu12
July 16, 2014 (8 years ago)

maganda ang pagkakagawa..ngunnit maari bang pakilinawan?? ..hindi po   binitay si Jose Rizal :)

kung hindi   binaril sa  bagumbayan :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 17, 2014 (8 years ago)

Amfufu, una gusto kong sabihing anganda ng username mo! Hehe

Thank you for skip reading. Gusto kong maniwala sa sinabi mong maganda ang pagkakagawa nito! Promise! Hihi

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
July 17, 2014 (8 years ago)

Bwahahaha! Adikkk!  Aymisyumats Plankton.

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
July 17, 2014 (8 years ago)

All I hear is raindrops falling in the rooftop, I close my eyes then I saw your pretty face, I hug my bosom to warm my shivery body thinking u were the one that holds me. I keep thinking about yu all the time...

lovelots,
Plankton.

Whakokok adik ka talaga Sumb! Missyumore!

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Like (0)  ·  Report
RONWALDO's Profile Picture
RONWALDO
December 4, 2014 (7 years ago)

Sir ung continuation po ...

I promise i will stay no matter what.....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
doming
May 11, 2017 (5 years ago)

mga estoryang hindi tinatapos... wahahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments