M
E
N
U

Nagbibinata.. Marupok. III

Posted in
Story: True Story, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: June 17, 2014 (8 years ago)


Ang nakaraan..

I kissed her.. She looked at me
for a couple of seconds, then closed her
eyes. Hindi gumagalaw yung mga labi namin,
magkadikit lang.. Hindi ko matandaan kung
gaano katagal magkadikit ang mga labi
namen, pero hindi ako pumikit. I was looking
at her the entire time, pinagmamasdan
mabuti kung gaano siya kaganda. Hindi man
maganda pakingan, pero hindi ganito yung
naramdaman ko nung una kong mahalikan si
Lea. I was about to hold her arm nung bigla
siyang tumayo. Walang reaksyon, walang
sinabi, saka lumabas ng pinto. "Naku! Naloko
na!" sa isip isip ko.
=====================================
It took a while, bago ako nakakilos. I stood up, bravely walked out the door to look for her. Andun siya, nakaupo (yung upo natin pagmay dinadampot tayo sa sahig), pinapanood at kinakausap yung mekaniko, habang may gingawa sa auto. "paano ba toh, magsosorry ba ko? Anong sasabihin ko? Pano pagsinabi niya kay Lea, masmagulo to" mga bagay na naiisip ko. Palakad na ko papalapit sa kanya nang, "Jake, mukhang kailangan niyo muna iwan yung auto para macheck natin kung saan talaga yung maingay. Delikado kasi lalo na't preno ang problema" si mang Ed. Paglingon ko kay ate Carmen, nakatinhin lang siya sa akin na parang nagtatanong.

Ako: ate Carmen pano, okay lang ba sayo na bukas na natin balikan?(patay malisya kong tanong, na parang walang nangyari kanina)
Ate Carmen: sige okay lang, wala naman din akong lakad bukas eh. (habang nakatingin sa amin ni mang Ed, at nakangiti)
Mang Ed: good! Oh paano Jake, dalhin niyo na lang yang pick-up at ipapakuha ko na.lang mamaya sa bahay niyo.
Ate Carmen: ay wag na po Mang Ed, nakakahiya naman magjijeep na lang po kami.
Mang Ed: ok lang yan iha, wag ka na mahiya at kaibigan mo naman itong bata namen dito(sabay ngising tumingin sakin). Isa pa tirik ang araw, sayang naman ang kutis mo.

Sumisimple pa yata itong si mang Ed ah.. "sige mang Ed, salamat po. Pakuha na lang po sa bahay yung sasakyan mamaya" tugon ko naman. So ganun na nga ang nangyari, ginamit na namen un pick-up pauwi. Si ate Carmen pa rin ang nagmamaneho syempre, wala pa akong lisensya nung mga panahon na yun. Walang nagsasalita, tahimik lang siya, tanging kanta lang sa radyo ang maririnig sa pagitan naming dalawa. Gusto ko magsalita, gusto ko magsorry. Kaso talagang dinadaga ako. Hindi ko din alam kung ano pa ang sasabihin ko bukod sa sorry. Nakarating kami sa kanila, walang nangyari "thanks Jake" yun lang ang narinig ko sa kanya bago bumaba ng sasakyan. Lumipat na ko sa driver seat at umuwi, nagiisip pa rin kung paano ko siya kakausapin, gusto ko magsorry, humingi ng tawad at sabihing di na mauulit. Pero parang hindi naman ako nagsisisi, parang masaya pa nga ako kasi nahalikan ko siya. "tang*na. Ano ba tong nangyayari sakin" pati ako nalalabuan na sa sarili ko. Lumipas ang maghapon, nasa kwarto lang ako. Bukas ang radyo, nakahiga sa kama, nagiisip kung tatawagan o itetext ko na ba siya. "tut tut tut toot toot tut tut tut" nagtext na siya! Napabalikwas ako sa kama, pilit inabot sa side table un phone ko. Pagbukas ng message, si Lea "Jake sinamahan mo pala si ate magpaayos ng sasakyan. Thanks ha.. Miss you Jake!". Again, hindi man maganda pakinggan, pero medyo disappointed ako ng konti, kasi hindi si ate Carmen ang nagtext saken. Nakaidlip ako, habang nagiisip. Nagising around 9pm, naligo saka bumaba para makakain "mommy anong ulam?" naabutan ko si ermats na nanonood ng tv. "kuya walang ulam, late na kasi kami nakauwi ni manang. May pasta diyan, yan na lang kainin mo" sagot ni ermats. Ayoko naman nun, nagbukas na lang ako ng ref, naghahanap ng makakain, nang bigla kong maisip.. "teka, alam ni Lea na sinamahan ko si ate Carmen kanina, pero hindi siya galit saken?!" biglang sarado ng ref, takbo paakyat sa kwarto, hinanap ang phone.

Pag damot ko "1 message received" si ate Carmen! "Jake tambay tayo, nakakainip hindi ako makagala" tang*na! 20 minutes ago pa yung text. Nagreply agad ako, baka sakaling gising pa siya. "sige ate, san tayo punta? Kailangan ba ng sasakyan? " send agad! "wag na, dito-dito na lang tayo" ang reply niya. "sige ate, 5 minutes." bumaba agad ako at nagpaalam na aalis sandali. Nilakad ko lang hanggang sa kanila (medyo tumakbo pala ko ng konti =D Excited eh). Una kong nadaanan yung bahay nila Lea, ilaw lang sa garahe nakabukas, mukhang walang tao. After three houses, nakita ko na siya, naghihintay sa may garahe, nakasandal sa pader. Naka loose white shirt, maiksing shorts(hindi pekpek shorts ha. Di pa yun uso nun) saka chinelas. Lumabas din naman siya agad ng gate ng makita ako.

Ako: san tayo ate Carmen? (tonong halatang kinakabahan)
Ate Carmen: diyan na lang tayo sa playground, tahimik diyan saka para makaupo tayo.

Nang makarating kami sa playground, dumirecho siya sa swing at saka umupo (yung swing na apatan, 2 each side na magkatapat) umupo naman ako sa tapat niya, wala pa din nagsasalita, kuliglig lang saka yung langitngit ng swing ang maririnig sa paligid. Nilakasan kona loob ko, hinga ng malalim, tumingin sa kanya "ate Carmen.." sabi ko. "wag ka magsosorry saken jake.. Uupakan kita." pagputol niya sakin tapos ngumiti. Natigilan ako, hindi ko alam kung anong sasabihin, nakatingin lang ako sa kanya. Nablangko eh, nang bigla siyang magsalita, "J...

About the Author :

Pitytoy's Profile Picture

Joined: July 14, 2013 (9 years old)
Writings: 3
Male  ·  Offline
Signature Text:
SHIT!!! HINDI KO NAHUGOT.....
2  ·  10  ·  3  ·  5,577
 · 

Comments
J
joseph2013
June 17, 2014 (8 years ago)

I know the feeling sir. Happy, uncontented a bit frustrated hehehe. Tuloy pa sir.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jazmine's Profile Picture
Jazmine
June 17, 2014 (8 years ago)

Whewww......inittt!!!...
Next update na po...hahahaha...nakakabitin... :D

"You don't get to choose if you get hurt in this world...but you do have some say in who hurts you"

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
June 17, 2014 (8 years ago)

Wag kang prepreno!wag kang prepreno,ituloy mo yang kuwento Pityboy.Wheeeee!hee!hee!hee!hee!

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
June 18, 2014 (8 years ago)

Pambihira ka pitytoy! Pati 'to be cont...' mo bitin! Dugtungan na yan! Hehe

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
antoinette's Profile Picture
antoinette
June 18, 2014 (8 years ago)

Nanggigigil na ako pitytoy! Tagal mo naman maging ganap na lalaki..

i wanna run to you... ohhhh

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
H
hunter2000
June 30, 2014 (8 years ago)

antagal ng kasunod

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Nameless
January 30, 2015 (7 years ago)

Wala,na po bang ka sunod :D

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dosean
April 18, 2016 (6 years ago)

Wala pa bang kasunod to

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments