M
E
N
U

Dumating ang araw ng pagbalik ni misis sa Dubai. Madaling araw pa lang ay nasa airport na kami para sa 7:00 am flight niya. At tulad ng dati, katakut takot na bilin at paalala ang binigay ko hanggang sa nakasakay na siya sa eroplano. Dahil may pasok ang mga bata, hindi ko na sila isinama sa paghatid sa kanilang nanay. Alas 10:00 na nang makauwi ako sa bahay.

Isang oras muna akong nagpahinga bago ako naglinis ng mga naiwang gamit ni Millet para sa mga bata: laptop para sa panganay ko, damit at laruan na binili sa mall para sa bunso ko, at kung anu-ano pa. Nang iniligpit ko na ang mga damit ay sinipat ko naman ang laptop na binigay na ni misis sa panganay ko. Nang binuksan ko ito ay napansin kong naiwan niyang bukas ang facebook account niya. Alam ko ang facebook account niya pero itong nakaopen ay hindi naka-add sa akin. Isasarado ko na lang sana ito kung hindi ko lang napansin ang isang picture na pinost ni Mr. Lul sa fb ni misis.

"Having a good time." ang caption nito sa ilalim at ang nasa litrato ay si Mr. Lul na naka-bikini brief, yakap yakap si misis na naka-two piece naman at nakatayo sa gilid ng pool. Bahay siguro ni Mr. Lul ang nasa background. Malaking lalaki nga si Mr. Lul, hanggang ilalim lang ng kilikili ang abot ni misis. Lalong lumakas ang hinala ko nang in-open ko pa ang ilang litrato nila na astang mag-asawa ang dalawa dahil kung hindi sila magkayakap ay may litrato silang nakikipag-lips to lips pa ang dalawa nang sinipat ko pa nang husto ang laman.

"Lovebirds."

"When is the wedding?"

"Congratulations Sir Grote. Now you can move on…"

"I'm happy for you Grote…"

Ilan lang iyon sa mga comments na nabasa ko sa mga litratong pinost ni Mr. Lul.

"Bakit Millet…bakit?" Tiim-bagang kong tanong sa kanya habang tinitingnan pa ang ilan pang naka-post sa wall niya hanggang sa may nakita ako sa notes niya na may pamagat na "diary" kaya sinimulan ko na itong basahin.



July ___, 20___

Salamat at natanggap na akong housemaid dito sa Dubai. Isang Dutchman ang amo ko, si Mr. Grote Lul. Bagamat ang assistant niya ang tumatayong "boss" namin dahil siya ang contact ng agency namin, si Mr. Lul ang amo ko sa bahay. Biyudo na si Mr. Lul sa edad na 65. Minsang naging diborsyado, walang anak. Nagtatrabaho siya bilang isang executive sa isang international bank na may satellite branch dito sa Dubai kaya madalas siyang wala sa bahay.


Napakaswerte ko dahil mabait siyang amo. Palagi siyang nagpapaalala kung ano ang gagawin ko sa bahay. Bagamat may pagkakataong nagagalit siya ay saglit lang iyon dahil dala lang daw iyon ng stress sa trabaho. Pero pagkatapos naman non ay humihingi agad naman siya ng sorry. Kadalasan ay may ibinibigay sa aking mga bagong damit, alahas, sapatos. Pilit ko mang tanggihan ang mga ito ay nagtatampo siya kaya alumpihit ko na lang itong tinatanggap.

Isang araw ay nagkaroon ng party sa bahay nila. Bagamat may caterer siyang kinuha ay hindi na ako kikilos sa bahay. Kaya tumulong na ako kung ano ang maitutulong ko sa party nila. Naghain ako ng mga pagkain. Nagre-refill ako ng mga inumin. Yung mga maliliit na bagay ay ako na ang gumawa.

"Millet you should not do that anymore, someone will take care of it," sabi ni Grote nang makita niya akong naghahakot ng mga plato papunta sa kusina.

...

About the Author :

phil_gabriel73's Profile Picture

Joined: July 7, 2013 (9 years old)
Writings: 245
Male  ·  Offline
Description:
an introvert, chronic smoker, 80s man exploring the dark recesses of my mind and materializing those abstracts through the push of a pen or keyboard.
Signature Text:
Talk the talk, walk the walk. Talky walky, walky talky. :) / There is order in chaos...I think.
3  ·  11  ·  2  ·  15,567
 · 

Comments
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
July 19, 2014 (8 years ago)

Sabi na nga ba!

Next ;)

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
July 19, 2014 (8 years ago)

Namannn! Ang ikli huh!

I'M A NICE PERSON. JUST DON'T PRESS THE BITCH BUTTON.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
moraxella's Profile Picture
moraxella
July 19, 2014 (8 years ago)

Bitin!

uhaw sa hamog

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
inang.grasya's Profile Picture
inang.grasya
July 19, 2014 (8 years ago)

Phillllllllll.... Post muna ang susunod na kabanata. Bitin ang mga tanders.

Galing mong mambitin ha. Naninipa ako pag nabitin. Lol

Amazona kung tagurian pero malambing naman.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
phil_gabriel73's Profile Picture
phil_gabriel73
July 20, 2014 (8 years ago)

huwag lang dun ha...ouch!

Talk the talk, walk the walk. Talky walky, walky talky. :) / There is order in chaos...I think.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
pilyangpasaway's Profile Picture
pilyangpasaway
July 19, 2014 (8 years ago)

ayun naman pala... di pala homesex ang dahilan, ay homesick pala.... naBIGhani sa katawan, continue sir Phil :D

You never know how Strong you are until being strong is the only choice you have.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
antoinette's Profile Picture
antoinette
July 19, 2014 (8 years ago)

matinding concentration ang ginawa ko para basahin ang akda mo... ang gawing... very detailed at sarap basahin. of course na excite din kung ano na.. Next please

i wanna run to you... ohhhh

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Bebeko's Profile Picture
Bebeko
July 19, 2014 (8 years ago)

Lagot ka Phil. Di mo ba napansin na puro bebot ang nagcomment at puro bitin! Bwahahahaha

"You learn nothing from life if you think you're right all the time." - Prof. Richard Feynman

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mr.M
July 19, 2014 (8 years ago)

Senyur,kainget 'no?Relax ladies,I bet PG is concocting a better chapter in this story.Bilisan mo na,at yung female reading fans mo e kumakalam ang interest nga.

Minsan na namatay pero muli nabuhay

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
phil_gabriel73's Profile Picture
phil_gabriel73
July 19, 2014 (8 years ago)

moving on ladies and gents... :)

Talk the talk, walk the walk. Talky walky, walky talky. :) / There is order in chaos...I think.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jazmine's Profile Picture
Jazmine
July 20, 2014 (8 years ago)

Hmmmm.....
Sir Phil next update na...please :)

"You don't get to choose if you get hurt in this world...but you do have some say in who hurts you"

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments