M
E
N
U

Paradise Island Book 3 Chapter 6

18+

By: Razel22

Sa paanan ng bundok ay andoon nakahanay ang napakaraming katutubong kanibal na pinangungunahan ng dating survivor ng nadisgrasyang Jumbo Jet mahigit isantaon nang nakalipas. Matalas ang tingin ni Bryan lalo na't nasanay na ito sa mga sakuna at ilang disgrasyang naranasan sa malaparaisong islang yun.

Bago pa nila ipagpapatuloy ang paglalakbay ay hinarap niya ang mga alagad mula kanan pakaliwa. Di nito lubos maisip na sa pagkukunwaring canibal noon ay napaniwala niya ang mga ito.

Gaano man kahirap ang magbilad sa araw para masunog ang balat o maligo sa imbornal para bumaho ay kanyang tiniis para lamang makaligtas sa mga humahunting sa kanila at makapaghigante sa kanyang mga kasamahan sa labis nitong pagkainis dahil sa laging nasasapawan.

At dahil na rin sa mga natutunan sa Notebook na nakuha kay Jade ay nabasa na nito ang mga lengwahe ng mga taga isla at yun ang ginamit para sirain ang pangalan ng hari at ikalat sa lahat na si Jade ay isang impostor na hari at nananakop ng mga kalapit na tribu at baguhin ang sistema ng lugar.

Na ang pinaniniwalaang pag-alay sa mga maysakit at matatanda na katutubo ay itinigil dahilan kung bakit kumokonti na lang daw ang mga hayop sa kagubatan. Na yun din daw ang dahilan sa mga bagyong nararanasan nila dahil sa di pinahihintulutan ng diyos diyosan ng isla ang pamamalakad ng bagong hari.

Doon ay napangisi si Bryan at napatitig sa isang malaking katutubong nasa harap nito. Ito yung katutubong kasabay niya sa pagtakas noon ng atakihin ng tribu ng Kamaligan ang kanilang kuta at kinuha ang kanilang mga bihag.

" Oten! Gaano pa kalayo ang ating lalakbayin bago makarating sa bayan ng Kamaligan?" tanong nito sa katutubo kaya naglakad ito palapit sa kanya. Dahil sa matangkad ang Canibal ay napapatingala si Bryan dito.

"Dalawang bundok at may tatawirin tayong isang malapad na ilog bago makapunta sa silangan bahagi ng lugar. P-pero pinuno sa lugar na yun ay naninirahan ang isang higanteng tigre na kinikilalang diyos ng mga taga roon. " saad nito kaya napatitig ng masakit si Bryan sa lalaki.

"Gaano man kabangis ang hayop na yun ay di nito mapipigilan ang bilang natin. Sa mga natutunan niyo mula sakin ay alam kong makakaya natin na sakupin ang lugar na yun at putulin ang ulo ng hari para ipakita sa lahat na walang makakapigil sa bagong simula at pagbalik sa dating sistema ng isla!" galit na sambit nito kaya napatahimik na lang ang kanibal bago napatango.

Agad na inagaw ni Bryan ang sibat na hawak-hawak ni Oten sabay taas ng kamay nito. " Walang aatras at walang magdadalawang isip na paslangin ang mga manlalaban! Sa tinagal tagal ng panahong naninirahan kayo sa malamig na lugar ay oras na para lumipat tayo sa isang bayan para sa komportableng pamumuhay! At ako! Si Bryan! Ang inyong pinuno at hihiranging bagong Hari sa boung islaaaaaaa!!!"

AWWWWWWWOOOOOOOOOOO!!! AWOOOOOOOOO!!! AWOOOOOOOOOOOOOO!!! dumadagundong na sigawan ng mga alagad ni Tukmol na kung saan ay nagsiliparan ang napakaraming ibon na naninirahan sa bahagi ng lugar na yun. Pinagpatuloy na rin nila ang paglalakbay ng iisa lang ang misyon.

Pagharian ang bayan ng Kamaligan at paslangin ang pamilya ng hari.

********

"Jade? Jade Gising na. . . . Nag-aantay sayo mga kasamahan mo sa labas. Jaaade. . .Gising na" isang boses ang nakapagpamulat kay Jade at ang mala-anghel na mukha ni Bianca ang kanyang nasilayan. Masyadong napagod ito sa ilang ulit nilang pakikipagtalik ng dalaga nung nakaraang gabi kaya pinilit niyang bumangon at itinukod ang isang kamay sa lupa sabay lapit ng kanyang mukha sa babae at hinalikan ito sa labi.

"Ansarap magising kung palaging ganito yung unang makikita ko Bianca. " sambit ni Jade kaya natawa ng mahinhin ang katutubo bago hinaplos ang kanyang pesnge. " Bolero. . . .Nga pala Jade nag-aantay na sa labas yung mga kasamahan mo." sambit ni Bianca kaya napilitang bumangon ni Jade at lumabas ng kubo.

Doon ay nag-aantay sina Elisha,Ratbu at ang dalawa pang katutubo ng bayan ng Sili na nakaupo sa gilid ng puno ng mangga at kumakain ng niletchon na manok.

Sa kabila naman ay merong babaeng katutubo na ikinikiskis ang isang maliit na sanga ng kahoy sa isang kawayan na unti-unti nang nagkakaroon ng usok. Di lubos akalain ni Jade na ang mga itinuro niya noon sa kanyang bayan ay lumaganap na sa iba't-ibang lugar sa isla.

Nang makalabas na si Bianca ay napaakbay ito sa balikat ng lalaki at nakangiting tinitigan nila ang paligid. Di kalakihan ang bayan ng Sili at di rin masyadong marami ang mga katutubong nakatira doon. " Ano sa tingin mo Haring Jade? Unti-unti nang lumalaganap yang mga naituro mo. Kung meron ka pang mga nalalaman ay ituro mo na rin. Alam mo bang sa napakalaking tulong ang nagagawa nito sa mga katutubo? " saad ni Bianca kaya doon ay napag-isipan ni Jade na kahit mahirap ay gagawa siya ng paraan.

Sa tulong ng kanyang mga kasamahan na naiwan sa kamaligan ay hindi magiging imposible ang lahat. Na bigyang liwanag ang madilim na gabi. Na magkaroon ng libreng tubig ng di na naghihirap sa pagkuha sa batis sa gilid ng talon. At ang pinakaimportante sa lahat ay magkaroon sila ng supply ng kuryente na di niya alam kung papano gagawin pero lahat ng yun ay pipilitin niyang makamit para sa lahat.

Hinarap niya agad si Bianca at inakbayan ito. Pero ang mga mata niya ay nakatingin sa naglalakihang tayong tayong suso ng nakahubad na katutubo. " Bianca. Sa tagal ng paninirahan ko dito ay may mga hindi pa ako nagagawa. Pero oras na makabalik ako sa Bayan ng Kamaligan ay ipinapangako ko abot sa aking makakaya ay magkakaroon ng mga bagong kaalaman at kagamitan na makakatulong para sa lahat. Pangako yan!!" sambit nito na nagpatango sa babae.

Naglakad na siya papunta sa kinaroroonan nina Ratbu at Elisha na malalim ang iniisip kaya nung makarating siya ay agad napatayo ang apat na katutubo. " Ratbu, Elisha. . . .Ipagpatuloy na natin ang paglalakbay. . . .Pauwi sa bayan" sambit niya sa mga ito.

"Jade ! Sasama ako ! Gusto ko na ring makauwi sa bayan natin pero naantala lang dahil sa di pa nakakabalik ang ilang katutubo dito na mga kasama ko noon sa paglalakbay." ani ni Bianca sabay lapit sa kanila at tumabi kay Jade.

Pero sa pagkakataong yun ay nagkatitigan sila ng masama ni Elisha kaya para maiwasan ang bangayan ng dalawang babae ay inaya ni Jade si Ratbu na ligpitin at ihanda ang mga gagamitin para sa panibagong paglalakbay kasa-kasama nila ang dalawang katutubong taga bayan ng Sili.

Sinamahan sila ng dalawang taga roon na puntahan ang kanilang mga dadalhin sa tulong na rin ni Bianca ng biglang nakasalubong nila ang isang grupo na kung saan pinamumunuan ng isang matandang katutubo na may mga nakatakip na dayami sa maselang parti ng katawan nito.

"Magandang araw po amang. Sila po ang bisita ni Prinsesa Mayumi na mga taga bayan ng Kamaligan at sila din po ang pumarito kagabi para may mapagpahingahan. " sambit ng isang katutubong sumama sa kanila.

Napatitig ang matanda kina Jade hanggang sa lumapit ito at inamoy ang lalaki. " Hmm isang dayuhan. Ginoo gaano ka na katagal sa lugar na to?" tanong ng matanda kay Jade sabay tingin sa mata nito .

"Mag-iisang taon na po Amang . . .tama po kayo isa po akong dayuhan sa isla at napadpad dito sakay sa isang eroplano na nasira. "

"Eroplano? Ano yun ?"

"Isang sasakyang panghimpapawid na makapaglalakbay sa kalangitan"

Sa sinabi ni Jade ay napaatras ang matanda at ang mas nakapagpagulat pa dito ay nung makita ang peklat sa gilid ng mukha ni Jade. "Ikaw ! Ikaw ginoo sumama ka sakin at a-anong pangalan mo?" sambit ng matanda .

" Jade po at ako ang namumuno o hari sa bayan ng kamaligan" sagot niya kaya napangiti ang matanda bago tumalikod at naglakad. Nagkatitigan pa sina Jade at Ratbu bago sabay na napatango at sumunod sa nauna.

Dinala sila ng matandang katutubo na pinuno ng bayan kasama ang ilang tauhan nito sa isang mabatong lugar na merong nag-iisang puno ng balete bago hinarap si Jade. " haring Jade. .Salamat sa mga naibahagi mo sa isla. Nasabi na ni Prinsesa Mayumi na ikaw ang may pakana ng lahat ng pagbabago at bilang pasasalamat ng tribu ng Sili ay mamarapatin mong tanggapin ang isa sa pinakaiingatan namin . Ito ang maalamat na sibat na gawa pa sa pangil ng heganteng ahas na napaslang mahigit isandaan taon ng nakalipas ng dating namumuno dito" sambit ng matanda bago kinuha ang isang batong nakatakip sa ugat ng puno na ginawa palang taguan.

Nang maalis ang bato ay nasilayan ni Jade at kanyang mga kasamahan ang isang sibat na puno ng agiw at dumi. Kinuha ito ng matanda at gamit ang mga dayaming pinulot sa lupa ay nilinis niya ang sibat at doon ay namangha ang lima sa ganda nito.

Gawa ito sa isang puting pangil ng heganteng ahas ang talim at gawa rin sa buto ng mga hayop ang hawakan. " Pinuno. . .talaga bang mapapasakin itong sibat na to?" tanong niya kaya napangiti ang matanda bago ilahad kay Jade ang sibat.

Ngunit bago pa niya ito mahawakan ay nagsidatingan na ang lahat ng mga naninirahan sa bayan ng Sili at nasaksihan ang paglipat ng sibat sa bagong amo nito. "Haring Jade. . .Ikaw at walang ng iba pa ang nararapat na mag-mamay-ari nitong sibat na to. Dahil lahat kami ay may pinaniniwalaan mula pa sa dating hari ng boung isla na may isang lalaking mula sa kalangitan ang darating dito.

Napag-alaman na rin namin na ikaw ang nakapagpaamo sa kinikilalang bathala ng lugar at ikaw rin ang nagpabago sa pinaniniwalaan ng centro ng isla na bayan ng Kamaligan na kilala sa dating tawag na lugar ng puting bato. Kay Jade. Tanggapin mo at ingatan " sambit ng matanda bago ibigay sa kanya ang sibat.

Sa pagkakahawak niya pa lang ay di niya mainitidihan kung bakit napakagaan nito. Dahil na rin siguro sa pagsasanay ay naging malakas na din siya pero minsan ay di niya maintindihan kung bakit parang ibang tao siya at gumagalaw ang katawan tulad noung nakipaglaban siya sa tribo ni Sunshine na kung saan ay nakuha at ginawang bihag nito ang kanyang mga dating kasamahang katutubo na nagtatago sa kweba.

Meron ding siyang naaalala na mga memoryang hindi sa kanya kaya initsa niya ang sibat sa hangin sabay salo at boung lakas na inasinta ang punong umabot ng tatlong daang metro ang layo mula sa kanilang kinaroroonan.

Sa pagbulusok ng sibat ay namangha ang lahat sa pinakitang galing ni Jade lalo na nung natamaan ang kahoy at parang matutumba ito. Kahit sina Ratbu, Elisha at Bianca ay nagulat sa kanilang nasaksihan .

" Mga kababayan! Ito si Jade !" pakilala sa kanya ng matandang pinuno ng bayan ng sili at napatingin ang lahat sa kanya. " Siya ang hari ng bayan ng Kamaligan ! Siya ang taong nakatakda at nakasulat sa propisiya ! Siya ang taong makapagpapabago sa kinagisnan ng mga naninirahan sa boung isla! " sigaw ng matanda at nagsigawan ang mga taga doon.

Matapos itong maipakilala ay hinawakan ng matanda ang braso ni Jade na ikinalingon niya din. " Mahal na hari. Samahan mo ako at meron akong ipapakita sayo. " sambit nito kaya napabaling ang tingin niya sa kasamahan hanggang sa mapatango si Ratbu.

"Maaari ko bang malaman pinuno kung saan tayo pupunta?" tanong niya kaya napatingin ang matanda sa bandang timog na kung saan ang desyerto.

"Sa lugar na kung saan malalaman mo ang isa sa mga sekreto kung bakit kayo napadpad dito. " sa sinabi ng matanda ay nakuha nito ang loob ni Jade at napatango lalo na't isang sekreto ng isla ang kanyang malalaman at bagong kaalaman na naman.

Ngunit ng mga oras na yun ay nag-aalala na siya dahil sa maraming oras ang masasayang . " Pinuno. Kung maaari po sana ay pakibilisan natin dahil sa oras na to ay meron ng grupo ng mga kaaway ang naglalakbay papunta sa aking bayan na hangad ang pagpaslang sa aking boung pamilya at nasasakupan. "

Napatango lang ang matanda bago naunang naglakad. " Haring Jade. . .Mula nung nabuhay ako sa islang to ay alam ko na ang lahat ng pasikot sikot na kahit ang lugar mo sa Kamaligan ay merong napakaraming daan malayo man o malapit.

Alam ko lahat ng daanan dito kung saan ka mapapadali na makauwi. Kaya makinig ka Haring Jade. Bago mo simulan ang paglalakbay ay hayaan mo akong isalaysay sayo ang propesiyang pinapaniwalaan ng lahat" nasabi na lang ng matandang pinuno bago naglakad sa dereksyon papunta sa mabuhanging desyerto.

Kasama sina Ratbu,Elisha at Bianca ay sinundan nila ang matandang pinuno hanggang sa makarating sila sa desyerto na kung saan merong isang malaking bato na nadaanan na nila nung nakaraang gabi. Ngunit sa ilalim ng batong yun ay andun nag-aantay ang mga mababangis na hayop tulad ng Hyena .

"Jade. . . . !" wika ni Bianca bago napahawak sa kanyang braso kaya nauna na siyang naglakad pero nakadinig sila ng sigaw mula sa malayo na papunta sa kanila.

"Pinuno! sandali lang po. .. Haaaa haaaaaaa!!" habol hininga ang isang katutubong lalaki habang tumatakbo hawak hawak ang sibat ni Jade dahil sa naiwan niya itong nakatusok sa punong kanyang inasinta. Nang makarating ang katutubo ay ibinigay nito sa bagong tagapangalaga ang sibat kaya nagpasalamat si Jade at inikot ikot ito sa kanyang katawan sabay lapit sa apat na hyena na nag-aantay sa kanila.

Kahit ang matandang pinuno ay nakatitig lang sa ginagawa ni Jade hanggang sa magsimula itong tumakbo sabay talon at boung lakas na hinataw ang dulo ng sibat sa isang papaatakeng hyena at sapol itong natamaan sa nguso na agad nitong ikinabagsak.

Sabay ring umatake ang tatlo pero dahil sa liksi ni Jade ay nakatalon ito paatras sabay tusok sa leeg ng isa at sa pagkakahila niya ng sibat ay muli niyang hinampas ang ulo ng isa pang paparating kaya ang isang natitira ay nagdadalawang isip nang umatake hanggang sa mabilis itong tumakbo palayo.

Pero isa ito sa gusto ni Jade. Ang umasinta sa tumatakbong kalaban kaya pinikit niya ang isang mata bago inihanda ang katawan hanggang sa boung lakas na itinapon ang sibat. Malakas man ang ihip ng hangin sa desyerto na sinasamahan ng buhangin ay hindi nito napigilan ang pagbulusok ng sibat na tumama mismo sa ulo ng tumatakbong hyena.

"Sapol!!!!! " Sigaw ni Jade at itinaas pa ang isang kamay bilang pagdiwang nito. Agad namang lumapit sa kanya ang matanda sabay tapik tapik sa kanyang balikat. " Ginoo alam mo ba kung bakit ikaw ang nararapat gumamit niyan? " saad ng matanda kaya napabaling ang tingin niya dito at napailing . " Dahil walang dereksyon ang sibat na yan na kahit gamitin ng iba ay sadyang palamuti na lang . Kusang nababali o pag tinapon ay hindi tumatama. Pero sa ipinakita mo ay ang sibat na mismo ang pumili sayo. " wika nito at sabay na silang naglakad sa patay na hyena sabay kuha ni Jade ng sibat at hila dahil sa nakatusok pa ito sa ulo ng hayop.

"Kung ganoon po pinuno ay pangangalagaan ko po ito at maraming salamat po ulit. " sagot niya . Naroroon na rin ang tatlo pa nilang kasamahan sa silong ng malaking bato .

Nang makarating sina Jade kasama ang matanda ay ang pinuno na mismo ang pumauna at sa pagkagulat ng apat ay meron pa lang isang sekretong pasukan sa ilalim ng batong yun na kung saan nakita ni Jade ang hagdang gawa sa bato. " Pinuno! Kayo po ba may gawa nito?" agad na tanong niya. " Hindi Jade. Di pa pinanganak ang dating namumuno ay andito na talaga ang lugar na to. " simpleng sagot ng matanda kaya napatango si Jade at inisip na gawa ito ng kanyang ninunong si Napoleon I.Ang pinakunang hari sa boung isla.

Gamit ang lumang zippo lighter ay sinindi niya ito na nagsilbing ilaw para masilayan nila ang kung ano mang meron sa ilalim ng lugar na yun. Isang mahabang pasilyo ang nakita nila nung nakarating sila sa baba na dahan dahan nilang binabaybay. Sa kanilang paglalakad ay merong silang mga nakikitang mga lumang guhit na nakaukit sa pader tulad ng mga naunang gusali sa bayan ng kamaligan. Pero sa pagkakataong yun ay may mga guhit na naiiba sa mga naunang gusali kaya nang tumigil ang matanda sa paglalakad ay napatitig sila sa paligid ngunit sa dilim nito ay di nila masyadong maaninag hanggang sa. . .

"Haring Jade. Maaari mo bang itaas yang bagay na yan sa likod mo?" saad ng matanda kaya napabaling ang tingin niya sa likod at nakita ang isang parang pinggan na gawa sa bakal kaya inabot niya ito na kung saan biglang nakaramdaman sila ng konting pagyanig ng paligid hanggang sa biglang bumukas ang isang sementadong kisame na nagkandahulog ang mga buhangin sa ibabaw nito.

Gamit ang repleksyon ng sinag ng araw na nanggaling sa itaas na tumama sa pinggan ay nagkaroon ng liwanag sa loob ng gusaling kanilang pinasukan. Isa pa lang kristal na parang salamin ang gumagawa ng repleksyon na tumatama sa kabila at dahil doon ay nasilayan na nila ang mga lumang guhit na gawa pa nang mga naunang tao sa isla. Doon natungahayan ni Jade ang mga bagay bagay na wala sa kanyang imahisnasyon.

Na ang lugar o islang kanilang kinaroroonan at ang mga hayop na kanilang nakakasalamuha ay wala pa pala sa bente prosyento ng kanilang natutuklasan sa isla. Doon rin nakita ni Jade ang kumpletong pagkakaguhit ng kanilang islang kinaroroonan at sa kanyang pagkagulat ay napag-alamang ang lugar na kanilang kinaroroonan ay ang pinakaligtas na lugar na kung saan di sila maaabot ng mga sinaunang hayop.

Napapahimas si Jade sa isang guhit na meron isang hayop ang humahabol sa tao at ang korte ng hayop sa guhit sa pader ay ang nagpapakunot sa kanyang noo.

"Jade. . .May edeya ka ba sa mga nakasulat sa pader?" saad ni Bianca sabay akbay sa kanyang likuran. " Di ko alam kong totoo ba tong nakapaksil dito Bianca pero sa tingin ko ito yung mga nilalang na matagal ng panahong wala sa mundo namin. Ito yung mga nilalang na kinakatakutan mula pa noong sinaunang panahon. Dahil ito ang tinatawag namin sa lugar namin na mga . . ." saad niya bago napalunok ng laway. .

"Ano Haring Jade?" tanong ng matanda kaya humarap sa kanila ang hari bago napatingala at tinignan ang maliit na butas na kung saan pumapasok ang sinag ng araw.

"Mga Dinasaur pinuno. Yan yung tawag sa amin sa mga hayop na nakaguhit jan. Pero wala akong edeya kong totoo pa ba ito o may nabubuhay pa ba pero sa tingin ko nasa dulo tayo ng kumpletong guhit ng isla na kung saan ay isang napakalawak na karagatan ang lalakbayin nila bago nila marating ang lugar na to. " sagot niya sabay tingin sa pader at may isa pang guhit doon na nakakuha ng kanyang atensyon.

Isang bulkan sa ilalim ng tubig na kung saan ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagyanig sa boung isla . At ayun sa sulat ay ito rin yung dahilan kung bakit nagkakaroon ng heganteng ipo-ipo na humihigop sa mga sasakyang pamhimpapawid pero hindi lang yun ang kanyang nakita.

Sa huling imahe sa pinakailalim ay ito ang guhit na nakasagot sa lahat ng kanyang palaisipan na kung bakit merong portal sa dagat. Naroroon nakasulat ang mensaheng gawa sa letra ng mga lumang alibata na isa-isa binasa ni Jade.

" Nuong unang panahon bago pa mawala ang lahat ng buhay sa daigdig ay merong nang mga nilalang na higit pa sa ating inaasahan." Panimula niya bago napatigil sabay himas sa pader

"Ito yung mga taong pinaniniwalaang ang Alpha at Omega. Ang mga nilalang na tinaguriang naghahari sa daigdig . Ang kasamaan at ang kabutihan. Ilang dekada din ang tinagal ng kanilang laban bago naganap ang isang di inaasahang pangyayari.

Yun ay ang pagbagsak ng heganteng kometa sa daigdig pero bago pa ito bumagsak ay merong isang bahagi ng isla ng sanlibutan ang napasok sa isang portal na inilabas ng Alpha." Patuloy niyang pagbasa na kahit siya ay di makapaniwala.

"Sa lugar na yun ay nanatiling buhay ang lahat ng mga nilalang at nawala na lang sa isang iglap.

Kahit ako ay di makapaniwala sa mga nangyaring ito pero bago pa ako mapadpad sa lugar na ito ay nabasa ko na sa isang lumang tipan ang mga pangyayari kaya kung sino mang makakabasa sa aking isinulat dito ay sana huwag nang makarating pa sa kabilang dako ng mundo ang lugar na to. Na ang lahat ng sekreto ng isla ay di mabunyag sa boung mundo at manirahan na lang ng mapayapa.

Ang sekreto ay manatiling sekteto" sulat kamay ni Napoleon I ang nabasa ni Jade at hinimas pa nito ang pader bago napatayo at hinarap ang kasamahan.

" Pinuno ngayong alam ko na ang sinimulan nito ay dapat ko panatilihin ang kaayusan ng lugar. At itigil ang mga nagaganap na lumang sistema at patayan dito tulad ng pag-alay! Ako ang kahuli-hulihang tagapamana ni Napoleon I na dating hari sa lugar na to kaya tungkulin kong pangalagaan ang lugar at ang buong isla!" Buo na ang loob na saad niya kaya napangiti ang kanyang mga kasamahan sa tapang na ipinakikita nito.

"Kung ganoon nga mahal na hari ay simulan natin sa bayan mo dahil ilang paglabas ng buwan at pag sikat ng araw ay makakarating na doon ang sinasabi mong wawakas sa iyong paghahari. Samahan mo ako at ituturo ko sa inyo ang pinakamalapit na daan" wika ng matandang pinuno at doon na tinapik ni Jade ang pinggang gawa sa kristal at nawala ang repleksyon ng sinag ng araw hanggang sa muling dumilim ang paligid.

Sinimulan na ng grupo na tahakin ang daan pabalik sa Bayan ng Sili para paghandaan ang panibagong paglalakbay na may iisang mithiin.

Yun ay ang maunahan at paghandaan ang oras ng muling paghaharap nila ni Bryan na kanya ng tinuturing na mortal na kaaway.

Nang makabalik sila ay agad na tinawag ng matandang pinuno ang kanyang kanang kamay sabay sabi nito ng mga dapat kunin na agad namang tinugon ng nauna. Nakatayo lang si Jade katabi si Bianca at nakatingin sa bahagi ng kagubatan sa silangang bahagi ng bayan.

Di nagtagal ng makabalik ang kanang kamay ng pinuno ay nagulat ang apat dahil sa mga kabayong dala ng mga ito kaya napatingin si Jade kay Bianca .

" Ikaw ba nagturo sa kanila sa pagsakay sa kabayo?" tanong nito at napatango lang si Bianca. " Ah hehe oo. Nasabi na noon ni Shiela na ito ang pinakamabisang paraan para sa mabilis na paglalakbay. Pasensya na di ko agad na sabi sayo" sagot nito kaya napangiti si Jade bago napayakap ng mahigpit sa babae dahil sa tinagal tagal ng panahong andun siya sa isla ay si Bogart lang ang tanging hayop na kanyang nasasakyan.

"Malaking tulong ito satin Bianca at siguradong mas mapapadali yung pagbalik natin" saad nito hanggang sa naunang sumakay ang matanda bago sila isa-isang binigyan ng kanilang mga kabayo na kung saan nakakapanibago at nag-aalangan sina Elisha at Ratbu dahil sa hindi marunong ang mga ito.

Pero dahil na rin sa tamang paggabay ng mat...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (4 years old)
Writings: 149
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
32  ·  11  ·  31  ·  1,931
 · 

Comments
R
Reeve_20
September 1, 2023 (1 month ago)

Salamat sa mainit na uodate kay jade lodi... More power po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 1, 2023 (1 month ago)

Welcome po reeve at salamat sa pagsubaybay

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
zilong's Profile Picture
zilong
September 1, 2023 (1 month ago)

Sana tuloy tuloy na ang kwento ng paradise author at salamat din sayon

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 1, 2023 (1 month ago)

Welcome pp zilong. Tuloy naman yan eh. Masyado lang busy hehe

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Barcon
September 1, 2023 (1 month ago)

Sarap nman nyan Greg! Hehe ansarap cguro mamuhay jan dami puke matitikman mo. Maliban lang sa cannibals at mga hayop hehe thanks boss sa update ๐Ÿ‘๐Ÿป

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 1, 2023 (1 month ago)

Imagination ang kulit hehehe.. Stacey Angel ba naman makakana mo eh. May Sasha Grey ka pang kinakasama

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
September 2, 2023 (1 month ago)

thanks otor.................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Abet02's Profile Picture
Abet02
September 2, 2023 (1 month ago)

Salamat sa update lods

Mature guy

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
nekky619
September 2, 2023 (1 month ago)

salamat sa update awtor!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
September 2, 2023 (1 month ago)

Salamat sa update Sir razel22:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
Sonwil
September 7, 2023 (27 days ago)

Thanks SA update otor Sana maupdate agad

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks โ€˜n Conversations
Recent Comments