M
E
N
U

Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nung mahigop nang heganteng ipo-ipo ang Jumbo Jet na napadpad sa isang di kilalang isla.

Ang islang namumukod tangi dahil sa pagkakaroon nito ng ibat-ibang klase ng prutas, sari-saring hayop at magagandang tanawin.

Ang islang kinagisnan ng sampung survivor na nakaligtas sa aksedente.

Ang isla kung saan nakilala ni Jade ang sari-saring babaeng naghatid sa kanya sa labis na kasarapan, Kalungkutan at sari-saring emosyon.

Kung saan niya naramdaman ang pagmamahal, pagpoprotekta at pagpapahalaga

Ang islang masasabing mong isang PARAISO.

ngunit. .

Ngunit kabaliktaran sa gabi.

Kung gaano kasarap mamuhay sa umaga ay ganoon din kadelikado sa pagsapit ng dilim.

Sa pagkawala ng haring araw ay doon din ang oras nang paglabas ng mga kakaibang nilalang.

Mga nilalang na walang ibang iniisip kundi punan ang nagugutom na tiyan.

Mga nilalang na kumakain ng kapwa tao.

Mga nilalang na kung tawagin natin ay mga canibal.

Dito nag uumpisa ang karugtong ng kwento ng ating bida matapos maranasan ang sari-saring emosyon.

Sa islang kanyang kinaroroonan.

Ang islang tinatawag na. . . . .

PARADISE ISLAND

(Book 2)

18+

By: Razel22

Napakaaliwalas na umaga kung saan umiihip ang malamig na simoy ng hangin at nasisikatan ng sinag ng araw ang mukha ni Jade na nakatayo sa mismong puntod ng tatlong namatay na mga survisors.

Tanggap niya na ang nangyari at nagising na sa katotohanang kailangan niyang tanggapin ang kapalaran at harapin ang ano mang pagsubok na darating sa kanyang buhay.

"Jade. Araw-araw ka na lang nandito. Di mo ba itutuloy pagsasanay mo? Naghihintay na si Shiela doon sa kapatagan kasama si Gregory. " saad ng babaeng nasa likod ni Jade kaya napabuntong hininga muna siya bago nilingon ang babae.

Sa tuwing tinititigan niya ang mukha nito ay parang nawawala ang lahat ng problemang kanyang nararamdaman.

Ang napakagandang mukha na kayang magpabago sa kanyang hangarin. Ang mukha ng babaeng kanyang laging hinahanap hanap mula noong napadpad siya sa isla.

Agad siyang napangiti at itinaas ang kamay upang haplusin ang makinis na pisnge ng babae. " Nagpapaalam lang ako sa kanila . Mahal kong Leah. At simula ngayon ay kailangan na nating magplano sa mga dapat nating gagawin.

Mahal sana suportahan mo ako sa lahat ng bagay. Ikaw. Kayo ni Pearl .Kayo ang nagbibigay lakas sa akin upang makatayong muli mula sa pagkalugmok. "
sabi niya dito at hinagkan ang matamis na labi ng babaeng katutubo na natutunan niya nang mahalin.

Sa pagkakahinang ng kanilang mga uhaw na labi ay mas lalo itong nag patibay sa desision ni Jade na magpursige sa pagsasanay sa ilalim ng pangangalakad ni Shiela.

Nang bumitaw si Jade sa halik ay nakangiting nakatitig sa kanya ang magandang katutubo. "Tara. Kanina pa sila nag hihintay. Hmmm at babalik pa muna ako kay lola at lolo Jade ha. Magpapaturo pa ako sa kanila sa mga salita niyo kasi meron pang di ko naiintindihan hihi" sabi nito at magkahawak kamay silang naglakad sa kasukalan sa gitna ng gubat papunta sa dereksyon kung saan ang kapatagan at nag hihintay sina Gregory at Shiela.

Nang malapit na sila ay napabitaw si Leah sa pagkakahawak ni Jade at humarap sa lalaki " Mahal mag-iingat ka ha. Pagnagugutom ka pasok ka lang sa kuta at may inihanda na akong mga prutas para sayo" sabi nito at humalik muna sa labi ni Jade bago tumakbo papunta sa kweba na natatabuanan na malalagong dahon.

Medyo matagal na rin mula nung makabalik si Jade sa kapatagan at ang huling natatandaan niya sa lugar na yun ay noong hinahabol sila ng malaking canibal kung saan nagkahiwa-hiwalay sila ng landas.

Naglakad siya at hinanap ang dalawang kaibigan ng mapabaling ang tingin ni Jade sa malagong dahon na sa gilid ay may mataas na puno na kung saan namatay si Nina .

Ang lugar na huling natatandaan niya bago siya mawalan ng malay. Laging gumugulo sa isipan ni Jade kung bakit siya nabuhay nang gabing yun. Ang huling mukha na nakita niya bago mawalan ng malay ay ang mukha ng isang magandang katutubong canibal na tinawag niya sa pangalang. .

"Bianca"

"Jadeee!! Dalii!! dito kami punta kami muna dito bilis" tawag ni Gregory na nakakubli pala sa likod ng puno ng mangga. Nagbalik ulirat siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng kaibigan hanggang sa maabutan niyang hinahaplos nito ang likod ni Shiela na nasusuka na naman.

"Uy pre baka di nakakain si Shiela at pumunta na kayo dito. Masama siguro pakiramdam nyan" sabi ni Jade ngunit nilingon siya ng babae na magkasalubong ang kilay. " Hoy Jade !!! Bat ngayon ka lang!!! GWWAAAKKK!!! UUWAAHH!!! aauuhh!!! haaaaaa " sabi nito at bigla na namang nasuka.

Nang mahimasmasan ay pinahid ni Shiela ang braso sa bibig nitong may bakas pa ng suka nito. "Jade kunan mo muna ako ng mansanas. Parang yun hinahanap ng sikmura ko eh. " sabi nito kaya kunot noong nagkatitigan sina Jade at Gregory.

"Ehh kakasuka mo lang eh naghahanap ka na naman ng prutas. Shiela naman oh" Reklamo niya ngunit agad kinabahan ng makitang seryoso ang mukha ng babae.

"Ahh ehehehe ok ok sorry. Sige Shi maghahanap lang muna ako. " sabi ni Jade at naglakad na paalis.

Naiwan sina Shiela at Gregory sa ilalim ng silong ng puno.

"Ahh Shiela sundan ko muna si Master Jade ha. sandali lang . maiwan muna kita. " sabi ni Gregory at tumakbo na para habulin ng kaibigan.

"Pre sandali!! Bilis mo naman maglakad. Pagpasensyahan mo na si Shiela ha. Pabago-bago ng modo kasi at laging umiinit ang ulo. Minsan nasusuka" sabi ni Gregory kaya napalingon dito si Jade.

"Ok lang pre alam ko namang na depress yun sa mga namatay niyang kaibigan. Nga pala ok na ba talaga siya? Akala ko kasi na trauma kasi laging nag mumukmok sa kung saan at laging nag-iisa" sabi ni Jade kaya napatango si Gregory

"Yan nga din iniisip ko Pre eh. Na baka pinipilit niya na lang gumalaw para makalimot sa sakit na naranasan . Nga pala san punta mo?" tanong nito kaya nag-isip muna si Jade.

"Di ko pa alam pre. Maaga pa naman at mahihirapan ako nitong maghanap ng mansanas. Marami ngang prutas dito pero ang huling natatandaan ko na nakakain tayo ng mansanas e noong nasa dalampasigan pa tayo. " sabi ni Jade at biglang napatigil sa paglalakad. kumunot ang noo at parang malalim ang iniisip

"Pre may problema ba? Parang kang may naisip bigla eh" tanong ni Gregory.

"Pre natatandaan mo pa ba si Mia? Yung katutubong nakasama ko sa dalampasigan noong napadpad tayo doon kasama si Steve" sabi ni Jade kaya napatango si Gregory.

"Pre nakapangako ako sa kanya na babalikan ko siya kada dalawang araw. At hintayin niya ako doon palagi dahil babalik at babalik ako. Pre mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nung nakapunta tayo doon. Baka naghihintay pa rin si Mia!" sabi ni Jade na parang nag-aalala

"Kung ganoon nga ay tumakbo ka na. Malayo pa ang dalampasigan pre. Parti na rin to ng pagsasanay mo sa resistensiya. Sige na ako nang bahala kumausap kay Shiela pag di ka nakabalik kaagad" sabi ni Gregory kaya nag umpisa nang tumakbo si Jade papasok sa kagubatan kung saan patalon talon siya sa mga masukal na damo.

Sa bawat madaanan niya ay labis na pag-iingat ang kanyang ginagawa upang di makakuha ng atensyon ng mababangis na hayop.

Ngunit nang makarating siya sa isang batis ay agad napatigil si Jade dahil sa nakita. Isang itim na ahas na kasinlaki ng kanyang binti ang katawan nito. Napalunok siya ng laway dahil sa kaya siyang lamunin ng buo nang ahas pag nakita siya nitong nakatayo lang sa gilid ng batis.

Dahan-dahan siyang humakbang paatras at ingat na ingat sa bawat galaw nang biglang makaapak siya ng isang sanga na agad ring nabali at nakalikha ng ingay.

Kasabay nito ang pag-galaw ng malaking ahas na nakuha ang atensyon ni Jade.

Gumapang ang takot mula sa paa paakyat sa kanyang ulo na ramdam na ramdam niya ang bawat pagtindig ng balahibo sa lahat ng parti ng kanyang katawan lalo na nang mag-umpisa nang gumapang ang ahas palapit sa kanya.

"Haaa relaaxx Jade. Huwag kang gumalaw. . ahas lang yann. " Pagpapakalma nito sa sarili ngunit ng makaakyat na ang ahas sa batis ay ganoon na lang ang takbo nito pabalik sa kung saan siya nang galing.

"Haaaa!! haaaa!! puuttaaaa!!! haaaaa bat ka tumakbooo ka-kasii!! haaaa haaaa" habol hiningang reklamo niya sa sarili at napapalingon pa sa kanyang likod hanggang sa parang sasabog ang puso niya sa takot ng makita na mabilis na gumapang ang ahas sa kanyang dinaanan.

Kahit gaano man kabuo ang loob niya sa lahat ng bagay pero pagdating sa ganoong sitwasyon ay iisa lang ang dapat niyang gawin.

Yun ay tumakbo ng matulin sapagkat pagnaabutan siya nito ay siguradong walang kahirap-hirap siya nitong malalamon.

Ngunit nung araw na yun ay wala sa kanya ang swerte sapagkat nang makarating siya sa kanlurang bahagi ng kagubatan malayong malayo sa kanilang kuta ay nakakita siya ng isang pigura na inaakala niya ay isang usa lang.

Doon niya naisip na lituhin ang ahas para dumeretso ito sa kinaroroonan ng usa at para ito na ang magsisilbing almusal ng dambuhalang ahas na walang tigil pa rin sa paghabol sa kanya.

Gaano man kapagod at parang mauubusan ng hangin ay wala sa isip niya ang paghinto .

Ngunit ang inaakalang usa ay nagpadagdag lang sa kanyang kaba dahil isa pala itong malaking tigre na nakatingin din sa kanyang dereksyon.

Naghalo-halo na ang kanyang nararamdaman lalo na nang makitang gumalaw ang tigre at patakbong pumunta sa kanyang dereksyon para salubungin siya nito kaya parang nawalan na siya ng pag-asa.

Sampung metro na lang ang lapit ng tigre ng makaapak si Jade sa ugat ng kahoy na agad niyang ikinatumba at nagpagulong gulong sa damuhan hanggang sa mahulog ito sa ilog na kung saan may malaking puno.

Sa sobrang pagod ay parang mawawalan na siya ng malay at naghintay na lang na kainin siya ng ahas man o tigre at nagdagdag pa ang sakit ng katawan dahil sa pagkatumba nito .

Biglang nakarinig siya ng mga lagabol at tunog ng galit na hayop kaya kahit masakit ang katawan at pagod ay sinubukan niya itong silipin.

Nagkubli si Jade sa masukal na damuhan at gumapang para hindi makita hanggang sa namangha siya sa kanyang nasaksihan.

Naglaban ang ahas at malaking tigre na kung saan ay parang wala sa imahinasyon niya ang lahat ng nakikita.

Alam ni Jade na mas makakalamang ang ahas kapag naigapos nito ang katawan ng tigre lalo nat masakal nito ang leeg.

Ngunit nagkakamali na naman siya dahil napakaraming kalmot ang inabot ng ahas at duguan na ang ulo nito.

Doon naalala ni Jade ang kanyang alagang pusang si Bogart doon sa bahay niya sa kanyang pinagmulan.

Na sa tuwing may pumapasok na ahas sa kanyang tahanan ay si Bogart ang haharap dito.

Kitang kita niya kung paano kalmutin ng kanyang alagang pusa ang ahas hanggang sa manghina ito.

Di ito tumitigil na kahit gumapang na paatras ang ahas ay hinahabol pa rin ito ng pusa para paglaruan.

At yun mismo ang nangyayari sa kanyang nasisilayang laban. Kung gaano kalakas at kabilis ang galaw ng tigre ay ganoon din kabilis ang pagbagsak ng dambuhalang ahas na nag-umpisang gumapang paatras.

Ngunit hinabol pa rin ng tigre at walang tigil sa pagkalmot sa ulo nito hanggang sa sinakmal nito ang ulo ng ahas na rinig na rinig ang bawat tunog ng pagkawasak ng bungo na sa bawat nguya ng tigre ay umaagos sa mabulboling bibig nito ang dugo na patay na dambuhalang ahas.

Sa pagkamangha ay nabilib ng husto si Jade sa nasaksihan . Kusang tinawag niya ang tigreng

"Bogart!"

Ngunit wala siya sa sariling bahay kaya napaka imposibleng mapaamo niya ang tigreng yun tulad ng kanyang alagang pusa kaya gumapang na lang siya pababa sa ilog upang di makita ng malaking tigre dahil baka siya naman ang lapain nito.

Nang maiapak niya ang paa sa tubig ay naginhawaan agad ang pakiramdam dahil sa lamig nitong umaagos papunta sa dereksyon ng dagat.

Ngunit alam niyang hindi safe ang lahat ng bahagi ng kagubatan dahil sa mga mababangis na hayop na nagkalat. Kaya pinagmasdan niya muna ang ilog dahil sa pag-iisip na baka buwaya naman ang kanyang makita.

Nang masiguradong safe ito ay lumusong na siya sa ilog na hanggang leeg ang lalim kaya inumpisahan niya nang lumangoy .

Medyo malayo din ang kabilang dako at nadadala siya ng agos ng tubig kaya mas binilisan ni Jade ang paglangoy ngunit nang makarating sa dulo ay sabay na pagkirot ng kanyang sugat sa balikat na papahilom pa lang.

"Arrgghhhhhhhhh!!! Puutaaa!! bakit ngayoon paaa!!" di nito napigilang sumigaw at namilipit sa sakit kaya napaupo siya sa bato sa ilog at doon hinimas ang kanyang malaking sugat sa balikat .

Ito ang sugat na kagagawan ng canibal na tinawag niyang Bianca na natamo niya dahil sa pagprotekta kay Shiela bago siya mawalan ng malay mahigit isang buwan na ang nakalipas.

Dahil sa sigaw na yun ay nakuha nito ang atensyon ng malaking tigre na mabilis bumaba sa ilog kaya gumapang na naman ang takot sa katawan ni Jade at nanginig ng makita ang malaking tigre na galit na nakatitig sa kanya.

Pero maswerte pa rin siya dahil sa napapagitnaan sila ng ilog kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Ohh!! Ano Bogart!!! Matapos kitang dalhan ng pagkain ako naman kakainin mo!!! Saan ang hustisya sa kabutihan ko!! Malaking almusal dinala ko sayo pero bat parang galit ka pa!! haa!!!" sigaw niya sa kabilang parti ng ilog na kinakausap ang tigreng galit na galit na nakatitig sa kanya.

"Ggrrrwwwwwlllll!!! Ggggrrrr!!" sagot ng tigre at akmang tatalon na sana ngunit ng mabasa ang paa ay agad itong napaatras at tumalikod kay Jade.

Napatitig muna ito sa mukha nang lalaki na parang tinandaan bago umakyat ulit sa itaas para ipagpatuloy ang pagkain sa patay na ahas.

Napabuntong hininga na lang si Jade dahil sa kokonting oras ay napakarami nang nangyari sa kanya sa lugar na yun kaya napagdesisyunan niya na lang umakyat sa itaas para pumunta na sa dalampasigan kung saan siya makakakuha ng mansanas na hinihingi ni Shiela.

Kukunan niya rin sina Pearl at Leah dahil alam niyang matagal ng di nakatikim ang mga ito ng mansanas kaya lakad takbo na naman ang ginawa ni Jade papunta sa dereksyon ng dalampasigan .

Mahigit tatlong oras din ang kanyang nilakbay at maswerte dahil sa wala na siyang may nakaharap pa na mababangis na hayop.

Meron mga kuneho, Baboy ramo, Kambing at kung ano-ano pa ngunit wala siyang oras para doon.

Natatanaw niya na ang dalampasigan kaya naglakad na lang siya hanggang sa makarating sa labasan ng kagubatan at nakita ang malaking kahoy na may hitik na bunga na una niyang natikman sa unang araw niyang mapadpad sa lugar.

Nakita niya rin ang batong kanyang binagsakan noong habulin siya ng Jaguar sa kagubatan kung saan siya iniligtas ng isang katutubo.

Isang babaeng katutubong may papel na sa kanyang puso. Ang mag...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (3 years old)
Writings: 66
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
55  ·  36  ·  57  ·  2,875
 · 

Comments
B
badace316
January 18, 2023 (14 days ago)

slamat s update boss razel 😁👍
e2 talagang c jade npakatulis daming kinakana hehehe
Sheila malamang buntis yan at c jade ang ama nalingtikan n
c Pearl anu n kyang balita dun 🤔 makakaisa kaya s bryan s kanya at anu b talaga ang sekreto ng paradise island

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Hmmm may point ka nga sir. Fertile yang si Shiela nuong may mamgyari sa kanila ni Jade na pampatanghal dw ng stress. But di pa natin alam. Basta buntis nga siguro hahahaha.. yung kay pearl naman may mga susunod na chapter update sa kanya.. di rin naman mawawala si tokmol

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
icephantom11's Profile Picture
icephantom11
January 18, 2023 (14 days ago)

Yun oh Book 2 na!!!!

Malibog ako kahit tanong mo pa sa jowa mo!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Thank you po sa pag antay ng book 2

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
Gabriel666
January 18, 2023 (14 days ago)

Yown sana gagabi update author,
Salamat po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Hahaha. Pagpahingahin mo naman ako. If may free time lang gagawa ako karugtong.. masyadong busy kasi pag january

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
solarboy
January 18, 2023 (14 days ago)

Salamat...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Your welcom

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Chainsmoker07
January 18, 2023 (13 days ago)

Sa wakas!!!!! Sa wakas naumpisahan na rin otor ang jenskdisb sksnwisjbdkdowjw jejejje.. .. antindi ng story at ganda nh flow.... Nakakapamabik bawat eksena at malamang sa malamnag buntis si shiela.... Yung kinakana siya kasi ni Jare ay dinba fertile siya???? Baka nakabuo sila sa pagtanggal lang ng stresss.... Tsaka miss na miss na tin nina mia at jade ng isat isa.... At otor ano ba yung alolong n laging naririnig nila???? Si bogart ba yunn??? Thank you po sa update at bagong yugto... Sana gabi gabi ulit jejejjee

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Alam na alam bawat chapter ng kwento ah. Hehehe. Well thank you sa pagsubaybay talaga chainsmoker. At may point ka nga na baka buntis si shiela. And kay mia at jade laging nah aantayan lang yang dalawang yan hahaha. Tsk si bogart? Yung pusa ni jade? Hahahaha. Well see for the upcoming chapters

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
earlgervase
January 18, 2023 (13 days ago)

Tnx sa update otor. Sna matulungan nina sting makalabas sina jade hehehhe.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Hahahaha.. misyon na nina sting yun. Pero ewan lang natin. Pangit naman siguro na salihan ng powers powers ang islang kinaroroonan nina jade hehe. Well thanka for the comment

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
thisisme14
January 18, 2023 (13 days ago)

Salamat sa update bossing..ka abang abang..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Thank you po thisisme. ☺️☺️

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
marcos11's Profile Picture
marcos11
January 18, 2023 (13 days ago)

Basta idol I don't like tokmol pakain mo na sa canibal Yan hahaha

hindi man ako gwapo pero di ako nangagago

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Hahahah.wala nga screentime sa unang chapter yun eh. Baka next meron na hahahha.. well it depends sa flow ng story kung anong kapalaran ni tokmol

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
CuriosHubby28's Profile Picture
CuriosHubby28
January 18, 2023 (13 days ago)

thanks sa update haha kKa excite Lalo

Prove you are not a robot🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Thank you din po sa pagsubaybay sa story.

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
January 18, 2023 (13 days ago)

Buntis na c shiela hehe wag sanag malalag ang anak ni jade. Salamat sa update Sir razel22^_^

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Baka napasmo lng kakaiyak kaya ganoon hahah

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
ravedeacon's Profile Picture
ravedeacon
January 18, 2023 (13 days ago)

YOOOWWNN  book 2 na ahehehe salamat otor

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Yooowwwwwnnnnnn your welcome po ravedeacon hehhehe.. yes book 3 naman ang plano 🤣🤣

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jonny
January 18, 2023 (13 days ago)

Dapat Kay tokmol pakain na sa mga anima* katulad nia

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 18, 2023 (13 days ago)

Kalma bro. Fiction lng to. Inhale? Exhale.. relax lang. Hahahah

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
January 19, 2023 (13 days ago)

thanks otor.................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 19, 2023 (13 days ago)

Wc richard

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
okistisaba
January 19, 2023 (13 days ago)

Salamat sa update razel22! Ilan kaya ang magiging anak ni jade sa isla🤭🤭🤭🤭

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 19, 2023 (13 days ago)

Yun ang di natin alam okistisaba. Mahilig kasi sa creampie eh hahahaha

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
b_te66
January 19, 2023 (13 days ago)

Another masterpiece..welcome back otor

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 19, 2023 (13 days ago)

Thank you po b_te66.. di naman ako nawala  ah hahaha

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gil251975
January 19, 2023 (13 days ago)

Thanks otor ganda ng update

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 19, 2023 (13 days ago)

Your welcome Gil251975

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Y
Yajar10
January 19, 2023 (13 days ago)

Kaabang abang..gasgas palad na nman..hheehe.thanks otor sa update..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
January 19, 2023 (13 days ago)

Your welcome po yajar. Thnks for the comment

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Barcon
Sunday, 29 January 2023 (2 days ago)

Thanks sa update boss, sana ipakain si Tukmol sa cannibals, hehe Ana me paraan si Jade na makalaban sa mga cannibals, 👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
Sunday, 29 January 2023 (2 days ago)

Dami talagang kontra kay bryan sa story na to hahahahah

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments