M
E
N
U

Ikatlong Kabanata - Kuwentuhan Sa Banyo

Balik-Tanaw


Kapwa kaming nasa banyo ni Ate Francine, makikiihi daw siya habang ako naman ay naliligo na nakalingid ang shower curtain.

Madalas kong kinukuwento sa kaniyang ang mga kaganapan ko sa eskwela. Si Ate Francine lang kasi ang tanging pamilya ko dito sa Maynila. At siya lamang din ang nakakausap ko nang ganito, yung 'anything under the sun', kasama na pati kahalayan niya na walang abog niya ring kinukwento sa akin.

"Bwiset talaga ang Bautista na iyon! Parang kulang sa pansin, ay hindi pala, kulang talaga sa pansin!"

"Wew! Pero panay ang sambit mo sa Bautista na iyon. Mas madalas mo pa siyang mabanggit kesa kay Ariel. Sinagot mo na ba?"

"Hindi naman nanliligaw 'yung Bautista. Lagi lang siyang papampam!"

"Hindi si Bautista mo ang tinutukoy ko. Si Ariel, what's the score?"

"I don't know, Ate. Ariel? Sobrang nice naman siya kaso I'm not sure..."

"Why naman? Ideal man naman si Ariel. I guess it won't hurt if you'd give it a shot!"

"K- Hurt?"

"Yep? Ano'ng me'ron sa hurt?"

"Wala! May naalala lang ako."

"Are you going to change the subject, Ekang? Tinatanong kita about kay Ariel kung ano na?"

"That's the reason kung bakit nag-aalangan ako. Iyon pinipilit mo akong sumagot kaagad. Iyong igigiit ang gusto mo kahit labag sa loob ko."

"Kakaibang hugot iyan 'ah! Saan naman nanggagaling iyan?"

"Nakikita ko kasi kay Ariel ang ugali ni tatay. Kanina kasi sa school doon sa sports gym, PE namin sa swimming, nandoon si Coach Rueda. Tinatanong ako kung gusto ko raw maging muse ng basketball team nila..."

Sa Sports Gym Ng School Sa May Swimming Hall

"Heto iyong sinasabi ko sa inyo, si Miss Rebecca Alperez. Ang gagawin nating muse para sa intercollegiate basketball championship. Baka maging swerte natin si Miss Alperez at ganahan naman kayong ipanalo ang kampiyonato ngayong taon."

Pakilala sa akin ni Coach Rueda sa kaniyang mga varsity players. Isa isa silang nakipagkamay sa akin at nakipagkilala.

Hindi ko naman matandaan ang mga pangalan nila dahil masyado silang marami mga walo siguro. Saka isa pa, hindi naman lahat sila nakatingin sa maganda kong mukha. Nakabihis na kasi ako ng one-piece swimsuit na dark blue. Kaya sabog ang mga mata nila sa aking namimintog na mga dibdib lalo na sa aking maputing singit.

Tapos iba ang hawak nila sa kamay ko na may pisil pa at humahaplos pa ang hinlalaki sa likod ng aking kamay na para bang ninanamnam ang malambot kong kamay.

Muli nagtanong sa akin si Coach.

"Marunong ka bang sumayaw?"

"Opo, sa probinsiya namin, majorette po ako."

"Ayos naman pala. Hindi ba naka-skirt ka n'un? Madalas ka bang naka cycling, shorts o panty lang?"

"Kailangan ko po bang sagutin iyan, Coach Rueda?"

"Tony na lang o Sir Tony, kahit ano. Hindi naman, curious lang. Gagawin kasi kitang cheerleader since marunong ka palang sumayaw."

Hanggang may nagbalabal ng tuwalya sa balikat ko.

"Good morning, Coach. Magsimula na daw po klase namin. Pag-iisipan na lang ni Beck ang proposal niyo.", sabat ni Ariel.

Hindi na hinintay ni Ariel ang tugon ni Coach at agad niya akong tinalikod sa kanila at inakay patungo sa lugar kung saan nandoon ang mga gamit at pinagbihisan namin.

"Ariel, bakit mo naman sininghalan si Coach? Prof natin sa minor subject iyon."

"Hindi ka ba nakakahalata? Minamanyak ka na?"

"Nag-uusap lang kami."

"Nakita ko yung pisil nila sa kamay mo. Kulang na lang doon ka na halayin."

"Advance ka naman mag-isip, Ariel!"

"Basta, huwag mo na silang kausapin."

"Hindi pa nga kita sinasagot kung pagsabihan mo ako parang nobya mo na ako."

"Gusto ko lang ilagay ka sa maayos. Pasasalamatan mo rin ako at sasabihin mo tama naman pala ako."

"Whatever!"

Nilihis ko ang tuwalya sa pagkakatapis nito sa katawan ko at agad akong tumalon sa swimming pool.

"Weeeehhh!"

Nadinig ko pa ang tinuran sa akin ni Ariel.

"Para ka talagang bata!"

Kaya pinatulan ko ang sinabi niya.

"Ikaw naman parang lolo, Tandang Ariel!"

Natawa lang siya sa pang-aasar ko.

Winasiwas ko ang tubig mula sa pool patungo sa kaniya. Doon na rin siya naghubad ng pantalon at naiwan sa kaniya ang red and black na swimming trunks at top niyang rash guard. Saka siya lumundag sa pool in fetal position.

"Splaasshh!"

Naghampasan kami ng tubig at nagtawanan ni Ariel. Pati ibang kaklase namin nakisali na rin.

Hanggang dumating na si Prof Espirito, ang PE swimming instructor namin.

"Are you having fun guys? First day natin so i-enjoy niyo lang. Mamaya magkakaroon tayo ng competition among all of you. For fun's sake lang. Alamin ko lang kung sino ang pwedeng maging varsity sa inyo sa swim sports. Freestyle, breaststroke, butterfly at backstroke ang gagawin natin. So get yourselves ready!"

Habang nagbibigay pa ng instructions sa amin si Prof Espirito, bigla na lang lumabas mula sa kawalan ang mortal enemy ko.

"Sa breaststroke, may idea na ako kung sino ang panalo. 'Di ba, Miss Alperez?"

Dinig na dinig ng buong hall ang boses ni Kurt na mala-megaphone. Sabayan pa ng kakatwa niyang entrada at paglalakad na parang kengkoy. Kasama pa niya ang dalawang kampon ng kamanyakan.

Mukhang galing naman sila sa shower room dahil basa na ang mga buhok nila.

Tawanan ang lahat hindi dahil sa catcall niya sa akin. Sinita kasi siya ng prof namin about sa suot niya.

"Alam mo, late ka na nga tapos ganiyan pa ang suot mo, Mr...?"

"Bautista po. Bakit sir? Hindi ba pwede ang suot ko?"

"Brief pa 'ata ng tatay mo iyan. Nagmukha nang shorts mo sa laki at lawlaw. Maluwag pa ang garter niyan parang bacon na."

"Ahahaha! Wakokok!"

"Eh sir. Talaga bang hindi pwede ito? Naiwan ko kasi sa bahay ang swimming trunks ko."

Tinuro ni Sir Espirito ang nakapaskil sa pader. At malakas niyang binigkas ito.

"No trunks, no swimming."

"Ang patakaran ko. No trunks? Considered as absent.", dagdag pa ni Prof Espirito.

"May mabibilhan ba ng trunks dito sir?"

"Wala! Pero pwede kang magrenta sa akin. P100."

"Renta? Baka naman nasuot mo na lahat iyan?"

"Sige, absent!"

"Teka naman, sir. Joke only! Pili ako."

Nilatag naman ni Prof ang mga trunks sa kaniyang bag. Mukhang prepared si Prof at alam niya na may estudyante siyang hindi nagdadala ng trunks.

"Sir, parang wala akong mapili 'eh. May iba ka pa?"

"Me'ron pero kapag ito naisuot mo sa harap ng klase mo, uno ang markang ibibigay ko sa iyo. Tapos 50 pesos na lang singil ko."

Tumango lang si Kurt.

Nagtawanan ang lahat dahil may ganoon palang trunks? Itim na pantyhose lang na mukhang cycling. Kapag sinuot iyan ni Kurt pihadong babakat ang bukol niya at makikita ng lahat dahil see through din ito.

"Hindi ba ako magkakabuni niyan? Parang sa hostess pa galing iyang trunks na iyan. Trunks ba talaga iyan?", hindi makapaniwalang mga tanong ni Kurt.

Mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa lalo kapag naisip kong isusuot ni Kurt ang trunks na magta traydor sa kaniyang kaselanan.

Nang makabawi ako ng paghinga mula sa kakatawa. Kinantyawan ko si Kurt.

"Bautista, absent! Hahaha! Akala ko ba'y matapang ka? Trunks lang ng hostess, umaatras ka na?"

Nawala ang ngiti sa aking labi nang makita kong iyong trunks mismo na iyon ang kinuha niya.

"P50 lang ito saka uno? Good deal!"

Patuloy pa rin ang tawanan ng lahat samantalang ako parang nalugi. Umaasa kasi ako na sa pagkakataong ito, titiklop si Kurt.

Pinagmamasdan ko rin si Prof Espirito. Panay ang dungaw niya sa singit ng brief ni Kurt na tila ba'y may hinihintay siyang lumabas mula roon.

Bakla nga pala si Prof Espirito kaya pala ganoon na lang ang ngiti niya nang mapapayag niya si Kurt na magsuot n'un. Panalo pa rin pala ako. At lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mangyayari.

Nag-abang talaga ang lahat habang hinihintay si Kurt ibihis ang pantyhose slash cycling slash see through trunks na inarkila niya.

At lumabas na nga si Kurt! Noong una, nagtawanan pa ang lahat subali't nang maglakad na siya na parang model sa catwalk, ayoko man aminin pero... napanganga ako sa lakas ng dating niya. He has a good physique. Lean body, buffed arms, firm thighs, maalsang peck muscle, mala-kobrang palikpik at six-pack abs na pak na pak!

I don't wanna mention it pero kapansin-pansin talaga ang naghuhumindig niyang pagkalalake. Mayabang din 'eh dahil hindi niya nagawa man lang na takpan ito kahit malaya naman ang mga braso niya na gawin iyon.

Tanging mga kaibigan lang niyang si Timothy at Jebs ang pumapalakpak at pumupuri sa kaniya.

"Iba ka talaga lodi! Isa kang tunay na bastos!", sigaw ni Jebs.

Iniangat pa niya ang mga braso niya at bumayubay na parang si Jake Cuenca. Feel na feel naman ng gago.

Samantalang may narinig ako kay Shane na may paghanga sa kaniyang sinambit.

"Ang hot pala niya!"

Na siyang inalmahan naman ni Sasha.

"Ano'ng sabi mo, Shane? Hot si Kurt?"

Pinabulaanan ito ni Shane.

"Did I say hot? I mean, not! Totally hate him!"

"Parang narinig ko na iyan?", wika ni Sasha.

"Ikr!", sambit ni Shane.

Napansin ko rin si Sir Espirito na kinukunan niya ng video sa kaniyang cellphone habang papalapit si Kurt sa pool.

At siyempre hindi rin nakaligtas ang abang-lingkod niyo sa puna ni Kurt.

"Ba't nakanganga ka, Alperez? Gusto mo ba?"

Natigilan ako at hindi ko namalayan ang bibig na nakatanga lang hanggang sa ito'y mapuna nga ni Kurt.

"Huh? Sino'ng nakanganga? Wala akong pake sa'yo, unggoy! T'se! D'yan ka na nga!"

Sabay langoy patungo kay Ariel matapos kong iwan doon sina Sasha at Shane. Sumunod rin ng layo sina Sasha at Shane kay Kurt sabay sabi ni Sasha,

"Dumistansiya na nga tayo baka madikitan tayo ng dikya."

"Hoy! Sinong dikya? May dumikit nga rito, hindi ko alam kung sino sa inyo."

Ngumiti lang si Shane. Parang alam ko na kung sino ang humawak sa dick niya kaya bahagya akong napangiti.

"Malamang hindi ako. Eww na lang sa'yo, Kurt!", sabi ni Sasha sabay tungo niya sa lugar namin ni Ariel.

Lumublob pa si Sasha hanggang umahon siya sa tapat ni Ariel at gumilid siya sa kanan ni Ariel na nakabayubay sa tabi habang ako naman ang nasa kaliwa ni Ariel.

"Beck, napakabastos talaga ni Kurt. Halos maghubad na siya rito sa pool. Buti pa itong si Ariel napakaresponsable. Ang swerte mo kay Ariel, Beck."

Ngumiti na lang ako kay Sasha pero napapansin ko ang malagkit nitong tingin kay Ariel. May iba akong nararamdaman sa babaeng ito. Though, mukha naman siyang friendly.

Isa pang mga gago ring kasama ni Kurt. Talagang fan na fan sila ng unggoy. Biruin mo, lulubog sa pool tapos hihigop ng tubig saka ibubuga tapos sasalsalin nila ang mga leeg nila na para talagang mga burat.

Hindi naman sila ginaya ni Kurt, bagkus, sinita pa niya ang mga ito.

"Anong sa tingin niyo ginagawa niyo?"

"Mga titi kaming nagdyadyakol.", sagot ni Timothy.

"Ah! Akala ko mga titi kayong umiihi gaya ng ginagawa ko ngayon."

Kapwa nagbugahan ang dalawa sa isa't-isa.

"Pfft! Tangina mo, Kurt! Hayop ka!", mura ni Jebs.

"Bakit? Ako ba may gawa niyan sa inyo?"

Tawanan lang sila. Ang saya-saya nilang magto-tropa.

Hindi tulad nitong si Ariel na hindi palakibo. Parang naiinip.

"After 10 mins. mag-start na tayo. Ilan kayo? 24 ang nasa attendance ko. 8 lanes ang Olympic-size pool. Lahat ba kayo marunong lumangoy? Taas ang hindi marunong."

Hindi na ako nagulat dahil halos lahat ng babae kabilang ako ang nagtaas ng kamay. Bigla pa ang tingin ni Kurt sa aking kili-kili pagtaas ko. Kaya medyo pinikit ko ang braso ko habang nakataas pa rin ang kamay ko sabay irap ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin sabay nag-read my lips. Basa ko sa mga labi niya ang salitang "amputi!", o may iba pa bang laman ang bigkas niyang walang boses?

"Sino naman dito ang marunong lumangoy ng 4 strokes?"

Siyam lang ang naglakas-loob na magtaas ng kamay. Walo ang lalake kabilang sina Kurt, Timothy, Jebs at Ariel. Hindi ko rin inaasahan na ang tanging babae na makakasama ay si Sasha.

"Alperez? Ayaw mong lumangoy? I'm sure naman lulutang ka dahil may salbabida ka naman."

"Haha! Funny!" Sarcastic kong sambit kay Kurt.

"Bro, huwag naman sana bastos."

"Joke only. Biro ko lang kay classmate yun."

"Well, hindi mo ko kabiruan!", singhal ni Ariel.

"Hindi naman ikaw ang binibiro ko. Wala nga akong panahon sa'yo kaya huwag mo na akong pansinin."

"Eh sobra na ang kabastusan mo, bro 'eh!"

"Huwag mo kong tawaging bro. Hindi tayo magkapatid. Don't insinuate it that we're as cool as dudes!"

Nagkaroon na nga ng bangayan sa pagitan nina Kurt at Ariel. Kaya nanghimasok na si Prof sa sigalot ng dalawa.

"Really? Dito niyo talaga ibubuhos ang mga galit niyo? Gusto niyong malaman kung sino ang magaling sa inyo? Tutal pareho kayo nagtaasan ng kamay, alamin natin kung sino ang magaling sa inyo."

Unang tinanong ni Prof si Kurt.

"Ikaw, Bautista? Kakasa ka ba?"

"G!"

"Ano'ng G?"

"Go! Game!"

Sunod naman si Ariel.

"Ikaw naman...?"

"Alhambra po. Para sa G."

"Ano'ng G naman iyan?"

"Grades!"

"Akala ko para sa girl."

Kantyawan na naman ang buong klase.

"Ayyyyiiieee!" "Uyyy!"

May pumaswit pa.

"Wit! Wit!"

At tawanan.

"Hahahaha!"

"Hindi pa tayo nagsisimula, kinikilig na ako. Sige pumwesto na kayo, Bautista at Alhambra. After nila, yung pito naman. Tapos basic tayo sa hindi pa marunong lumangoy."

Umahon na ang dalawa at pumuwesto sa starting platform.

Dahil nga sa suot na see-through trunk ni Kurt. Halos lahat ng babae kahit inis sa kaniya ay nakatanghod lang sa kaniyang shaft. Lalo yung ulo nito na parang gusto nang wasakin ang net. Shit, bakit pati ako, nakatanghod na rin? I can't help staring at it no matter how much I tried harder to resist. Saka yung p'wet niya malaman din lalo ng tumuwad na siya at dungaw na dungaw ang mga kaklase kong babae at bakla pati si Sir Espirito, umiilalim pa ng tingin sa puwitan ni Kurt.

Gusto ko sana sumali sa kantyawan kaso si Ariel nahalata kong nakatingin sa akin.

"On your mark... May timer ako so, complete the 4 strokes as fast as you can... Ready... Set... Go!"

Pagkapompiyang niya bilang hudyat, halos sabay na tumalon sina Ariel at Kurt sa tubig. Nagulat ako sa dive ni Kurt dahil tumusok siya sa tubig na may mahinang ripple.

Ambilis ni Kurt sa ilalim ng tubig. Hindi pa niya pinapagaspas ang kaniyang mga braso. Saka pa niya isinagawa ang freestyle nang bahagya siyang makaahon.

Si Ariel naman na kumpleto sa swimming gear, cap, goggles, trunks at rash guard. Talagang iisipin mo na swimmer siya o sa porma lang.

Halatang napasubo si Ariel sa hamon. Dahil sa kakapusang-palad, hindi natapos ni Ariel ang 4 strokes na hinihingi ni Prof Espirito. Habang si Kurt naman, nagawa niya ang lahat kahit see-through trunks lang ang suot niya.

Napapalakpak ako dala ng paghanga. Agad napatingin si Ariel sa akin habang bumabalik siya sa starting platform.

Kaya kunwari'y na kay Ariel ang cheer ko.

"Ang galing mo, Ariel. Hindi na bale, panalo ka naman sa puso ko."

Sinabi ko na lang para hindi na tumindi ang tensyon. Kabisado ko si Ariel, may ugali yun na kapag hindi siya nanalo sa isang bagay, hahanapan pa niya ito ng panibagong hamon kung saan siya lalamang.

Doon nakuha ni Kurt ang paghanga ng lahat. Kung bakit naging popular siya sa klase namin.

Pero siyempre you cannot please everybody.

Nang malaman ng natitirang pito kung gaano kahirap ang ginawang 4 strokes ni Kurt. Lahat sila, umayaw na.

"Bautista!"

Tawag ni Prof kay Kurt.

"Po?"

"Gusto kitang i-train as varsity. Makakakuha ka ng allowance at support provided ng university. Malaki ang potential ng school kapag ikaw ang ipambabato namin."

"Wala po ako'ng trunks."

"Department ko na ang bahala sa grooming mo."

"G!"
...

About the Author :

Takiyomi's Profile Picture

Joined: May 3, 2022 (8 months old)
Writings: 40
Male  ·  Offline
Description:
Starting up as a newbie writer. I'm open to any constructive criticism and feel free to make any suggestions about my writings. Hope you'll enjoy it.
Signature Text:
I don't need a lot, just a few who truly cares.
9  ·  16  ·  9  ·  2,528
 · 

Comments
B
Badman
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

mamaya ka sakin tapusin ko Lang tong ginagawa ko. ahaha

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

Hahaha. Sige lang sir. Nandito lang ito. 😎

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

hey takiyomi! bilis ng update? maraming salamat sa kabanatang ito. hindi man linear ang flow ng istorya tulad ng AKGSM at Bagansya, mahusay rin na sinimulan mo ito ng pagbabalik-tanaw. Aaminin ko, medyo nakakapanibago rin na balikan yung panahong sina Bekbek at Ariel pa lang haha. Okay, medyo nakaka-alarma lang yung mga guro sa paaralan nina Kurt at Bekbek, parang ang predatory nina Coach Rueda at Prof. Espirito. Although, hindi naman malayong nangyayari ito sa tunay na buhay, nakakalungkot lang isipin na may mga ganito pa rin mga uri ng tao. May mga kakaunting panahong nakikita kong mahalaga rin si Ariel sa kuwentong ito, at isa yung pagsalba niya kay Bekbek sa mga kamanyakan ni Coach Rueda. Marahil hindi pa gaanong mulat at maalam si Bekbek tungkol sa mga ganitong istilo ng panghahalay. Masasabi rin naman natin na may ambag at kuwenta rin naman si Ariel, yun nga lang, hindi lang talaga akma ang kanyang personality sa hinahanap ni Bekbek. Although, sa kasalukuyan, sana magawang++

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

++ipagtanggol din ni Kurt si Bekbek sa mga tulad ni Coach Rueda, bilang sexy masyado si Bekbek at lapitin sa mga ganitong mahahalay na tao; gaya ng ginawa niyang pagharap doon sa matangkad na varsity. Itong eksenang ito ang isa sa mga pinakanagustuhan ko sa kabanatang ito. Matindi rin ang katapangan ni Kurt doon ha, talagang hinubo niya ang kanyang trunks, 'di alintana na makikita na ni Bekbek ang kanyang buong hubad na katawan, o marahil wala na rin siyang pakielam o gusto rin niyang magshow-off kay Bekbek? Hahaha. Pero iba talaga ang taglay na katapangan ni Kurt, kahit na mas matangkad at mas malaking pangangatawan ang binabangga niya. Hahamakin ang lahat.

Nakakatuwa rin yung usapan nina Francine at Bekbek sa banyo, kung papaanong laging nalilihis ni Bekbek ang usapan, si Ariel ang tinatanong pero subconsciously niyang nababanggit si Kurt. Sino nga rin kaya si Kuya Dante? Ang naiisip ko lang ngayon, magkasundo kaya si Kurt at si Dante, lalo na kung malalaman ni Dante na nadonselya++

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

++na ni Kurt si Bekbek? Ano nga kayang klase ng kapatid si Dante? As for Francine, medyo dysfunctional lang na pagnasaan niya ang magkapatid na sina Bekbek at Dante, kahit na yung pag pleasure niya kay Bekbek na walang consent, pero baka nga dahil sex positive lang talaga siya- pero mahalaga pa rin ang consent. Gaya ng sabi ko sa komento ko sa huling kabanata, medyo magiging mahirap ang sitwasyon kung kakilala o kamag-anak ang ma-iinvolve sa sex life, lalo na kung papasira na ang relasyon. Nasa kamay nina Kurt at Bekbek kung hahayaan nilang isali o isama si Francine sa kanilang sex life.

Also, bago ko pala malimutan, medyo hindi ako fan ni Prof. Espirito, dahil isa siya sa mga nagpapababa ng mga LGBT+ na guro, kaya nagkakaroon ng stigma na predatory at mahahalay ang mga ito, lalo na sa mga gipit at walang labang mga binata. Isa pang nakakakaba ay ang pagsali ni Kurt sa swimming team, who knows what Prof. Espirito can do, 'di ba? To think na sponsor pa nila ang trunks ni Kurt.

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

As for Kurt, hindi ko alam kung may problemang pinansyal sila- marahil hindi, judging kay tito Dar na may sasakyan (at trabaho?), baka sadyang nalimutan lang niya ang trunks niya sa bahay nila. Pero personally, ramdam ko yung maipit ka sa ganung sitwasyon na ikaw lang ang bukod tanging naiiba ang suot o uniporme sa klase, tapos mapupunta ka pa sa spotlight ng guro at talagang ipapahiya sa harap ng klase. Tho parang kaya naman dalhin ni Kurt ang sarili niya at wala naman sa kanya ang kahihiyan, grabe makataga si Prof. Espirito sa pa-arkilang trunks, at lalong pinili pa niya yung see-through na parang pantyhose hahaha. So parang palang karinderyang bukas sa kahit sinong gustong kumain yung titi ni Kurt, kita na ng ibang mga kaklase nila, akala ko for Bekbek's eyes only lol. On his defense, hindi pa naman sila mag-dyowa noong panahong ito. Sino nga kaya ang (mga) nakahipo sa bukol ni Kurt? Hahaha. Kahit na nandidiri ang mga ibang kababaihan, nakakatuwa na lahat sila ay humanga kay Kurt++

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

++pagdating sa abilidad nito sa paglangoy. While na-appreciate ko si Ariel sa pagligtas niya kay Bekbek mula kay Coach Rueda, mahusay yung simbolismo ng tagisan nina Kurt at Ariel. Kung sino yung kumpleto sa gear, siya pa ang natalo at hindi nakatapos. Nakakatuwa si Kurt dahil humble lang pero may ibubuga pala; kahit na what you see is what you get siya, nakakatuwa rin na meron pala siyang mga talento at kasanayan pang itinatago. Marahil, sumisimbolo rin ang pagkapanalo ni Kurt kay Ariel sa ibang bagay, ang pagkapanalo niya sa puso ni Bekbek nang hindi pa niya nalalaman. Hindi ko alam kung sa panahong ito ay alam na ni Kurt na sina Ariel at Bekbek na, pero parang isang malaking in-your-face na rin ito. Dalawa silang magkasalungat na ugali. Conservative si Ariel, liberated naman si Kurt. Nagkataon lang na kay Kurt pumanig na si Bekbek, biased man ako, I have to give credit to Kurt, dahil napukaw niya talaga si Bekbek, just by being himself, pero sana maging earned yung pagiging magnobyo

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

nina Kurt at Bekbek, kasi kung titignan natin ang pangyayari, sabi ko rin sa komento ko, pawang mabilis ang mga pangyayari para kay Kurt; biglaan ang pagsagot sa kanya ni Bekbek, na medyo alarming din na nabanggit ni Bekbek kay Francine na gusto na niyang sagutin si Ariel noon dahil lamang gusto na niyang makatikim ng kantot. Sana pangmatagalan ang relasyon nina Kurt at Bekbek, hindi lang dahil sa libog, darating nga kaya ang panahon na kapag humupa na ang libog, baka lumabas na ang mga problema o tumabang na ang kanilang pagtitinginan sa isa't isa. Baka masyado pang maaga isipin, pero sumasagi lang din sa isipan ko ito, marahil ngayon ay bulag pa sila sa sarap ng bagong pagsasama, pero what happens nga after that "seven-year itch"?

Isa ring highlight noong nakuwento ni Kurt kung bakit siya natuto at naging mahusay sa paglalangoy, dahil kailangan niyang sumagip nang hindi marunong (hmm kamag-anak kaya ni Kurt ito? o someone special?), abangan natin ang mga susunod na kabanata++

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

++ramdam ko yung sinabi niyang ayaw niyang maranasan ng iba ang hirap na walang gustong tumulong sa 'yo. ngayon pa lang, alam ko nang may matinding pinagdaanan dati si Kurt para masambit niya ang mga ganitong salita. tanging mga tao lang na nakaranas ng kagipitan ang makakapagisip ng ganito. sa mga ganitong linyahan mo talaga makikilala si Kurt e, that quick moment na magiging open at vulnerable siya, pero siyempre, babawiin na niya agad yun at dadaanin sa mga banat o biro. pa-cool o astig na ulit. ano nga kaya ang nangyari kay Kurt noon, wala nga kayang tumulong sa kanya o sa kanila? Naalala ko yung picture frame na nakita ni Bekbek sa bahay nina Kurt, baka maykinalaman ito sa nangyari sa magulang niya? Aabangan natin yan.

Oo, tama si bekbek, mahirap basahin si Kurt, pero naniniwala akong may dahilan kung bakit ganito si Kurt, tuso, dahil mayroon ikinukubli. Dinadaan niya sa biro at patawa dahil may karansang nasaktan siya nang malala. mahusay ang pagkakagawa mo sa karakter ni Kurt.+

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

+mahirap basahin si Kurt, pero masarap hubaran (literal at figuratively) at himayin ang pagkatao niya. mas lalo pa siguro kapag na-breakthrough mo na ang walls at barriers niya, tapos ikaw lang ang tanging taong hahayaan niyang papasukin sa inner circle niya, ipapakita niya sa 'yo ang inner demons niya at kailangan mon ring tanggapin din itong maselang parte ng buhay ni Kurt. Or maybe I'm just overthinking it lol.

Uulitin ko, grabe ang karangalan at kagitingan na ginawa ni Kurt laban doon sa star-player na matangkad. Hindi man niya mapantayan ang tangkad nito, alam ni Kurt kung paano intimidahin at tatapatan ang mga tulad niya, kaya niyang kumasa, at palagay ko, mayabang na rin kasi alam ni Kurt na malaki ang titi niya haha! hindi lahat mayroong bayag na gawin ang ginawa ni kurt na paghubo at hindi pag-atras kaninuman, pero ngayong may gf ka na, Kurt, sana for Bekbek's eyes only na lang yan, ha? Lol. 'wag nang maging exhibitionist kapag may ibang tao lol.

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

yung pagshave ng pubes ni Bekbek (unang ginawa ni Francine then finally, si Kurt), I was gonna say yung sinabi ni Kurt kay Bekbek sa isang kabanata sa Bagansya na if ever man gustong mag-ahit ni Bekbek ng pubes, si Kurt na ang gagawa nito, aalagaan ni Kurt nang mabuti ang hiyas ni Bekbek, at ngayon, heto na't ginagawa na niya! "newborn" suggests something to me tho. And I don't mind giving Kurt a bath ha, papaliguan at sasabunin ko talaga yan, iykwim. suwerte ni Bekbek lol.

"Pero kung sa'yo ako malulunod hindi na ako aahon" - naiintindihan ko ang banat na ito, pero may naiisip akong iba, may double entendre/sexual reference din ba 'to? As in kapag sinisid niya ang kepyas ni Bekbek at wala na siyang pakielam kung malunod siya rito.

Not sure if Kurt what meant sa kuwentuhan mo ako tungkol sa ate mo was kung ano ginawa ni Francine kay Bekbek or interested din si Kurt sa sex life ni Francince, pero I like na nagalit sa kanya si Bekbek lol it gives me that pabebe gf na gusto magpasuyo.

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

Iykwim - if you know what I mean pala. Napaparesearch tuloy ako, mrslinsanity. Thanks to Google. Hahaha

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

and I'd like to see more of Kurt na nililigawan at sinusuyo si Bekbek, just for the fluff.

Nakakatawa yung parteng namboboso si Kurt, yan ang gusto ko, hindi agad agad sumusuko noong napagsaraduhan ng pinto, gumagawa ng ibang paraan haha! the glory hole part was unexpected. It's either malaki yung butas o mahabang payat ang titi ni Kurt, pero para lumusot ang ari niya, ganoon kalaki iyon. Lol at Bekbek being careful para hindi magasgasan ang ari ni Kurt and thinking na mas mahal niya ang titi ni Kurt kaysa sa buong pagkatao nito. I cannot wait for her to tell him this exact thought, I wonder kung anong magiging reaksyon ni Kurt, probably will get flattered.

Yes at her swallowing Kurt's cum. Don't waste any of his load! I know boys love it when they see their gf's swallow all of their spunk.

Lastly, the ASAWA KO and the I love you's! I love it! Please tell me may round 2 after Bekbek's naked run? Kantot asawa sa kwarto, yes please?

Maraming salamat sa chapter na 'to. Great job, Taki

Kitty

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

As always, lagi akong impressed sa paghayag mo ng reviews. Given na may kaniya kaniyang predator sina Bekbek at Kurt. It goes to show na lalake man o babae ay walang ligtas pagdating sa harassment, kahit anong sorts and forms pa yan. It's simply amazing na ang dami mo pa ring nakitang elements sa storytelling ko. You're very keen when it comes to detail. Salamat,  mrslinsanity.

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mrslinsanity's Profile Picture
mrslinsanity
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

I agree. You know I love Kurt, but let's admit, yung catcalls niya kay Bekbek before they were a couple, harassment din yun, in a way. My challenge na lang for you, make it earned na lang for Kurt. It might have started with sex, but I hope (and I know) mayroon character development din sa kanila at sa relationship nila.

For Bekbek, yeah, may halong biro yung linyang mas mahal niya yung titi ni Kurt more than Kurt himself, but I hope she will learn to love Kurt as a person equally na lang din as the relationship unfolds.

Suspicion ko nga, may traumatic experience si Kurt and I hope Bekbek becomes instrumental in healing and mending this internal trauma. I feel Kurt deserves someone who will journey with him as he fights his inner battles. He deserves a companion who will love, understand, and support him for who he is, including his good and bad sides, his imperfections and complications too.

Kitty

Like (1)  ·  Report
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
Wednesday, 25 January 2023 (3 days ago)

Oo naman. Pinakita naman nila during bagansya times how they care for one another. Kung paano gawing baby ni Bekbek si Kurt sa pagpunas niya ng pawis nito. And I think, you matched Bekbek's caring personality.

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments