M
E
N
U

A Soldier's Heart S3 EP9: Start Of War

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Taboo, Mature, Reluctance, Romance · Tags: , , , , , ,
Date: September 7, 2023 (21 days ago)


This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

===========================

Sa loob ng kwarto nila Capt Cesar at ng grupo niya.

Kasalukuyan ng nakahiga ang mga ito sa kanya kanya nilang bunkbed. Pero pare parehas silang lima na hindi datnan ng antok. Napaupo na lamang si capt cesar sa kanyang kama at napatingin naman ang apat dito.

" Di ka makatulog noh?" ang tanong ni Jr sa kanyang kaibigan habang siya din ay umupo na lamang sa kama niya. Napatingin naman ito sa kanyang kaibigan at bakas sa mukha ng kapitan ang pagkabalisa nito.

" tandaan niyong apat… masaya ako na nakasama kayo" ang sabi ni capt cesar habang pinagmasdan nito ang apat niyang kaibigan na sa lahat ng bagay at pangyayari ay nakasama niya.

" hoy… bakit parang nagpapaalam ka" ang sabi naman ni tonton sa kaibigan. Napaupo ito sa kama niya at napasandal doon sa pader na kung saan naka dikit ang bunk bed niya.

" oo nga…. Tandaan niyo… may mga naghihintay sa atin na bumalik" ang sabi ni berto pero kahit siya ay di niya alam kung makakalabas pa ito ng buhay dahil sa tindi ng kanilang kalaban.

Laging pumapasok sa isip nito ang kanyang asawa na si Salome at ang kanilang mga anak. Hindi niya alam kung ano ang magiging kinabukasan nila kung sakali man na mawala ito. Siguro ay hindi naman sila papabayaan ng pamilya ni Jr.

" basta ang importante ay lagi tayo magkakasama… walang tatalo sa grupo natin" ang sabi ni Richard habang nakatingin lamang ito ngayon sa kisame ng kanilang kwarto. Alam din niya impossible na walang mababawas sa grupo nila pero ayaw niya isipin ito at pilit niyang pinapaalala sa sarili niya na lalabas silang lahat ng buhay dito sa mission na ito.

" Kung may iniisip kayo na mawawala….. Hindi isa sa atin un o sa grupo ni General James…… ang mawawala sa mundong ito ay ang mga salot na rebeldeng iyon" ang sabi naman ni Jr habang pilit niyang pinalalakas ang loob ng mga kasama niya.

Alam niya na tatlong maliliit na supling ang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Kasama na ang dalawang magandang babae na mahalaga sa kanyang buhay.

" Chie…. Anna….. Alagaan niyo ang mga anak natin….. Wag niyo sila papabayaan" ang sabi ni Jr sa kanyang sarili habang inaalala niya ang dalawang babae na nagturo dito sa lalaking ito na hindi sa lahat ng oras ay kailangan mo gawin kung ano ang nasa puso mo. Kailangan matuto ka gumamit ng utak.

" Jr… boys… tara… andyan na ang isa pang tutulong sa atin" ang masayang sabi ni Capt cesar. Bigla na lamang itong nagkaroon ng sigla dahil sa isang mensahe ang pumasok sa kanyang telepono.

Mabilis naman itong tumayo kasunod ang apat na kaibigan at lumabas sila ng kanilang bunker tungo sa entrance ng HQ kung saan nakatayo ang isang lalaki na nakataas ang kamay habang may nakatutok na baril sa likuran nito.

" Stand down… kasama natin siya" ang mabilis na utos ni Capt Cesar ng makita niya ang kaibigan na si Juan. Napatingin naman ang dalawang sentry dito at mabilis na binaba nila ang mga baril na nakatutok kay Juan.

" Pare…… anong meron at biglang nagbago ang isip mo?" ang sabi ni Capt cesar at mabilis nitong inakap ang kanyang kaibigan na si Juan. Napangiti naman si Juan dahil sa pagkikita nila ng kanyang kaibigan na naging jail guard noon nakulong ito sa muntilupa.

" hindi na dapat hinahayaan na maghari ang demonyo sa lupa" ang sabi naman ni Juan habang nakatingin ito ngayon sa apat na kasama ni Capt cesar. Napansin naman ito ni capt cesar at pinakilala niya isa isa ang mga kasama.

" tara….. Ipakikilala kita kay Gen James" ang sabi ni capt cesar at mabilis nitong dinala si juan sa bunker ng kanilang commander.

Naabutan nila na nasa labas ng bunker ang matandang heneral na tila ba may kausap ito. Mabilis naman na pinakilala ni Capt cesar ang kaibigan niya.

===========================

Kinabukasan

Maaga pa lamang ay naghahanda na ang pwersa ni General james para sugurin ang kampo ni Mayor garces at ang mga rebelde. Lahat sila ngayon ay nasa loob ng command center

Lahat silang mga miyembro ng pwersa ni Gen james ay nakasuot ngayon ng itim na uniforme. Walang patch, walang rango. Parehas parehas sila ng mga oras na iyon. Sundalo ng bayan na handang lumaban sa mga masasamang elemento at ipagtanggol ang kanilang mga pamilya.

" Men….. uulitin ko ang inyong mga assignment" ang sabi ni General james habang nakatayo ito ngayon sa harapan ng lahat ng miyembro ng kanilang black ops mission. Napatigil naman lahat ng miyembro niya sa kani kanilang ginawa.

" Unang papasok ang grupo nila Toni, Jumbo at Marianne…. They would kill all coms and jammer sa paligid" ang sabi ni General james habang nakatingin ito ngayon sa tatlong magkakamaganak na susugod sa mansyon ng mga garces.

Kasalukuyan na hawak ni Jumbo ang isang mp7 submachine gun w/ extended magazine at kasalukuyan niya na kinakabit na ang suppresor nito. Si Toni naman ay may hawak na isang suppressed uzi sa kanyang kamay.

Habang si Marianne ay may dalang m4a1 assault rifle. Suppressed ito at extended din ang magazine. May hybrid sight ito at foregrip. Napangiti naman ito sa sinabi ng general. Ready na ang tinagurian na team jumbo sa pagsugod nila sa mansyon ng mga garces.

" May I remind you… kailangan niyo macut ang communication lines nila before 21:00" ang sabi ni General. Nakita naman ni General na tumango si jumbo sa kanyang utos at naglalagay na ng mga magazine si Jumbo sa suot nitong vest.

" the rest of you should be on standby habang hinihintay niyo ang go signal…….. I will remind you… once nasa area na kayo… we will lose all communications dito……. Pero once all jammers are down……… you would hear a beat… on your coms" ang sabi ni General james at pinarinig niya sa grupo ang maririnig nila. Tinandaan naman nila ito para kung sakali ay in sync silang lahat.

" Jose….. Kayo ni donya yda ay dadalhin ang itim na van na ginamit niyo" ang sabi ni General james kay jose na ngayon ay hawak ang kamay ni Julia. Napatingi naman si Jose kay donya yda at tumango ang matanda sa kanya. Nakaramdam ng kakaibang kaba ang matanda dahil parang may masamang mangyayari sa kanila.

" James… Eros… Buhawi…. You would be right behind the two….. Buhawi provide sniper cover kay jose at donya yda… while you two are going to rescue your wives…. Wait sa go signal ni jose before proceeding" ang sabi naman ni general james kay Eros at james.

Eros ay may hawak na m16 assault rifle with silencer habang si James naman ay isang ar15 assault rifle na may silencer din. Napatango naman ang dalawa dahil alam nilang kailangan na masunod ang plano para masigurado na ligtas ang kanilang mga asawa.

" Juan" ang sabi ni General james at dalawang lalaki ang lumingon sa kanya. Ang lalaki sa tabi ni boss harry at ang isa pa nasa tabi ng mga kakaibigan na sila jr. Napailing na lamang ito.

" Juan….. Ni Cesar…… John na lang tawag ko sa inyo" ang sabi ni General james sa kanyang mga tauhan. Napangiti naman ang lalaki na ngayon ay hawak niya ang m14 sniper rifle na suppressed habang nakatingin ito dito. Inaayos nito kanina ang scope ng rifle at gusto niya na accurate ito kahit na ilang daan metro pa ang kalaban.

" Ikaw at si Pedro would provide sniper fire mula black hawk natin in case na magkagulo sa area ni Jose" ang sabi ni General james. Napatingin naman si Pedro dito na may hawak ngayon car-15 rifle. Napailing na lang si pedro dahil para tuloy silang ung dalawang bayani snipers sa black hawk down dahil sa ganito rin ang kanilang sandata na dala.

" Team….. Focus sa mission natin… at tandaan niyo proud ako na makasama kayong lahat" ang sabi ni General james habang hinayaan na lamang niya ang mga ito na maghanda sa mission nila.

" andrea…. Protect the rest of the family" ang sabi ni General james kay andrea na ngayon ay nakasuot na din ng battle gear habang hawak nito ang isang m16 rifle. Napatingin naman si andrea sa matandang heneral at ngumiti ito dito.

Ang grupo nila Jr ay tiniyak na well stock na ang kanilang mga vest. Grenades, flashbang at mga magazines ng mga dala nilang baril. Lahat sila ay may dala na m4a1 assault rifle with suppresor at grenade launcher.

Tiniyak nila na lahat ng parte ng baril nila ay maayos at working. Ayaw nila ng magkaroon ng aberya habang nasa gitna sila ng laban.

Si Boss harry naman ay may hawak na Galil assault rifle na nakafold ang butt stock nito. Tulad nilang lahat ay nakasuppressed din ito. Tinitiyak niya na maayos ang pagkakabit ng dual magazine niya.

Ang mga tauhan nito ay may nag aayos na din. May mga dala silang assault rifle at mga light machine gun. Napatingin na lamang si Boss harry sa paligid niya at nakita niya si Juan na inaayos nito ang kanyang galil assault rifle din na may grenade launcher sa baba.

" Juan….. Mag ingat ka" ang sabi ni boss harry. Napatingin naman si Juan dito habang pinupunasan nito ang barrel ng grenade launcher niya. Napatigil naman si juan sa kanyang ginagawa at napatingin sa kanyang amo at kaibigan.

" ikaw din boss" ang sabi ni Juan at tinapik niya sa balikat ang kanyang kaibigan at nakita mo sa kanilang mukha na handa na sila. Lalo na si Juan dahil alam niyang maraming tao ang nakasalaylay ang buhay sa pagiging successful ng mission nila.

Habang si Buhawi naman ay kasalukuyan na inaayos niya ang sight ng kanyang mk14 ebr sniper rifle. Nilalakasan ni Buhawi ang kanyang loob para sa kanyang mahal na si marina at sa anak nila.

" babalik ako para sa inyo" ang sabi ni buhawi habang binaba niya sa lamesa ang rifle niya at sinigurado na dala niya lahat ng kailangan na gamit para sa mission nila mamaya.

Habang si Jose naman ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang kanyang mga kasamahan. Di tulad nila na may dalang sandata para sa laban. Siya ni isang kutsilyo ay hindi siya magdadala.

" love love……everything would be alright" ang sabi ni Julia kay Jose ng mapansin niya na kanina pa tahimik ang kasintahan niya. Napatingin naman si Jose dito at di niya maiwasan na tumulo ang luha niya.

" Love love….. Promise mo sa akin na aalagaan mo at mamahalin mo ang anak natin" ang sabi ni Jose sa kanyang kasintahan habang pumapatak ang maliit na luha nito sa sahig. Napayakap naman si Julia sa kanya ng mga oras na iyon.

" Mangako ka din na babalik ka dito" ang sabi ni Julia sa kanyang kasintahan. Napantingin naman si jose dito at isang mainit na halik ang binigay niya sa babae. Napangiti naman sila sa isa't isa.

" Men… let's move" ang sigaw ni General james ng makita niya na mag aalas tres na ng hapon at mabilis na inayos ng mga ito ang kanilang mga dala. Ang kanilang mga backpack at baril ay handa na at pumila na sila sa labas.

" Team Jumbo….Your chopper is waiting" ang sabi ni General james sabay turo nito sa isang black hawk na nagsisimula pa lamang ang pag ikot ng blades nito. Mabilis naman na sumakay ang tatlo sa black hawk at tsaka na sila lumipad tungo sa drop off point.

" Team Harry…. Get ready" ang sabi naman ni General James at mabilis naman na tinungo ng grupo ni Boss harry ang hilera ng pick up trucks at sumakay na ang mga ito doon. Si Boss harry ay nasa lead vehicle.

" Move" ang sigaw naman ni General james at mabilis na umalis ang convoy ng grupo ni Boss harry palabas ng kampo. Napangiti naman ang heneral dahil marami ang nagtataka dahil hindi sabay sabay ang pag alis ng grupo niya. Parte talaga ito ng plano niya para hindi makapag prepare ang grupo ni mayor garces.

" Cesar… Jr Move" ang sigaw ni General James at mabilis din na sumakay sa loob ng mga Humveee nila ang grupo nila Jr. Si Jr at cesar sa isang humvee habang si Richard at tonton naman sa isa.

Mabilis din na umalis ang grupo nila tungo sa kanilang lokasyon. Ang grupo na lamang ni Juan at jumbo ang naiwan kaya naman sumakay na rin si juan sa Convoy ng APC. Habang si jumbo at brett ay dinala ang mga motor nila At pinaalis na din sila ni General james.

" Pedro …. John….. Be ready" ang sabi ng matandang heneral at sumakay na ang dalawa sa black hawk at naghintay na lamang ng go signal. Ganun na rin si buhawi, james at eros na sumakay naman sa isang unmark na van na katulad ng sasakyan nila Donya Yda at Jose.

" love love… mag ingat kayo" ang sabi ni Julia sa kanyang kasintahan bago ito nagtungo sa sasakyan nila ni Donya Yda. Ang matanda ang magmamaneho ng sasakyan kaya naman sa tabi ng driver seat umupo si eros.

=============================

" Chuff chuff!!! Chuff chuff!!! Chuff chuff!!!" ang tunog ng helicopter na sinasakyan ng grupo ni Jumbo. Kailangan pa nilang umikot sa tungo sa landing zone nila malapit sa pampanga river na ilang kilometro din ang layo sa mansion ng mga garces.

Ito ang pinakasafe na pwede nilang paglandingan dahil sa wala masyadong rebelde doon at sakto lang ang layo para maabot nila ang kanilang destination. Napatingin naman si Jumbo sa dalawang tiyahin niya na nasa tapat niya nakaupo.

Kanina pa tahimik ang mga ito sa biyahe nila kaya naman hindi mapakali itong lalaki dahil sa parang kinakabahan din ito. Napangiti na lamang si Jumbo ng sumenyas ang piloto nila na 2 mins na lamang at malapit na sila.

Hindi sila maglaland sa area kung hindi magrarappel ang tatlo sa kagubatan. Mabilis naman naka dating sila at nakababa sa chopper. Umalis na ang helicopter habang si Jumbo naman ay tinignan ang orasan nito.

" 4:30 na tita" ang sabi ni Jumbo habang nakatutok ang baril nito sa paligid. Ganun din naman ang dalawang tita niya na may kanya kanyang side na binabantayan.

" let's go" ang sabi ni marianne at dahan dahan na nila ginapang ang kagubatan tungo sa estate ng mga garces. Ready to battle ang mga ito kung sakali man na may makasagupa sila na rebelde sa daan.

Habang kabilang dako naman, sa halos kakadating lamang ng pickup trucks na lulan si boss harry sa sta ana. Napatingin naman ang mga sundalo sa kanila pero hindi sila nagulat dahil sa coordinated na ni General ang lakad nila.

Bumaba si boss harry at pumwesto sa likod ng army truck kung saan nandoon ang commanding officer ng mga sundalo na nandito.

" pag nagkaputakan……. Provide cover fire sa team ko…. Will be the assault team" ang sabi ni boss harry dito sa sundalo na capt ang rango. Tumango naman ito at sumandal ang dalawa sa likod ng malaking gulong ng truck habang hi...

About the Author :

gilfmilflover's Profile Picture

Joined: July 18, 2021 (2 years old)
Writings: 336
Male  ·  Offline
Support Me:
Patreon
Set up a monthly donation via Patreon:
Become a patron
Description:
Ayuda ni Pedro is live. Pm me sa gusto sumali sa ating kwentuhan at kwentutan channel
You can also subscribe to our buymecoffee site and get ayuda ni pedro free
Websites:
59  ·  14  ·  61  ·  10,316
 · 

Comments
Abet02's Profile Picture
Abet02
September 7, 2023 (21 days ago)

Nice update lods
Nalalapit na ba ang pagtatapos

Mature guy

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 8, 2023 (20 days ago)

malapit na boss last 3 chapters na lang

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gwapo7836
September 8, 2023 (21 days ago)

Makakalabas pa kaya ng buhay sila marianne

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 8, 2023 (20 days ago)

o ang buong grupo

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Mhoi123
September 8, 2023 (20 days ago)

Ayus n ayus

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 8, 2023 (20 days ago)

salamat po sa support

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
SanGabriel
September 8, 2023 (20 days ago)

Yep sabog na lahat. Malapit na ang kataposan.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 8, 2023 (20 days ago)

malapit na katapusan nila hehehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
September 8, 2023 (20 days ago)

thanks otor...................................................

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 8, 2023 (20 days ago)

thanks boss richard

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mr.Loverboy's Profile Picture
Mr.Loverboy
September 8, 2023 (20 days ago)

Nice chapter pa init Ng pa init Ang laban sino kaya Yung international terrorist  🤔🤔🤔

E2 gusto kong abangan 1on1 mayor Garce vs Jose  jose vs konsehal Garce or
Jose vs Marco

Alin kaya sa tatlo Ang mangyayare????

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 8, 2023 (20 days ago)

abangan ang isang ending na hindi niyo ineexpect

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tarogi
September 12, 2023 (16 days ago)

Thank you sa update

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
September 12, 2023 (16 days ago)

thank you din sa support

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments