M
E
N
U

AGUINALDO 2022 (Part 2)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, First Time, Reluctance, Romance · Tags: ,
Date: December 25, 2022 (1 month ago)


Napatalon si Pam nang yumakap ito sa nobyo. Di makapaniwalang naroon sa kanyang harapan ang mahal. Kay tagal ding hinintay ni Alex ang sandaling iyon na mayakap ang kanyang sinisinta, ang maikulong si Pam sa kanyang mga bisig.

Ilang sandaling nanatiling magkayakap ang dalawa saka sinelyuhan ni Alex ng isang matamis na halik sa labi ang kanilang unang pagkikita. At gumuhit ang mga luha ni Pam sa labis na kagalakan.

"I just wanna love you foreeever mooore… And I wanna hold you… juuust like befooore…"

Mapangbuskang kumakanta si Kyle habang papasok ito ng kanilang bahay. Agad namang nagkalas ang mga labi nila Pam at Alex sa pagdating ng kapatid. Inilapag na ni Alex ang dalaga ngunit kapwa di maalis ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Heh! AFAM yarn?"

Natatawa na lang si Pam habang nagpapahid ng luha. Nakangiting iniabot naman ni Alex sa kanya ang bouquet ng mga bulaklak na hawak nito saka siya muling niyakap at masuyong hinalikan sa ibabaw ng ulo.

"Hoy Kyle, kanina pa kita hinahanap ah, s'an ka ba galing?! Umaalis ka ng di ka nagpapaalam. Pa'no kung--"

"Oh bag mo." sabat ng kapatid, at inihagis nito sa kanyang ate ang hinahanap nito.

"Kita mo kuya? Ganyan magtalak 'yang jowa mo, mala-armalite. Sigurado ka ba talaga sa pinapasok mo?"

Pikon na pinaghahampas ni Pam ang braso ng kapatid, namumula ang mukha sa hiya sa kanyang nobyo.

Aliw na aliw namang pinanonood ni Alex ang asaran ng dalawa. Matagal na niyang kilala si Kyle at madalas ay nakakausap din niya ito kapag ka-video call si Pam. Noon pa niya nakikita ang asaran ng magkapatid kaya naman sanay na rin siya sa mala aso't pusang bangayan ng dalawa.

"Bakit nasa 'yo to ha, eh alam mong gagamitin ko? Teka, magkasabwat ba kayo? Ano 'to Alex, kailangan talaga mang-stress muna gano'n? Di ba pwedeng dumating na lang ng walang pasabog? Sana nagsabi ka, eh di sana nasun--"

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at sabay nagtawanan.

"You're right Kyle. Armalite nga." bumubungisngis na sambit ni Alex.

Natigilan si Pam, at maging siya ay napabulalas na lang din ng tawa kasabay ng dalawa.

Sinadya talaga ni Alex na isikreto kay Pam ang kanyang pagbabakasyon upang sorpresahin ito. Ilang beses na din niya noong binalak na makauwi ngunit dahil sa mga restrictions at pabago-bagong COVID protocols ay ngayon lamang siya natuloy sa wakas.

Di lingid sa kaalaman ng kanilang mga kaanak na may nobyo si Pam na nasa Amerika. Kahit mahigit sampung taon ang tanda nito sa kanilang pamangkin ay wala naman silang tutol. Naitimbre din ni Kyle sa mga ito na darating nga si Alex kaya naman pinaghandaan din nila ang bisita.

"Pamela… narine na nga ga ang iyong nobyo?" tawag ng kanilang tita habang papalapit ito sa kanilang bahay.

Kanina pa nag-uusyoso ang mga ito at nakasilip sa kanilang bintana nang pumasok sa bakuran nila ang isang kotse. Minasdan ang pagbaba doon ni Kyle kasama ang nobyo ng kanilang pamangkin na umuwi galing Amerika. Ang sabi kanina ni Kyle ay magkikita sila nito sa labasan upang sorpresahin ang kanyang ate.

Masayang nagkukwentuhan ang tatlo sa salas nang dumating ang tita nila Pam kasama ang mister nito. Agad naman silang napatayo, at sa pagpasok ng mga ito sa bahay ay maagap na inabot ni Alex ang kanilang kamay upang magmano.

"Kaawaan ka… Kainam na bata pala areng si Alex. Maigi naman at di ka nakakalimot sa pagmamano kahit matagal ka na sa Amerika." sambit ng kanilang tita.

Ay ineng, ari ga ang iyung boypren na taga-US? Ala'y kakisig eh. Marami-rami nga pala tayong paghuhuntahan utoy. Lika muna sa bahay at may kaunting harapan duon." paanyaya naman ng kanilang tiyuhin.

"Nako tito! Wag muna at mahaba ho ang biniyahe ni Alex eh." pag-awat ni Pam. Nag-aalalang mapasabak si Alex sa matinding inuman.

"Eto naman, kaunti la-ang naman, at nang makaliskisan na din itong si utoy."

"It's ok, Pam. Nakatulog naman ako sa flight. Ay sandali pala tito, may kukunin lang po ako ha."

Napahangos si Alex palabas ubang may kunin sa mga bagaheng nasa kotseng kanyang nirentahan. At sa pagbalik sa bahay ay tangan na ang kahon ng mamahaling alak na pasalubong nito sa tiyuhin ng nobya.

"Aba'y malalahiran na naman ng imported ang lalamunan ko ah, kainaman! Magkakasundo tayo Alex!" sambit nito habang sinisipat ang kahon ng alak na natanggap.

"Ay siya, lika muna Alex nang matikman mo naman ang sinaing na tulingang luto ko." Ani ng kanilang tiya.

Nagkatinginan ang magnobyo. Bakas sa mukha ni Pam ang pag-aalala dahil sadyang malalakas uminom ang mga kalalakihan sa kanilang lugar. Nakangiting pinisil naman ni Alex ang kanyang kamay na tila sinasabing huwag siyang mag-alala.

Hindi na tumutol pa si Pam. Natutuwa din siyang willing si Alex na pakiharapan ang kanyang mga kaanak. Sanay din naman itong uminom at tingin niya'y kaya naman nito ang sarili.

"Ay alis muna 'ko ate ha…" nagmamadaling paalam ni Kyle.

"Oh, sa'n ka punta?"

"To the moon… road trip… vroom vroom… skrr skrr…" tumatawang awit nito habang palabas ng bahay.

Napairap na lang si Pam sa kapatid nang kumaway pa ito sa kanya bago lumabas. Akala pa naman niya ay masasamahan nito si Alex sa umpukan. Kinakabahan pa din kasi siya dahil tiyak na lalasingin ito ng kanyang mga tiyuhin.

Ginabi na sa inuman ang mga kalalakihan. Sumunod din naman doon si Kyle upang samahan si Alex at nag-cellphone na lang sa isang tabi.

Maiingay na ang mga nag-iinom. Muli na naman silang nilapitan ni Pam upang ayain na si Alex magpahinga. At nangyari na nga ang kanyang inaasahan.

"Taob ang taga-US! Nako Pamela, areng iyong nobyo ay mahina pala magbarik. Bulagta eh!" bulalas ng tiyuhin kasunod ang malakas na tawanan ng mga kaumpukan nila na pawing mga lasing na rin.

Naiiling na lang si Pam habang magkatuwang sila ni Kyle na inaalalayan si Alex upang makatayo.

"No, no. One more shot! Kaya pa, kaya pa…"

Kandabulol na si Alex sa pag-awat sa kanila na akayin ito. Ayaw sumuko at gusto pa ding ituloy ang pakikipag-inuman.

"Tsk, tumigil ka na nga! Di magpapatalo mga 'yan!" inis na bulong ni Pam dito.

Sadyang nakaugalian na ng mga tagaroon na isabak sa inuman ang mga dayong bisita. Sanay magsiinom ang mga ito at hindi titigil hangga't hindi naitataob ang mga mangangahas na humarap sa kanilang inuman.

Nang gumagabi na kanina ay sinubukan pa ni Pam na awatin na si Alex. Maaga kasi silang susunduin kinabukasan ng van na inarkila nilang magkakaibigan para bakasyon nila sa Baguio.

Matagal na iyong nakaplano at mukhang itinaon din talaga ni Alex ang bakasyon nito upang makasama din siya sa kanilang lakad. Ngunit imbis na magpaawat na sa pag-inom ay kumasa din ito sa hamon ng kanyang mga tiyuhin.

Hilong-hilo na si Alex at wala na ding nagawa kundi magpaakay na kila Pam. Kahit dalawa silang umaalalay ay hirap ang magkapatid sa bigat ng bulto ng katawan ni Alex. Halos matumba silang tatlo habang isa-isang hinahakbang ang steps papanik ng veranda hanggang sa tuluyan nilang maipasok si Alex sa loob ng bahay.

"Hep hep… hindi diyan… kwarto ni ate yan. Bawal ka dyan, baby girl pa 'yan eh. Dito tayo kuya sa kwarto ko…" sita ni Kyle nang montik pumihit si Alex papasok sa kabilang silid.

Protective si Kyle sa kanyang ate lalo't ngayon lamang ito nagkanobyo. Walang kamalay-malay sa masakit na katotohanang kahit naturingang NBSB, ay ilang lalaki na ang nagdaan sa buhay ni Pam.

Sa wakas ay naihiga na din nila si Alex sa kama. Masuyong hinaplos ni Pam ang buhok ng nobyong tuluyan nang nakatulog agad sa dami ng nainom. Tila hindi pa din siya makapaniwala na naroon at nahahawakan na niya si Alex.

"Uy matulog ka na din ate, maaga alis niyo bukas di ba?" paalala ni Kyle.

Tumango si Pam ngunit bago siya lumabas ng silid ay inasikaso muna nila si Alex. Matapos nila itong punasan at palitan ng damit ay bumalik na si Pam sa kanyang kwarto upang tapusin ang pag-iimpake ng mga gamit. Saka siya nahiga na rin at isinet ang alarm sa kanyang telepono.

Para pa din siyang nananaginip. Dalawang taon na sa chat at tawag lamang sila nagkakapag-usap, ngunit eto at nariyan lamang si Alex sa kabilang silid.

May ngiti sa labi niyang ipinikit na ang mga mata, nasasabik na makasama ang nobyo sa mga susunod pang araw.

-------------------------

Natuloy ang biyahe nilang magkakaibigan at sumama din si Alex. Madaling araw umalis ang convoy ngunit sa halip na sa van ay kay Alex na siyempre sumabay si Pam.

"Ha? La Union?!"

Gulat na gulat si Pam nang habang bumabagtas sila sa NLEX ay pakiusapan ito ng nobyo na magsabi sa mga kaibigan. Balak kasi nitong humiwalay sila ng lakad.

"C'mon Pam… please? May next time pa naman na you can join them sa ibang lakad niyo. Ako limited lang days ng bakasyon ko. Sige na please?"

"Nako kakantyawan ako tiyak ng mga yun!!"

Halata namang nalungkot si Alex sa reaksiyon niya. Biglang nawala ang excitement sa mukha nito habang nagmamaneho.

"Haay… Ok fine, sige na nga. Pero La Union? Really? Alex naman, sana sinabihan mo 'ko… eh puro pangginaw ang dala ko!"

Ngumiti si Alex at mabilisang dinukwang sa likod ang isang paperbag at iniabot iyon sa kasintahan. Nagtatakang sinilip ni Pam ang laman niyon na pawang mga swimsuit, sunblock at iba pang mga gamit pang-beach.

"Kung may kulang diyan, we could just buy along the way naman siguro."

"Grabe. You really thought of everything 'noh? You had this all planned!" naiiling na sambit ni Pam nang may halong kilig sa pag-aabala ni Alex.

"Eh paano nga, hindi naman kita maipagpaalam sa mga tito mo na tayo lang dalawa ang aalis. Baka mataga pa ako ng di oras! Kawawa ka naman… hindi mo man lang ako matitikman." pilyong tugon nito na sinagot naman ni Pam ng mga hampas sa kanyang braso.

Mahaba-haba ang biyahe mula Batangas hanggang La Union. Sa daan ay mas nagkaroon ang dalawa ng pagkakataon na magkamustahan at di halos mapatid ang kanilang kwentuhan. Halata ang labis na tuwa na sa wakas ay nagkita at nagkasama na sila.

May mga pagkakataon na di maiwasan ni Alex na mapalingon sa dalagang nasa kanyang tabi. Noon pa man ay gandang-ganda na siya kay Pam mula pa noong una niya itong masilayan sa bahay nila Diane. At kahit madalas naman niya itong nakikita kapag naka-videocall sila, mas lalo siyang nabighani ngayong kasama na niya ito.

Tila mas lalo itong gumanda sa personal. Naaaliw siyang pagmasdan ang bawat kilos nito at madinig ng malapitan ang kanyang boses. Ang paghawi nito ng buhok, facial expressions, mga mannerism at iba pang gestures. Lahat ng iyon ay kanyang kinakaaliwang masilayan.

Malambing pala si Pam, sa isip-isip ni Alex. Parang matutunaw ang kanyang puso sa tuwing ihihilig nito ang ulo sa kanyang balikat. May mga pagkakataon ding dadampi ito ng halik sa kanyang pisngi o pipisil sa kanyang kamay habang siya ay nagmamaneho.

Sa suot nitong manipis na off-shoulder sweater at shorts ay litaw na litaw ang kakinisan ng kutis nito. Nalalanghap niya ang halimuyak ni Pam sa loob ng sasakyan. Dama niya ang kinis ng balat nito sa bawat malambing nitong haplos. Maging ang malusog na dibdib na minsan ay di sinasadyang sumasagi sa kanyang braso.

Bilang isang lalaking kay tagal nasabik na makasama ang kanyang nobya ay di niya maiwasang tablan sa taglay na alindog ni Pam. Kung pwede nga lang ay gusto na niyang ihinto sa gilid ng expressway ang sasakyan upang makagawa ng move sa kanyang GF.

Ngunit nang subukan niyang himasin ang hita ng nobya ay nagulat siya sa naging reaksyon nito. Bigla itong humalukipkip, umayos ng upo mula sa pagkakahilig sa kanya, saka pumaling papalayo.

Napuno ng awkward silence ang sasakyan. Hindi malaman ni Pam ang mararamdaman sa ginawang iyon ni Alex. May bahagi niya na na-excite sa ginawa nito, ngunit naroon din ang ilang at kaba. Kumakabog ang kanyang dibdib habang sabay na nilulukuban ng pag-aasam at pangamba sa mga susunod na mangyayari sa kanila ng nobyo.

Kay tagal din niyang hinintay na makasama si Alex. Noon pa man ay nagugwapuhan siya sa features nitong lalaking-lalake. Ang mala-mulattong kulay ng balat at ang tikas ng katawan nitong hinubog ng pagsali nito sa mga triathlon sa New York.

Lalo pa siyang humanga dito ngayong kasama na niya ito. Inaasam din niya ang sandaling magkasarinlan sila ni Alex ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang mga pag-aalinlangan. Lalo pa't alam ng nobyo ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan.

Tila nababasa naman ni Alex ang tumatakbo sa isip ni Pam. Upang hindi na masira ang mood nito sa kanilang biyahe ay iniwasan na muna ni Alex na gumawa pa ng ganoong hakbang. Nakuntento na lamang siya sa paghawak sa kamay ng nobya at ipinaramdam dito na ang presensya ni Pam ang mahalaga sa kanya.

Nang makarating sila sa La Union ay inuna muna nilang mamasyal sa mga tourist spots na naroon. Kahit araw ng Lunes ay madaming tao kahit saan sila magpunta. Dama ang sigla ng turismo at makikitang naka-revenge travel mode ang mga tao matapos ang dalawang taon ng mga lockdown at restrictions.

Hapon na nang makapag-check in sila sa isang magandang resort. Kahit walang bagyo ay malalaki ang mga alon dahil sa hanging habagat, kaya naman dinarayo talaga ang La Union ng mga mahihilig mag-surfing.

Magaganda ang facilities ng resort ngunit hindi na muna sila naglibot at minabuting dumeretso muna sa kanilang kwarto. Nasa mismong beach front ang kinuhang accomodation ni Alex.

Tamang-tama lamang ang laki ng silid na may glass wall at sliding door na nakaharap sa dagat. Kaya naman tanaw na tanaw ang magandang view mula sa king size na kama.

"Ahh finally… Hay, what a long day! Kapagod!" bulalas ni Alex nang mailapag ang kanilang mga bag saka patihayang bumagsak sa gitna ng kama.

"Ayaw mo naman kasing mag-sub ako sa'yo mag drive. Marunong naman ako, may lisensya na nga ako eh… 10 years ang validity!"

Akmang kukunin nito ang ID sa loob ng kanyang bag upang ipakita kay Alex nang hatakin nito ang kanyang kamay. Tuluyang natumba si Pam sa ibabaw ni Alex, at sa pagkakatapat ng kanilang mga mukha, hinawi ni Alex ang kanyang buhok, saka siya nito hinalikan sa labi.

"I love you, Pam. You have no idea how happy I am right now… na magkasama tayo." bulong nito sa pagitan ng mga dampi ng halik sa labi ng nobyang yapos niya sa kanyang ibabaw.

Hindi na nagawang sumagot ni Pam, ngunit tumutugon sa bawat dampi ng masuyong halik ng nobyo. Mga halik na sinabayan na ng paghaplos ni Alex sa kanyang katawan habang nakaibabaw siya dito. Mga halik na unti-unting lumalalim.

Ngunit parang napaso si Pam nang maramdaman ang pamumukol sa gitna ng mga hita ni Alex at agad siyang kumalas sa mga labi nito.

"Ahh… Tara Alex, swimming tayo. Ganda ng waves oh, parang ang sarap magswimming. Palit na muna 'ko ha."

Napatuon si Pam sa dibdib ni Alex at dagling bumangon. Muli nitong hinalungkat ang mga damit na pinamili ni Alex para sa kanya saka nagmadaling pumunta sa banyo upang magbihis.

Napapikit at buntong-hininga na lang si Alex sa pagkabitin. Mukhang magpasahanggang ngayon ay madami pa ding baggage na dala sa dibdib ang kanyang mahal. Tila patuloy pa din itong binabagabag ng alaala ng mga sinapit nito.

Nauunawan ni Alex ang nararamdaman ni Pam. Ngunit paano ka nga namang hindi tatablan sa alindog ng dalaga. Natigalgal na lamang siya nang lumabas ito ng banyo.

Kahit natatabunan ng puting cover up ay mababakas ang suot nitong kulay puti ring 2-piece bikini. Habang nakahiga siya sa kama, sa paningin niya'y parang nag-slowmo ang paglakad ng nobya sa silid.

Sa pagtapat nito sa salaming dingding ay tumatagos mula sa kanyang likuran ang mga sinag ng araw. Lumulusot ang liwanag sa mga hibla ng kanyang damit kaya't maaaninag ang magandang hubog ng katawan nito. Napakaganda. Tila anghel na bumaba sa lupa.

"Huy."

Tinapik ni Pam ang nobyo na tila napatulala.

"Di ka pa ba magbibihis? Halika na, swimming na tayo!"

Nangingiting napailing naman si Alex na tila nagising.

"Alright, alright, just give me a sec."

Masayang ginugol ng dalawa ang hapong iyon sa may dagat. Swimming, kwentuhan, harutan. Tila binabawi ang napakahabang panahon na kinasabikan nilang makasama ang isa't isa.

Halatang nag-uumapaw ang pag-ibig sa magkasintahan. Sa bawat kilos, bawat haplos, at kung paano nila tignan ang isa't isa. Kay gandang pagmasdan ng dalawang taong lubos na nagmamahalan. Kahit ang ibang turistang naroon ay napapangiti na lang sa pagiging sweet ng dalawa. Sanaol, ika nga.

Hawak-kamay silang naglakad-lakad sa may pampang. Humahampas ang mga alon sa kanilang mga paa habang naglalakad sa buhangin at minamalas ang ganda ng paligid.

May nadaanan silang mga kainan at nagpasya silang maghapunan na upang maaga silang makapagpahinga. Dalangin na lang ni Pam na sana nga ay singilin ng pagod si Alex upang huwag munang maulit ang tagpo kanina na kanyang iniwasan.

Pagkakain ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad. Gusto sana ni Alex na pag-usapan nila ni Pam ang mga agam-agam nito, ngunit nararamdaman din niya na iniiwasan iyon ni Pam kaya't hindi na lamang niya ipinilit.

Sa kanilang patuloy na pagbaybay sa dalampasigan ay namasdan nila ang pagbabago ng kulay ng langit habang unti-unting lumulubog ang araw.

"May stars na oh." sambit ni Alex habang nakadantay ang kamay sa bewang ni Pam at nakatingala sa nagdidilim nang kalangitan.

"O-oo nga. Gabi na pala." tipid niyang tugon.

"Laging magkaiba ang tinitingala natin sa langit… but now we're looking at the same stars."

Dahil nasa magkabilang panig ng mundo ay laging baligtad ang oras nila. Malaking hamon man ang pagiging LDR ay nagawa naman nilang mag-adjust sa isa't isa. At ngayon nga, kahit panandalian lamang, ay sabay silang nakatingin sa mga bituin sa langit.

Hindi na nagawa pang sumagot ni Pam. Mula nang magsimulang dumilim ay parang may namuong kaba sa kanyang dibdib. Matinding takot sa bagay na alam niyang hindi naman niya maiiwasan.

"Tara, balik na tayo?"

Tumango na lang siya sa paanyaya ni Alex.

Napalayo na pala sila kanina sa kanilang paglalakad. Madilim na nang makabalik sila sa kanilang resort. Gabay ang mumunting ilaw na nakasabit sa mga puno sa paligid at flashlight ng kanilang mga cellphone ay natunton din nila sa wakas ang kanilang kwarto.

"Ahh… Alex… Una ka na sa loob ha… magpapahangin na muna ako dito." wika ni Pam at saka ito sumakay sa duyan na nakasabit sa labas ng kanilang silid.

Nabasa na agad ng binata ang kinikilos ni Pam. Hinayaan na muna niya itong mapag-isa at nauna na nga siyang pumasok sa loob.

Kahit giniginaw sa dampi ng malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat, tiniis na lang muna iyon ni Pam. Sa bawat ugoy ng duyan ay pilit niyang pinakakalma ang sarili.

Puno siya ng agam-agam at pangamba. Halong hiya at pandidiri sa sarili ang nararamdaman na ibibigay niya ang kanyang sarili kay Alex, gayong alam nito ang lahat sa kanyang nakaraan.

"Haaay, bahala na. Go ghorl." pabiro nitong bulong sa sarili kahit kumakabog ang kanyang dibdib.

Napabuntong-hininga ang dalaga saka bumaba sa duyan at tumuloy na sa loob, umaasang sana ay nakatulog na ang nobyo.

"Ohh… G-Gising ka pa pala."

Hindi na kumibo si Alex, sa halip ay tumayo ito upang i-secure ang lock ng kanilang pinto at isinara ang mga kurtinang tumatabon sa salaming dingding.

Nakapaligo na si Alex at tanging boxer shorts lamang ang suot. Gaya kanina sa beach, di ulit napigilan ni Pam na mapatitig sa matipunong pangangatawan ng kanyang nobyo habang nakataas ang mga braso nito at inaayos ang mga kurtina.

Ramdam ang tensiyon sa silid. Wala silang imikan na tila ba parehas nakikiramdam sa isa't isa. Tahimik na dinampot na lang ni Pam ang isang tuwalya at nagtungo na sa banyo.

Habang nakatapat siya sa daloy ng mainit na tubig ng shower, nakapikit si Pam at pilit pinakakalma ang isip kahit napakaraming bagay ang doon ay gumugulo.

First boyfriend niya si Alex pero hindi na siya virgin… Baka iniisip nitong imoral siya dahil sa naging ugnayan niya sa ninong niyang pamilyado… Siguro ay narurumihan ito sa kanya dahil sa nagahasa siya ni Kaloy... O marahil ay iniisip nitong easy girl siya na basta nagpapakama kung kanino.

Sari-saring bagay na tiwala siyang hindi naman naiisip ni Alex base sa pagkakakilala niya sa nobyo. Gayon pa man ay pilit pa ring sumisiksik sa kanyang isipan.

Nanibago ang mga mata niya sa dilim ng silid sa paglabas niya ng banyo. Nakapatay na kasi ang mga ilaw at isang bedside lamp lamang ang iniwan ni Alex na nakasindi. Nakaupo ito sa paanan ng kama at hinahaplos ang mga gusot na bahagi ng sapin habang naghihintay ito.

Nakatapis lamang si Pam nang lumabas ng banyo. Mahigpit na nakakapit ang kamay sa bahagi ng twalyang nakaipit sa kanyang dibdib upang hindi iyon makalas.

Isinalubong ni Alex ang kamay nito sa kanya at nagmuwestra na maupo siya sa tabi nito. Kahit may pag-aalinlangan ay inabot naman niya iyon at tumabi sa kanyang nobyo. Langhap ni Alex ang bango ng kasintahan. Bahagyang tumutulo pa ang mga dulo ng buhok nito.

Ilang saglit na napuno ng katahimikan ang silid. Kapwa nakikiramdam.

Hanggang sa hinawakan ni Alex ang kamay ni Pam at inilapit sa kanyang labi upang dampian ng halik. Saka nito hinaplos ang mukha ng nobya at tiningnan ito ng diretso sa mga mata.

"Pam…"

Saglit na napatigil si Alex sa paghahanap ng tamang salita.

"Pam… I'm your best friend. Bago pa naging tayo… I was your best friend. I was Dre 'di ba?" bungad ni Alex. Napangiti naman si Pam sa naalala at tumango ng pagsang-ayon.

"That's why even if you don't tell me… alam ko ang mga nasa isip mo ngayon. Your fears… your doubts… lahat yan… alam ko. I know you too well."

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Pam. Nangangatal ang baba sa pagpipigil nitong maiyak.

"Since Day 1, you told me everything. And I told you everything as well. All my failed relationships… fuccboi days ko… drugs… heck, pati yung ninakaw kong panty ng GF ni 'insan alam mo eh. Lahat!"

Tahimik na nakikinig si Pam. Pilit inuunawa ang gustong sabihin ni Alex.

"But am I bothered? No. Kasi tapos na yun eh, at alam kong tanggap mo 'ko. At tanggap din kita."

Mahigpit pa rin itong nakakapit sa sugpungan ng twalyang nakabalot sa kanyang katawan. At napayuko na lang si Pam upang ikubli kay Alex ang pagtulo ng mga luhang hindi na niya napigil.

"Pam… it doesn't matter kung sino ang una… or kung ilan pa ang dumaan sa buhay natin… Tandaan mo, ang importante lang… kung sino ang huli."

Tuluyan nang napahagulgol ang dalaga. Lumapit si Alex at niyakap ito. Muling niyang iniangat ang ulo ni Pam at pinahid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Tapos na yun… tanggap ko lahat Pam." sambit nito saka dinampian ng masuyong halik ang mga labi ng kasintahan.

Napatingala ang dalaga upang tanggapin ang mga halik ni Alex habang sapo nito ang kanyang mukha. Bawat paglapat ng mga labi ay puno ng pagmamahal at sinisikap na ipanatag ang sinisinta.

Unti-unting napawi ng mga halik na iyon ang mga agam-agam ni Pam, at nang lumaon ay tumutugon na din ito sa mga halik ni Alex.

Gano'n na lang ang tuwa nito nang sa wakas ay naramdaman din niya ang pagtugon ni Pam. Tila kay sarap lalong namnamin ng malambot nitong mga labi na kay tagal din niyang inasam na mahagkan.

Ang mga padampi-damping halik ay naging mas malalim. Unti-unting naging mapusok. At kusa nang bumitiw si Pam mula sa mahigpit nitong pagkakakapit sa tuwalyang nakabalot sa kanyang kahubdan.

Nagkalas ang kanilang mga labi at nagtama ang mga mata. Kahit sa mapanglaw na liwanag ng silid ay nakikita ni Alex na wala nang alinlangan sa mga matang iyon.

Dahan-dahan niyang kinalas ang twalya mula sa pagkakaipit. Sa pagkatanggal ng tapis ay tumambad sa kanya ang kabuuan ng kanyang nobya. Tila isang diwata ang nasa kanyang tabi at di niya mapigilang humanga sa kagandahan nitong taglay.

Si Pam pa mismo ang kumuha sa kamay ni Alex at inilapat iyon sa kanyang malusog na dibdib, saka ito buong pagsusumamong bumulong.

"I want you Alex. Kung talagang tanggap mo 'ko… paramdam mo sa'kin…"

Muling siniil ni Alex ng halik si Pam habang niyayapos ng palad ang suso nito. Halik na walang paninimbang. Halik na malalim at nangangailangan.

Inihiga niya ito sa kama at tuluyan na ngang nagpaubaya si Pam sa kanyang mahal. Sa unang pagkakataon ay mabubuklod ang dalawang pusong kay tagal nag-asam sa isa't isa.

Puno ng pagtatangi ang bawat halik na bumaybay mula sa mga labi patungo sa mayamang dibdib. Pinagpala ng dila ang mga rosas na utong sa tuktok ng tayung-tayong mga suso.

Tila bagang gumapang sa kanyang katawan ang mga labi ni Alex. Di mapigilan ni Pam ang mga daing sa bawat hagod ng dila nito sa kanyang katawan, lalo pa nang marating nito ang kanyang pagkababae.

Musika sa pandinig ni Alex ang mga ungol ng nobya. Habang nasa pagitan siya ng makikinis nitong hita ay namamasdan niya ang pag-arko ng katawan nito sa paghagod ng kanyang bibig sa naglalawa nitong hiyas. Lalo pa nang pumuwesto siya at itinutok na ang kanyang kahindigan sa bukana ng paraisong iyon.

"Fuck me Alex… Angkinin mo 'ko!"

Isang madiing ulos ang nagpasinghap sa dalaga. Muling naglapat ang kanilang mga labi at napapulupot ang kanyang mga hita sa balakang ng nobyo na nagsimula nang umulos. Banayad sa simula na tila sumasabay sa hampas ng mga alon sa dalampasigan.

Ang pagsusugpong ay unti-unting bumilis. Sagad sa diin ang bawat ulos, sumasalubong ang balakang sa bawat kadyot.

Nagb...

About the Author :

missE's Profile Picture

Joined: January 12, 2019 (4 years old)
Writings: 111
Female  ·  Offline
Description:
Author of AGUINALDO
Co-author of LARAWAN by Paradoxxxx
Websites:
89  ·  64  ·  94  ·  7,079
 · 

Comments
J
james122113
December 25, 2022 (1 month ago)

First haha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
james122113
December 25, 2022 (1 month ago)

First

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
james122113
December 25, 2022 (1 month ago)

Nadoble na

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Masyado kasing excited magcomment eh😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
X
xiztine
December 25, 2022 (1 month ago)

Welcome back, author! Pinaka the best na writer dito kahit once a year lang ata update 😆

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Pasensya na Sir na once a year na lang, busy na kasi talaga eh😅 Thank you po and sana nagustuhan mo update natin for this year

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
mroneside
December 25, 2022 (1 month ago)

Thank you sa update miss E

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Thank you din po for reading. Sana nagustuhan mo

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
linededlin02
December 25, 2022 (1 month ago)

ty po sa ypdate miss e..  nd kmi mapapagod sa paghintay ng update nxt year..

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Kita-kits po ulit tayo next Christmas ha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
GX_Ren's Profile Picture
GX_Ren
December 25, 2022 (1 month ago)

Another strong finish for this year.

I'm happy for Pam and Alex, and Denz and Diane. Sana tuloy tuloy na ang paghilom at tuluyan ng magsara ang kwento ng kanilang buhay. So that another masterpiece will be made sa pagtatapos ng Aguinaldo.

But if you're still not ready to let go, I'm all for it with another NTR situations.

Hanggang sa muli missE/Paradoxxx.

Maghihintay lang kami palagi. Maraming salamat sa inyong napakagandang update.

PS: After I posted my comment in the first update. Like a magical wish, the next update show up here in FSS. Took me by surprise. A very pleasant surprise.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

I doubt if I will ever write again. Writing takes too much of my time and energy so baka tapusin lang namin yung until 2025.

Oh di ba, posted agad ang Part 2. Wishes do come true afterall!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
paradoxxxx's Profile Picture
paradoxxxx
December 25, 2022 (1 month ago)

Ang Agui di lang story eh, diary na din kung ano na nangyayari sa mundo. Kaya parang totoong tao na din ang mga karakter na binuo mo otor

Maraming salamat at naisingit pa at konti ng di makapag update ang Agui😂

Maraming salamat sa lahat ng sumoporta mula umpisa at nakimarites kahit sobrang bsy ng panahong ito. Merry Christmas  mga ka Agui

Reply  ·  Like (4)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Oh di ba nairaos naman natin kahit gaano kahectic ng sched. Salamat sa pasensya at sa tyaga makipagbrainstorm😁😅

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
babalu1966's Profile Picture
babalu1966
December 25, 2022 (1 month ago)

Thanks sa update lodi. Anggulo ng setup nilang dalawa. Bat d pa ksi kayang magkabalikan although mahal pa nila ang isa't-isa. Sarap nyong i-elbow 😂😂

Anyways merry Christmas lodi 😊😊

Kilala ko kaliskis mo hoy!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Oo nga eh, paki-elbow na nga please😂

Merry Christmas and a Happy New Year to you po!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
SisigAdobo's Profile Picture
SisigAdobo
December 25, 2022 (1 month ago)

antagal miss diane baka may anak kana nian lol

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Dalawa na nga anak nya😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Badman
December 25, 2022 (1 month ago)

Maraming salamat ^.^

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Wala pong anoman😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jerikho's Profile Picture
jerikho
December 25, 2022 (1 month ago)

Ahh... sadyang kay sarap ang magmahal na alam mong tanggap ka nang buong-buo ng iyong minamahal- anuman ang iyong madilim na nakaraan na pilit mong kinakalimutan ...

   And yes I agree a hundred percent that Christmas is for giving and forgiving- kailangan lang nating buksan ang ating mga puso para magpatawad at umunawa  Akala ko tuwing umiihi na lang ako pwedwng kiligin may natira pa pala at ikaw lang ang nakagawa sa akin Mareng E😅 Well there always a first time hehehe!😁

         Merry Christmas and a Happy New Year sa inyong dalawa Mareng E at Pareng Paradoxxx! Masasabi kong kumpleto na ang Pasko ko sa hatid ninyong "regalo" sa amin! At muli ang aming pasasalamat sa inyong dalawa👍 Muchas Gracias!

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Katuwa naman at napakilig ka pala namin sa update na to😁 Mind if I ask kung saang scene?🤔

Happy New Year, Pareng J! Till the next Christmas🤗🤗

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jerikho's Profile Picture
jerikho
December 25, 2022 (1 month ago)

Dun sa first night nina Alex at Pam sa beach... well that scene is an epic Mareng E👍

Retiradong Playboy...pwedeng TUMINGIN pero never ang TUMIKIM 😉

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Yey! Buti kinilig ka pa din kahit toned-down yung ginawa naming approach sa scene na yun

Like (1)  ·  Report
R
reicool
December 25, 2022 (1 month ago)

maraming salamat po author. hindi ako magsasawang subaybayan o maiinip sa paghihintay. worth the wait naman at sulit. stay safe palagi

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 25, 2022 (1 month ago)

Nako eto, 1yr na naman tayo maghihintay. Pero salamat po ah sa pagantabay nto

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Archer14's Profile Picture
Archer14
December 25, 2022 (1 month ago)

Ayy hanggang ngayon nakakalungkot pa din isipin ang kinahantungan ng pamilya ni Greg.. Buti na lang may Alex na nasandalan si Pam sa panahon na down na down sya. Nag umpisa sa pagkakaibigan na nauwi sa pag iibigan... Ang sarap sa pakiramdam na may taong tatanggap sa iyo ng buong buo at mamahalin ka ng walang pag iimbot.  Sana magtuloy tuloy na ang masayang araw sa buhay ni Pam kasama si Alex.

Ilang pasko pa kaya ang kailangan lumipas at ilang  baby pa kaya ang kailangan mabuo para tuluyang lumambot ang puso ni Diane? Ang hirap talaga ibalik sa dati ng pagsasamang nasira lalo na at nasira ang tiwala...

Ang dami pang kailangan abangan sa mga susunod na pasko. Salamat sa matyagang pagsusulat missE at paradox. Hindi kayo nagsasawa na handugan kami ng Aguinaldo.

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Nagsasawa na nga kami eh. Char🤣 Thank you din Hepe. Wag ka din sana magsawa sa pambubuliglig namin😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
charles2700's Profile Picture
charles2700
December 25, 2022 (1 month ago)

Salamat sa magandang update Miss E at Paradoxxx nalaman na din natin ang mga never before seen events na nangyari sa mag asawa at kina Alex at Pam...

Kay sarap isipin na may taong handang tanggapin ka kahit ano man ang iyong nakaraan at mamahalin ka ng buong buo at walang alinlangan...

Hanggang sa susunod na update sa December 2023...Merry christmas at happy new year sa inyong dalawa...😘😘😘

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Uy may tatlong kiss, kay Paradox yung dalawa dyan ha😂 Til next Christmas, Sir Charles. Happy New Year po!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
utoi20's Profile Picture
utoi20
December 25, 2022 (1 month ago)

Ang banges mo mag sulat tlga!

Enjoy fucking my hot wife

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Banges ba sir😎😂
Buti po nagustuhan nyo!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone's Profile Picture
jackstone
December 25, 2022 (1 month ago)

Happy ang pasko ni Dennis, Dianne, JR, Pam at Alex.

Salamat missE and paradoxxxx.

Maligayang Pasko sa inyo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Salamat din Sir Jackstone, and Manigong Bagong Taon sa'yo!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
P
Puloboys
December 25, 2022 (1 month ago)

Thanks again Sa magandang update na d nailarawan Sa serye till next year kudos sau Miss E one of the best writer in FSS

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Till next Christmas po. Happy New Year!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Club21
December 25, 2022 (1 month ago)

Sana maging pasko ulit bukas ahahahah

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Uy! Wag naman ganun😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
Jovz25
December 25, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update missE next year ulit hehehehe!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Opo, mahabang antayan muna ulit hehe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lebron019's Profile Picture
lebron019
December 26, 2022 (1 month ago)

Napakaganda naman talaga ng kwento my idol missE the best ka talaga haha thank you ule missE the idol 👌🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 26, 2022 (1 month ago)

Maraming salamat din sa'yo lods lebron🙏

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Tagahanga
December 26, 2022 (1 month ago)

Welcome back lodi

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Salamat lods

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Neriel04
December 26, 2022 (1 month ago)

One of the best.. salamat miss E.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Nako salamat din po sa pagbabasa and sa appreciation nyo sa story

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
macumba40
December 26, 2022 (1 month ago)

Maraming salamat, MissE. Hanggang sa muli...Happy Holidays!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

You're welcome po. Kita kits tayo ulit next year ha. Happy New Year!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
justlong6
December 26, 2022 (1 month ago)

Away at labanan ng mga lalaking naka-una kay Diane at Pam hehe..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

May nanalo naman na😉

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
knight_walker
December 26, 2022 (1 month ago)

Thank you MISS E
   ito yung mga nawawalang kabanata sa storya ng aguinaldo salamat at naisulat o na ipost mo yung kabansta naito Miss E

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Yup mga behind the scenes po na magandang silipin din natin. Mga likas tayong Marites eh😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
krismille's Profile Picture
krismille
December 26, 2022 (1 month ago)

Awww akala ko tuloy tuloy na ulit ang story E

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Waaa tapos na po Agui. Finifill in lang namin ibang gaps sa timeline

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
tobats's Profile Picture
tobats
December 27, 2022 (1 month ago)

Thanks sa yearly update missE. Binasa ko ulit mula sa umpisa. Hindi nakaka sawang basahin. Happy New Year!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Yearly pero hanggang 2025 lang po ah😅 Happy New Year din po!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Ash2ash's Profile Picture
Ash2ash
December 27, 2022 (1 month ago)

Moooorrrrrrreeeeeeeee😊😊😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Waaaaaaaaaaaa😫😫🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
holapineapple's Profile Picture
holapineapple
December 27, 2022 (1 month ago)

Thank you sa pamasko, misse and paradoxxx!

Already taken by myself

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 27, 2022 (1 month ago)

Ola! Sana nagustuhan mo pamasko namin Sis Hola!😘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Wil28's Profile Picture
Wil28
December 28, 2022 (1 month ago)

Ay talaga namang mapapasabi ka na "sana araw araw pasko" hahahaaha. The best talaga kayo MissE. Pano ba yan see you next christmas naba? Hahahaha waiting padin ako sa Namulat Series nyo 😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
missE's Profile Picture
missE
December 28, 2022 (1 month ago)

Wag naman araw-araw uy! Yan pa lang eh 1 month in the making yan dahil sa sobrang busy namin😫Yup 'til next Christmas na po.😊

Nako yung Namulat, papalitan ko na nga title nun ng Napanis eh🤣 Basta saka na muna yun😅

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
malupet25
December 28, 2022 (1 month ago)

Salamat po Miss E....happy new year...aabang nalang po ulet sa mga story mo...thank you again.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
December 30, 2022 (1 month ago)

thanks otor....................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments