Nang Bumisita Siya Isang Gabi (Part 6 - Finale)
Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Romance · Tags: blowjob, cheating, slow burn
Date: September 2, 2023 (28 days ago)
Balik Tanaw
Ang kuwentong ito ay tungkol sa 'yo at kay Marie – ang kasintahan ng iyong matalik na kaibigan na si Jun.
Napagkasunduan ninyo ni Marie na aminin ang lahat kay Jun para maitama ang lahat ng inyong pagkakasala
Handa ka na ba? Ating alamin sa huling bahagi ng seryeng ito…
***
Pumasok agad si Jun pagdating n'ya sa unit mo. Abot-tenga ang kanyang ngiti nang makitang sinalubong niyo s'ya ni Marie.
"Mahal, I miss you so much", agad niyakap ni Jun ang babaeng mahal mo. Nakatingin naman sa'yo si Marie, kabado pero pilit tinitibayan ang loob para sa pag-amin n'yo mamaya.
Kumalas sa pagkakayakap si Jun at tumingin sa'yo:
"Salamat ulit sa pagpapatuloy sa girlfriend ko, Frank…", tinapik niya ang balikat mo at magiliw na nagsalita: "Kahit kailan talaga, mapagkakatiwalaan kita"
Parang may naimpit sa lalamunan mo pagkasabi ni Jun na "mapagkakatiwalaan" ka n'ya.
Patuloy kayong nagtitinginan sa mata ni Marie, para bang naghihintayan kayo kung sinong unang aamin kay Jun.
"Ready na mga gamit na ilalagay natin, Marie. Excited na 'kong lumipat. Tara na sa sasakyan?", paanyaya ni Jun kay Marie.
Pagkasabi nito'y agad napatingin sa iyo ang kolehiyala;
"Jun…tingin ko may sasabihin sa'yo si Frank…", ramdam mo ang kaba sa boses ni Marie.
"Uy 'tol, ano 'yun? Parang kinakabahan ako sa sasabihin mo ah! Nakabuntis ka ba?", pabirong wika ni Jun sa'yo
Ito na ang oras. Ito na ang oras upang umamin. Nakatingin si Marie sa 'yo, hinihintay ang mga susunod na salitang mamumutawi mula sa iyong mga labi. Handang-handa na siya sa mga mangyayari. Kay bilis ng pintig ng iyong puso at pinagpapawisan ang mga palad mo.
Huminga ka nang malalim…
***
Ngunit naunahan ka ng kaba at nabahag ang buntot mo…
"Ah….wa…wala…pre…ano lang sana…mag-iingat kayo ni Marie papunta sa lilipatan niyo"
"Akala ko naman kung ano, Frank haha. Kinabahan ako kanina lintik ka!"
Nagulumihanan si Marie. Halatang halata sa mukha niya ang pagkadismaya. Hindi mo siya ipinaglaban.
Tila namumugto ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang galit at pagkamuhi sa iyo. Nakatingin siya sa'yo– pero ang pagtingin niya ngayon ay hindi katulad dati na malagkit at puno ng pagmamahal. Ngayon ay puno ito ng pagtataka, para bang tinatanong ka niya "Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa 'kin, Frank?"
Wala siyang imik pero batid mong nagagalit s'ya sa'yo. Duwag ka, Frank! Duwag!. Hindi ka karapat-dapat sa puso niya.
"So, let's go, Marie? Excited na 'ko ipakita sa 'yo yung unit na lilipatan mo", kinapitan ni Jun ang kamay ni Marie kasabay ng pag-anyaya.
"Okay, Jun. Ta…tara na…" muling tumingin sa'yo si Marie na namumugto ang mga mata "…una na kami, Frank".
Kinuha ni Marie ang kanyang mga gamit. Hindi ka makatingin sa kaniya. Nahihiya kang ipakita ang talunan mong mukha. Nahihiya kang muli ka niyang tingnan sa mata at idiin sa 'yo ang kaduwagan mo.
Palabas na ng pintuan ang dalawa. Agad na bumalik sa alaala mo ang mga ginawa ninyo ng dilag – simula nang una kayong nag-date hanggang sa nag-threesome kayo kasama si Avery. Para kang hihimatayin dahil sa kalungkutan. Nagsisisi ka sa kaduwagan mo, pero huli na ang lahat.
"Una na kami, Frank. Salamat ulit", sumakay ng sasakyan ang magnobyo.
Umalis ng unit mo si Jun at Marie, 'ni hindi ka man lang nilingon ng babaeng mahal mo.
Pag-alis ng dalawa'y narinig mo ang malalakas na patak ng ulan sa iyong bubong. Sinundan pa ito ng mga dumadagundong na kulog at kidlat.
Kasabay ng malakas na ulan ay ang pagbagsak ng mga luha mula sa 'yong mata.
Agad mong kinuha ang cellphone mo para magpadala ng mensahe kay Marie, baka sakaling maayos mo pa ang lahat:
I'm sorry, Marie. Natakot lang ako kanina. Please forgive me. Susubukan ko ulit aminin lahat kay Jun.
Mabilis na sumapit ang gabi pero hindi tumugon sa mensahe mo si Marie. Sinubukan mo rin siyang tawagan, pero hindi niya ito sinasagot. Bakit nga naman siya sasagot pa sa isang duwag na katulad mo?
Lumipas ang mga araw, lumipas ang mga linggo. Ilang beses mong sinubukan tawagan ang dalaga ngunit kahit isang beses, hindi s'ya sumagot.
Sinubukan mo rin s'yang puntahan sa unibersidad na kanyang pinapasukan, ngunit hindi nagkrus ang landas ninyo.
Sinubukan mo rin na kamustahin si Jun, baka sakaling imbitahin ka n'ya sa nilipatang unit nila ni Marie. Ngunit nalaman mong may out of town project s'ya sa trabaho. Wala siyang nabanggit na kahit ano tungkol kay Marie.
Napansin mo rin na nag-deactivate ng social media si Marie. Kahit ang bestfriend n'yang si Natasha ay hindi sumasagot sa mga messages mo.
Tuluyang naputol ang ugnayan ninyo ni Marie. Tuluyang naglaho ang kulay ng iyong daigdig na dulot ng kanyang mga ngiti. Muli kang naging malungkutin at mag-isa sa iyong unit. Araw-araw ay tanging mga review books mo na lang ang kaharap mo at hindi ang magandang dilag na may balingkinitang katawan.
Dapat ka lang magdusa dahil duwag ka at hindi mo siya kayang ipaglaban.
Ngunit hindi ka sumuko, araw-araw ay nagpapadala ka ng mensahe kay Marie. Nag-iilusyon na baka sakali, sumagot siya kahit katiting na parirala.
Marie, namimiss na kita, sana patawarin mo na 'ko. Magkita tayo. Mahal na mahal kita
Love…please sumagot ka na, alam kong nasaktan kita, pero ngayon ipinapangako ko na ipaglalaban na kita.
Marie, I'm sorry, bigyan mo pa sana ako ng isa pang chance. I love you so much. I really want to talk with you.
Ngunit walang tugon si Marie – kahit isa, wala.
***
Lumipas ang mga araw, mga linggo, mga buwan. Nakapasa ka ng board exam. Naging isa kang ganap na inhinyero. Tumungo ka sa Maynila upang magtrabaho para isang malaking construction firm.
Maraming nagbago sa 'yong buhay ngunit nanatiling si Marie ang tanging laman ng puso mo. Sinubukan mong maghanap ng bagong babaeng iibigin, ngunit nabigo ka lamang. Mahirap limutin ang tunay na pag-ibig.
Hanggang isang araw ay nagulat ka ng bumalik sa social media si Marie. Naka-graduate na s'ya. Nag-post siya ng mga litrato kung saan kasama n'ya si Jun. Ngunit isa sa mga litratong ito'y nakapukaw sa iyong pansin – inaakbayan ni Jun si Marie, ngiting ngiti ang matalik mong kaibigan, pero halata sa litrato ang malungkot na mukha ni Marie.
Walang nagbago kay Marie. Napakaganda at sexy pa rin n'ya. Maaliwalas ang mukha, bilog na bilog ang hinaharap at kurbang kurba ang balakang.
Labis na nasaktan ang puso mo. Iyo na sana si Marie pero nagpaka-tanga ka. Sising sisi ka ngayon sa kaduwagan mo.
***
Ngunit mapaglaro ang tadhana…
Nasa gitna ka ng meeting kasama ang mga boss mo nang makatanggap ka ng isang tawag:
"Mr. Pelocio, can you please turn off your phone? You're distracting us…", galit na galit ang impakto mong boss dahil sa tumutunog mong telepono.
Tarantang-taranta kang sumagot sa iyong boss habang kinukuha sa bulsa mo ang telepono: "I'm sorry, sir. I will put it in silent mode now"
"Hurry Mr. Pelacio, you're getting in my nerves! Turn off your phone!"
Nagulat ka nang makita kung sino ang tumatawag sa cellphone mo – si Jun! Matagal-tagal na rin ng kayo'y huling nag-usap.
"Hey, Mr. Pelacio! Will you turn off that shit or not!?", naggagalaiti na ang boss mo sa galit dahil sa nakakarinding tunog ng ringtone mo.
Pero wala kang balak sagutin ang telepono. Si Jun ang tumatawag, hindi naman si Marie. Gayundin, inis na inis na ang boss mo sa'yo, kung hindi mo pa papatayin ang telepono mo ay baka mawalan ka pa ng trabaho.
"Yes sir, yes, sir. I'm sorry".
Pinatayo mo ang telepono, ibinalik ito sa iyong sa bulsa at nagpatuloy pakikinig sa meeting. Pero kinukutuban ka na mahalaga ang tawag ni Jun. Hindi mo ito dapat palagpasin.
Pagkatapos na pagkatapos ng inyong pagpupulong ay agad mong tinawagan si Jun.
Hindi agad sumasagot ang kabilang linya. Ilang beses mo ring sinubukan i-dial ang numero. Sa ikatlo mong subok ay sa may sumagot din sa wakas.
Nabigla ka nang marinig ang tinig ng isang babae mula sa kabilang linya:
"Hello? Hello? Sino po 'to?"
Pamilyar ang magandang tinig mula sa kabilang linya. Hindi ka pwedeng magkamali kung sino ang may ganitong tinig. Ito ang babaeng kinantahan ka sa videoke at una mong nakahalikan sa sofa ng dati mong apartment. Hindi ka pwedeng magkamali, si Marie ang sumagot ng tawag mo.
"Helloo? Sino po 'to?", patuloy na nagtatanong si Marie mula sa kabilang linya.
Kay bilis ng pintig ng puso mo. Ngayon mo lang ulit narinig ang magandang tinig ng babaeng mahal mo. Nagdadalawang-isip ka kung sasagot ka, nanlambot ang mga tuhod mo, at pinagpawisan ka.
"Teka …Prank po ba 'to? Di po kayo nakakatuwa", muling wika ni Marie mula sa kabilang linya.
"Ma…rie, i..ikaw ba 'yan?", mahinang tugon mo sa dilag.
"Frank?", hindi mo mawari kung nagulat ba o nainis ang reaksyon ni Marie sa kabilang linya.
Ngayon ay sigurado ka nang si Marie ang kausap mo. Tuwang tuwa ang puso mo at sa wakas ay muli mong makakausap ang minamahal mo. Pero bago ka pa lang sasagot ay agad sumabat si Jun mula sa kabilang linya.
"Mahal, sino 'yang tumatawag?"
"Si Frank"
Agad sinunggaban ni Jun ang telepono.
"Frank! Nice…kanina pa 'ko tumatawag sa'yo pero di ka nasagot. Long time no see, pre!"
Agad nalumbay ang puso mo. Sayang at di mo makakausap si Marie:
"Nasa meeting ako kanina Jun, pasensiya na. Kamusta…ka..kamusta kayo ni Marie?"
"Ganun pa rin, Frank. Ganun pa rin".
Hindi mo alam kung anong ibig sabihin ni Jun na "Ganun pa rin", masaya ba sila o katulad dati na puro away.
"Bakit ka pala napatawag, pre?"
"May club party pala mga ka-batch natin sa Sabado. Hindi mo ba nakita sa chat group natin? Sama ka! Madaming pupunta, pati mga kakilala natin na di natin ka-batch!"
"Oo nga, Jun, nakita ko nga. Kaso busy ako sa trabaho baka di ako makapunta"
"Minsan lang tayo magkita, Frank. Punta ka na…balak namin pumunta ni Marie! Halos lahat pupunta, si Avery, si Mark, si Jim…buong tropa natin aattend. Di ka pwedeng mawala!"
Nakaramdam ka nang matinding pananabik nang maulinig mong isasama ni Jun si Marie sa beach party.
"Punta na nga 'ko, pre…namimiss ko din kayo", wika mo kay Jun.
"Nice! 9 PM simula ng party, nasa chat group ang venue. Excited akong makita ka ulit, pre!"
Excited ka din, pero hindi dahil makikita mo ulit si Jun, kundi makikita mo ulit si Marie.
***
Sabado, 9:15 PM
Punong-puno ang Cellery Club ng tao. Karamihan ay mga ka-batch mo noon, ngunit may iilan ding mga hindi mo naman ka-batch. Malamang kaibigan, jowa o asawa ng mga dati mong kaklase sa university ang ibang mga bisita.
Pagpasok mo sa bar ay una mong nakita si Mark, ang kalaguyo dati ni Avery na iyong binugbog. Nagkapatawaran naman na kayo. Yun nga lang, halos walang nagbago sa gagong 'to, mayabang pa din.
"Hey, dude. What's up! Long time no see…Gwapings ka pa din, Frankus!"
"Nice to see you again, Mark"
"Nakakamiss talaga mag- clubbing, dude! Ang daming sexy girls. Putangina! Nakikita mo ba yung babaeng yun. Massive tits, brooo. Tingnan mo mamaya, bibigyan ako ng titjob n'yan"
Si Myrna ang tinuturo ni Mark, ka-batch ninyo dati na kilala bilang susong malaki na tinubuan ng babae.
"Di ka pa rin nagbabago, Mark. Horny shit ka pa rin!", sagot mo sa kanya.
"I know, dude hahah! By the way, okay na tayo about kay Avery ha…sayong sayo na s'ya kasi natikman ko naman na. Kayo pa ba ng sexy girl na 'yon?"
Punong puno pa rin ng hangin si Mark. Parang walang pinagkatandaan. Kay sarap sapakin ng mukha pero naisipan mong palagpasin na muna ang kagaguhan niya.
"Matagal na kaming wala, Mark. Nag-break nga kami di 'ba dahil sa'yo"
Ngiting-asong tumugon si Mark:
"Hehehe…sorry again, dude. Hayaan mo na, babawi ako sa'yo. Tingnan mo ulit si busty baby girl natin, gusto mo sa'yo na lang s'ya? Massive tits yan, Frankus, sure ako magaling yan sa kama"
"Bro, si Myrna 'yan. Ka-batch natin. Mabait 'yang babae. Tigilan mo nga 'yang kamanyakan mo"
"I don't care, men. Kung ayaw mo sa kanya. Akin na lang. You'll see later how slut that fucking lady is"
"Bahala ka, Mark. Wag mo kong idamay sa kalibugan mo".
Inakbayan ka ni Mark at saka sinamahan patungo sa table ng mga kaklase mo:
"Fine…C'mon, Frankus. Let's meet our friends, nandun sila sa front table"
Pagdating ninyo sa table ay agad kayong sinalubong ng mga batchmates mo. Galak na galak ang karamihan ng muli ka nilang makita.
"Uy, si Frank!!!"
Tuwang tuwa sila sa presensiya mo at agad kang inalok ng alak. Pinakamasaya sa lahat ng nasa table ay ang dati mong kasintahang si Avery.
"Hey, Frank. Good to see you!", wika ni Avery sabay beso sa'yo.
"Good to see you too, Avery", tugon mo.
Lilinga-linga ka, hinahanap mo kung nasaan si Jun at kung kasama niya ba si Marie. Pero pagkatapos libutin ng mata mo ang buong bar ay napansin mong wala pa ang dalawa.
"So, kamusta kayo ni Marie, Frankus? It's been a year, hindi n'yo na ulit ako na-invite. Naghihintay pa man 'din ako", tanong sa'yo ni Avery sabay kindat. Apparently, wala siyang alam sa nangyari sa inyo ni Marie dahil una sa lahat, hindi alam ni Avery na kabit ka lang ng kolehiyala.
"Wait, you have a new GF, Frankus?", narinig pala ni Mark ang sinabi ni Avery. "What's her name?"
Sasagutin sana ni Avery ang tanong ni Mark ng biglang dumating si Jun, kasama ang taong hinihintay mo.
"Hey, it's Jun!!!", sigawan ng barkada ninyo.
Kapit ni Jun sa kamay si Marie, ang babaeng pinakamamahal mo. Naka-Deep V dress siyang pink, katulad ng sinuot niya noong nagthreesome kayo kasama si Avery. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Kung anong ganda niya noon ay tila dumoble pa ata ngayon.
Short-haired na siya ngayon hindi katulad dati na kay haba ng kanyang itim na buhok. Ngunit napaka-sexy niya pa rin. Hapit ang kanyang dress kaya humuhugis nang husto ang kanyang balakang. At ang kanyang mga suso – tanaw na tanaw dahil sa Deep-V niyang dress. Mga bundok na mabilog, makinis, at malaman.
Ikaw ang unang nilapitan ng magnobyo. Agad mo naman nasamyo ang jasmin na pabango ng babaeng mahal mo, ang amoy na matagal-tagal mong inaasam na muling masamyo. Para kang nasa langit ng muling maamoy mo ang halimuyak na bumihag sa puso mo.
"Frank! Long time no see", bati sa'yo ni Jun.
"Jun…good to see you, pre!", tugon mo, pero nakapokus ang tingin mo kay Marie.
Ngunit halatang umiiwas ng tingin sa iyo si Marie. Hanggang ngayon marahil ay may sama pa rin siya ng loob dahil sa kasalanan mo sa kanya.
Pagkatapos ang ilang kamustahan ay nagsalita si Jun sa buong batch ninyo:
"Batchmates, I know kilala naman ninyo kung sino kasama ko ngayon. Pero para sa mga hindi pa nakakaalam, she's Marie, my girlfriend for almost two years".
Nagsigawan ang buong batch ninyo pagkatapos itong sabihin ni Jun. Maraming kinilig at nagpalakpakan.
"Engagement na ba 'yan, pareng Jun?", tanong ni Mark kay Jun habang nagsisigawan ang mga tao.
Pero hindi nakasagot si Jun.
Nakangiti si Marie pero biglang nagkrus ang mga tingin ninyo. Agad nawala ang ngiti sa labi ni Marie nang tumingin siya sa iyong mga mata. Gustong-gusto mo siyang batiin o kausapin habang magkatinginan kayo pero wala 'ni isang salitang namutawi mula sa mga bibig ninyo.
Napatingin naman si Avery sa'yo. Agad niyang napagtagpi-tagpi ang katotohanan. Nakipag-threesome siya sa dalawang taong may bawal na relasyon.
Dumaloy ang alak at yosi sa buong club kasabay ang masasayang tugtugin. Lubos ang ligaya ng lahat, nagsasayawan, nag-iinuman, at nagkwe-kwentuhan.
Buong gabi ay magkasama si Marie at Jun, sila'y nakikipag-kwentuhan sa iba pang mga bisita. Halos maya-maya naman kayong pasimpleng nagkakatinginan ni Marie ngunit agad ring umiiwas nang tingin sa'yo ang dilag.
"2 years na pala kayong dalawang, Jun at Marie. Parang kailan lang nagliligawan pa lang kayo", wika ni Jim, isa sa mga kabarkada ninyo.
"Oo nga, pre. Ang bilis ng panahon. Syempre, madagdagan pa yan ng taon kasi mahal na mahal ako ng girlfriend ko", pagyayabang ni Jun.
Pero kapansin-pansin na walang kibo si Marie, isang pilit na ngiti lamang ang tugon niya.
"So paano 'yan, malamang engagement na kasunod n'yan?", patuloy ni Jim.
"Wala pa kaming ganyang usapan, Jim", mabilis na sabat ni Marie.
Agad napatingin si Jun kay Marie, tila hindi natuwa sa sinagot ng nobya niya
"Dadating din kami dun, di 'ba nga mahal?", pilit na isinasalba ata ni Jun ang sarili mula sa kahihiyan.
Hindi sumagot si Marie at napangiti lang ulit.
Ikaw naman ang sunod na kinausap ni Jim.
"Ikaw naman, Frank. Kamusta? Matagal-tagal ka nang single ah!"
Napangiti ka lang sa sinabi ni Jim at saka sumagot:
"Oo pre, single pa rin ako".
Pagkasagot mo'y muling nagtama ang mga mata ninyo ni Marie.
"Balikan mo na kaya si Avery, single din 'yan!", wika ni Jim.
Agad napatingin sa'yo si Avery. Maalalang natuklasan na niya ang sikreto ninyo ni Marie, malinaw na sa kanya ang lahat.
"Naku, matagal nang may nilalandi 'yan si Frank", sambit ni Avery kasabay ang mapanglibak na ngiti para sa inyo ni Marie.
"Teka, teka, may nilalandi ka pala pre, ba't di ko alam?", agad na tanong ni Jun.
"Wala, pre! Di ko alam kung anong sinasabi n'yan ni Avery"
Pero muling nagsalita si Jun:
"Naku pre, ayaw mo pang sabihin ha! Si Avery na lang tatanungin ko….", tumingin si Jun kay Avery at saka ulit nagsalita "…sino nilalandi nitong tropa natin, Avery?"
Kinabahan ka. Baka biglang sabihin ni Avery na si Marie ang babaeng nilalandi mo noon. Malaking kahihiyan ito hindi lang sa iyo, kundi pati kay Marie at kay Jun. Ayaw mong magkaroon ng iskandalo sa party. Dahil dito ay mabilis mong kinapitan ang kamay ni Avery at gumawa nang mabilisang palusot
"Ang kukulit ninyo…kaya sasabihin ko na nga lang…nagkabalikan na kami ni Avery".
Napangiti si Avery sa sinabi mo samantalang kapansin-pansin naman ang pagkagulat sa mukha ni Marie.
"Oh sabi ko na! Kayo talaga ni Avery para sa isa't isa!", bulalas ni Jim.
"Congrats, pre! Going strong pala ulit kayo ni Avery. Parang kami ni Marie", sambit ni Jun.
Nagulat ka naman nang magsalita din si Marie:
"Congrats, Frank. I'm happy for you", malumbay ang pagkakasabi ni Marie. Namumungay ang mga mata niya nang magwika siya sa iyo.
"Masama ba pakiramdam mo, mahal?", tanong ni Jun kay Marie nang mapansin ang malumbay nitong boses.
"Medyo napagod lang ako, Jun. Uupo muna ako dun sa table".
"Okay, mahal"
Agad mo namang nabatid na palusot lang ito ni Marie. Malamang ay hindi siya natuwa sa sinabi mo kanina tungkol sa inyo ni Avery. Malamang nagulat siya dahil may iba ka na agad na babae sa buhay mo. Nais mo siyang lapitan at sabihing hindi naman totoo ang sinabi mo kanina. Ngunit naalala mo ang kasalanan mo sa kanya, ang kaduwagan mo isang taon na ang nakakaraan.
Nagpatuloy ang kasiyahan. Nag-inuman kayong magbabarkada buong gabi. Ilang saglit pa'y marami na ring nalasing. Kapansin-pansin na mabilis nalasing si Jun. Plakda ito sa isang upuan at pinag-titripan na ng iba niyo pang barkada.
Pero wala kang pakialam kay Jun. Si Marie ang pakay mo ngayong gabi. Nais mo s'yang kausapin. Nasa isang table pa rin siya, mag-isa at tahimik. Aligaga ka namang nag-iisip kung paano siya lalapitan at kakausapin.
Nakita ka ni Avery na aligaga at agad kang kinausap:
"Hoy, Frankus! Alam ko na kalokohan niyo ni Marie. At ginamit mo pa talaga ako to save your fucking ass!"
"I'm sorry, Avery. I'm sorry hindi ko agad sinabi sa'yo"
"Dapat ka talaga mag-sorry. I'm fucking disgusted sa ginawa n'yo kay Jun. Niloko n'yo s'ya ni Marie patalikod"
"Avery! Wag kang maingay baka may makarinig sa'yo"
"Don't worry, Frankus. Lahat ng tao dito lasing na"
"Pati ikaw?"
"Kinda…but anyway, cheater ka at 'yang sweet girl mong si Marie. I thought good girl siya pero she's just a slutty girl like me din pala"
Agad mong pinangtanggol ang babaeng mahal mo:
"She's not a slut, Avery.Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang nagbigay ng motibo"
Pero hindi pinakinggan ni Avery ang paliwanag mo:
"And to think that you let me cheaters to fuck me, nakakadiri kayo!"
"Tama na, Avery. Hindi mo alam ang lahat, okay?"
"Oh! I know everything, Frankus. Horny ka kaya sinulot mo si Marie. Then eventually, naging horny din sa'yo si Marie and you fuck each other to the fullest nang di alam ni Jun! Kadiri!"
"Mahal namin ang isa't-isa, Avery. Hindi lang katawan habol namin sa isa't isa. At kung makapagsalita ka, parang wala kang kasalanan. Nag-cheat ka din sa 'kin noon, Avery, tandaan mo 'yan!"
Huminga nang malalim si Avery, nagpalinga-linga at nang masiguradong walang tao sa paligid niyo ay muli siyang nagsalita.
"Bahala ka nga! Pero pasalamat ka at lovey pa rin kita, Frank, and pasalamat si Marie dahil super crush ko s'ya. Your secrets are safe in me"
"Salamat, Avery. Utang na loob ko 'to sayo"
"Talaga lang, Frankus. Pero may kapalit 'to ha"
"I know. Pero 'wag ka nang umasa na mauulit yung threesome natin. Galit sa 'kin si Marie. We haven't talk for almost a year"
Nagulat si Avery sa kanyang narinig:
"What? What happened, Frank?"
Malumbay kang sumagot sa ex mo:
"Plano sana namin aminin lahat kay Jun para maging maayos na ang lahat. Kaso naduwag ako. Because of that, nagalit siya sa 'kin and iniwasan na niya ako mula noon"
"So anong ginagawa mo d'yan, Frankus? May mangyayari ba kung uupo ka lang d'yan? Move your ass and fix things! She's alone in that table. Kausapin mo s'ya!"
"Hindi yun ganun kadali, Avery."
"Fuck you. Anong 'di madali. Anong mahirap sa pagsasalita?"
"Hindi nga ako sigurado kung makikinig s'ya sa 'kin."
"You know, Frank. Cute ka pero tanga ka. Tumayo ka d'yan and talk to that girl. If you really want her, hindi ka matatakot. Kung 'di ka gagawa ng paraan, hindi mo na siya matitikmann ever again!"
"What the fuck, Avery!"
"Alam mo bahala ka na, Frankus. What if last chance mo na 'to sa kanya? What if maging engaged na sila ni Jun bukas or next week? May magagawa ka pa ba? It's the right time, Frank. I still remember how bold you are when you first talk to me sa bar, do the same, boy! Man up!"
Tama si Avery. Ngayong nakahain na muli ang pagkakataon sa harapan mo. Hindi mo na ito dapat pa palagpasin. Lasing na lasing si Jun, plakda at walang malay. Libreng libre si Marie, oras na para kausapin mo s'ya.
***
Dumadagundong ang musika na mula sa DJ ng bar. Nakakasilaw ang mga ilaw na patay-bukas. Nakakarindi ang sigawan ng mga bisita na parang mga ulol na nagkakasiyahan. Karamihan sa kanila'y lasing na. Mayroon na ring mga sumusuka at nagmamakaawa sa langit na sila'y kaawaan.
Ngunit lahat ng ito'y di mo napapansin. Nakapukol ang atensiyon mo sa dilag na nakaupo mag-isa sa fifth table. Nakapukol ang mga mata mo kay Marie.
Puno pa rin ng takot at pangamba ang puso mo ngunit hinugot mo na ang huling hibla ng katapangang nalalabi sa katawan mo.
"Hi…", bati mo sa babaeng minamahal mo.
Inangat ng dilag ang mukha niya at tiningnan ka. Paandap-andap ang mga ilaw sa kanyang mukha ngunit kitang kita mo ang kanyang kagandahan. Hinihintay mo kung tutugon ba s'ya sa iyo. Napuno ng kagalakan ang puso mo nang maulinig mo ang kanyang boses:
"Frank…"
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Ngunit dahil sa dagundong ng musika sa bar ay halos di kayo magkarinigan.
"Hindi kita marinig", wika ng dilag
Kinapitan mo ang kamay ng babae, napansin mong hindi man lang siya sumalungat sa ginawa mo.
"I miss you so much, Marie. Can we please talk for a while?"
Agad inalis ng babae ang kamay niya mula sa iyong mga palad.
"No, I'm sorry"
"Marie, please, ang tagal kong hinintay ito. Gustong gusto kong makausap kita ulit"
"No, Frank. Please… please…ayaw kitang makausap…umalis ka na"
"Marie…just five minutes, okay? Pagbigyan mo na 'ko"
"Ayoko nga, Frank. 'Wag mo na 'ko kulitin, please"
"Just five minutes, Marie. Five minutes lang, tapos hindi na kita kukulitin. Miss na miss na kita"
Huminga nang malalim ang babae at muling nagwika:
"Fine…five minutes, Frank. But promise to me that after this, hindi mo na 'ko lalapitan ulit"
Nasaktan ang puso mo sa sinabi ni Marie ngunit nangako ka sa kanya na limang minuto mo lang s'ya kakausapin.
"Let's talk outside, Marie it's too loud here"
Akma mong kakapitan ang kamay ni Marie ngunit mabilis s'yang umiwas.
"I can walk by myself, Frank. Hindi mo 'ko kailangan kapitan"
"I'm sorry, Marie"
Kay bilis ng pintig ng puso mo. Naglakad kayo palabas ng bar. Ngunit habang palabas kayo ay nakasalubong niyo si Mark, kasama na niya si Myrna at masaya silang nagsasayawan.
"Hey, Frankus! Nakikita mo ba 'to? I told you that I'll fuck this busty girl tonight!".
Hindi mo sila pinansin at patuloy lang kayo ni Marie na naglakad palabas ng bar.
"Wait, Mark…si Marie ba kasama ni Frank? I thought si Jun boyfriend ni Marie", sambit ni Myrna kay Mark habang palabas kayo ni Marie ng bar.
"Don't mind them, slut! Just grind that slutty ass in my cock", mayabang na wika ni Mark kay Myrna.
"Alright, bad boy", tugon ni Myrna sabay kiskis ng kanyang bilugang pwet sa burat ni Mark. Nakasuot siya ng tight leggings kaya sarap na sarap ang binata.
***
Sa labas ng bar, 12:30 PM
Dinala mo si Marie kung saan ka nag-park ng kotse. Dito mo siya balak kausapin.
Agad mong niyakap ang iniirog mong dilag. Tila lumulutang ka sa ere habang ninanamnam mo ang mahalimuyak niyang katawan na amoy sariwang jasmin flower. Dumikit sa katawan mo ang kanyang mayamang hinaharap na kay tagal mong inaasam na muling madama.
Hindi sinuklian ni Marie ang yakap mo at pilit ka pang tinulak.
"Ano ba, Frank! Stop this".
Pero hindi ka kumalas sa pagyakap sa dilag.
"Marie, I miss you so much…Sobrang namiss kong yakapin ka"
"Tang ina, Frank! I said, stop! Sisigaw ako kung hindi mo ko bibitawan"
Agad kang kumalas sa pagkakayakap. Galit na galit ka namang tiningnan ni Marie.
"So anong sasabihin mo? You only have five minutes at babalik na 'ko sa bar."
"I'm really sorry, Marie. Hindi kita naipaglaban. I really regret my decision pero ngayon handa na 'ko. Babawi ako sa'yo, ipaglalaban na kita kay Jun"
Ngunit nanatiling poker face si Marie.
"Yan na ba lahat, Frank? Kung okay na, babalik na 'ko sa bar."
Tatalikuran ka na ni Marie pero agad mong kinapitan ang kamay niya.
"Please, Marie. Matindi pa rin ba galit mo sa 'kin? Hindi mo pa rin ba ko napapatawad"
Tumingin sa'yo si Marie at bakas ang pagkainis sa tono ng kanyang pananalita:
"Frank…kung ano 'mang meron sa atin one year ago, tapos na 'yun. You already dumped it! You told me na kaya mong gawin lahat para sa 'ting dalawa. But you lied! Baka nga hindi mo naman talaga ako minahal kaya 'di ka lumaban. Ginamit mo lang akong….parausan mo!"
"Hindi totoo 'yan, Marie. Totoong minahal kita at totoong kaya kitang ipaglaban. Natakot lang ako dati pero ngayon handang-handa na 'ko".
"Mahal?", mataas ang tono ni Marie na sumagot sa iyo "…you're saying that you love me pero girlfriend mo na ngayon si Avery? Parehas lang kayo ni Jun, Frank. Mga gago kayong lalaki"
"Marie…hindi totoo yung sinabi ko kanina. Sinabi ko lang yun at baka sabihin ni Avery bigla kay Jun ang lahat. Palusot ko lang yun pero hindi ko talaga girlfriend si Avery. Ika...

About the Author :
G
Gggxx
Joined: March 28, 2023 (6 months old)Writings: 7
Male ·
Offline
Description: I'm a fan of slow-burn stories. I want my characters to have a little bit of personality and not just a random fucktoy. Currently, I'm writing a story about Marie and Frank as they find their way to love (and lust).
24 · 10 · 31 · 2,698
·
Comments
Add New Comment
Login to add comment on this writing.
September 2, 2023 (28 days ago)
Maraming salamat autor sa magandang kweto na iying binahagi.. Godbless po
September 2, 2023 (28 days ago)
ty otor sa isang magandang obra na iyung binahagi samin.. aabangan ko yan mga susunod mo pang obrang ibabahagi
its better to burn out than to fade away
September 2, 2023 (28 days ago)
Wow
September 3, 2023 (27 days ago)
magaling, magandang kwento....CONGRATULATIONS!!!!
September 3, 2023 (27 days ago)
galing
September 3, 2023 (27 days ago)
I really like the story sir.. fan ako ng mga ganitong klase ng storya.. for that aabangan k storya ni natasha..
September 5, 2023 (26 days ago)
Salamat po!
September 4, 2023 (27 days ago)
Thank you sa magandang obra author looking forward sa upcoming story ni Natasha at yung bestfriend niya si Jun at Cel... Anong sekreto ni Natasha ang malalaman namin at gaano ka hardcore si Cel when it comes to sex aabangan ko ang mga kasagutan...Open ended ang story di namin alam kung mauuwi sa kasalan ang lahat or hanggang magkasintahan nalang sila....Ingat lage author at god bless...
September 5, 2023 (26 days ago)
Salamat po sa pagbabasa :) Sa aking palagay po ay hindi naman open ended ang story bagaman hindi na natin alam kung ikakasal ba sila Frank at Marie. Ang mahalaga po ay alam natin na sa dulo ay magkasama na sila na walang kailangan na itago sa ibang mga tao :)
September 4, 2023 (26 days ago)
Napakahusay master at salamat tinapos mong story ung iba kasi bitin.