M
E
N
U

Paradise Island Book 3 Chapter 7

18+

By: Razel22

Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng dalawang babae sa loob ng masukal na gubat na nagpalipad sa napakaraming ibon sa kalangitan. Nagkandahulog din ang napakaraming dahon ng nagtataasang puno dahil sa naganap na trahedya sa grupo nina Jade.

" Urrgghhhhhhh!!! P-putanginaaa! Bakit ba merong mga ganitong hayop sa lugar na tooooo!!!" sigaw niya nang mapigilan ang kagat ng heganteng ahas gamit ang pinutol na sibat na iniharang sa bunganga nito. Nagtalsikan pa ang malapot na laway nito sa mukha ni jade at titig na titig siya sa naglalakihang pangil nito na kung magkamali siya sa galaw ay tiyak na mapapatay siya nito.

Pero dahil sa laki ng ahas ay itinaas nito si Jade at biglang iwinasiwas ang ulo na kung saan natapon ang lalaki at tumama ang likod sa matigas na puno.

Halos maiyak naman sina Bianca at Elisha sa nakikita at namumutla na sa takot. Na kahit si Ratbu ay di nakagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkagulat pero. . .

Nahimasmasan ito ng makadinig ng kalabog at nakita si Jade na nahulog sa lupa matapos tumama ang katawan sa puno. Agad na napatakbo si Ratbu para sana tulungan si Jade pero di nito naipagpatuloy ang pagsagip ng makita ang muling pag-atake ng ahas sa mahal na hari.

" Jaaaaaaadeeee!! bumangon kaaaaaa!! Papaatake na ang halimaw!" malakas niyang sigaw na nakapagpamulat kay Jade at agad napabangon ng makita ang ahas palapit sa kanya.

Nabitawan niya na ang sibat kaya napatingin siya sa paligid at nakita ang ugat ng malaking kahoy na kanyang kinabagsakan at maaari siyang magtago sa ilalim noon kaya mabilis siyang gumapang papasok at saktong sakto sa pagkakapasok niya ang pagtama ng malaking pangil ng heganteng ahas sa ugat ng kahoy.

"HHSSSSSHH!!! SSHHHHHHHHH!!!HHIISHHHHHHHHHHH!!!"

Isang nakakabinging tunog ng ahas ang madidinig sa kagubatan at muli na naman iniumpog ang ulo sa malaking puno na nakapagpayanig sa paligid.

Dahil naman sa takot ni Ratbu ay mabilis na nilapitan niya ang dalawang babae at inilayo sa lugar. Dinala niya ito pabalik sa pasukan ng kagubatan at itinago sa naglalakihang bato. Di makapagsalita ang dalawa dahil sa takot at nanginginig pa ang katawan.

"Prinsesa Ayana! At ikaw naman mahal kong Athena. Manatili muna kayo sa lugar na to habang anjan pa ang ahas sa loob. Hahanapan ko ng paraan para mailigtas si Haring Jade. Maiwan ko muna kayo dito! " nag-uumpisa ng magpanic na saad niya at nang hindi nakadinig ng sagot mula sa dalawang babae ay mabilis na tumakbo pabalik sa masukal na gubat si Ratbu at muli niya na namang nadaanan ang bangkay ng isang malaking unggoy na puno ng malapot na laway ang katawan.

Samantala sa loob ng gubat ay palipat lipat ng pwesto si Jade na nagkukubli sa ilalim ng ugat ng malaking puno para maiwasan ang naglalakihang pangil ng heganteng ahas. Alam na alam niya sa kanyang sarili na wala siyang magagawa kung lalabanan niya ito. At ang tanging makakapagsalba lang sa kanya sa oras na yun ay ang kanyang kaibigang heganteng tigre na si Bogart.

Pero papano?

Wala sa lugar ang kanyang kaibigang tigre at tanging siya lang ang makakapagligtas sa kanyang sarili. Padapang pinagmasdan niya ang paligid nung maramdamang kumalma na dahil sa hindi na muling umatake ang ahas. Nakita niya pa ang katawan nito na papaakyat sa nagtataasang puno. Ang nangingintab sa itim na kaliskis na parang antigas na kahit ang sibat nito ay di sigurado si Jade kung makakayang makasaksak sa kaliskis na yun.

Sa kanyang pagmamasid ay nakita niya ang katutubong kaibigang si Ratbu na payukong nagkukubli sa mga nagtataasang damo. Pa tingin tingin ito sa paligid at nakita rin ni Jade di masyadong malayo sa kinaroroonan ni Ratbu ay doon nakapatong sa isang bato ang uluhan ng kanyang sibat at sa tabi nito ang katawan.

"Pst! Ratbu! Huwag muna! Alam kong nagbabantay lang ang ahas sa paligid at aatake sa oras na lumabas ako sa lugar na to! Pagplanuhan muna natin ang pag-alis sa lugar na to!" sambit ni Jade na saktong madidinig lang ng katutubo.

"Mahal na hari . . Sa bandang likod mo ay andun ko huling nakitang gumapang ang ahas sa nagtataasang puno. Maaari ko na rin sigurong makuha tong sibat mo!" saad nito at mabilis na tumako palabas ng pinagtataguan hanggang sa makarating siya sa kung saan andudun ang sibat ng hari.

Pero. . . .

Isang pagkakamali ang nagawa ni Ratbu na nalantad ang kanyang lokasyon. Dahil ng oras na yun ay muling bumalik ang nagbabantay na ahas at dahil sa laki at liksi nito ay huli na para makaatras pa si Ratbu lalo na nung nakita nitong papunta na sa kanyang kinaroroonan ang heganteng ahas na nakabuka na ang malaking bunganga nito.

Sa malalaking pangil ay doon na napatigil si Ratbu at hindi makagalaw dahil sa takot na nararamdaman. Tinanggap na nito ang kapalaran lalo na't nakarating na sa malaking punong pinagtataguan ni Jade ang ahas at napakalapit na sa kanya.

Napalingon na lang ito sa kinaroroonan ni Jade sabay ngiti at hagis ng sibat papunta sa dereksyon ng kanyang kaibigan at sa pagkakataong yun ay bigla na lang siyang sinunggaban ng heganteng agas na kung saan kalahating katawan na lang ni Ratbu ang nakalabas sa malaking bunganga ng halimaw.

Nasaksihan lahat ni Jade ang nangyari na kahit siya ay parang binagsakan ng langit nang makita ang mukha ng kanyang katutubong kaibigan na kung paano ito sinunggaban ng halimaw at dinala sa itaas ng puno para doon lunukin.

Napapahigpit na ang hawak niya sa isang ugat ng puno dahil sa galit. Sinisisi nito ang kanyang sarili dahil sa napakahina niya pa at hindi ma protektahan ang nag-iisang tao. paano pa ang kanyang bayan. Ang lahat ng mamamayan na kanyang sinasakupan.

Sa nasaksihang yun ay boung tapang na lumabas siya sa pinagtataguan at hinablot ang sibat sabay konekta sa ulo at katawan ng kanyang armas.

" HALIMAWWWWW!!! Andito akoooooooo!! Umatake ka naaaaaa at handa na akong labanan kaaaaaaa!!!"

Napuno na siya ng galit at nawala na sa hwisyo at napatitig sa napakataas na puno na kung saan andudon ang napakalaking ahas hanggang sa nagulat si Jade ng may nahulog mula sa itaas.

"Dug! "

Isang tunog ang kanyang nadinig na nakapagpanlumo sa kanya ng makita ang putol na paa ng kanyang kasamahan. Napahigpit pa ang pagkakahawak ni Jade sa sibat at inihanda ang sarili hanggang sa makita nitong nakatitig din sa kanya ang ahas kaya napalingon siya sa paligid at nagplano kung paano lalabanan ang panibagong melenyal na hayop na kanyang makakaharap.

"HHSSSSSSSSSHHHHHHHHHH!!!"

Nakakabinging tunog na naman sa paligid ang nadinig at pabulosok pababa ang ahas papaatake sa kanya. Napalunok naman ng laway si Jade hanggang sa itinusok niya ang sibat sa lupa at inihanda ang sarili.

Nang tatlong metro na lang ang lapit ng halimaw ay kaagad siyang nag dive pakanan at iniwan ang nakatayong sibat na kung saan doon dumeretso ang ulo ng ahas at sa kabutihang palad ay tumusok ito sa ngala-ngala ng halimaw .

Kung gaano ito kalakas at kabilis umatake ay yun din ang bilis ng pagtusok ng sibat sa kanyang ngala-ngala at doon ay gumapang ito sa pinakalapit na puno at pumulupot dahil sa sakit na nakamtan.

"Yan ang bagay sayo!!!! Hindi lang yan ang gagawin ko kundi ipapakain pa kita sa kaibigan kong tigreeeeeeee!! Humanda ka ahas at papatayin kitaaaaa!!" sigaw ni Jade sa galit at kumuha ng isang malaking bato bago tinapon sa nguso ng ahas na kung saan ay mas lalong tumusok pa ang sibat at sa pagkakataong yun ay kita na ang dulo nito na lumabas sa kaliskis sa bandang nguso ng halimaw.

Patakbong lumapit si Jade dito pero sa isang iglap ay natapuan niya ang kanyang sarili na lumipad matapos matamaan ng mahabang buntot at muli na namang bumangga ang kanyang katawan sa puno at pabagsak sa matigas na lupa. Dahil sa mababang parti ng gubat ang binagsakan ni Jade ay gumulong ang kanyang katawan pababa sa malapit na parang pabilog na canal.

Naalimpungatan siya at napahawak bigla sa isang bato at naiwasan ang muli na namang pagkahulog sa malalim na butas.

"Paano. . . Paano ko magagapi tong panibagong nilalang na to? Sa kasulukuyan sitwasyon ay siguradong mapapatay lang ako pag pinagpatuloy ko ang pakikipaglaban sa heganteng ahas na yun! Hindi man nito makuhang makatuklaw ay sigurado naman mapipisa ako nito sakaling mahuli ako. O kaya paulit ulit lang akong tatamaan ng buntot ng kaputanginang yan! Urrgghhhhhhh!! Diyos ko. . Bakit ba laging ganito?

Ano bang nagawa kong kasalanan noon na sa dinami dami ng masasamang tao sa mundo bakit ako pa! Bakit ako pa ang napunta sa lugar na to! Mula sa heganteng ipo-ipo papunta sa mga canibal na yun! Pati ba naman kay Tukmol! At ngayon yun heganteng ahas na naman! Ano na!! Arrgghhh nakapahirap diyos ko! Parang gusto ko nang bumalik sa dati kong lugar!

Gusto ko nang mamuhay ng mapayapa. Simpleng pamumuhay kasama ng aking mga kaibigan. Yung makapagtattoo para lang may pangkain at panggastos sa pang araw-araw. Di tulad nito na naging hari nga pero kaakibat ang lahat ng problema! "

Napakaraming tumatakbo katanungan sa isipan ni Jade ng oras na yun at doon niya naalala ang sinabi ng kanyang asawang si Lhea.

Na sa kasalukuyang sitwasyon na kahit sagana siya sa lahat. Pamilya,pagkain,kayamanan, tauhan, at lugar na kanyang pinamumunuan ay kaakibat pa rin nito ang sandamakmak na problema na kailangan niyong maresolba.

Doon ay muli nasilayan niya ang mga mukha ng kanyang mga mahal sa buhay na nakasama sa isla.

Ang mestisang si Pearl na nakilala sa airport at nakasama sa isla na nakipagsapalaran. Si Mia. . .Ang katutubong unang nakilala ni Jade at may naganap sa kanila. Si Lhea. . .Ang isa sa pinakamagandang katutubong nasilayan niya hanggang sa mapunta kay Shiela ang babaeng kamukhang kamukha ni AJ Raval na kasamahan niya ring survivor at una niyang nabuntis. At ang panghuli ay si Kath. Ang katutubong katulong nila sa gusaling kanilang tinitirhan na patago niyang kinakana hanggang sa mabuntis ito.

"Hindi pwede! Hindi pwedeng sumuko ! Ahas ka laaaaang!! Ahaaas ka laaaaaaaaaang!"

Sigaw niya sa galit at hinila ang bato para kumuha ng bwelo sabay talon paakyat at sa pagkakataong yun ay nakakita siya ng isang naputol na sanga ng kahoy kaya kinuha niya ito ng hindi tumitigil sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng ahas na nakapulupot pa rin sa kahoy at namimilipit sa sakit at hindi maisara ang bibig dahil sa sibat na nakatusok dito.

Boung tapang niya itong hinarap at tumalon sa pinakamalapit na bato sabay iwas sa paparating na buntot at buong lakas na sinaksak ng dulo na sanga sentro sa mata ng heganteng ahas.

"HHSSSHHHHHHHHHHHH!!!! SSSHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Isang nakakapangilabot na tunog ang umalingangaw sa boung kagubatan at doon na nagwala ang ahas lalo na't duguan na ang nguso at mata nito.

Nabali na rin ang malaking kahoy na pinapalibutan ng katawan nito at dahil sa dugong tumalsik sa kabilang mata ay hirap na itong makita ang kinaroroonan ni Jade.

Pakaliwa't kanan namang tumakbo ang lalaki at naghanap ng tamang tyempo para muling atakehin ang ahas dala-dala ang panibagong sanga na kanyang napulot. Mas maliksi at mas bumilis na siya kesa noon kaya madali lang sa kanya ang pagtakbo at talon sa mga bato hanggang sa makapunta siya sa likod ng ahas at muli na naman sanang aatake ngunit. . . . .

Mabilis na gumapang ang heganteng ahas palayo nang walang tigil sa pag-inda sa sakit ng nguso at mata nitong may nakatusok pang sanga ng kahoy. Dahil sa laki at haba nito ay nakaalis ito ng napakadali.

Naiwan naman si Jade na nanginginig ang mga kamay sa galit at kaba. Dumadagundong ang tibok ng kanyang puso bunga na rin ng adrenaline na lumalabas sa kahit sinong tao sa oras ng pangangailangan.

Binitawan niya na ang hawak-hawak na sanga at napatingin sa paligid dahil hindi niya na makita sina Bianca at Elisha. Wala rin itong edeya sa kinaroroonan ng dalawa dahil sa hindi niya ito napansin nuong inatake siya ng ahas.

Sa ihip ng malamig na hangin sa masukal na gubat ay parang pinupunasan nito ang pawisang mukha ni Jade. Pero nang oras ding yun ay napahawak siya sa kanyang ulo at doon nakumpirmang merong siyang sugat na natamo.

"ELISHAAAAAAAAA!!! BIANCAAAAAAAAAA!!! LUMABAS NA KAYOOOOOOO!! MAAYOS NA ANG LAHAT! WALA NA ANG AHAS!" tawag niya sa dalawa at nag-antay ng sagot pero wala.

Walang Elisha at Bianca siyang nadinig kaya nanlumo na naman siya at hindi makapaniwala na nangyari ang mga di dapat mangyari.

Ngayon wala na si Ratbu ay mag-isa niya na lang na babaybayin ang daan pauwi sa kanyang lugar sa kamaligan kaya pabagsak na napaluhod si Jade at napayuko na kung saan ay dumikit ang noo nito sa lupa. Pinagpahinga niya ang pagod na katawan at tiniis ang pananakit nito sa dalawang beses na pagtama sa matitigas na mga kahoy at sa di inaasahan dahil na rin sa pagod na nararamdaman ay padapa siyang nakatulog sa kanyang kinaroroonan.

******

Sumapit ang kadiliman ng gabi ng magising si Jade at papungay-pungay ang mata na inaninag ang paligid. Sa sinag ng maliwanag na buwan ay unti-unti niyang nakikita ang kapaligiran at doon niya napagtanto na nakatulugan niya ang labis na pagod at sakit na naidulot sa kanya sa pakikipaglaban sa higanteng ahas.

Pinilit nitong tumayo at nagmasid sa paligid na nagbabakasakaling makita sina Bianca at Elisha . Pero ni walang bakas ng dalawa at ang tanging nakita lang ni Jade ay ang putol na paa ni Ratbu di masyadong malayo sa kanyang kinaroroonan. Parang bumalik lang sa dati na wala na naman siya at ang tanging dala-dala lang ay ang lumang beltbag.

Wala sa sariling napaatras siya at sinandal ang pagod na katawan sa malaking puno at doon ay binuksan niya ang beltbag at kinuha ang kaha ng Marlboro na merong tatlong stick na lang na natitira. Gamit ang zippo lighter na binigay ng kanyang kaibigang si Benjie mahigit isantaon ng nakalipas ay sinindi niya ang yosi sabay hithit.

Sa pagbuga nito ay napapaisip siya sa kanyang gagawing hakbang. Kung paano ulit sisimulan ang paglalakbay ng mag-isa. Na kung hahanapin pa ba niya sina Bianca at Elisha o umalis na lang ng tuluyan sa lugar.

Doon ay napagpasyahan niyang simulan ang paglalakad at tinahak ang daan patimog tulad ng sinabi sa kanya ng matandang pinuno ng bayan ng Sili. Tanging mga huni ng kulisap sa gabi at kaloskos ng mga unggoy sa mga kahoy ang nadidinig ni Jade.

Nanlalagkit na rin ang kanyang katawan sa malapot na laway ng nakalabang ahas pero di niya na yun inintindi. Gaano man kasukal ang gubat ay nilakbay niya ito pero dahil sa pagod at hindi pa nakakarekober ng maayos ang pinsala sa binti na nagsimula na namang manakit ay mabagal niyang nilakbay ang napakadilim na kagubatan.

Meron siyang mga nadidinig na mga huni ng ibon, paniki pati na mga alulong ng mababangis sa hayop sa gubat. Di rin maalis sa isip ni Jade na may tsansang magtagpo muli ang landas nila ng nakalabang ahas pero naging blangko na ang kanyang utak lalo na't hindi nito nakalimutan kung paano kinain ng ahas ang kaibigang si Ratbu.

Sa patuloy na paglalakad ay nakadinig siya ng malakas lagoslos ng tubig di masyadong malayo sa kanyang kinaroroonan kaya patakbong pinuntahan niya ito .

"Huh? I-isang na namang talon? Pero deretso ang daan sabi nung matandang pinuno ah. Urghhh tangina naman! Nakakapagod! Nakakapagoood! " reklamo nito at pasuray suray na naglakad papunta sa talon at lumusong sa tubig.

Isang ilog naman ang kanyang lalakbayin para makarating sa kabila na kahit malakas ang agos ng tubig ay pinilit niyang tatagan ang sarili hanggang sa makaahon siya at pagapang na napadapa sabay himlay ng ulo sa lupa.

"Haaaaa! Haaaaa! L-lhea. .Mia .. . Kath. . . Shiela at Pearl . . Malapit na ako. Kung sakaling nakabalik man kayo sa bayan ay hintayin niyo lang ako. " pabulong na saad niya sabay tukod ng kamay at pinilit na tumayo.

Muli niyang inaninag ang paligid ngunit sa kadiliman ng gabi sa gubat ay limitado lang ang kanyang nakikita.

Pero. . . . .

May isang palatandaan ang hari na nagbigay ng panibagong pag-asa at sigla sa kanya ng makita mula sa malayo ang pinakamataas na puno sa islang una niyang binagsakan.

Ang pinakamataas na pinetree na tanging siya lang at si Bogart ang nakaakyat. Doon ay napangiti si Jade at sinimulang humakbang paabante at muling pumasok sa masukal na gubat.

Gaano man kalayo ang kanyang lalakbayin ay siguradong makakabalik at makakabik siya sa kanyang kaharian.

Pabilis na pabilis ang kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang napatakbo na kung saan patalon talon na rin siya sa mga batong nadadaanan sabay kapit sa mga naaabot na baging at mag ala Tarzan.

" Mga Kasamaaaaaaa!!! Malapit na akooooo wooooaaaaahhhh!!!" Sigaw niya sa labis na saya

Pero . . .

Pero. . .

Dahil sa ingay na kanyang nagawa ay may isang nagpapahingang nilalang ang muling nakadinig sa kanya at mabilis na gumapang sa lupa paakyat sa mga kahoy upang makapaghigante.

Walang kaalam alam si Jade na meron na namang isang peligrong magaganap at triple ang bilis nito kesa sa kanya. Tinahak niya na ang daan papunta sa pinakamataas na puno ng biglang. . .

"HHHHSSSSSSSHHHHISSSHHHHHH!!!!"

Isang na namang nakakabinging ingay ang nakapagpatigil kay Jade at gumapang ang labis na takot sa kanyang katawan. Naramdaman niya na rin ang pagyanig ng paligid lalo na ang maingay na tunog ng mga kaloskos ng mga puno hanggang sa napatigil siya bigla.

Sa kanyang paglingon ay napamulagat na lang ang kanyang mata na makita ang napakalaking ahas na mabilis na gumapang at sa baway kahoy na madadaanan nito ay nagsiliparan ang napakaraming paniki.

Agad siyang napatingin sa paligid at doon ay mas domoble ang nararamdamang kaba ng makitang nakarating na pala siya sa labasan ng kagubatan at isang napakalawak na talahiban ang kanyang lalakbayin at sa pagkakataong yun ay wala na siyang ibang mapagtataguan at ang tanging magagawa niya na lang ay ang tumakbo.

"Arrghhhh kaputanginahang buhay tooooo!!! Bwesit! Bwesit! Bwesiiiiiit Ggrraaaaaahhhhh!!!" Boung bilis na tinakbo niya ang napakalawak na talahiban at alam na alam niyang tumatayo na ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan ng biglang. . . .

"Duuuggg!! Uurrgggkkk uuuaaaagghhhh!!!"

Di niya namalayan ang isang patay na hayop na dahilan ng kanyang pagkatumba at bumagsak sa matigas na lupa na kung saan ay gumolong gulong pa ang katawan.

Nang maramdaman niyang malapit na ang ahas ay pinilit niyang mahiga at doon ay humilakbot ang labis na takot sa bou niyang katawan ng makita ang nakalabang heganteng ahas na nakataas na ang ulo at ngumanga ang napakalaking bunganga na kung saan ay naalis na ang kanyang sibat.

Sa napakalaking pangil nito at talsikan ng laway ay di na nakagalaw pa si Jade kaya tinanggap niya na lang ang tadhana at napapikit bago ngumiti.

" Heto na. . . . . Handa na ako!" Sambit nito at inihanda na ang sarili sa pagpanaw. . . . .

Ngunit ng oras na yun ng papakagat na ang ahas ay biglang nakadinig sila ng napakalakas na alulong at pagyanig ng lupa na kahit ang ahas ay napatitig sa paligid hanggang sa biglang. . . .

"GGRRRRAAAAHHHHHHH HRAAAAAAAHHHHH!!"

Pamilyar na alulong ang nadinig ni Jade at ang sunod na pangyayari ang nakapagpagulat sa kanya.

Yun ay biglang lumundag ang heganteng tigre at biglang dinaganan ang nakalabang ahas na kung saan sunod sunod na kalmot ang ginawa nito.

Doon naalala ni Jade ang mga panahong hindi pa siya nakakarating sa isla.

Na kung saan pinasok ng ahas ang kanyang tahanan at sinagip siya ng kanyang alagang pusang si Bogart.

Sa bilis ng reflex ng pusa ay di magawang matuklaw ito ng ahas at parang pinaglalaruan lang ito sa sunod sunod na pagkalmot sa ulo ng ahas.

Yun ang nakikita ni Jade sa kasalukuyang nangyayari pero dahil na rin sa laki ng dalawang nilalang ay yun din ng dahilan ng pagyanig ng paligid.

Parehong mga melenyal na hayop ang naglalaban na parehong mga tinuturing na bathala ng isla ng mga katutubo na kahit si Jade ay di makagalaw sa kanyang nasasaksihan ng biglang. . . . .

" J-jade?"

Isang pamilyar na boses ang kanyang nadinig at nakaramdam na may humawak na kamay sa kanyang balikat. Di siya makapaniwala sa mga nagaganap kaya dahan dahan niyang nilingon ang sa likuran hanggang sa makita ang mukha ng taong nakahawak sa kanya.

Sa sinag ng maliwanag na buwan ay kitang kita ang nag-uumpisang pagbukal ng luha sa mata ng hari at panginginig ng labi nito sa labis na saya. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay na nakaakbay sa kanyang balikat at pinagmasdan ang mukha ng babaeng laging laman ng kanyang puso't isipan.

"L-lhea"

******

Samantala sa ikalawang bundok papunta sa bayan ng kamaligan ay andun nakahanay ang napakaraming katutubo na pinamumunuan ng mortal na kaaway ni Jade na si Bryan. Makikita ang napakaraming liwanag mula sa apoy na nakasindi sa dulo ng kani-kanilang mga hawak-hawak na pamalo.

Nang makarating sila sa gitna ng kabundukan ay agad napatigil si Bryan ng makaramdam ng labis na pagod sa walang tigil na paglalakbay kaya napatingala siya at tinignan ang mga butuin sa kalangitan bago napabuntong hininga at hinarap ang mga tauhang nasa kanyang likuran.

"Malayo pa. Sa tingin ko aabutin pa ng dalawang araw bago tayo makarating...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (4 years old)
Writings: 145
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
26  ·  9  ·  29  ·  1,726
 · 

Comments
Abet02's Profile Picture
Abet02
September 8, 2023 (14 days ago)

Salamat sa update

Mature guy

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 8, 2023 (14 days ago)

welcome po abet at salamat sa pagbabasa

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Cesar14cezar
September 8, 2023 (14 days ago)

Malibog pala talaga..
Nakakalungkot lng patay na su pearl at si kath

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 8, 2023 (14 days ago)

Si pearl nakabalik na sa kanila kasama si 4th ang anak ni Jade sa kanua.Mababasa yan sa Tres Marias

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Barcon
September 8, 2023 (14 days ago)

Wow swerte ni Charice pag ngkataon hehe sna ol 🤣
Sa wakas nakita na Nila si Jade, makabalik ba sa tamang Oras si Jade sa Kamaligan? Abangan hehe thanks boss sa update 👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 8, 2023 (14 days ago)

Bogart to the rescue. Anaconda vs tiger ba naman eh haha. At kay maning charice at shiela naman eh abangan na lng natin bwahahaha

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Barcon
September 8, 2023 (14 days ago)

Naku, kmukha ba nman ni Aj Raval yan sus napapa jakol ka tlaga hehe 🤣🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gwapo7836
September 8, 2023 (14 days ago)

Ano na kaya ang nangyari kay Jade

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
September 9, 2023 (13 days ago)

thanks otor.....................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments