M
E
N
U

Kakalabas ko lang ng cubicle ng CR nang may nanghila ulit sakin papasok. Nagulat ako na si Dreif ito. Namumutla ang mukha, gulo gulo ang kulot netong buhok. Nagsisiksikan kami sa loob ng masikip na cubicle kung saan hawak nya ako sa magkabilang balikat na madali lang sa kanya dahil mas matangkad sya at 6 feet at mas maskulado ito saken.

"I need to talk to you." Sabi neto ng mariin. Kita sa mata nya ang halo-halong galit, takot, at... pagnanasa? Nagpanic ako kumakawag.

"Di ba pwedeng sa labas Dreif? Ang sikip dito. Di ako makahinga." Sabi ko habang unti-unti na akong natatakot sa tingin nya sakin.

"I can't do this kung sa labas tayo maguusap."

At hinalikan nya ako sa labi.
---

"What the fuck is wrong with you?" Galit kong tinulak si Dreif.

"I-I'm sorry, Jam." Mangiyak-ngiyak netong sabi. "I didn't know what took over me. I'm so sorry." Sabi neto sakin habang hawak ang mga kamay ko. Wala akong ibang naramdaman kundi takot at galit.

"After that commotion nong Christmas Party? After mo sirain yung friendship naten? Now, you'll kiss me? What the fuck, Dreif?" Gigil kong sagot sa kanya. Nanginginig ako sa galit.

"Di ko minimean yung mga sinabi ko non. I guess I was just confused. I panicked when Ben confronted me about you. I became defensive kasi I am starting to have feelings for you pero I haven't sorted them out then. But now, I am sure. I like you. But I guess, I fucked it up when I kissed you." Sinasabunutan nya na ang kanyang buhok habang mangiyak-ngiyak na nagkukuwento.

"But that doesn't justify what you did. Kaya sorry, but I can't reciprocate your feelings after everything you did. Kaya please palabasin mo na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.

He released my hands but his gaze never left mine. Nagmadali akong buksan ang pintuan ng cubicle at umalis sa CR na yon habang nagpupunas ng luha. Muntik ko pang mabunggo si Kuya Ben who was about to enter the CR. He looked at me worriedly, pero I just walked away without saying anything. Lumabas muna ako sa lobby at nagpakalma ng sarili before going back to my desk.

"Hey, okay ka lang? What happened between you and Dreif sa CR? Did he do something wrong?" Tanong ni Kuya Ben nang makita nya ako sa lobby.

"Uh, yes Kuya okay lang. May emergency call lang saken galing sa bahay, pero okay naman na po. Di ko napansin si Dreif sa CR, kala ko nagleave sya today." Sabi ko na nagmaang-maangan na lang. Tinigngan ako neto ng parang binabasa ang nasa loob ng isip ko. Pagkaraan ay huminga syang malalim.

"Okay, I'll drop it. Pero tell me, are you okay?" Full of concern netong tanong sakin. Hinawakan pa ako neto sa balikat na syang kinabigla ko at bigla akong lumayo.

"Ah yes po Kuya. Balik na po ako sa loob." Nagmamadali akong pumasok sa opisina at muling umupo sa upuan ko na di nililingon kung sumunod ba si Kuya Ben. Nagkatitigan pa kami ni Dreif bago ako magsimula sa trabaho ko. Maya-maya ay bumalik na din si Kuya Ben at di na ako nilingon.
---

Weeks went by na sila Spring and Aurum lang kasama ko. Dreif never went near me, he never attempted na kausapin ako ulit. Kuya Ben naman would still go over my desk. Kapag di nya ako kasama, kung dati ay si Dreif ang kasama nya, ngayon ay si Ezer naman ang madalas kasama nya kahit pa nasa ibang team ito.

We were having lunch nila Spring, Aurum, and Alice nang umupo sa table namin si Kuya Ben at Ezer. Si Eunice kasi ay lumabas kasama si Sir Vince.

"Hi, makikikain kami ha. Wala kasing vacant." Sabi ni Kuya Ben samin, pero nakatingin lang sakin.

"Sure, maluwag pa naman dito." Sabi ni Spring at umusog na nga kami para paupuin sila. Tumabi naman sakin si Kuya Ben habang sa tapat nya, si Ezer umupo na katabi si Alice. Nagkamustahan ang dalawa. Mukhang magkaibigan na din naman yung dalawa dahil comfortable lang sila tignan, walang tension.

"Psst. Aurum, tignan mo ex-fling mo. Magisa na naman. Heartbroken pa ata sayo." Bulong ni Spring sa katapat netong si Aurum na katabi ko naman ng upuan.

"Ewan ko jan. Goods naman kami nagbreak, pero nabadtrip talaga ako nung Christmas Party." Pagkasabi nya neto ay parang natigilan ito at unti-unting tumingin kay Kuya Ben, na syang nakatingin na din sa kanya mula nang magsalita ito.

"Uy goods lang. Di naman na din kami naguusap nyan. Mula nung araw na yon." Kibit balikat ni Kuya Ben at nagpatuloy nang kumain.

"Ikaw ba Ezer, nakakausap mo pa siya?" Tanong naman ni Spring.

"Di na rin eh. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan." Sagot netong halata mo din namang worried.

"Wag na nga naten pagusapan. Baka mahawa tayo sa mood nya." Sabi naman ni Aurum. Nagpatuloy na lang kaming kumain habang naguusap tungkol sa kung ano-ano. Maya-maya ay nagsalita si Ezer.

"Ah guys free ba kayo later tonight? Dinner tayo?" Pag-aaya niya sa lahat. "Treat ko."

"Wow, ano meron?" Excited namang tugon ni Kuya Ben.

"Ahh- ehh, basta. Gusto ko lang magdestress. Sabay sabay na tayo, kasya naman siguro tayo sa minivan? Yun kasi dala ko, coding yung sasakyan ko." Kamot ulo netong sabi.

"Wow nakaminivan ka?" Amazed kong tanong.

"Ay mayaman yan si Ezer. Board of Director tatay nyan dito kaya sure magiging boss naten yan after ilang years. Akalain mo yon, coding kaya nakaminivan? Ako nga cocommute lang ako kapag coding." Sabad ni Kuya Ben. Namula na lang si Ezer.

"Uy basta ha, sama nyo na din si Eunice saka boss Vincent kung gusto nila." Sabi neto at nagmamadaling umalis habang may tinatawagan. Natapos na din kaming kumain at bumalik sa kanya kayang stations.
---

Kakarating lang namin sa condo ni Ezer. Isa itong 2-bedroom na condo unit mga 30 minutes ang layo mula sa opisina. Maluwag at maaliwalas para sa iisang tao lang.

"Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko dito.

"May isang kasambahay yan. Baka umalis lang saglit." Singit ni Kuya Ben habang nagbukas ito ng ref at kumuha ng tubig na malamig. "Feel at home lang, guys!" Alok pa neto samin. Ako, Spring, Aurum, Alice, at Kuya Ben lang nakasama. Si Eunice ay masama daw ang pakiramdam pero susunod daw si Sir Vincent pagtapos syang maihatid. Close din pala nila si Sir Vincent because he was one of their bosses before Sir Vincent was transferred to another department.

"Talo mo pa may-ari ng bahay ah." Sabi ko kay Kuya Ben. Maya-maya pa ay dumating na ang kasambahay ni Ezer at naghatag na ng mga niluto nya. Nagpadeliver din daw si Ezer ng additional kung sakali mang kulangin ito. Kumain na din kaming lahat habang masayang nagkukuwentuhan nang dumating si Sir Vincent.

"Kuya Vince, tara kain. Di ka na namin naantay ah." Sabi ni Ezer.

"Okay lang kumain naman na ako, nagdala na lang ako alak para sa inyo." Sabi neto sabay angat ng dala netong bote ng alak. "Pero di ako sasali ha, uuwi rin lang ako mamaya eh." We continued eating and maya-maya lang ay napansin kong nagpapaikot na ng alak sa pangnguna ni Ezer.

"Di rin ako iinom ah. Maghahatid pa ako sa mga girls later." Sabi neto.

"Ay wow salamat Ezer pero pwede naman kami magbook ng Grab." Sabi ni Spring.

"Ay di pwede, dinala ko kayo dito eh, kaya hahatid ko na din kayo. Habol na lang ako sa mga boys pagkahatid ko sa inyo." He wiggled his eyebrows at me na ikinatawa ko naman.

"Uyy sasabay na din ako umuwi sa kanila." Sabi ko naman.

"Nako, di pwede. Diba Ben?" Sabi nya kay Kuya Ben na sinamaan naman ng tingin saken na parang nagsasabing di ako pwede umuwi. Napabuntong-hininga na lang ako at kumain.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na kami sa sala nila and started playing Uno, ang childish ng laro pero nagenjoy naman ang lahat. After a while, nagpaalam na si Aurum dahil tinamaan na daw sya ng alak.

"Sige na hahatid ko lang tong mga girls." Sabi ni Ezer. "Sabay ka na ba saken Kuya Vince?"

"Sige pwede naman." At tumayo na din si Sir Vince at nag-ayos ng sarili. Maya-maya ay palabas na sila ng pinto.

"Mag-ingat sa pagdrive Ezer ha. Lagot ka saken kapag may nangyari sa kanila." Pagbabanta ko dito.

"Oo naman. Ingatan nyo din tong bahay ha. Iinom pa tayo." Sabi neto at nagpaalam na nga. Naupo na lang ulit ako sa sala at tinitigan si Kuya Ben na nakatingin lang din sakin.

"What?" Asar netong tanong.

"Ang iritable naman? What are gonna do now while waiting." Simangot ko dito.

"Tara inom. Bili na din tayo ng dagdag alak para pagbalik ni Ezer." Sagot neto.

"Alam mo inaabangan ko pa din hanggang ngayon yung ipapadeliver daw niya. Nakaalis na lahat di pa rin dumarating." Sabi ko na natatawa.

"Hala onga no? Di na dumating yon. Baka naligaw na o kaya walang rider na nahanap kaya cinancel na lang. Ano tara?" Aya neto saken. Wala akong choice kundi sumunod kesa maiwan magisa dito sa condo.

Naghanap kami ng convenience store at bumili ng dagdag alak para sa tatlong tao. Pagtapos ay bumalik na kami sa condo. Pagliko namin sa kung nasaan ang pinto nila Ezer ay may nakatayong lalaki. Likod pa lang ay kilala ko na ito. His tall silhouette, his curly hair, his broad shoulders... Si Dreif. Bat andito to? Akmang kakatok pa lang ito nang magsalita si Kuya Ben.

"What are you doing here?" Tanong dito ni Kuya Ben. Nagulat pa ito bago lumingon sa amin. May halong pagtataka, inis, at takot sa mata neto.

"I-I just wanna-" Naputol ang sasabihin neto nang bumukas ang pinto at lumabas si Ateng kasambahay ni Ezer.

"Ay bat jan kayo naguusap, puma...

About the Author :

X

Joined: September 7, 2023 (15 days old)
Writings: 5
Gay  ·  Offline
Description:
Just wanted to try if I have the talent for this hehe been wanting to write a full story ever since forever 😫

twitter @navyrmt
Websites:
3  ·  7  ·  5  ·  2,105
 · 

Comments
Inlight_0088's Profile Picture
Inlight_0088
September 9, 2023 (13 days ago)

Hahahhah lakas maka virgin haahaahaah, btw galing author!!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
X
xnavyrmtx
September 9, 2023 (13 days ago)

Hello salamat sa appreciation! Virgin pa talaga sya... that time HAHAHA never been touched

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Clerk
September 12, 2023 (10 days ago)

Is this somewhat true (about the company allowing dating?) Kasi sana majority ng companies ganyan na hehe :3

The Query

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
X
xnavyrmtx
September 13, 2023 (9 days ago)

There are companies na "discourage" but it will not cause you termination unless naging pangit performance mo, then may basis na sila tanggaling ka hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Clerk
September 13, 2023 (8 days ago)

Yeah I expected that much, pero my past companies prohibits dating among their employees. May legal actions agad even if nakita ka lang nag flirting sa workmate (ofc with strong basis). Tbh, I somehow get their intentions pero there's still this nagging feeling kahit I'm not the one doing the deed.

The Query

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Clerk
September 12, 2023 (10 days ago)

Thank you for the UD Author. For now I'm with Team Ben kahit bromance "pa" sila Hahaha

The Query

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
X
xnavyrmtx
September 13, 2023 (9 days ago)

Hahaha nice to know na you already have your bet para sa ating bida. Stay tuned for more twist and turns sa kanyang kwento, Clerk!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments