Dollhouse
Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Mature · Tags: taboo, Big Boobs
Date: August 21, 2023 (1 month ago)
December 25, 2012
2:34 am
Bumangon ako mula sa kama nang makaramdam ng nagbabadyang pagsabog ng aking pantog. Agad akong tumakbo papunta sa banyo at dali-daling hinubad ang pajamas ko.
Hinayaan kong lumabas dahan-dahan ang ihi na kanina ko pa pinipigilan dahil natatakot akong makakita ng multo bago ako pumasok dito sa banyo. Hindi ko na mapigilan kaya narito na ako ngayon.
Madaling araw na pala. Birthday ko na. Birthday na rin ni Papa Jesus.
10 years old na ako.
Nang matapos akong umihi ay itinaas ko nang muli ang aking pajamas. Binuhusan ko na rin ang kubeta at agad ding lumabas ng banyo. Naglakad na ako pabalik sa kwarto namin ni Mama.
Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang pinto ng aming bahay. Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa dahil hindi ko alam kung sino ang maaaring pumasok nang ganitong oras.
Binuksan nito ang ilaw at agad akong huminahon nang makita na si Mama ang taong pumasok sa bahay. Dahan-dahan akong gumapang palabas ng lamesa at nakangiting sumugod kay mama.
Nang lumapit ako sa kaniya ay nakita ko ang kaniyang mga labing marahang ngumiti. Ngingiti na rin sana ako nang mapansin ang mga galos at pasa sa kanyang mukha.
"Ano pong nangyari, Ma?" Tanong ko.
"Wala ito, nadapa lang ako sa labas," sagot niya. "Tignan mo oh, may pasalubong ako sa'yo."
Tinuro niya ang nakabalot na box sa kaniyang tabi. Dahil sa murang edad, agad nabaling ang atensyon ko sa malaking kahon na nasa tabi niya. Tumalon-talon ako sa galak.
"Ano po ito, Ma?" tanong ko.
"Buksan mo."
Agad kong pinagpupunit ang makulay na wrapper ng kahon at dali-daling binasa ang nakasulat. Kahit na hindi pa rin ako sanay na bumasa ay sinubukan ko pa ring basahin ang nakasulat sa kahon.
"Doll— Doll— Dollhouse?" Tanong ko. "Ano 'yun, Ma?"
Natawa si Mama sa aking sinabi at agad na pinisil ang aking pisngi. "Laruan' yan, anak. Malaking laruan."
Lumaki ang aking mga mata at muling tumalon-talon. Tinulungan ako ni Mama na ilabas ang laruan mula sa kahon at mas lalo pa akong natuwa nang makita ang kabuuan nito.
"Salamat po, Mama!" Sabi ko at mahigpit na niyakap ang aking nanay.
Naglaro kami ni Mama hanggang umaga.
Makalipas ang walong taon.
"Aray, Ma." Daing ko nang dumampi ang bulak sa aking sugat sa pisngi.
"Mag-iingat ka kasi sa susunod. Ano ba ang nangyari sa 'yo, bakit ang dami mong sugat?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.
"Nadapa lang po ako." Sagot ko.
Panandaliang huminto si Mama sa kaniyang ginagawa at tinuloy rin ito agad. Marahil ay alam niyang nagsisinungaling ako, pero hindi niya na ito kinuwestiyon pa.
"Basta, kapag may problema ha, sabihan mo ako," wika niya. "Nandito ako para tulungan ka."
Kinagat ko ang mga labi ko at marahang tumango.
"Nagugutom ka ba? May naitabi akong ulam mula kahapon, nandiyan sa mesa."
"Hindi ka po nakaluto?"
"Wala tayong pera, eh."
Huminga na lamang ako nang malalim. "Di bale na, ma. Hindi naman po ako nagugutom."
Ngumiti si Mama. Tinigil na niya ang pag-asikaso sa sugat ko at tumayo. Isinara niya na ang pinto.
Sumunod din akong tumayo at kinuha ang nakarolyong banig sa sulok ng bahay. Inilatag ko ito at nilapag ang dalawang unan sa ibabaw. Humiga na kaming dalawa. Nagulat ito nang yakapin ko at pumikit. "Good night, ma."
"Good night, anak."
Kinabukasan.
Nagmamadali akong nagsuot ng medyas at sapatos nang magising kong late. Nang matapos ay kinuha ko na rin ang butas-butas kong bag at nagpaalam na kay Mama.
"Yung buhok mo, Alyssa. Mag-ayos ka, para kang aswang."
Gamit ang aking mga daliri ay marahan kong sinuklay ang aking buhok. "Ayos na ba, Ma?"
Umiling ito at sumimangot. "Di bale na, bilisan mo dahil late ka na!"
Kumaripas na ako ng takbo at muling kumaway kay Mama.
Sampung minuto rin ang tinagal bago ako makarating sa school. Hindi na ako nakaligo. Binati ko ang guard at agad na tumakbo papunta sa classroom.
Saglit akong tumi...

About the Author :
blckraven
Joined: June 11, 2020 (3 years old)Writings: 30
Gay ·
Offline
Description: Trust the progress. Surpass your previous self.
Signature Text: currently kidnapped but nah, don't need your help.
5 · 2 · 10 · 3,058
·
Comments
Add New Comment
Login to add comment on this writing.
August 21, 2023 (1 month ago)
Emergence ba to haha
"women should know their place sometimes"
August 21, 2023 (1 month ago)
It actually is inspired by Emergence! Hahaha.
currently kidnapped but nah, don't need your help.