M
E
N
U

Dollhouse (2)

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Taboo, Mature · Tags: , ,
Date: August 22, 2023 (1 month ago)


Huminga ako nang malalim at mahigpit na humawak sa bago kong bag. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili bago pumasok sa classroom. Ngunit ngayon ay iba na— hindi na ako madungis, hindi na ako mabaho, at hindi na rin ako late.

Pinihit ko ang doorknob at marahang binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang mga kaklase kong biglang tumahimik nang makita ako. Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa. Narinig kong nagbulungan ang mga kaklase ko.

"Transferee?"

"Sino siya?"

"Kilala niyo ba siya mga be?"

Akmang yuyuko na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Mama kanina.

"This time, hinding-hindi ka na yuyuko ha?"

Huminga ulit ako nang malalim at dumiretso na sa upuan ko.

Nang ibaba ko ang aking bag ay pinigilan ako bigla ni Christine. "Miss, may nakaupo na diyan eh. Dito ka sa seat namin, it's free."

Umiling ako. "Dito ako nakaupo, 'di ba?"

Kumunot ang mga noo ng mga kaklase ko. Ilang saglit pa ay sumingit na si Michaela. "Alyssa? Is that you?"

Tumango ako.

Muling nagbulungan ang mga kaklase ko. Ang mga ngiti sa labi ni Christine ay napalitan ng simangot. Umirap ito sa akin at bumalik na sa upuan niya.

"Ikaw 'yan? OMG super ganda mo!"

"True! Super!" Sabi naman ng isa.

Ngumiti na lamang ako kahit naiilang. Nagsalita na rin ang mga lalaki.

"Tang ina sabi na nga ba, maganda si Alyssa kapag naayusan!" Sabi ni Vincent.

"Magiging shota ko 'yan, pare. Pramis." Singit naman ni Eric.

Umirap na lamang ako at dumungaw sa bintana. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi mapigilan na mapangiti. So this is how it feels— to be pretty.

Natapos ang aming klase at nagligpit na rin ako ng aking mga gamit nang bigla akong palibutan ng mga kaklase kong babae, maliban kay Christine.

"Alyssa, wanna hang out with us?" Aya ni Isabelle.

"Shopping tayo! My treat," sabi naman ni Michaela.

Marahan akong tumango. "Sure."

Napatalon ang dalawa sa kilig at agad akong hinatak palabas ng classroom. Magkasama kaming tatlo maglakad palabas at dumiretso na rin kami sa Megamall.

Una kaming pumunta sa Watsons upang magtingin-tingin ng skin care products. To be honest, super kakaiba ng experience na nararanasan ko ngayon. Una, dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang nakikita ako bilang tao, at pangalawa, ang makaapak sa isang mall na mula pa noon ay pinapangarap ko na.

Sa kabila ng lahat ng ito ay hindi ko maialis sa isip ko si Mama. Dapat siya ang kasama ko maranasan ang mga bagay na ito.

Bumalik ako sa reyalidad nang ibigay sa akin ni Michaela ang moisturizer na hawak niya.

"Alyssa, you should try this out. Super effective niya sa skin ko and I want to share my secret to you," sabi niya habang binigyan din si Isabelle ng isa.

Umiling ako. "Pasensya na, Michaela. Wala akong pera para sa ganito, eh."

"Don't worry! Libre ko na," paniniguro naman niya.

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo naman. Tara, bili pa tayo ng iba pa."

Lumabas kami ng Watsons na napakaraming bitbit. Sobrang galante ni Michaela.

"So, guys. Saan niyo gustong kum...

About the Author :

blckraven's Profile Picture

Joined: June 11, 2020 (3 years old)
Writings: 30
Gay  ·  Offline
Description:
Trust the progress. Surpass your previous self.
Signature Text:
currently kidnapped but nah, don't need your help.
6  ·  4  ·  9  ·  2,184
 · 

Comments
Dutch0930's Profile Picture
Dutch0930
August 22, 2023 (1 month ago)

Hmm.. curious ako sa mga magaganap pa dito... Waiting sa susunod author..🥹

"Naughty Mind w/ a Good Heart."

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blckraven's Profile Picture
blckraven
August 25, 2023 (1 month ago)

Thank you po sa support! ❣️

currently kidnapped but nah, don't need your help.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
A
Alsky25
August 25, 2023 (1 month ago)

Waiting for the next update.. nice story utor

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blckraven's Profile Picture
blckraven
August 25, 2023 (1 month ago)

I'm super happy you liked it. Thank you po.

currently kidnapped but nah, don't need your help.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments