M
E
N
U

Natasha : Chapter 1 - Ulan

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags: ,
Date: September 17, 2023 (14 days ago)


Umuulan nang malakas nang una kayong nagkita ni Natasha.

Bwisit na bwisit ka nang araw na 'yon– nasira ang kotse mo kaya dinala mo sa talyer, mga wala pang isang oras ay tumawag naman ang girlfriend mo para makipaghiwalay, at pagdating mo sa trabaho pinagalitan ka ng impakta't mataray mong boss, palpak daw ang report mong pinagpuyatan.

Malas, malas, malas

At nang pauwi ka na, bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Dahil nga sira ang kotse mo, ang tanging magagawa mo lang ay mag-commute. Ang problema, walang dumadaang taxi o bus dahil sa lakas ng ulan.

No choice, kailangan mo maglakad mula opisina pauwi sa bahay.

Malas, malas, malas

***

"Kuya! Kuya!", napahinto ka nang marinig ang pagtawag sayo ng babae na sumisilong sa waiting shed.

Hindi mo s'ya pinansin. Bad trip ka't wala sa mood. Ang nais mo lang ay umuwi sa bahay mo, humilata sa kama, at balutin ang sarili ng kumot gaya ng isang bagong pritong shanghai.

"Kuyaaaa! Please po…pansinin n'yo ko", patuloy sa pagtawag sa'yo ang babae, kahit na halos di na marinig ang tinig nya dahil sa lakas ng ulan.

"Punyeta…", bulong mo sa sarili. "Ano bang trip ng babaeng 'to!"

Nilapitan mo ang dalaga sa waiting shed. Anak ng…mestisahing babae pala ang tumatawag sa'yo. Hindi katangkaran at hanggang panga mo lang siya, mga 5'4" ang tangkad.

Makinis siya't maputing dalaga, petite body type. Basang-basa ang kanyang mahaba't itim na buhok.

Nakasuot siya ng student nursing uniform na basang-basa ng ulan. At teka… naging transparent ang uniporme niya dahil sa tubig, kitang-kita ng mga mata mo ang kanyang puting bra na bumabalot sa kanyang busto, pati ang kanyang utong na bumabakat dahil sa hapit na uniporme.

Kapansin-pansin rin ang kanyang pabangong lilac– matamis na halimuyak, mahinhin at banayad.

"Bakit mo ba 'ko tinatawag, miss?", tanong mo sa kanya.

"Kuya…baka naman po…pwede niyo 'kong isabay kahit hanggang sa may sakayan lang ng taxi. Nasira po kasi ang payong ko kaya hindi ako makauwi sa 'min".

Sasabay sa'yo? No way! Maliit ang dala mong payong. Hindi mo na problema kung mababasa 'man siya.

"Bakit kailangan mo pang sumabay, wala bang dumadaan ditong taxi?"

Nabigla ang babae, hindi niya inaasahan ang pagka-suplado mo.

"Kuya, tingin n'yo po ba kung may dumadaan dito magmamakaawa pa 'kong sumabay?"

Agad ka namang naggalaiti dahil sa pagkapilosopo ng dalaga:

"Aba, malay ko ba, miss. Hindi naman ako sanay mag-taxi. Maliit lang 'tong payong ko, mababasa tayo parehas kapag sinabay pa kita".

Ngayo'y nakasimangot na ang dalaga, pero parang simangot iyon ng isang babaeng nagpa-pacute o nagmamaktol para suyuin siya.

"Alright, kuya. Kung ayaw mo kong isabay, tatakbo na lang ako sa ulan. Kaso…malamang magkakalagnat ako. At dahil lalagnatin ako, hindi ako makakapag-exam bukas…tapos babagsak ako…tapos hindi ako makaka-graduate…tapos masisira buhay ko…magiging miserable akong tao at wala nang magmamahal sa 'kin…sige na kuya, lakad ka na ulit pauwi"

Di mo alam kung matatawa ka ba o maiinis sa kakulitan ng babae.

Tiningnan mo ang kanyang sira-sirang payong. Para bang nakaramdam ka nang kaunting awa dahil sa lagay nito. Sa lakas ng ulan ay malamang hindi na s'ya maisasalba ng durog niyang payong.

Bigla naman natuon ang mga mata mo sa kanyang basang-basang uniporme. Ngunit habang sinisilat mo kung gaano kabasa ang kanyang katawan ay may kakaibang pakiramdam na bumalot sa iyo. Hindi mo maipalawanag ngunit parang nagising ang pagka-Adan mo habang pinagmamasdan ang kanyang basang-basang katawan.

Sariwang katawan ng dalaga na nababalutan ng hapit na hapit na nursing uniform, sinong lalaki ang hindi magnanasa sa kasarapang nakatambad sa kanyang harapan. Oo, isa s'yang estranghera na ngayon mo lang nakatagpo, pero parang namamagneto ka sa kanyang kahali-halinang hubog ng balakang na maalindog ang kurba. Nakakadarang ang bilog nitong mga susong humuhugis sa hapit na uniporme at ang utong nito na parang inaakit kang ito'y supsupin. At ang kutis ng kanyang mga braso – makinis at maputi, swak na swak sa 'yong panlasa.

Nakakahumaling din ang kanyang mestisahing mukha na basang-basa. "Wet look" 'ika nga. Tila mabagal na dumadaloy ang mga patak ng ulan sa kanyang matangos na ilong at manipis na pulang labi.

Di mo maikakaila, ngayong 30 anyos ka na at maraming karanasan sa babae, iba pa rin talaga ang sarap ng mga kolehiyala.

"Sige na, kuya. Salamat na lang", biglang naputol ang pagtitig mo sa kanya nang siya'y nagsalita muli.

Hindi mo alam kung tuluyan ka bang naakit sa kanya o naaawa ka sa kanyang kalagayan pero mabilis na nagbago ang isip mo.

"Halika ka na nga, baka kasalanan ko pa kapag nagka-lagnat ka"

"Hindi kuya, okay na talaga ako. Tatakbuhin ko na lang 'tong ulan. Baka kasalanan ko pa kapag pati ikaw nabasa".

Wala kang oras sa isang babaeng nag-iinarte kaya balak mong iwan na nga lang siya.

"Nagmamagandang loob na nga 'ko, miss, ayaw mo pa. Ikaw na bahala sa sarili mo."

Nagsimula kang humakbang palayo sa kanya.

"Talagang iiwanan mo 'ko dito, kuya?", biglang sambit sayo ng dalaga.

"Akala ko ba okay ka na d'yan?", sagot mo.

"Para kasing napipilitan ka lang kanina noong sinabi mong isasabay mo 'ko"

Napailing ka at saka ulit nagsalita:

"Nag-iinarte ka pa kasi, miss. So ano, sasabay ka ba sa 'kin o iiwan na kita"

Malagkit na tingin ang tinugon sa'yo ng kolehiyala:

"Okay po, ako na po may kasalanan kuya, I'm sorry. Sasabay na po ako"

Agad na sumilong sa payong mo ang dalaga. Ngayo'y ngiting-ngiti siya habang kayo'y magkatabi. Ikaw naman ay nanatili sa suplado mong mukha.

Kay bilis ng pintig ng puso mo nang magkadikit ang mga balat ninyo nang tumabi s'ya sa iyo at sumilong sa dala mong payong. At dahil hanggang panga mo lang siya, nakatapat sa iyong pang-amoy ang kanyang basang buhok. Pero kahit basa ito'y agad mong nasamyo ang halimuyak ng kanyang pabangong lilac. Hindi mo maipaliwanag pero parang nakaka-adik ang kanyang halimuyak. Tila lubos na nagustuhan ng ilong mo ang amoy ng dalaga. Pasimple mo pa ngang sinisinghot ang kanyang buhok habang kayo'y naglalakad dahil hinahanap-hanap na ata ng pang-amoy mo ang kanyang halimuyak.

Nagsimula kayong maglakad patungo sa sakayan ng taxi. Patuloy naman ang paglakas ng ulan.

At dahil maliit din ang dala mong payong ay kailangan niyong magsiksikan habang naglalakad. Lalo kayong nagkadikit, lalo mong nasasamyo ang kanyang kabanguhan.

Sa unang pagkakataon, tinitigasan ka dahil sa kanyang halimuyak…TINITIGASAN KA DAHIL SA KANYANG KABANGUHAN. Hindi ka makapaniwala, paanong nalilibugan ka kahit amoy amoy mo pa lang siya. O baka naman ang nasa isip mo'y iuuwi mo ang kolehiyalang kasabay mo ngayon at sa bahay mo siya lalantakan ng halik. Ang sarap siguro kung itong makulit at pabebeng dalagang ito na ngayon mo lang nakilala ay patutuwarin mo at pagpaparausan.

Ahhh…pinilit mong alisin ang libog sa isip mo…nakakahiya ka…talagang isang estranghera pa ang paglilibugan mo. Anong klase kang tao? Nasan na ang pagiging gentleman mo?

Balik tayo sa kwento, lalong tumindi ang patak ng mga ulan at buga ng hangin, galit na galit ang bagyo pero nagpatuloy kayo ng kasama mong dalaga sa paglalakad.

"Kuya, tabi ka po nang kaunti, nababasa po ako", wika sayo ng dalaga na nagsusumiksik pa lalo sa tabi mo.

"Nababasa din ako, miss. Kaunting tabi ko pa ,ako naman mababasa!"

"Tingnan niyo po kuya, basang-basa na 'tong skirt ko! At…ayyy….liliparin pa ata payong natin".

Tama ang dalaga, malakas ang buga ng hangin na halos tangayin ang payong ninyo.

"Sinabi ko na kasi sa'yo, di tayo kasya dito, ang kulit kulit mo!", wika mo sa kanya.

"Sabi ko na napilitan ka lang talaga isabay ako, kuya!"

"Hanggang ngayon iniisip mo pa rin 'yun, miss? Sinabay na nga kita, ano pa gusto mo."

"Ewan ko sayo, ang supla-suplado mo kasi!"

"Sinabay na nga kita tapos tatawagin mo 'kong suplado? Eh kung iwan na kaya kita d'yan at bahala kang mabasa sa ulan!"

"Sige, kuya. Iwan mo ko dito para magkasakit ako at hindi ako makapasok…"

Agad mo siyang pinutol

"Hep, hep, hep, tama na 'yang pagpapaawa mo, miss. Kaya lang kita sinabay kasi baka i-post mo ko mamaya sa social media at sabihin mo na masama akong tao"

"Oh, don't worry, kuya. Hindi kita ipo-post. Sige na, wag mo na 'ko isabay"

"Tumahimik ka na nga lang, miss. Kapag nag-ingay ka pa talagang pababayaan kitang mabasa"

Napansin mong nag-irap lang ng mata ang dalaga pero hindi na siya sumagot. Siya pa talaga may ganang magtampo sa'yo. Alam mo, dapat tinuturuan ng leksiyon itong pabebeng dalagang kasama mo, dapat pinapasakan ng burat sa bibig kapag nag-iinarte! Nakakapikon na kasi!

Patuloy kayong naglakad. Bigla namang may dumaan na sasakyan sa may tabi ninyo na dahilan para tilamsikan kayo ng tubig mula sa lupa.

"Shit! Kuya sabi ko kasi sa'yo tumabi ka, 'yan tuloy nabasa pa lalo skirt ko!"

"Malay ko ba na dadaan yung kotseng 'yon? Kasalanan mo rin 'yan"

"Kasalanan ko? Ginusto ko bang mabasa ako ng kotse ha?"

"Hindi ka kasi tumatabi, miss! Ayan tuloy nabasa ka!"

"Paano ako tatabi, siksik na siksik ka sa 'kin!"

"Ikaw ang sumisiksik sa 'kin, miss!"

Mga ilang minuto pa kayo nagtalo sa daan. Bagaman ngayon lang kayo nagkita ng dalaga ay para kayong magkasintahan na nagbabangayan. Maya-maya ay muli mo siyang tinanong:

"Saan ba kasi yung sakayan ng taxi ha? Kanina pa tayo naglalakad eh"

"Sa may Perlican Park po, kuya"

"Lintik na 'yan, ang layo pa ng Perlican Park dito, niloloko mo ba 'ko?"

"Anong malayo kuya, five minutes na lakad na lang nandun na tayo"

Napabuntong-hininga ka nang malaman na malayo pa pala ang destinasyon niya.

"Five minutes? Hindi ko na kayang maglakad hanggang 'dun tapos ang lakas pa ng ulan"

"Saglit na lang, kuya. Kung gusto mo kwentuhan kita para hindi ka mainip paglalakad?"

"Wag na miss. Tumahimik na lang tayo habang naglalakad, pwede ba 'yon?"

Muling nag-irap ng mata sa iyo ang dalaga: "Okay, kuya"

Makalipas ang limang minuto ay narating din ninyo ang Perlican Park. Ngunit inabot na kayo ng tatlumpung minuto'y wala pa ring dumadaang taxi.

"Akala ko ba dito sakayan ng taxi?", pabugnot mong tanong sa kanya.

"Oo nga po, kuya. Kaso walang dumadaan ngayon. Baka kasi malakas ang ulan", sambit ng dalaga at inaayos ang basang basa niyang buhok.

Huminga ka nang malalim, bakas ang pagkainis sa tono ng boses mo: "Alam mo palang walang dumadaan ngayon dito, tapos dito ka pa pumunta? Tingnan mo, pati ako basang basa"

Tumingin sa'yo ang dalaga at saka sumagot: "Di ba sinabi ko sa'yo, kuya, wag mo na 'ko isabay?"

"Pinipilit mo nga 'ko kanina na isabay ka tapos ngayon…ughh…ang gulo gulo mo miss"

"Sandali na lang talaga, kuya, baka may dumaan din mamaya. Kumalma ka muna d'yan"

Pero lumipas ulit ang 20 minuto ay wala pa ring dumadaan. Unti-unti namang dumidilim ang paligid at mas lumalakas ang ulan. Balak mo na talagang iwan dito ang babae at bahala na s'ya sa buhay n'ya.

Pero napansin mong nangangatog na ang babae dahil sa sobrang basa. Yapos-yapos na niya ang kanyang sarili dahil sa kalamigan at parang natutuyo na rin ang kanyang kanina'y pulang labi.

"Hoy, nginig na nginig ka, okay ka lang ba?", tanong mo sa kanya.

Humarap siya sa'yo at may halong kayabangan ang pagsagot: "Anong nanginginig…malakas ang katawan ko, di ako tatablan ng lamig, kuya". Pero halatang halata naman ang pangangatog niya.

"Magsisinungaling ka pa, tingnan mo parang nakatapat ka sa air-con kung manginig ka ngayon"

"Okay lang a…ko, mis…ter…grrr…sup…la..do…grr…hindi…ak..o…nilalamigggg", ngayon ay hindi na niya maitago ang labis na pagkaginaw.

"Kung may dala kang damit magpalit ka muna. Basang basa na 'yang suot mo, miss", biglang naging seryoso ang boses

Tiningnan ka nang masama ng dalaga, ngayo'y ay pinilit niyang pigilin ang lamig:

"May dala akong damit, kuya. Pero tingin mo ba maghuhubad ako sa gitna ng park?"

"Nangangatog ka na nga pero ang yabang yabang mo pa rin ano, miss?"

Hindi sumagot ang babae na patuloy ang pangangatog dahil sa kaginawan.

"May malapit na lodge dito, baka gusto mong sumaglit muna tayo 'dun?", tanong mo sa kanya.

"Lodge? Teka kuya, alam ko kung anong ginagawa 'dun ah. Teka kuya, hindi ako ganung klaseng babae!"

Napailing ka at saka tumugon:

"Magpapalit ka lang ng damit 'dun miss, tingnan mo kasi oh, basang-basa ka at ginaw na ginaw. At…fyi, , hindi kita tipo kaya wala akong gagawin sa'yo sa lodge!"

"Big NO, sa lodge kuya. Dito na lang ako, feeling ko may dadaan na ring taxi maya-maya"

"Ikaw bahala. Basta ako hindi ako nangangatog. Bahala kang manginig diyan hanggang sa lagnatin ka"

Nagmatigas ang dalaga. Pinipilit na hindi manginig para lang patunayan na kaya niya. Ngunit dahil na rin sa kanyang petite na katawan ay talagang hindi niya matiis ang ginaw. Nanginginig siya na para bang binuhusan siya ng yelo.

"Ano, kaya mo pa ba?"

Malagkit na tumingin ang dalaga saka nagsalita:

"Oo na nga, pero kuya ha, wala tayong gagawin sa lodge. Magpapalit lang ako dun ng damit"

"Oo nga, miss. Masyado kang malisyoso", tugon mo kasabay ang buntong-hininga.

"Wala na ba talagang ibang option, talagang sa lodge lang?", tanong niya sa'yo.

"Sige magpalit ka ng damit sa grocery store kung gusto mo", pabiro mong sagot

"Ughh…fine…dun na nga lang sa lodge, pero kapag may ginawa ka sa 'kin dun kuya, talagang makakatikim ka!"

"Ang dami mo pang satsat, tara na para makapagpalit ka na"

Naglakad kayo patungo sa lodge malapit sa Perlican Park. Maliit lang ito pero air-conditioned at madilim, tanging mga orange lights lamang ang nagbibigay nang kaunting tanglaw sa loob. Agad ninyong nilapitan ang clerk.

"Good evening sir, ma'am. Looking for lodging tonight?", magandang bati nito sa inyo.

Agad sumagot ang kasama mong dalaga na patuloy na nangangatog.

"Hello ma'am. Baka po pwedeng makigamit po ng CR, magpapalit lang ako ng damit"

"Ay miss, under consruction po ngayon ang female CR namin. Yung mga guest rooms lang po namin ang may available CR"

Nabigla ka naman sa sinabi ng clerk.

"Ga…ganun po ba?" tanong ng kasama mong dalaga.

Tiningnan kayo ng clerk at saka nagsalita:

"Sa malayo po ba kayo nakatira? Kasi kung oo po, why not kumuha na lang po kayo ng guest room tonight. Balita ko po kasi madaming roads ngayon ang binaha kaya wala masyadong dumadaan na mga sasakyan. Pati nga raw po yung Perlican Bridge na only path po ng mga taxi at private cars, nasira"

Nagkatinginan kayo ng kasama mong dalaga, kaya pala walang dumadaang taxi ay dahil sa nasirang tulay.

"Paano na 'yan, miss. Mahirap pala talaga makauwi ngayon?", tanong mo sa kasama mong dalaga.

Napansin mong lalong nangangatog ang kolehiyala dahil sa air conditioner ng lodge.

"May exam ako bukas. Hindi ako pwede mag-stay dito"

"Edi maglakad ka ngayon sa baha kung talagang gusto mong umuwi. Ibabad mo yung paa mo sa wiwi ng daga kung trip mo. Basta ako, dito na 'ko magpapalipas ng gabi, malamang magdamagan na 'tong ulan dahil sa bagyo", sagot mo sa kanya.

Sumabat naman ang clerk pagkatapos mong magsalita:

"Uhhh..sir, ma'am, couple po ba kayo? Kasi po we're offering discounts for couple guests baka gusto n'yo i-try?"

Sabay kayong sumagot nang malakas:

"Hindi po!"

Nabigla ata ang clerk sa lakas at pagkakasabay ng inyong pagkakasagot.

"Ngayon nga lang po kami nagkita nitong supladong lalaking 'to, miss", wika ng kasama mong dalaga sa clerk.

Hindi mo alam kung maiinis ka ba o mahihiya sa sitwasyon niyo ngayon kaya ganito na lang ang nasabi mo sa clerk:

"Tag-isang room na lang kami ngayong gabi, di ko rin naman gusto kasama 'tong babaeng to"

Agad ka ring sinundan ng dalaga:

"Ayaw ko din naman sa'yo, kuya. Talagang separate rooms dapat tayo!"

Sumagot sa inyo ang clerk:

"Okay, I'll check po ang bookings naman".

Tiningnan ng clerk ang computer sa harapan niya at tiningnan ang mga kasalukuyang naka-board sa lodge.

"Ay, ma'am, sir, isang single-bed room na lang pala available. Halos fully-booked nga po pala kami ngayon!"

Napailing ka nang marinig ang sinabi ng clerk:

"Bakit hindi mo agad sinabi! Wala na pala kayong rooms, paano kami mag-iistay n'yan?"

Nagsalita naman ang kasama mong dalaga na patuloy pa rin sa pangangatog:

"Baka…may lodging pa ditong iba, kuya. Doon na lang siguro ako"

Pero agad nagsalita ang clerk:

"Wala na pong malapit na lodge dito sa may Perlican. Sorry po talaga, di ko po naalala na isang room na lang po available. Baka po pwede mag-share na lang kayo?"

Agad sumagot ang kolehiyala:

"No, ate! Hindi po pwede 'yon. Opposite sex kami 'no. Baka kung ano pa…"

Agad kang sumabat

"Teka, miss. Akala mo ba gusto kong makipaghati sa'yo ng kwarto? Anong sinasabi mo na may plano akong masama sa'yo"

Agad dumipensa ang kolehiyala:

"Wala akong sinasabi, kuya. Ang pangit lang tingnan na magkasama tayong dalawa sa iisang room"

"Oo wala ka ngang sinasabi pero 'yun din naman pinapahiwatig mo"

Muli kayong nagbangayan sa harapan ng clerk kaya agad niya kayong pinutol:

"Ma'am, sir, mag-aavail po ba kayo ngayon ng room? Kasi po may mga nag-eemail din po for reservation?"

Tumahimik kayong dalawa at nag-isip-isip. Ayaw mo naman suuingin ang baha at alam mong may ihi ito ng mga pesteng daga. Sa isip naman ng dalagang kasama mo ay ginaw na ginaw na siya at kailangan na niyang magpalit ng kasuotan.

"Alright, miss. Maghahati na lang kami nitong kasama ko", wika ng dalaga.

"Okay, ma'am. P1200 po ang room", tugon ng clerk.

"Ako na magbabayad", pagbibida mo

"Wait, kuya. Kaya ko naman mag-ambag, okay? Di mo need bayaran lahat", wika ng kolehiyala mong kasama.

"Alam ko, pero college student ka pa lang kaya alam kong nagbubudget ka lang. Kaya ako na nagbabayad"

Muli kang tiningnan ng dalaga nang masama:

"Teka, kuya. Baka sabihin ni ate dito, date mo 'ko kaya ka nanlilibre. Magbibigay ako ng P600 para hati tayo"

"Anong sugar baby pinagsasabi mo? Ililibre na nga kita, ayaw mo pa"

"Ayaw ko nga magpalibre di 'ba, kuya? Kaya ko pong magbayad. Anong tingin mo sa 'kin, date mo para ilibre mo"

"Ewan ko sayo"

At sa ikalawang pagkakataon ay hindi kayo nahihiyang magbangayan sa harapan ng clerk.

"Ma'am, sir, may I ask for the payment na po para mai-ready namin ang room?"

Para matapos na lang ang lahat ay ibinayad mo na lang ang pera mo sa clerk.

"Ako na muna magbabayad ngayon, bayaran mo na lang ako mamaya sa loob ng room", wika mo sa dalaga

"Okay, okay", sagot niya.

"Thank you po, please give us five minutes to prepare the room", wika ng clerk saka umalis kasama ang ilang mga tauhan para ihanda ang kwarto.

Nakatingin pa rin sa'yo ang dalaga, para bang minamasama pa rin ang panlilibre mo.

"Sabi ko sa'yo maghahati tayo, ang kulit mo. Basta babayaran kita mamaya", wika niya sayo kasabay ang parang nagpapacute ulit na mukha.

"Oo na, mamaya na natin pag-usapan yan"

Habang hinihintay ninyo ang clerk ay muling napukol ang mata mo sa dalaga. Kahit ginaw na ginaw siya ay para siyang isang magandang modelong naka-pose na yakap yakap ang sarili. Magulo ang kanyang buhok, wet and messy pero ang sexy ng dating. Basang-basa ang kanyang suot na uniporme na halos dumikit na sa kanyang balat kaya bumabakat ang kanyang underwear na suot. Kahit na sumpungin ang babaeng ito ay hindi mo maikakaila na napakaganda at sexy niya. Makinis, maputi, at kaakit-akit.

"By the way pala, kuya. Hindi mo pa alam name ko", sabi niya sa iyo.

"Hindi ko naman kailangan malaman pangalan mo, ngayong gabi lang naman tayo magkakasama", suplado mong sagot mo sa kanya.

"Bakit ba ang supla-suplado mo, kuya? Friends na tayo, oh. Maghahati na nga tayo sa room eh"

Hindi ka sumagot sa kanya.

"Anywaaay, My name is Natasha, nice to meet you…", wika ng dalaga kasabay ang isang matamis na ngiti sabay inilahad ang kanyang palad para makipag-shake hands.

Ewan pero nang humarap ka sa kanya, parang may umihip na hangin na humawi sa kanyang buhok. Tila ba tumigil ang oras habang inaanyayahan ka niyang makipagshake-hands at nakatingin siya sa iyo. Nakapokus ka lang sa mukha niya na tunay na kay aliwalas kahit magulo ang kanyang buhok dahil sa ulan.

Ngayon ka lang nabighani nang sobra sa isang babae.

At dahil nga para kang timang na nakatitig sa kanya ay di mo nagawang sagutin ang shake-hands niya.

"Ang sungit mo talaga!", sabi niya sa'yo sabay inalis ang pagkakalahad ng kanyang kamay.

"By the way pala…", wika ng dalaga "kung trip mo lang, you can also call me Tashy, yun din kasi tawag sa 'kin ng friends ko. And since "friend" naman na kita, I think pwede mo kong tawagin din ng ganun – so pleaseeee, call me Tashy"

"Okay, Natasha", sagot mo sa kanya.

"Kuya kakasabi ko lang, you can also call me Tashy"

"Narinig ko, pero hindi naman tayo close, bakit kita tatawagin sa palayaw mo"

"Hay, okay KJ lolo, ganyan ba talaga kapag may edad na?"

"Anong may edad? 30 pa lang ako"

Napangiti ang dalaga sa sagot mo.

"Hahahah…kaya pala ganyan ka kasungit, gurang ka na pala. Para na nga kitang daddy kung tutuusin. Siguro sobrang stress mo sa trabaho kaya ka ganyan ka-suplado"

Teka bakit ang sarap sa tenga nang sinabi niyang "para ka niyang daddy"

"Anong gurang sa 30? Bakit ikaw, anong edad mo na ba?"

Tiningnan ka ng dalaga na may halong pang-aasar:

"Uy si kuya, tinatanong age ko. Siguro tinitingnan mo kung matchy-matchy age natin. Sorry, kuya pero 2nd year college student pa lang ako and 20 years old. Hindi ko rin pati trip malaking age gap sa relationship"

"Tinatanong ko lang edad mo ang dami mong sinabi"

"Sus, kuya. Alam ko galawan ninyong mga lalaki"

"Ewan ko sayo"

Mukhang natagalan sa paghahanda ng kwarto ang mga staff ng lodge, medyo naiinip na ka na pag-aantay. Si Natasha ay kapansin-pansing nangangatog pa rin dahil sa basang basa niyang uniporme.

"Ba't naman ang tagal nila?", tanong mo kay Natasha.

"Ang bugnutin naman ni lolo, oh", pabiro n'yang sagot.

"Kung wala kang sasabihing maganda, mas okay sigurong tumahimik ka na lang. Tingnan mo nga hanggang ngayon nangangatog ka pa", mabilis mong tugon.

"Ang sungit talaga", bulong ni Natasha sa sarili na nadinig mo naman.

"Ayos na masungit, wag lang lamigin", wika mo.

Bigla naman napatanong sa'yo ang dalaga:

"Teka kuya, hindi mo pa sinasabi pangalan mo, nakapagpakilala na 'ko tapos ikaw hindi pa"

"Ayoko, miss", mabilis mong sagot

"Bakit naman? Takas ka ba ng kulungan, kuya?"

Hindi mo alam kung matutuwa ka ba o maiirita sa kakulitan ni Natasha.

"Malamang hindi!"

"Ano nga kasi name niyo po, ang weird naman kasi na magkasama tayo tonight tapos di ko 'man lang alam name mo"

Huminga ka nang malalim at saka sinagot ang dalaga.

"Jan, Jan ang pangalan ko"

"Ohhh…", bulalas ni Natasha. "Ang bland naman ng pangalan mo, kuya. Parang kalahati ng lalaki sa mundo JOHN pangalan"

Napangiti ka sa sinabi ng dalaga, talagang naisip niya pa yun.

"Iba ang JAN ko : J-A-N ang spelling, hindi J-O-H-N", wika mo sa kanya.

"Ohhh, ang cool naman pala…", sambit ni Natasha. Malagkit ang tingin sa'yo ng dalaga kasabay ang isang matamis na ngiti. "Anyway, nice to meet you Jan and thank you sa pagsabay sa 'kin kanina. I really appreciate it"

Kay ganda n'yang pagmasdan habang nakangiti sa'yo. Ang ganda ng kanyang mga mapupungay na mga mata – parang mga bituin na mapang-akit. Ang sarap din pagmasdan ng kanyang manipis, mapula, at glossy na labi na lalong gumaganda kapag siya'y nakangiti.

"Walang problema, Natasha", wika mo kasabay ang isang ngiti para sa kanya.

"Tingnan mo, kuya. Mas okay sa'yo ang nakangiti kaysa lagi kang nagsusuplado. Bumabata ka", biro niya sa'yo.

Ilang saglit pa ay tinawag na kayo ng staff dahil handa na ang magiging kwarto ninyo ngayong gabi.

***

Maliit lang ang kwartong napunta sa inyo ni Natasha pero may air-conditioner at isang kama na mukhang malaki-laki rin ang size. May TV ito at may ilang mga (pekeng) paintings na nakasabit.

"Okay na rin for P1200 yung room natin, ano?", tanong sa'yo ni Natasha.

Tumango ka bilang tugon.

Agad na hinanap ni Natasha ang CR ng kwarto para dun magpalit, hindi na niya kasi matiis ang lamig. Pero kapansin-pansin na wala palang CR ang kwartong napunta sa inyo.

"Pa'no ako magpapalit nito, wala palang CR 'tong room!", bulalas ni Natasha.

"Dun ka sa labas magpalit, malamang may CR dun", sagot mo sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba, kuya. Sira nga daw women's CR nila"

"Oo nga pala. Paano ka ngayon magpapalit n'yan"

Yakap-yakap ni Natasha ang kanyang sarili at pilit na pinipigil ang pangangatog. Dahil nga airconditioned ang room, lalo pa s'yang nilamig.

"Wala na 'kong choice, kuya. Lamig na lamig na 'ko. Dito na 'ko magpapalit", bulalas ni Natasha. Agad bumilis ang pintig ng puso mo nang marinig ang kanyang suhestiyon.

"Si...

About the Author :

G

Joined: March 28, 2023 (6 months old)
Writings: 7
Male  ·  Offline
Description:
I'm a fan of slow-burn stories. I want my characters to have a little bit of personality and not just a random fucktoy. Currently, I'm writing a story about Marie and Frank as they find their way to love (and lust).
30  ·  8  ·  34  ·  2,677
 · 

Comments
E
erotiko
September 17, 2023 (14 days ago)

go JanNat...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
lebron019's Profile Picture
lebron019
September 17, 2023 (14 days ago)

Ayos kaabang abang na nmn to idol thank you 👌🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
tarogi
September 18, 2023 (13 days ago)

magandang umpisa otor tuloy lang

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Jorge94's Profile Picture
Jorge94
September 18, 2023 (13 days ago)

hmm... mukhang may bagong aabangan... thanks author

jm94

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
W
Waiting
September 18, 2023 (13 days ago)

Maganda ang storya, kaabang abang.. 👍👍👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Brypilyo
September 24, 2023 (7 days ago)

Lodi nasan na kasunod? Tagal ng update hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Brypilyo
September 24, 2023 (7 days ago)

San n update boss

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
Kakakanta
Thursday, 28 September 2023 (3 days ago)

Waiting for update, Author!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments