M
E
N
U

Huling Regalo - Part 2

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Supernatural, Romance · Tags: , ,
Date: September 21, 2014 (8 years ago)


"Alan, bakit ngayon ka lang?" Halos mapalundag ako sa biglang pagsulpot ni Eddie. "Happy birthday muna, tol."

"Langya ka Eddie ginulat mo naman ako." Nerbiyos kong sabi. "Salamat 'tol kaso naligaw ako eh."

Inaaninag kong pilit ang mukha niya dahil madilim sa kabahayan. Palinga-linga rin ako sa kabuuan ng bahay at napansin ni Eddie na medyo asiwa ako.

"Relax lang 'tol. Samahan mo akong bitbitin ang mga 'to at dun tayo uminom sa kuwarto. Nandun 'yung dalawa." Sabi nya.

Tumataas ang balahibo ko na di ko maintindihan. Ang dilim nga kasi at nakakabingi ang katahimikan. Basta weird ang pakiramdam ko ng gabi na 'yon.

"Halika na 'tol." Pagyaya niya sakin.

Doon medyo nanumbalik ang kasabikan ko at palihim na napangiti dahil sa regalo na matatanggap ko. First ko kung sakali kaya para akong sinisilihan sa puwet.

Binitbit ko na nga ang mga nasa table habang nauna ng pumasok si Eddie sa kuwarto. Amoy lumang kahoy ang bahay. Mukhang matibay naman.

"Hindi kasi natitirhan."

Pagkapasok ko sa kuwarto ay bumungad sa akin ang dalawang babae na nakaupo. May background music pa na naka-set up. Mga favorite love songs ni Eddie ang tugtog. Maaasahan talaga ang best friend ko kahit kelan.

"Happy birthday." Bati sakin ni Angie na GF ni Eddie.

"Thanks Angie. Sorry at medyo late ako." Tugon ko.

"Alan, si Katie nga pala. Katie, si Alan ang bestfriend ko." Pakilala ni Eddie. "Upo na 'tol at inom na."

"Happy birthday Alan." Sabi ni Katie.

"Thanks."

Umaliwalas ang mukha ko pagkakita ko kay Katie. Tinabihan ko ito. Hindi nakalampas sa akin na pagmasdan siya sa kinauupuan. Nakashorts at hapit na shirt silang pareho. Kagaya rin siya ni Angie na sexy at maganda. Para silang kambal na balingkinitan at medyo singkit.

"Katie, mabait yang kaibigan ko at maasahan. Siya 'yung sinasabi ko sayo na kababata ko." Seryosong sabi ni Eddie.

"Tol, naibenta mo na pala ako." Biro ko.

Binigyan ko ng thumbs up si Eddie dahil jackpot ako sa kasama ni Angie. Pero kung tutuusin naman ay di rin siya agrabyado sakin dahil kahit papaano ay may hitsura at porma rin ako bukod sa matangkad at ayos naman ang built.

Tumango lang si Eddie sa akin na ibig sabihin ay ako na ang bahala kay Katie. Sa tinginan lang ay nagkakaintindihan na kami.

"Kumusta Katie," panimula ko.

Ilang tagay pa at kwentuhan ay medyo tipsy na ako. Natulala ako ng makita ko yung dalawa na naghahalikan na. Medyo nailang ako ng bahagya pero tuloy lang kami ni Katie sa pag-uusap.

Sa tuwing titignan ko siya ay di ko maiwasang di tigasan. Makinis ang mga hita at mukhang malusog ang mga dibdib. Mahaba ang buhok, maamo ang mukha ngunit medyo matipid kung ngumiti.

Birthday ko nga pero bakit parang pur...

About the Author :

Bebeko's Profile Picture

Joined: November 22, 2012 (9 years old)
Writings: 87
Male  ·  Offline
Description:
Reasoning and critical thinking are necessary for progress. Get curious. Ask questions. Doubt if you must.

Continue to find the truth until you find the answer. It will set you free. It will make you happy.
Signature Text:
"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman
3  ·  11  ·  1  ·  9,636
 · 

Comments
M
Mr.M
September 21, 2014 (8 years ago)

Si Senyur naman eh...nang tatakam sa amin kung paano ba siya nabinyagan ni Ninang Katie niya noong kabataan niya.

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
September 21, 2014 (8 years ago)

Panyero, abangan mo ang kasunod at baka mabuksan na ang regalo.

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
User Not Found
September 21, 2014 (8 years ago)

eeeee... eerie... something is not right here, haha... next na uli...

“I'm a fool to become a writer. My only compensation is absolute freedom. I've no master except my own soul, and that, I'm sure, is why I do it.” (R. Dahl)

Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
September 21, 2014 (8 years ago)

Thanks Mauve for reading.

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
HONEY_7's Profile Picture
HONEY_7
September 21, 2014 (8 years ago)

Naiintriga ako sa flow ng story. Horror ba ito? Haha
Next na please.. (wink)

If you do not know where you are going, you will probably end up somewhere else.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
September 21, 2014 (8 years ago)

Thanks honey

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
September 21, 2014 (8 years ago)

Aruuu, kahusay naman talaga mambitin. :-D  Pero naniniwala ako sa ganyan, yung gut feel. Hirap hulaan kung anong meron dito sa mga characters mo at ayoko istress ang utak ko ngayon sa pag-iisip kaya tiis-tiis na lang at abang-abang sa next installment ang peg. :-D

"Go find someone else to feed your ego. I'm busy."

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
September 21, 2014 (8 years ago)

The next part is coming.

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
inang.grasya's Profile Picture
inang.grasya
September 21, 2014 (8 years ago)

Hmmmm....

Amazona kung tagurian pero malambing naman.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Gobil's Profile Picture
Gobil
September 22, 2014 (8 years ago)

Galingan mo para hindi nakakahiya kay Katie...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
heater's Profile Picture
heater
September 24, 2014 (8 years ago)

yan , yang inggit na yan talaga walang buting idinulot lol

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments