M
E
N
U

I Think I'm In Love

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: First Time, Romance · Tags: , ,
Date: August 11, 2014 (8 years ago)


"True love waits. No matter how long it takes, It's always worth the wait"






_________________________________________________________________________



Chapter 1


Matabungkay, Batangas

Napakaganda ng repleksiyon ng ginintuang kalangitan sa dagat habang ang mga alon nito ay banayad na humahalik sa puting buhanginan. Ang gintong kulay ng paglubog ng araw sa kalangitan ay sinasalubong ng kulay asul at abong mga ulap mula sa itaas nito. Ang preskong simoy ng hangin naman ng dagat ay dama ng taong naroon. Ang pag-ihip niyon ay mistulang isang romantikong tugtugin sa mga sanga ng punong niyog habang sila'y marahang dinadala ng ritmo nito.

Kaysarap ding pakinggan ng tunog na likha ng mga alon sa dalampasigan, tila himig ito ni Inang dagat, habang ipinaghehele niya ang mga balsang nasa kanyang mapag-arugang mga bisig.

Dalawang anino ng babae ang magkatabing nakaupo sa isang balsang malapit sa dalampasigan. Ang mga binti nila ay nakatampisaw sa tubig at pinakikiramdaman ang mga daloy ng alon niyon.

"It's been four years already Andrea, matagal nang patay si Brent. Yet, hinihintay mo pa rin ang isang taong hindi na kailanman babalik..." sabi ng isang babae.

Sumagot ang babaeng kausap niya. Nakatingin ito sa horizon ng dagat. " Iba kasi ang nararamdaman ko Claire eh. Nung isang gabi, napaginipan ko na naman siya. Alam kong buhay siya. Basta, iyon ang nararamdaman ko."

"Eh kung buhay siya, bakit hindi na siya bumalik? Tsaka di'ba confirmed naman na ng mga authorities na yung identity ng charred victim sa kotse e kay Brent nga?
sabi ni Claire.

"Yung mga ID's nya Oo! Pero hindi naman talaga na identify yung body di ba?" sagot ni Andrea.

"Paano naman maa-identify pa yun e halos abo na lang nga di ba?" sabi naman ni Claire.

"Yun nga eh. Hindi nila sure kung si Brent nga talaga yun. Tsaka hindi ko talaga matanggap na freak accident yung nangyari sa kanya." sagot ni Andrea.

"Hay naku Andrea, four years ng closed ang kaso ni Brent. Freak accident yung nangyari." sabi ni Claire.

Hindi kumibo si Andrea.

Nagsalitang muli si Claire, "Isipin mo ah, hindi ka din pumunta nung isaboy ng parents ng fiancee mo yung ashes nya. Ikaw lang ang wala dun at nagtatampo sa'yo ang in-laws mong hilaw."

"Basta, Claire...Ramdam kong buhay si Brent"
sabi ni Andrea.

Nagsalita ulit si Andrea, "Claire, tutal Sunday naman bukas, sama ka sa'kin sa Talisay."


"Wag na. Mukhang alam ko yan eh. Iko-commemorate mo yung fourth year death anniversary ni Brent di ba? Na-bored lang ako last year na sinama mo ko eh." sabi ni Claire.


"Grabe ka naman. Special kasi yung place na yun saming dalawa eh."
sagot ni Andrea.

Tinapik ni Claire ang kaibigan sa balikat, "Uy ito naman, joke lang yun ha. Alam ko naman yun eh. Kaya lang may date kasi kami ni Ben ko bukas eh hihihi"

Ngumiti naman si Andrea, "I'm happy for you Claire. Mabait si Ben. I'm sure mahal na mahal ka nun"

Biglang nagseryoso si Claire, "Andi, kamusta na nga pala kayo ni Luke? Yung dating bestfriend ni Brent?"

"Alam naman ni Luke na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. si Brent lang talaga ang mahal ko eh."
sagot naman ni Andrea

"Pero ano tong nababalitaan ko na hanggang ngayon eh nililigawan ka pa rin ni Luke. Why not try giving him a chance? Mukhang serious naman siya sa'yo Andrea."
sabi ni Claire.

"Oo, sabi niya hindi daw siya titigil sa panliligaw sa'kin. Malayong-malayo siya sa ugali ni Brent. Nagtataka nga ako kung bakit naging bestfriend ni Brent si Luke eh. Besides, obvious naman na nanliligaw lang yun dahil sa negosyo. Yung hotel business naman ng family ko dito sa Batangas ang habol nya eh. Pamilya din kasi ng mga businessman si Luke. Yung parents naming dalawa ang magkasosyo sa ilang mga hotels sa Talisay di ba?"
sabi ni Andrea.

"Sabagay kasi nakapangalan sa'yo yung isang business nyo di ba? Maiba nga tayo, napansin ko lang, ikaw lang ata ang nalihis ng negosyo ng pamilya Luna ah. Sila panay hotels and resort ang business, ikaw naman eh events ang hawak mo." sagot ni Claire.

"Masaya kasi ako sa events eh." sagot ni Andrea.

"Ang sabihin mo Andi, masaya ka sa events kasi dun mo naaalala si Brent hihihi." sabi naman ni Claire.

Ngumiti lang si Claire sa sinabi ng kaibigan.

Muling nagsalita si Claire, "Andi, naniniwala ka ba talagang buhay pa si Brent hanggang ngayon?"

"Yun ang nararamdaman ko eh. Sinasabi ng puso ko na buhay pa siya." sagot ni Andrea.

"Kung yun talaga ang paniniwala mo, ipaglaban mo Andi." tugon naman ni Claire.

"Malay mo naman, sa next concert event mo, nandun sya at isayaw ka nya ulit"
sabi ni Claire.

Hindi ulit kumibo si Andrea.

Nagsalita ulit si Claire,"Alam mo friendship, sana nga magkatotoo yung mga sinasabi mo tungkol kay Brent."

Ngumiti naman si Andrea,"Sana nga magdilang anghel ka din na isayaw ako ulit ni Brent." sabi ni Andrea.

"I can still remember that. Nagsayaw pa nga kayo ni Brent sa gitna ng audience habang nagco-concert ang freestyle di ba?" sabi ni Claire.

"Oo, and that was one of the happiest moment in my life, Claire." sambit ni Andrea.

Kinilig naman si Claire sinabi ng kaibigan. Kumanta ito," I Think i'm in love...i think i'm in love..with you... "

Namugto agad ang mata ni Andrea habang inaalala ang nangyaring iyon sa kanila ni Brent.
Bumalik sa kanya ang mga masasayang alaala sa piling ng fiance.

Naalala na naman nya ang lahat ng iyon sa isang iglap...

Nanonood sila ni Claire ng concert ng freestyle. Nang kinanta ni Jinky Vidal ang song na I Think I'm in love, may isang lalaking lumapit sa kanya, si Brent.

Hindi gaanong ka-guwapuhan si Brent subalit parang na spellbound si Andrea. Hindi niya maipaliwanag subalit iba siya sa mga lalaking nakilala at nakita niya. Ang tindig nito habang naglalakad palapit sa kanya...ang paraan ng pagbukas ng tiklop nitong palad upang hingin ang kanyang kamay... ang kislap sa mga mata nito...ang kakaibang ngiti nito...ang mga mapuputing ngipin nito na medyo kumakagat sa kanyang labi habang ngumingiti... ang cute nitong mga mata habang nakangiti, naramdaman na lang ni Andrea na nagsasayaw na silang dalawa.

Hawak ni Brent ang isa niyang kamay, ang isang kamay nito ay nasa kaniyang tagiliran. Ramdam ni Andrea ang init ng mga palad nito, at ang matatag na balikat nito. Nagustuhan din ni Andrea ang amoy ng pabango nito sa dibdib nitong nakatapat sa mukha niya.

Magkatinginan silang sumasayaw. Sa mga oras na iyon ay tila pareho nilang ramdam sa kasayaw ang mensaheng nilalaman ng kanta. Hindi nila namalayan ang camera at spotlight na nag-focus sa kanilang dalawa habang nagsasayaw sa audience, malakas na hiyawan mula sa mga audience ang nakawala ng atensiyon nila sa isa't-isa. Napansin na lang nilang dalawa na napapanood na pala sila sa malaking screen sa may stage habang naroon at kinikilig din sa kanila ang magandang singer na si Jinky Vidal habang kumakanta.

Sa isang iglap, naramdaman na lang ni Andrea na parang nahulog agad ang puso niya kay Brent. Matapos ang araw na iyon ay lagi na silang magkasama ni Brent. Isang buwan simula nang magkakilala sila sa concert na iyon ay sinagot niya ng matamis na Oo ang lalaki.

Iyon ang simula ng matamis na pagmamahalan nila ni Brent. Walang araw na hindi sila masayang dalawa. Malambing at maalalahanin na boyfriend si Brent. Mahal na mahal ni Andrea si Brent. Si Brent lang ang tanging naging boyfriend nya at siya din ang tanging naging girlfriend ni Brent.

Nang sumapit sa isang taon ang kanilang relasyon, nagpunta silang dalawa sa isang resort sa Talisay, Batangas...ang The Garden Resort. Habang kumakain sila sa isang resto sa loob ng resort, inilabas ng isang babaeng service crew ang cake na inorder ni Brent para sa kanilang dessert. Nabasa ni Andrea ang nakasulat sa cake, "Andi, Will You Marry Me?" at sa tabi nito ang isang engagement ring. Kinuha ni Brent ang singsing at lumuhod ito sa harapan ni Andrea. Hinawakan niya ang isang kamay ng nobya at sa kabilang kamay naman niya ang hawak niyang engagement ring. Nagsalita si Brent:

"Andi, the first time i looked in your eyes i saw Love. They say Love only happens in fairy tales, but when i first saw you...my heart skipped a beat and I've loved you eversince. Andi...Will you be my wife?"

Tumulo ang luha sa mata ni Andrea, ngumiti ito at nagsalita, "Brent, I fell in love with you the first time i saw you. I'm afraid to lose you when i first saw you...You are my life...my hapiness. The answer is Yes!

Sobrang sayang tumulo din ang luha sa mata ni Brent sa narinig. Isinuot niya ang singsing sa kamay ng nobya. Tumayo silang dalawa. Niyakap siya ni Brent, hinalikan siya nito sa kanyang labi. Halos himatayin ang babaeng service crew sa sobrang kilig sa kanilang dalawa, maging ang manager ng resto na nasa counter.

Isinet nilang dalawa ang kanilang kasal sa loob ng anim na buwan. Sa The Garden Resortdin nakatakdang idaos ang magiging kasalan nila. Isang garden wedding.

Handa-handa na silang dalawa para sa darating na kasal. Kumuha din sila ng magaling na wedding planner. Excited na si Andrea Cristine Luna o Andi na maging wife ni Brent Tiozon na isang bagong graduate sa kurso nitong aviation. Kinuha agad ito ng isang sikat na airline company ng bansa.

Isang masayang pagsasama ang naghihintay kay Andrea sa piling ng mahal niyang si Brent. Subalit, hindi na matuutloy iyon, wala ng kasalang magaganap.

Tumulo ang luha ni Andrea nang sumagi sa isip niya ang huling araw na nakausap niya si Brent isang buwan bago ang kasal nila.

Excited pa si Brent na tumawag sa kanya at sinabing pupunta siya sa The Garden Resort upang personal na dalhin ang naka-flash drive na files ng mga picture nilang dalawa para sa projector.

Iyon na pala ang huli nilang pag-uusap. Tinawagan siya ng mga magulang ni Brent at pinapunta siya sa resort. Sa bungad pa lang ay napansin na niya ang napakaraming tao na humaharang sa daraanan ng kaniyang dalang sasakyan. Halos mapuno ng mga usyosero ang lugar, nakita din nya ang malaking trak ng bumbero at isang ambulansyang nakaparada sa lugar na iyon. May ilang pulis din na naroon para sa crowd control.

Nakita niya mula sa kotse ang manager ng resort, kausap ang umiiyak na magulang ni Brent. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Andrea. Sinalubong siya ng nanay ni Brent at humahagulgol ito at basang-basa ng luha ang damit nito. Ang ama naman ni Brent ay naka-shades at kausap ang ilang pulis at ang manager ng resort, halata din ang mga luha nito sa pisngi at sa damit. May mga mantsa din ng abo ang damit nito na siya niyang ipinagtaka.

"Andi huhuhuhuhu! Andi!" Hagulgol ng nanay ni Brent habang nanginginig itong yumakap sa kanya.

Umiiyak na rin si Andrea, "Ma? Anong nangyari? Si Brent? Nasan si Brent Ma?"

Lalong humagulgol sa pag-iyak ang nanay ni Brent.

"Andi, huhuhuhu! Tinawagan kami ng manager ng resort. Wala na si Brent Huhuhuhuhu!" iyak nito.

"P-Po? P-paanong...b-bakit?" Hindi na naituloy ni Andrea ang sasabihin. Nakita niya ang kinaroroonan ng sasakyan ni Brent, tupok na tupok ito sa pagkakasunog, nakasalampak sa lugar ng driver seat ang isang sunog na katawan nito.

Hinimatay si Andrea. Nahimasmasan na siya sa loob ng isang umaandar na ambulansiya. Naroon na rin ang magulang niya. Umiiyak ang nanay niyang yumakap sa kaniya. Kasunod naman ng ambulansiya ang isang van ng medico legal na naglalaman ng sunog na bangkay ni Brent.

Nawalan na ng ganang mabuhay si Andrea dahil sa nagyari. Hindi na siya makausap. Hindi din siya kumakain. Nakatulala na lamang ito at minsan ay bigla na lang hahagulgol ng malakas at tinatawag ang pangalan ni Brent. Itinakbo siya ng kaniyang magulang sa ospital dahil dito. Dinala siya sa isang private room ng ospital at doon ay nag-undergo siya ng theraphy sa mga psychologist. Lahat ng espesyalista na tumingin sa kanya ay napapailing na lang sa resulta ng theraphy sa kanya. Halos mawalan na ng pag-asa ang mga magulang niya. Mahal na mahal nila ang anak na si Andrea, masakit din sa kanila ang pagkamatay ni Brent. Napakabait kasi nito at alam nilang mahal na mahal nito ang kanilang anak.

Eksaktong araw sana ng magiging kasal nila ni Brent, kahit nanghihina sa hinihigaan, nagawa pa rin na agawin ni Andrea sa attending nurse nya ang mga dala nitong iba't-ibang mga mga tableta at mabilis na nilulon ang mga ito upang magpakamatay habang pinipigilan siya ng kaniyang mga magulang. Ibinuhos na palang lahat ni Andrea ang natitira ny...

About the Author :

D

DJGSC

Joined: August 9, 2014 (8 years old)
Writings: 1
Male  ·  Offline
1  ·  12  ·  2  ·  3,263
 · 

Comments
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
August 11, 2014 (8 years ago)

First thing I noticed: Ang Ganda ng Layout!

Di ko pa nabasa pero gusto lang kita pasalamatan, author for posting your first story.

Sana more to come pa :)

Welcum to FSS!

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
DJGSC
August 12, 2014 (8 years ago)

Thank you. Honestly, medyo na-dissapoint lang ako when i noticed na hindi ata gaano ka-popular ang word na "love" dito sa site. I'm just basing my observation sa number of views. Apparently, the popular ones are stories and titles that implies lust, as this is fss naman kasi.
That's my opinion lang po wag nyo sanang masamain.

Pero salamat sa'yo at kay Daffodil, i'm sure na isa kayo sa mga klase ng readers na hindi lang libog ang habol sa kwento, Hindi yung tipong magparaos lang sa storya okey na.

I believe may pagka-libog factor pa rin naman ang story na ito. An intimate and perverse moment that will be shared by two persons that love each other, hindi yung lust na tipong sisira ng pamilya, o may masasaktan o masasagasaan. A lust based on true love.

Cheers!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
August 12, 2014 (8 years ago)

Dave, expected na yan na konti lang ang number of views kapag walang sex scenes.  After all nasa Sex Story kasi sya nakapost so most of the readers would expect na maiinit na love/sex scenes ang mababasa nila, lalo na ang mga lalaki.  Pero don't worry, just continue writing.  There will always be readers for stories like yours, at dalawa na kami ni daff jan :)

And I love your story, by the way, especially your choice of cars.  Pwede bang isama ang AudiR8 and Lamborghini Reventon Roadster sa next na mga chapters? ;)

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
daffodil's Profile Picture
daffodil
August 12, 2014 (8 years ago)

Nice story sir. Parang babae ang nagsulat, may hart hart pa..:D thumbs up!
Isang tanong lang otor. Bakit mo hinayaang masira ang Gtr?! Sayang. Ugh!

"I prefer to be crazy and happy rather than normal and bitter" -Paulo Coelho

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
DJGSC
August 12, 2014 (8 years ago)

Thanks. About dun sa Gtr, tingin ko mas importante ke Andrea na mahabol si Brent, kung siya nga talaga yun. Sabagay ganun din naman gagawin ko kung sakali, ang kotse napapalitan, ang taong pinakamamahal hindi :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Fiction-Factory's Profile Picture
Fiction-Factory
August 12, 2014 (8 years ago)

To be honest Sir, medyo nagsawa ako sa kakabasa ng pangalan ni Andrea, claire at brent. Hehe

pero mukhang maganda ang plot, di ko pa sya gets sa ngayon kaya aabangan ko to.

Cheers!

To be honest, i'm a liar. ♥♞♬♂⚄☜†∇

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
August 12, 2014 (8 years ago)

Nabasa ko na kagabi, skip read as I found it a little too long for my tired eyes. But I got excited how things would unfold, kung may twist ba other than what's already playing in my mind.

Hope you won't get disappointed and just continue. Trust us you'll be surprised with the following you may soon gain. Lalo na ang kailangan ng FSS ay mga writers and their original stories. Cheers!

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
August 12, 2014 (8 years ago)

Just write because you want to show your talent or express yourself. Wag agad panghinaan ng loob. Nasa likod mo kami bilang writer.

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
bhabes
Status: Suspended

August 12, 2014 (8 years ago)

Refreshing story. I'll be waiting for the next chapter. Keep it up!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
pilyangpasaway's Profile Picture
pilyangpasaway
August 12, 2014 (8 years ago)

very nice romantic love story... waiting for the next chapter sir :)

You never know how Strong you are until being strong is the only choice you have.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
finn_08
September 1, 2014 (8 years ago)

Nice Story :)
And Matabungkay, Batangas -- Maganda dun! haha Nakakamiss din pumunta sa Matabungkay... Balik nga ako dun sa summer xD

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
foodporn
January 26, 2015 (7 years ago)

Wla pa pong next? Hehe ang ganda kc parang nag babasa lang ako ng pocket book na mga lovestory sana may next na :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Latest Writings
Recent Comments