M
E
N
U

Highway 29

East Pinewoods, Mountain Road
1100ft. above sea level



B
inabagtas ng itim na porsche ni Andrew ang kahabaan ng matarik na kalsada sa kabundukang iyon. Mula sa fog sa gilid ng bangin malapit sa kinauupuan ni Ida, natatanaw niya ang isang malawak na dagat sa ilalim nito, maging ang paghampas ng mga malalaking alon sa mga malalaking bato na nasa ilalim ng bundok na kanilang dinadaanan.

"So..." sabi ng ginang, "Where are we going Andrew?

Hindi kumibo ang binata, sa halip ay mas binilisan pa nito ang pagdrive ng sasakyan. Umover-take siya sa isang pick-up truck na may dalang mga gulay. Ilang sasakyan pa ang nilampasan ni Andrew hanggang sa masolo nila ang matarik na daan sa harapan nila.

Tiningnan ni Andrew sa rear view mirror ang may kalayuan ng mga sasakyan sa likod nila. Binabagtas nila ngayon ang pinakamatarik na parte ng highway na iyon. Nadaanan nila ang isang malaking rebulto ni Poseidon na itinayo sa gilid ng bangin.

Nakatingin sa kalayuan ng daan si Andrew habang nagmamaneho, "Tsk...tsk...so Ida, any more lies to confess?"

Napansin ng ginang ang humor na iyon ng binata,"I don't know what you're talking about."

"Really?" tugon ni Andrew.

Napakapit sa upuan ang babae nang biglang ikabig ni Andrew ang sasakyan malapit sa concrete barrier sa gilid ng bangin. Halos tumalon ang puso niya sa ginawa ng binata. Mas nakita kasi niya ang malalim na bangin mula roon.

"Fuck Andrew! Don't do that. Mamamatay tayo sa ginawa mo!" sabi ng babae.

Ngumiti lang si Andrew. Ibinalik niya ulit sa kalsada ang sasakyan.

Biglang naging seryoso ang lalaki, "I thought you're different sa mga nakilala ko Ida...parehas ka rin pala nila" sabi niya.

"Come again?" tugon ng ginang.

"I really thought you're different Ida"
tugon ni Andrew,"...or shall i say...Mrs. Maribeth DelaFuente."

Nabigla ang babae. Tiningnan niya ang binata. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.

Isa-isang idinetalye ni Andrew ang pagkatao ng ginang, "43 years old, married, mother of two, ikinasal sa Port Wellington nung '94. Wife of Mr. Jose Dela Fuente...who's a good man, a faithful husband, a good father to your daughters." diin ni Andrew, "How could you cheat to a good husband like that...You disgusting filthy whore!" dagdag nito.

"Please, Andrew. Ibaba mo na ako dito." sabi ng babae. Inalis nito ang seatbelt sa katawan.

"Very well." tugon ng binata.

Bumukas ang automatic lock ng kotse, pinindot naman ni Andrew ang power window sa pintuan ng ginang at bumaba ang bintana sa pwesto ni Maribeth. Kinuha at hinawakan naman ng isa niyang kamay ang braso ng ginang.

"Let go of my arms, Andrew? Tama na please. You're freaking me out!" wika ng babae.

Walang narinig ang lalaki. Nagpumiglas ang babae nang itapat ni Andrew ang kamay niyang may singsing sa labas ng bintana.

"For Christ's sake. Let go of me Andrew...You're hurting me...Stop it!!!" iyak ng babae.

Umiiyak na ang ginang at nagpupumiglas, pinagkakalmot ng isa niyang kamay at pinaghahampas ang lalaki ngunit hindi ito natinag. Mas pinagdiinan pa ni Andrew ang paghawak sa braso niya. Halos mapiga iyon sa higpit ng hawak ng lalaki.

Nawalan ng balanse ang ginang ng ikinabig muli ng lalaki ang kotse malapit sa gilid ng bangin. Mula sa kalayuan sa harapan nila ay may isang metal post na naroon. Nakikinita ng ginang ang planong gawin ng lalaki.

"Please No!!! Stop this Andrew...Bitiwan mo ko....Nooooooooohhh!!!"

"Shut up you filthy slut!!!" sigaw ni Andrew.

SPLAAAATTTTTT!!!

"Ayyyeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!"
hiyaw ng babae sa matinding sakit.

Naputol ang kamay ng ginang sa pagtama nito sa bakal na posteng iyon.

"Eeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!" hiyaw muli ng babae. Halos mabingi si Andrew sa pagtili nito.

Sinakal ni Andrew ang ginang, "Shut the fuck up! You deserve more than that you fucking whore!" galit na wika nito.

Isinalya ni Andrew ng malakas ang babae sa may pintuan. Hinawakan niya ang buhok ni Maribeth at inuntog niya ito ng malakas sa dashboard. Nawalan ng malay ang ginang.

Inihinto ng binata ang kotse at humarap siya sa ginang. Nanlilisik ang mga mata ni Andrew sa galit. Buong lakas niyang tindyakan ang ginang, sa lakas ng pagkakasipa niya ay bumukas ang pinto at nahulog ang babae sa kamatayang naghihintay dito sa ibaba ng matarik na bangin.

"Good riddance you filthy cunt." sabi ni Andrew.

Muling isinara ni Andrew ang pintuan at pinaharurot ang sportscar sa kurbadang daan.

Binuksan niya ang mp3 stereo ng sasakyan. Pinatugtog niya ang cd na naroon.

Sunday is gloomy, my hours are slumberless...Dearest, the shadows I live with are numberless...Little white flowers will never awaken you...Not where the black coach of sorrow has taken you....

Inabot niya ang isang satchel bag sa backseat. Kinuha niya sa bag ang isang maliit na laptop. Ini-mail niya sa mister ni Maribeth ang isang file folder na naglalaman ng mga kuha niyang larawan ng pakikiapid ng misis nito. Mula iyon sa iba't-ibang lalaking kinatalik nito na siya niya ring pinatay.

Nang mag-sent ang file sa e-mail address ng asawa ni Mrs. Maribeth ay isinara na niya ang laptop at inihagis iyon sa backseat.

Inilagay niya sa 6th gear ang sasakyan at mabilis siyang umovertake sa mga mas mabagal na sasakyan na nasa kaniyang harapan. Binuksan niya ang GPS Navigator sa dashboard at pinindot ang kaniyang point of destination... ang Del Rio Highlands Hotel and Casino na nasa Northern part ng Orchard Valley.

___________________________________________________________________________

Del Rio Highlands Hotel and Casino
North Orchard, Orchard Valley

2000 ft. above sea level

Hapon na nang marating ni Ashley ang Hotel kung saan siya magpo-photoshoot para sa isang event.

Mula sa glass elevator na paakyat sa ika-44th floor na penthouse ng magandang hotel na iyon buong paghangang namamasdan ni Ms. Ashley Romero ang napakagandang tanawin sa paligid. Suot niya sa leeg ang isang ID mula sa isang magazine company, hawak din ng twenty-one years old na si Ashley Romero ang gate pass sa isang photoshoot event na kaniyang ico-cover para sa fashion magazine na kumontrata sa kanya.

Masquerade Night: The Finest Bachelors Unmaskedang pangalan ng event na iyon. Lahat ng bisita ay magsusuot ng maskara. Tampok ng event na iyon ang pagkilala sa mga successful at role-models na mga binata ng bansa. May ilang sikat na personalidad na napabilang dito. May ilan ding mula sa public service at iba pang larangan. Pinagsuot din sila ng maskara at isa-isa silang ipapakilala at pararangalan sa gabing iyon.

"Hi there Ms. Ashley Romero. You're just in time." wika ni Madame Henrietta Meyers, ang 50-year old organizer ng event na iyon. Eleganteng tingnan ang chubby socialite sa suot nitong embroidered gown na gawa ng isang sikat na designer.

Sumalubong ng ginang at nakipagbeso-beso sa dumating na babaeng photographer.

"It's my pleasure to be here Madame Meyers" malugod na tugon ni Ashley.

Ngumiti ang magandang socialite, "Let's cut the formalities iha. You can call me Aunt Etta." sabi nito.

Naroon na ang ilang sikat na aktor at iba pang personalidad. Formal attire ang dress code ng event kung kaya't nakadama ng pagkailang si Ashley sa suot niyang casual wear.

"Napakaganda naman ng venue na'to." puri ni Ashley.

"Thanks iha. Nagustuhan ko kasi 'tong place na 'to." tugon ng socialite, "Para kang nasa langit dahil sa mga ulap na halos mahahawakan mo na...especially in the terrace."

Isang babaeng event organizer ang lumapit sa kanila at kinausap ang ginang.

"Iha, maiwan muna kita. May mga kakausapin lang ako. See you later." wika ni Madame Henrietta

Lumapit si Ashley sa isang lalaking photographer na nag-aayos ng dala nitong gamit sa isang lamesa.

"Hindi mo naman sinabi na formal attire pala ang dress code dito" sabi ng dalaga kay Reuben Malicsi, isang kasamahan niyang freelance photographer sa magazine company na kumuha sa kanila.

Kumamot sa ulo si Reuben,"Sorry, kanina ko lang din nalaman eh," sabi nito, "tsaka sikat ka naman eh." dagdag nito, "Nakita ko nga kanina na pinapasok ka nila kahit hindi mo na pinakita yang gatepass mo." dagdag pa niya.

Ngumiti naman si Ashley. Inayos na rin niya ang dalang gamit sa lamesa, "Prepare na tayo para makarami tayo ng shots." sabi niya.

Sumapit ang gabi at nagsisidatingan na ang ilan pang guests sa loob ng event. May mga masasarap na pagkain, pati na mga imported wines at iba pang cocktails ang inihanda para sa lahat sa event na iyon.

Ilang saglit pa ay dumilim ang paligid. Nagsimula na ang event. Lumiwanag ang kumikislap na spotlight mula sa magandang kisame at nag-focus ang mga iyon sa red carpet walkway kung saan nagsidatingan na mga naka-masquerade na awardees, vip guests at mga sikat na personalidad.

Isang classical music mula sa symphony orchestra ang humaharana sa mga naglalakad sa mahabang red carpet habang nagkikislapan ang mga flash ng camera sa kanila.

Lahat ng mga iyon ay kinunan ng mga press people na gaya ni Ashley. Tila isang grandiyosong Oscar Awards ang gabing iyon.

Isang malakas na palakpakan ang narinig matapos makapagbigay ng opening speech ang organizer na si Madame Henrietta sa stage. Matapos iyon ay isang sikat na aktor naman ang nag-host ng mga programa habang inaabangan ng lahat ang mga pararangalang kalalakihan sa gabing iyon.

Isang lalaking nakatuxedo at puting maskara ang dumating---Si Andrew. Matapos ipakita ang dala nitong gatepass ay pumasok na ito sa event. Nakihalubilo ito sa mga guests na naroon.

Masaya ang lahat nang lumabas mula sa stage ang isang magandang popsinger. Kumanta ito ng isang lovesong na sinabayan naman ng ilang audience sa pagkanta.

Hindi napansin ng lahat sa event ang paglakad ni Andrew sa isang madilim na sulok papunta ng backstage. Tila isa siyang anino na humalo sa kadiliman sa lugar na iyon.

Nang makalampas si Andrew sa madilim na sulok na iyon ay lumiko ito sa isang maliwanag na hallway sa likod ng backstage. Walang tao roon. Tinungo ng binata ang dressing room kung saan naroon si Madame Henrietta.

Habang naglalakad ay kinuha niya sa bulsa ang ang isang nakarolyong steel string. Iniladlad ang kahabaan niyon ng isa niyang kamay habang tantiyado ang bawat paglakad.

Nadaanan niya ang isang restroom.

"Excuse me sir...me hinahanap kayo?" sabi ni Joven Magsino, isang event marshall.

Lumingon si Andrew. Mula sa kaniyang nakatakip na mukha ay nakita niya ang isang matabang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan. Kasinglaki niya ito.

"Sir? San po kayo?" tanong ulit nito.

Nakita ni Joven ang hawak na kwerdas ni Andrew. Napatingin siya sa nanlilisik na mata sa likod ng maskarang iyon.

Bago pa man makakilos si Joven Magsino ay singbilis ng hangin na kumilos si Andrew. Sa isang iglap ay nasa likod na siya ng lalaki at sakal sakal na niya ito.

"GWAAAAAAKKKKHHHH!!!"
tunog na likha ng pagkakasakal mula sa naiipit na lalamunan ng event marshalldulot ng matalas na kwerdas na hawak ni Andrew. Nagtangkang pumiglas si Joven subalit...


RIFFFFFFFFTTTTTTT!!! tunog na likha ng pagkalaslas ng leeg niya at pagpulandit ng dugo mula doon. Ilang segundo lang ay kusa ng lumaylay ang walang buhay nang katawan ng marshall. Hinila siya ni Andrew papasok ng men's restroom. Ilang saglit pa ay lumabas na ang lalaki at naglakad ng mas mabilis.

Naghiyawan naman ang mga socialites na kababaihan nang ipinakilala ng host ang mga bachelors sa gabing iyon. Dinig ang ingay niyon maging sa pinaglalakaran ni Andrew.

Natunton din ng lalaki ang pakay...Ang dressing room ni Madame Henrietta.

Sa loob ng dressing room na iyon nakaupo sa harap ng kaniyang tokador si Madame Henrietta habang umiinom ng champagne. Sa kabilang daliri naman ng ginang ay ang nakasinding Virginia Slims.

Sa labas ng pintuan niya nakatayo si Andrew, hawak ng isang kamay nito ang duguang kwerdas.

BLAGGGG!!!

Bumukas ang pinto sa isang malakas na tadyak.Sabay sa pagtili ng socialite na ginang ay ang masayang tilian ng mga audience sa labas.

Natumba ang ginang sa labis na pagkabigla.

"Aeeeiihhhh! W-Who are you?...W-Why are you here?" nanginginig na wika ng ginang. Nakita niya ang duguang kamay ni Andrew. "P-Please...D-Don't come near me!" sabi ni Henrietta.

Walang narinig si Andrew. Hindi niya alintana ang binatong baso sa kanya ng babae. Nabasag iyon sa kanyang dibdib at nabasa ng alak ang suot niya. Mabili...

About the Author :

Eroticus's Profile Picture

Joined: July 11, 2014 (8 years old)
Writings: 91
Male  ·  Offline
Description:
Just write it.
Signature Text:
Do what you love and the rest will fall in its place.
1  ·  9  ·  1  ·  8,034
 · 

Comments
User Not Found
August 26, 2014 (8 years ago)

'di naman halatang galit na galit sa leeg ang serial killer na 'to... more, Ero...

"The erotic is rarely nudity. It is subtle, a feeling, a gesture, mood, a story frozen in the moment that holds you breathless waiting for the next moment. Understand this & you understand erotic."

Like (0)  ·  Report
Eroticus's Profile Picture
Eroticus
August 27, 2014 (8 years ago)

TPM, halata nga. hehehe. Thanks for reading :)

Do what you love and the rest will fall in its place.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
August 26, 2014 (8 years ago)

Whew! Galing ng pagkasulat mo, Homer.  Ilang beses nag rewind sa isipan ko yong eksena sa chapter 1, yong habang tumutugtog ang Gloomy Sunday. Para akong nanonood ng sine ;) Kaya lang true to its category nakakatakot nga :( ..... Pati melody ng kantang pinili mo umayon sa eksena...

O sya i-post na ang next part.  Baka si Mori na ang antay ni Andrew para sya magbago... :D At isama mo na din sa collection ng mga sports cars ni Andrew ang Z4 at Porsche Carrera ;)

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Eroticus's Profile Picture
Eroticus
August 27, 2014 (8 years ago)

Mid! I'm happy to read your comment. Salamat and you know why.

Sure, nice taste sa mga car na sinabi mo.

captcha: Delighted :D

Do what you love and the rest will fall in its place.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
MidLifeCrisis's Profile Picture
MidLifeCrisis admin
August 27, 2014 (8 years ago)

Bahhh kambal ang captcha natin. Nung ikaw ang bumalik after nung pinagdaanan mo ang captcha ko para sa 'yo ay 'gladly' :D

Post na ang chapter 3 habang mainit pa ang dugo sa mga kamay ni Andrew. (Parang horror pakinggan yon ah :D )

It’s okay if you don’t like me. I was not born to impress you.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Eroticus's Profile Picture
Eroticus
August 27, 2014 (8 years ago)

Yup Mids, i'm posting the 3rd part later. Mainit -init pa ang dugo sa kamay ni Andrew that time hehe.

Do what you love and the rest will fall in its place.

Like (0)  ·  Report
Eroticus's Profile Picture
Eroticus
August 27, 2014 (8 years ago)

Salamat sa mga nagbasa ng story.

Do what you love and the rest will fall in its place.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
iamcarla's Profile Picture
iamcarla
Status: Suspended

August 27, 2014 (8 years ago)

kalurkey si andrew...!!!

Anything worth having for is worth waiting for.., even it takes a lifetime.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Eroticus's Profile Picture
Eroticus
August 27, 2014 (8 years ago)

Walang habas kung pumatay. Parang wala lang sa kanya :D


captcha: redbay      nagkulay pula ang bay, bloody bay :D

Do what you love and the rest will fall in its place.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments