M
E
N
U

Melissa

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags:
Date: August 19, 2014 (8 years ago)


(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

Time machine.
Something hard to believe but it's true.
I just know that one of these days, my loving husband from the future will come to visit me in my lonesome life.

It started with a kiss.
So let me start from where it all begun.
That was when I was fourteen years old.
The name is Melissa, a simple happy-go-lucky girl who has something, strange emotions.

Matagal ko ng crush si Roel, classmate ko sa pinapasukan kong school, it came to pass when I first saw him, attracted agad ako sa kagwapuhan nya. Simply irresistable. We had a chance to be together when I decided to join a certain school activity kung saan sya ang lider. So, that was the reason why I count myself in, it's all about him.

The summer of may 2008.
Bakasyon na! Akala ko magbabakasyon lang sina ate Laura dito sa amin. Nagulat nalang ako nang marinig ko mula sa Mama nya na dito na sila titira for good. Pansamantala sa bahay namin habang wala pa silang nakikitang malilipatan.

Second degree cousin ko si ate Laura. As said, they'd migrated here in Pampanga after years of living in Manila. Truthfully hindi ko alam na may kamag-anak pala kami do'n, so ngayon lang kami nagkita ni ate Laura. Mas matanda sya sa akin ng apat na taon, she's eighteen now and of course will going to pursue her schooling here for some reasons, I don't know.

Hindi maiaalis na magka-ilangan pa kami sa una. Syempre hindi kami magka-genre, from music to lifestyle. I mean, she's eighteen, i'm fourteen. We're out of each other's league.
Pero there's this one thing na naging dahilan ng pagiging close namin, none other than, "Talking-about-Boys".

Matapos maghapunan lumabas ako ng bahay, I used to pastime my leisure by sitting in a wooden bench, tambayan sa loob ng bakuran namin. Earphones on while reading FSS stories gamit ang smartphone ko. (may FSS na ba nung 2008? Hehe)

A moment pass, my cousin came with a pleasant smile. Tumabi sya sa akin. Tinanggal ko yung kaliwang earphone ko para magkarinigan kami, while the other one stays in mellow tune.

"Boyfriend mo?"
tanong nya sa akin sa pag-aakalang may ka-text ako or somethin'.

"Naku hindi ate Laura. May binabasa lang ako..."
umusog pa ako ng bahagya para makaupo sya.

"Wala pa akong boyfriend. Alam mo na bata pa."
patuloy ko.

"'di ba fourteen ka na?"

Tumango lang ako.

"Sus, nung ako nga thirteen pa lang may boyfriend na! Pwede na yan!"

"T-thirteen?! Naku Ate, iba sa maynila at iba dito sa probinsya..."
pailing-iling kong tugon.

Nagulat nalang ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"Ha ha pareho lang yan! Tsaka boyfriend lang naman, hindi ka naman mag-aasawa eh! Marunong ka naman sigurong magdala diba?"

Napangiti naman ako't kahit papano nakahanap ako ng kakampi. Lahat kasi sa bahay tutol na tutol na magpaligaw na ako, kesyo bata pa daw ako at pag-aaral muna ang atupagin ko. Nauunawaan ko naman sila ng buong-buo, taas kamay ako sakanila, ayoko lang nung one time na pumunta dito sa bahay si Roel. Bumisita lang ang tao, but the way my mom treated him was so audacious, yes indeed! Akala ata namamanhikan(engagement) na eh. Hmp!

So it turned out to be a deep conversation. Tinanggal ko na rin yung kabilang earphone ko para mas magkaintindihan kami.

"Ang totoo nyan Ate, may suitor ako sa school..."
pagpapatuloy ko sa usapan.

Bigla syang nasabik,
"Ah talaga! Sino? Gwapo ba ha?"

Napangiti ako at the same time kinilig when my Roel suddenly crossed unto my mind.
"Oo Ate Laura. Kaya lang torpe eh!"

"Ha ha Natural lang 'yon noh! Syempre bata pa, kaya siguradong mahiyain. Hindi pa sanay manligaw. Kaya dapat, tulungan mo rin syang mailabas yung nararamdaman nya."
nakangiting tugon ni Ate Laura.

Sa sarap ng usapan namin, hindi ko na napansin na nai-isantabi ko na pala ang cellphone ko, hindi ko na rin napansin ang pagtakbo ng oras.
But I can't hid to myself of what's really going on between me and Roel. I feel guilt as I presume a pity assumption as I suddenly close my eyes for awhile.

I think of him beneath my thoughts. He never really wooed me, but, fortunately, with his acts and works, made me realized that he completely wants to. And the way I see things is what I constantly believe so. I keep holding on to this kind-state of emotions, knowing that one day he would, all of a sudden, finally burst-out his heart to me.

Mula kasi nung magkakilala kami ni Roel, lagi na kaming magkasama, lalo na kamyembro ko sya sa isang student's club council. Maganda ang pakikitungo nya sa akin as if we're real friends.

Ewan ko ba kung ba't magaan ang loob ko sa kanya. Iniisip ko na sya yung Husband ko na dinalaw ako from the future. Parang bumalik sa oras ba, gamit ang isang time machine.

Tanda ko pa yung sinabi nya sa akin nung last day of classes before this summer vacation. Pauwi na kami ni Angie no'n, ang bestfriend ko since birth. Kababata ko sya, malapit lang yung bahay nila sa amin, walking distance, siguro mga anim na bahay lang ang pagitan.

Sabay sana kaming uuwi no'n kaso pinauna ko na sya kasi nakalimutan ko yung isang notebook ko sa classroom. May lecture akong kailangan do'n kaya binalikan ko.

By coincidence, no, by destiny, nakasalubong ko si Roel. Tulad ng dati nginitian nya ako.
"O, sa'n ka pupunta?"
tanong nya sa akin kasi naglalabasan na ang lahat ng estudyante pero ako papasok parin.

"Ah. Naiwan ko yung notes ko dun sa loob."
sagot ko.

"Naku bukas pa kaya yung room nyan? Tara, samahan na kita."

Syempre hindi na ako nagpakipot pa. Nagpasama na ako at talaga namang kilig na kilig ako.

"Ahm. Lissa, alam mo matagal na akong may gustong sabihin sayo kaya lang 'di ko alam kung papa'no..."
bigla syang nagsalita habang naglalakad kami.

Nakadama ako ng kaba, baka bigla syang magtapat, naku hindi pa ako ready mabigla.
"Ano 'yon?"
maiksing tanong ko.

Napabugtong-hininga sya, halatang kinakabahan,
"Ah...uhm... Tsaka na lang siguro..."

Torpe talaga! Hmp!
Tumahimik na lang ako, ayoko syang pangunahan, baka isipin pa nya easy-to-get ako.

Sarado na yung classroom nung datnan namin, nakakandado na. Hum. Hindi ko man nakuha yung notes ko, masaya pa rin ako kase muntik ng magtapat sa akin si Roel.

Hanggang ngayong bakasyon na, may komunikasyon pa rin kami ni Roel. Halos araw-araw kaming magkatext o magkausap sa cellphone. Kahit puro kumustahan lang at kung ano-anong kwento ayos na rin.

Gusto ko syang tanungin tungkol dun sa sasabihin nya kaso nahihiya ako, pero talagang torpe sya kase hindi sya naghahayag ng damdamin sa akin. Ni hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa panliligaw! Haaay...

Kinwento ko 'yon kay Ate Laura. Lahat ng nangyayari between me and my lover Roel, at nasusubaybayan ni Ate ang lovestory namin. Magaling syang mag-advice based on her own experience,
"It takes time when two lovers began to love."

I really don't know why I started fallin' for him. When and how. Maybe love has no reason at all. I just felt it.

Isang gabi nagkukwentuhan kami ni Ate Laura sa tambayan namin. Nakaupo kami at parehong nakataas ang mga paa sa upuan. Haha Tinatanong nya ako tungkol sa mga college school dito, sa'n daw ba magandang mag-enroll, sabi ko hindi ko alam, eh sa hindi ko naman talaga inaalam eh.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, dumating ang bestfriend kong si Angie, kasama ang kapatid nya, si kuya Samuel.

"Hoy Lissa! Pahiram ng notes mo! Hindi ako naglecture! Ha ha"
sigaw ni Angie sa akin mula sa mga grills ng bakod..

As always, si Angie talaga!
"Naku hindi ko nakuha eh! Naka-lock na kasi yung classroom no'n."
sinalubong ko sila at pinagbuksan ng gate.

"Ganun ba. Pambihira naman kase! Bakasyon na bakasyon eh pinapagawan pa tayo ng essay report."

Pinapasok ko silang dalawa. Nagtataka lang ako dahil hindi naman usually nagpupunta dito si Kuya Samuel pero heto sya ngayon.

"Teka ha! Kukuha lang ako ng juice, nakakahiya naman kay Kuya, baka sabihin nya ang dalang lang magawi dito wala pang mirienda! He he"

"Naku 'wag na! Itong si Kuya eh nahihiya nyan, gusto daw magpakilala sa pinsan mo."

Nagkaharap-harap kaming apat,
"Ah! Oo nga pala. Si ate Laura pinsan ko, anak sya nung pinsan ni Mama. Ahm Ate, si Angie, bestfriend ko at ang Kuya nyang si Samuel."
pagpapakilala ko sa bawat isa.

Biglang bumanat si Samuel,
"Ikaw Lissa ah! Hindi mo sinabi na may pinsan ka palang maganda!"

"Teka! Lahat naman ng pinsan ko maganda ah! Lahi ata kami ng magaganda."

Lahat sila napatingin sa akin at panandaliang natahimik, tapos nagtawanan nalang kami bigla.

Binigyan namin ni Angie ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa. Umupo si Kuya Samuel dun sa pwesto ko kanina, sa tabi ni Ate Laura. Pansin ko na masaya sila sa usapan nila, mukhang magkaka-igihan sila.

Kami naman ni Angie nakaupo sa tapat nila at walang tigil sa kulitan. Nagbubulungan at nagtatawanan, naku-curious tuloy ang dalawa.

Maya-maya;
"Lissa, patext naman oh! Nasira kasi yung phone ko eh."

Walang dalawang isip dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at inabot sakanya.
"O, anyare? Edi wala kang phone nyan?"

"Oo nga eh. Kaya mapapadalas na paggambala ko sayo nyan this week, makitext lang! He he"

"Ayos lang noh! Basta may load ako!"
tinapik ko pa balikat nya.

"Sya nga pala, last week nagpunta dito si SK Chairman. Kinuha nya ako sa Sta. Cruzan, Reyna Emperetris! Huh!"
pag-iiba ko sa usapan at pagyayabang sana, kaso;

"Ah talaga! Ako rin, kinuha nya ako bilang Reyna Helena!"
tuwang-tuwa pa sya habang nagti-text.

Bigla naman akong nalungkot. Lagi syang angat, sa talino at sa kagandahan. I really admire her as if I envy the guts.
Pero siguradong maloloka sya kapag nalaman nyang may gusto sa akin si Roel. Alam ko kasing crush nya si Roel kahit hindi pa nya sabihin sa akin.
Sorry na lang sya. Huh!

"Heto na! Thanks Sissy!"
sabay balik nya sa phone ko.

"Sino ba yung tinext mo ha?"
nacurious ako bigla kasi napaka-pleasant ng mukha nya. Ngiting hanggang tenga.

"Secrrett..."

"Aba pasecret-secret ka na ngayon ah! Lalo tuloy akong nahihiwagaan! Sino ba talaga?!"
nakakainis sya!

"Ha ha basta... Makikilala mo rin sya balang araw, pagdating ng tamang panahon!"
tugon nya at may maningning na mata.

"Aayyihh may lover na si Angie!"

"Shh... Huwag kang maingay! Baka marinig ka ni Kuya!"

Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan may kasama pala kami. Laking gulat na lang namin nang makita namin sina Kuya Samuel at Ate Laura na magkahawak-kamay.

"Ehem! Ehem! Hoy Kuya umuwi na tayo!"
pagyayaya ni Angie, nang-asar pa talaga.

Napatindig naman ang dalawa at biglang naghiwalay ang mga kamay. Ang matindi pa, si lalaki pa talaga ang namula ang mukha sa hiya. Habang si Ate Laura cool na cool lang. Palibhasa laking maynila.

Nagkatinginan pa kami ni Angie, alam kong pareho ang nasa isip namin. Ngayon lang nagkakilala ang dalawa tapos magkahawak kamay na!

"Mauna ka na Angie!"
at ayaw pa talagang umuwi ni Kuya.

"Ihh. Natatakot ako, madilim yung daan!"

Nagkibit-balikat nalang si Kuya Samuel at napahinga ng malalim. Walang nagawa kundi tumayo at magpaalam kay Ate Laura.

Hinatid lang namin ni Ate ang magkapatid sa gate atsaka na kami pumasok pareho sa loob ng bahay.

Sa sofa, sa may sala, napaupo kami ni Ate Laura. Ayoko sanang manghimasok pero hindi ko mapigil ang sarili ko na tanungin sya sa hawak-kamay nila ni Kuya.

"Uy Ate! Holding hands na agad kayo ni Kuya ah! Aayyiihh!"
dinaan ko nalang sa biro.

"Ganun talaga Lissa. Bakit pa ako magpapakipot kung type ko yung guy. Hmm..."
maningning pa rin ang mga mata nya.

"Ikaw talaga Ate ha! Ngayun lang kayo nagkita, type mo na agad?"
muli kong tanong.

"Alam mo Lissa. Kapag nakita mo ang isang tao, malalaman mo kaagad kung ano ang magiging papel nya sa buhay mo. Kaibigan ba, kaaway, kasundo o kaalitan. At sa tingin ko, kakaiba si Samuel. Nakikita ko sya bilang lalaki, lalaking magiging akin! Ha ha"
Hum. She see him as her man, as I see him as my brother-like. Oo nga naman.

Biglang nag-beep ang phone ko. A text message suddenly pop-up on its screen.
Laking gulat ko nalang nang makita ko ang Sender at ang nilalaman ng message;
"Balita ko kasali ka sa Sta. Cruzan d'yan? Pwede bang ako nalang escort mo?"

O. M. G. OMG talaga! Si Roel! Hindi ako makapaniwala! All of a sudden tinitext nya ako ng ganito? Nagpiprisinta pa na maging escort ko? Shit! Am I awake? Am I dreaming? Could somebody please pinch my cheek! Is this for real?

Sa sobrang sabik ko, nagreply kaagad ako!
"Oo. Pano mo nalaman?! Ikaw ha!"
message sent!

Habang hinihintay ko reply nya pinakita ko kay Ate ang text nya. Tuwang-tuwa kami pareho.
"Aba Lissa. Hindi sya magtitext ng ganyan kung wala syang interest sayo! Kung ako sayo 'wag ka ng magpakipot pa! Sige ka baka maunahan ka pa ng iba!"
sambit ni Ate Laura sa akin.

Naalala ko yung sinabi nya na tulungan ko daw si Roel na ilabas ang nararamdaman nito. Tama naman sya, hindi na nga siguro uso ang pakipot sa panahong ito.

Muling nag-beep ang phone ko. Sabik na sabik akong mabasa ang reply nya.
"Syempre alam ko! Ganyan talaga pag gusto mo isang tao, mag-eefort ka na alamin ang lahat sa kanya. O ano na? Payag ka bang escort ako, o may iba ka ng partner? :c"
ang cute naman!

"Wala pa 'kong escort! Syempre payag ako! Sa darating na Sta. Cruzan, ikaw Mr. Roel Montemayor ang partner ko!"
reply ko sa text nya.

"Talaga?! Yehey! Ang sarap matulog ngayong gabi! Goodnight..."
aba ambilis mag-reply.

Bigla kong naalala yung usapan namin no'n sa school nung kunin ko yung naiwan kong notebook.
"Ha ha Sya nga pala. Ano nga pala yung matagal mo ng gustong sabihin sa akin?"
ang naging reply ko.

Isi-send ko na sana pero pisti! Na-cut na yung unli ko! Wrong timing naman oh! Kung kelan masarap yung usapan namin ni Roel dun pa ako nawalan ng load!
Inis na inis ako, gusto ko mang magpaload pero siguradong sarado na ang mga tindahan! Pisti talaga!

Kinabukasan ng gabi. Heto nanaman! Nakaupo sa tambayan. Pa-chatchat sa FSS habang hinihintay ang kakwentuhan. Naghuhugas pa kasi ng pinggan si Ate Laura eh.

"Pst! Pst!"

Napatindig ako sa sipol. Akala ko sino, paglingon ko sa gate nakita ko si Kuya Samuel. Tapos sinisenyasan nya akong lumapit.
Napakunot-kilay ako sa pagtataka, kase naman nagtatago sya sa poste ng gate.

"O Kuya, ba't di ka pumasok? Pst pst ka pa d'yan!"
sabi ko paglapit ko sa kanya.

Bubuksan ko na sana yung gate pero pinigilan nya ako.
"'wag na! Pakibigay na lang 'to kay Laura."
pagkasabi nya tumakbo na sya paalis matapos iabot ang sulat sa siwang ng grills-gate.

Natameme ako sa labis na pagtataka. Inabot nya sa akin ang isang Stationary envelope, umalingasaw pa ang bango.
"Ang corny naman no'n! May pasulat-sulat pang nalalaman! Hmp!"

Sakto namang palabas na si Ate Laura.
"O Ate, tamang-tama! Heto oh, pinapabigay ni Kuya Samuel!"

Pinunasan pa nya ang magkabilang kamay sa likod ng shorts nya, galak na galak nang makita ang sobre. Matapos amuyin, yinakap pa talaga ang sobre! Shocks! Ano'ng ka-cornihan to?!

Syempre pareho naming binasa yung nilalaman ng sulat. Medyo madilim sa tambayan namin kaya umakyat kami sa kwarto at duon kami nagbasa.
Pareho pa kaming nakaupo sa ibabaw ng kama at nakatutok sa sulat;

"Hey you sexy you...
Let me touch the wetness of your Love,
Your glossy Lips that seduces my tender Heart,
I think i'm under the spell of your magical posion,
Oh how I want to smell your lusty breath,
and be boldly beside you all the time.

Yes you sexy you...
Your seductive beauty is always running inside my mind,
Oh how I want to hug you caressly tight and whisper how much I need you tonight,
Let me put my Hard Love in the depth of your slippery Heart,
and feel the sweatness of your juicy Love.

Oh you sexy you...
Just a little taste of your life and my soul will be fullfilled,
Your fullthroat smile can destroy a man's world,
And I wish your another glance will be mine,
hold on a second cause I think i'm coming,
Yeah coming out and I want to come and be part your life.

Love you sexy you...
Will you catch me if I fall in my bed for you?
Tease me please and lick my long journey,
come for me to be with me forever,
Let me come in your face and tell you...
"I SOPHISTICATEDLY LOVE YOU"."
("Hotblossom" by Lhabfloat)

Hindi ko alam pero bigla akong na-touch sa simpleng poem na ginawa ni Kuya Samuel para kay Ate. Naalala ko na naman si Roel. Sya kaya kailan nya ako maiisipang gawan ng tula? Haist!

"Naku! Ang corny naman neto!"
nagulat pa ako kay Ate.

Siryoso ba sya?
"Corny? Ang sweet nga Ate eh!"

"Ha ha bata ka pa talaga Lissa! Hindi uubra sa'kin yung ganito! Pero inpernes nag-eport sya ah!"

I could'nt believe this! A romantic man showing his deep thought about his feelings through pen and ink. That was the sweetest form of love and affection. Iilan lang kaya ang gumagawa ng ganito!

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang gabi ng Sta. Cruzan! Matapos makitext ni Angie sa'kin, tinext ko ulit si Roel para ipaalala ang nasabing event. Sabi ko alas syete magsisimula. Nagreply sya na susunduin nya ako dito sa bahay. Sabi ba naman, ang kulit ko daw samantalang isang beses ko lang sya tinanong! Hmp!

Masayang-masaya ako. Alas-sais pa lang ng gabi, suot ko na ang evening gown na binili pa namin ni Ate Laura sa SM.
Tinitignan ko ang sarili ko sa tapat ng salamin.

Naka-head bond sa bago kong rebond na buhok. Naka-tube type black evening gown ako, may glitters sa magkabilang balikat ko at nagnining-ning sa kaputian.
Naka-gwantes pa ang magkabila kong kamay, tamang-tama sa katamtamang taas ng heels ko. Parang Prinsesa.
Shit! Ang ganda ko! At ang lahat ng ito para sa mahal kong si Roel.

Six-thirty lumabas na ako ng kwarto. Nakasalubong ko si Mama sa hagdan. Syempre gandang-ganda sya sa'kin. At dahil bukas na ang fiesta, nandito na rin sina Tito't-tita, mga pinsan kong bulilit at pati na rin sina Lolo't-lola. Lahat sila pinuri ako.

Dumiretso ako sa labas. Nadatnan ko sina Kuya Samuel at Ate Laura sa may tambayan. Magkatabing nakaupo at tuwang-tuwa sa isa't-isa sa kanilang usapan.

"Naks! Ang ganda mo naman Pinsan!"
puri ni Ate nang makita nya ako tapos lumapit pa sya sa'kin.

"Thanks! Thanks!"

Nang mapalingon ako kay Kuya Samuel na naiwang nakaupo dun sa tambayan. Titig na titig sya sa akin. Wala, basta nakatingin lang sya. Parang nagulat, parang nakakita ng multo dahil sa katawan nyang tila nagyelo sa pagkamangha.

"Wala pa ba si Roel, Ate?"
pabulong kong tanong kay Ate Laura, pero ang paningin ko na kay Kuya pa rin. Baka minamanyak na ako nito sa lagkit ng tingin nya. Hehe

"Naku wala pa nga eh! Text mo kaya? O kaya tawagan mo."
tugon ni Ate.

"Kanina ko pa nga sya tinitext eh! Hindi man lang nagrereply. Hindi rin sumasagot ng tawag ko."
nag-aalala na ako.

"Wala naman sanang nangyaring masama sa kanya."
nag-alala na rin si Ate.

Pagtingin ko sa cellphone ko, six-fifty na. Ten minutes na lang magsisimula na ang parada pero wala pa rin ang partner ko.
Gusto ko nang maiyak! Gusto ko nang magwala! Kinakabahan na talaga ako!

Biglang lumabas si Mama,
"O, ba't nand'yan ka pa? Aba anong oras na ah!"

"Wala pa po kase yung escort nya Tita..."
si Ate Laura ang sumagot.

Natigilan si Mama, parang nag-iisip ng malalim,
"Mukhang hindi na darating 'yon. Ang mabuti pa, ahm, maghanap nalang tayo ng iba."

Nagkatinginan sina Mama at Ate Laura, at magkasabay na lumingon kay Kuya Samuel.
Nang mapansin sila ni Kuya Samuel,
lumingon pa siya sa kanan nya, tapos sa kaliwa, as if may ibang tao pa syang katabi.
"Ako po?!"
paniniguro niya habang tinuturo ang sarili.

Hindi ako makapaniwalang hindi ako sisiputin ni Roel. Paano nya nagawa sa'kin 'to?! Pinaasa nya lang ako, pinagmukhang tanga sa kahihintay!
Excited pa naman sana akong sorpresahin si Angie. Hmp! Sabagay, magugulat din yon kapag nakita nyang Kuya pala nya ang partner ko. Naku naman!

Mabilis na nagbihis si Kuya Samuel. Buti na lang at may naiwang American Suit si Papa. Kumusta na kaya sya sa abroad?
Mamaya ko nalang sya ibi-video call, para naman makita nya ang maganda nyang Prinsesa.

Oo maganda! Ayokong umiyak! Ayokong masira ang make-up ko. Itutuloy ko 'to kahit hindi si Roel ang escort ko.

Teka! Teka! Si kuya Samuel nga ba 'tong nakikita ko? Lumitaw ang kagwapuhan nya sa suot nyang formal suit. Buti pa si Ate Laura walang problema sa lovelife.

Hinatid kami ni Tito sa plaza gamit ang kotse nya, kung saan maguumpisa ang parada ng Sta Cruzan. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Kuya, pinapangiti ako sa humor nya.
Magkatabi kami sa likod ng kotse. Si Ate naman nasa harapan.

Sa kasagsagan ng byahe kung ano-anong kinukwento nila, bini-build up ako, cheer ba. Kaso hindi ko sila pinapansin, naririnig ko sila pero hindi ko iniintinde ang sinasabi nila. Nasa malayo kase ang isipan ko. Masama ang loob ko kay Roel. Isa nalang hiling ko ngayon, sana lang walang nangyaring masama sa taong mahal ko.

Sometimes, we hardly cannot concurred what life brings to us. Is it fate that's been mistaken, or it's just me who've been forsaken?
It's truly hard to forgive, and it takes a lifetime to forget. As far as I know, this night would be the greatest hour of my life, but I was completely wrong! Fuck!

Pagdating sa plaza, abala ang lahat. Napangiti ako at nasabik dahil masaya ang lahat sa paghahanda. Nakita ko pa yung ibang mga kaibigan ko dito, masayang binati ako. Hinahanap ko si Angie pero wala pa rin sya. Akala ko mali-late na kami, pero heto't nagpu-fall in line pa lang. Filipino time nga naman! Inaccurate!
Hindi pa kami makapagsimula dahil wala pa rin ang Reyna Helena.

"Hoy Lissa, text mo nga yung kaibigan mo! Sya nalang hinihintay eh!"
ba't ako sinisermon ng organizer na 'to!

"Ahm. Tinext ko na po. On the way na daw po sila."
sagot ko nalang.

Ilang saglit lang ng aking pag-reretouch ng make up, napatayo nalang nang makita kong pumarada ang kotse nina Angie.
Sabik ko pa naman syang salubungin pero natigilan ako nang bumaba sa kotse ang isang gwapong lalaki.

Fuck! Si Roel! Umikot sya sa kotse para pagbuksan ng pinto ang pagbaba ni Angie.
Natameme ako at hindi makagalaw. Nanginginig ang buong kalamnan ko! Naba-blanko ang isip ko, nagkandabuhol-buhol ang emosyon ko. Matutuwa ba ako o magagalit?

Fuck just where do broken hearts go? Seems I've nowhere to run, no place to hide, the hell no way to scape but to face this fuckshit pain! Bakit magkasama sila? Ano'ng ibig sabihin nito?

Nabuo ang isang ngiti sa mukha ni Angie nang makita nya ako,
"Lissa!"

Mabilis nya akong nilapitan. Kulang na lang tumakbo sya habang hawak ang magkabilang laylayan ng mahaba nyang night dress. Niyakap nya ako, habang ako, tulalang nakatayo at nakatitig kay Roel. Nanatili sya sa tabi ng kotse. Nagtataka ako kung bakit may matamis na ngiti sa kanyang mukha, gayung niloko nya ako't pinaasa lang!

"O, ba't parang malungkot ka?"
pagkalas ni Angie sa 'kin.

"Hoy Lissa!"
sigaw nya dahil hindi ako sumasagot. Inalog pa nya ang mga braso ko.

Sa sama ng loob ko nilampasan ko si Angie at binunggo ko pa ang balikat nya. Naiwan syang punong-puno ng pagtataka. Dumiretso ako kay Roel at habang naglalakad ako tumulo bigla ang luha ko sa pisngi.

Walang dalawang isip. I bring out all of my strenght in my right palm and with all my might, sinampal ko si Roel!

Pak! Napatingin sa amin ang mga tao sa paligid dahil sa matunog kong sampal.

"Ahhg! B-bakit?!"
pagkagulat nya.

Imbes na sumagot, kabilang pisngi naman ang sinampal ko!

Pak!

Sa ikalawang sampal ko, naalarma na sila. Mula sa likod ko hinawakan ni Kuya Samuel ang magkabilang braso ko.

"Lissa, ano bang nangyayari sayo?"
tanong ni Kuya.

Si Angie, mabilis na pumagitan sa amin ni Roel, and as expected, she definitely took his side.

"Okay ka lang ba Roel?"

Hindi sya pinansin ni Roel, ako, sa'kin sya nagpukol ng matalim na tingin,
"Bakit mo 'ko sinampal?"
nangagngalit nyang tanong.

Pinangunahan ako ng galit,
"Nagtatanong ka pa?! Ang kapal ng mukha mo!"

"Teka! Hindi kita maintindihan!"

Nagsilapitan na sa amin ang mga tao para maki-usyoso. Pinalibutan nila kami as if we were shooting a film.

"Nagmamaang-maangan ka pa! Bakit mo 'ko pinaasa?! Nagprisinta ka pa bilang escort ko, tapos si Angie ngayon ang partner mo?! Fuck you! Go to hell!"
nanginginig ako sa galit.

"Hoy Lissa! Dahan-dahan ka sa pananalita mo! Kay Angie lang ako nagprisintang mag-escort--Hah! Teka..."
bigla syang natahimik na parang nag-iisip ng malalim.

"So bakit mo 'ko tinext?!"
tanung ko.

"Teka! Naalala ko na! Sorry Lissa, hindi ko alam na ikaw pala katext ko no'n, ang buong akala ko si Angie, kase naman sabi nya nasira yung phone nya, kaya yung phone mo muna ang gagamitin nya. Sa tingin ko hindi lang tayo nagka-intindihan. Nagkamali ako. Sorry talaga."
paliwanag ni Roel.

Fuck! Bakit ako naipit sa ganitong klase ng misunderstanding? Unti-unting nabubuo sa isip ko ang mga pangyayari. Si Roel pala ang katext ni Angie sa twing makikitext sya sa 'kin! At ang mga text nyang inakala kong akin, para pala lahat kay Angie! Oh my! What shall I do? Bakit ako nag-assume, pero hindi ko naman alam na--teka! so ibig palang sabihin, si Angie ang talagang gusto ni Roel.

With all those moments that we have, ang buong akala ko talaga ako ang gusto nya! But I was wrong. I mistook his warm-hearted attention thinking that it was really me whom he love. So it was'nt me at all but was my bestfriend Angie.

Nagwala ako. Gumawa ako ng isang malaking eksena. Kung ano-anong masasamang salita ang pinag-sasabi ko kay Roel para lang mapagtakpan ang kahihiyang nadarama 'ko.

Nagsisisigaw ako sa iyak, at talagang hindi nila ako maawat. Nagkagulo ang Sta. Cruzan nang dahil sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon. Nawala nalang ako bigla sa sarili ko, kulang nalang mabaliw na ako!

At ang huling nangyari nung gabing 'yon talagang hinding-hindi ko inaasahan, at hinding-hindi ko malilimutan dahil 'yon ang...

About the Author :

Fiction-Factory's Profile Picture

Joined: July 10, 2013 (9 years old)
Writings: 196
Male  ·  Offline
Description:
I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
Signature Text:
To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇
1  ·  7  ·  0  ·  10,174
 · 

Comments
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
August 20, 2014 (8 years ago)

Wahhh series pala to? Kainis ka Sir FF, sundan mo na to agad!

"Go find someone else to feed your ego. I'm busy."

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
August 20, 2014 (8 years ago)

Sumb, sa mother side ng family mo, anu tawag sa asawa ng kapatid mong babae? Hipag ba?

Captcha. pitied, galing mo talaga admin! Pwew!

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
August 20, 2014 (8 years ago)

Bayaw. Kahit naman sa father side d ba? Hehe, feeling ko yang tanong mo na yan may ibang kahulugan. :-D

"Go find someone else to feed your ego. I'm busy."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
inang.grasya's Profile Picture
inang.grasya
August 20, 2014 (8 years ago)

Kapag babae, hipag. Bayaw pag lalaki.

Amazona kung tagurian pero malambing naman.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BlueSky's Profile Picture
BlueSky
January 30, 2016 (6 years ago)

ang ganda ng story nato ahh buti,, sana may karugtong pa

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
alexjking's Profile Picture
alexjking
July 11, 2016 (6 years ago)

nabitin ako putek😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
Juncureg
July 28, 2018 (4 years ago)

Sir pasundan nman oh bitin eh plsssss.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments