M
E
N
U

SORRY FOR THE DELAY UPDATE FRIENDS AND FOLLOWERS. NAPASOK KO PA ANG STORY NG PARADISE ISLAND AT MEDYO BUSY NA DIN SA MGA EVENTS AT TRABAHO.

THANK YOU FOR CONTINUES SUPPORT GUYS AND MERRY CHRISTMAS MGA KA FSS

------------------------
ALPHA II CHAPTER 18

BY: RAZEL22

Sa ilalim ng pulang langit ay matinding pagsabog ang mga nagaganap sa gitna ng labanan ng mga nilalang na may di normal na kapangyarihan.

Libo-libong halimaw na ang mga nagapi ng mga summon ni Russ na kalansay habang walang himpay n nagpapaulan ng sibat at pana ang mga puppet niuang nakalipad sa ere at dumadami na rin ang kanyang alagad .

kahit ang taong kristal na inilabas ni Marcus ay walang tigil rin sa pagpaslang sa bawat halimaw na madaanan at ilang milya na rin ang naabot nito ngunit sadyang napakarami pa rin ng kalaban at unti-unti naang bumabagal ang galaw nito.

Ang mga ipinalabas naman ng Alpha ay nawala sapagkat bumalik na ito sa totoong katawan ni Sting at ngapalabas ng isang kapangyarihang hindi madaling pantayan ng kahit na sino man.

Ngunit.

Ngunit.

Ang pagmamahal niya saasawang si Ana ay nagdala sa kanya sa sakuna at kinahinatnang kamatayan.

Gaano man kalakas ang isang lalaki kung ang makakatapat niya ay ang kanyang pinakamamahal na asawa ay wala talaga itong magagawa lalo na sa sitwasyon ng Alpha.

Kotrolado si Ana ng kadiliman na naninirahan sa kanyang kaisipan.

walang magawa

walang masabi

tanging luha lang ng pighati at pagsisisi ang tanging palatandaan ng sakit na dinaranas ni Ana na nakayukong nakatingin sa walang buhay na katawan ni Sting.

Tumatawa man ang halimaw nitong katawan at bumuklad ang napakalaking pakpak ay hindi pa rin nito mapigilan ang luhang kusang tumutulo sa matang di maalis ang paningin sa nakahimlay na taong kanyang minamahal ng lubusan.

Kahit sina Russ at Marcus na nakatayo na sampung mtero ang layo sa halimaw na si Ana ay di rin maaalis ang lungkot sa kanilang mukha dahil sa nakikita ang walang buhay na katawan ni Sting nanakahiga sa lupa na may ngiti sa mga labi ang duguang mukha nito .

"PPreee!!!!!!!!!!!!!"

sabay na sigaw ng dalawa at sumabog ang paligid sa aurang inilabas nila. nakakasilaw na kahit ang mga nabuhay na halimaw sa paligid ay napatakip ng mga mata at ang ibang matamaan ng init ng aura nila ay kusang nalulusaw.

Nawalan na ng kontrol si Russ sa sobrang galit kaya kusang lumabas ang napakatibay na dyamanteng balote sa kanyang katawan at napaangat sa ere..

KKKZZZTTTT KKKZZZTTT KKKZZZZTTTT!!!

ilang milyong bultahe ang kusang dumadaloy sa katawan ni Russ at ang bawat matamaan nito at napapasigaw sa sakit at natutunaw sa sobrang init. Wala na ito sa wastong isipan ng biglang mawala sa ere at isang nakakasindak na suntok ang pinasabog sa katawan ng nakatayong si Ana.

Ggrrrrrrraahhh!!!!! KKAABOOOOMMMM!!!!!

halos mawasak ang paligid ngunit bago pa ito tumama sa babaeng haliamw ay nakita na ni Ana ang papalapit na si Russ at nasangga ng siko niya ang umaapoy na kamao nito.

napakalayo ng inatras na katawan ni Ana ngunit di ito natutumba hanggang sa nakita niya na namang mabilis na nagdash si Russ papunta sa kaliwa kaya hinarap siya ni Ana

"Grraaaahahahah mabaagaal!!! garaahhahaahaa" natatawang sigaw nito ngunit ng makalapit si Russ ay agad itong nag side step papunta sa kanan kaya ng aatake na sana si Ana ay naiwasan ito ni Russ at nakita ang bukas ng tagiliran ng Prinsesa.

"GGGrrraaaaaahhhhhhhhhhh!! PPSSHHBBOOOOGGGSSSSSHHH!!!!"

isang nakakagimbal na pagsabog ang nangyari na kahit si Berto na di makapaniwala nang makita ang tumilapong katawan ni Ana at tumama sa mga halimaw.

Napatingin din si Berto Kay Russ na umuusok na ang ilong nito ang bibig sa galit. Puti na ang mga mata at may dumadaloy na kuryente sa katawan. Kahit siya ay napapaatras dito sa anyong yun ni Russ ngunit isang pagkakamali ang hindi pagbantay niya sa paligid.

Naramdaamn na lang ni Berto na may isang heganteng paa ang lumitaw sa kanyang likod hanggang sa .

BBOOGGSSHHHHH!!!!!

Inapakan ng heganteng paa ang katawan ni Berto ngunit bago pa siya mapisa ay nakabukas siya ng anino sa ilalim na lupa at agad nakapasok. Nakaligtas man siya ay matinding pinsala pa rin ang inabot ng kanyang likod na nagpapasuka sa kanya ng dugo.

Lumitaw sa berto malayo sa pinangyarihan ng laban at nakitang nakatingin ang isang nilalang na taong leon na may berdeng cristal na balote sa katawan.

Sa pagkagulat lang ni berto na kahit napakalayo niya na at nagtatago ulit sa isang mataas na tumpok ng lupa ay biglang lumingon sa dereksyon niya ang taong leon at nakipagtitigan ito sa kanya.

Halos manghina ang tuhod ni Berto sa takot ng maramdaman ang nakakagimbal na aura na humahalo sa hangin sa loob ng mundo ng eternal chamber.

Ngunit pinakalma lang ni berto ang sarili at tumayo. Nakipagtitigan sataong leon hanggang sa makita niya itong tumalon papunta sa kanyang dereksyon .

"LUMAPIITT KAAA!!! MARRCUUSSS!!!!"

Samantalang napatayo ang halimaw na katawan ni Ana at binuklat ang malapad na pakpak. "Ugghhh!! haaaa haaa uugggkkkk!!" napapabuga na ito ng dugo at agad napaluhod ng maramdaman ang napakasakit na pinsala sa kanyang tagiliran.

Nagkandabali ang kanyang mga ribcage sa solidong suntok na pinatama sa kanya ni Russ kaya galit na galit ang mukha nitong napatingin sa lalaki.

Walang makikitang reaksyon sa mukha ni Russ at tanging blangkong ekspresyon lang . Naglalakad ito sa dereksyon kung saan si prinsesa ana at

FFWWOOOBBBB!!!!!!

Nagpalabas siya ng napaka-init naapot sa dalawang kamay . Unti-unting bumibilis ang kanyang lakad hanggang sa biglang nawala.

Kahit ang halimaw na si Ana ay nagulat sa bilis nito hanggang sa biglang lumitaw si Russ na nakayuko sa ibaba ng katawan ni Ana na nakabitaw na nang isang uppercut. Kusang gumalaw ang katawan ni Ana at itinaas nito ang mga kamay at boung lakas na sumuntok pababa pasalubong sa papaangat nakamao ni russ.

Palapit na nang palapit ang kanilang kamao sa mga mukha ng isat-isa hanggang sa. . ..

KKAAABBOOOOOMMMMMMMMMMM!!!!

Isang nakakabinging pagsabog at nag pa crack ng lupa sa kinatatayuan ng dalawa. Nagkandaliparan rin ang mga halimaw sa paligid na natamaan ng impack sa lakas ng suntok na sabay tumama.

Napuno ng usok ang paligid at hanggang sa may biglang tumalon palabas sa makapal na usok .

Agad binuklat ang malapad na pakpak sa ere at galit na galit na napatingin sa ibaba.

Ang halimaw na si Ana na nadislocate at nalaglag ang kanyang panga at malaking hiwa sa pisnge na nagpaagos nang marami nitong dugo.

Galitn na galit itong sumigaw at nilamon ng itim na hangin ang kanyang katawan . Lumakas ang ihip ng hangin hanggang sa unti-unting nawala ang usok at ang nakatayong si Russ ang makikita sa ibaba na nakatingala sa nakatakas na prinsesa.

Meron itong malaking sugat sa noo at umaagos na rin ang maraming dugo sa kanyang ulo pero wala pa ring ekspresyon sa mukha nito.

Unti-unting umaangat sa ere ang katawan ni Russ hanggang sa magkalebel na sila ng halimaw na si Ana na nilalamon pa rin ng itim na hangin ang katawan nito.

"Prinsesa. Wala naakong pakialam. Kong sino ka at kong ano ka. Wala na akong pakialam kong mamamatay man ako sa labang ito. Ipaghihiganti ko ang aking kaibigan. Wala na akong paki-alam kung mapatay kita.

Wala na

WALAAA!!!!!!" biglang sigaw ni Russ na nagbago ang ekpresyon at galit na galit na bumulusok ang katawan papunta kay Ana .

Wala nang iniisip na iba si Russ kundi ang makapaghigante lang hanggang sa boung lakas ang inipon niya sa kanang kamao hanggang sa umapoy .

mas lumakas ang boltaheng dumaloy sa katawan niya hanggang sa mapalapit na siya kay Ana at isang nakakagimbal na suntok ang kanyang pinakawalan.

"KKRAAAAKKOOOOOMMMMMMMMMMMM!!!!!!!!!! GGRRGGGGG KRAAKKOOOOMMMMMM!"

pinagsamang kulog at kidlat ang luminya sa langit at lumakas ang ihip ng hangin. Samabog ng pagkalakas-lakas ang pinangyarihan ng suntok ni Russ at lumikha ng napakalakas na shockwave kung saan kahit ang dagat ng lava ay nagkaroon ng malaking kanal.

Ilang segundo ang lumipas ay binawi ni Russ ang kamao at napaatras siya. Ramdam niya agad ang isang nakakatakot na aura ng isang halimaw hanggang sa unti-unting nawawala ang hangin at isang nilalang na purong itim ang katawan nito ang lumabas.

"Ana?" agad na tanong ni Russ ngunit nakitang natawa lang ito

"Hinahanap mo ba si Ana ? Wala na siya lalaki! Grahahaahaa at salamat sa lakas mo at napukaw mo ako! hahaahaaa" tawa ng tawa ang itim na nilalang. Purong itim na korteng tao ang katawan.

Wala ng pakpak

Wala ng sungay

Wala ng mahahabang kuko

Tanging itim na nilalang lang na korteng tao ang nasa harap ni Russ pero ang hatid nitong kapangyarihan ay kinakatakutan ng lahat ng mga halimaw sa loob ng mundo ng eternal chamber.

"Sino ka?!" magsalita ka ! sino ka!" galit na sigaw ni Russ dito.

"Ako? Gararraahahahahahaa grahahaaah!! "

"AKO ANG KADILIMAN!"

---------------------

Tanghali sa labas ng unibersidad ay dumating si Rc na bagong ligo at nagspray pa ng perfume para mas bumango . Naglakad siya papunta sa guardhouse ng salubungin siya ng matandang gwardya. " Oh pre bango natin ah? may date ba? hehehe" agad na tanong nito kaya napangiti si Rc.

" Naku pre hindi ah. Wala ganito lang talaga ako palagi." sagot ni Rc at natawa ang gwardiya. " Tsk dalawang araw ka pa lang dito iho at alam ko kung paano kayo pomorna na magbabarkada. Yung si Balbi sumama kanina kina archetect Tegs at mga barkada niya. " saad ng guard. "Sus malaki na yun at alam niya na ginagawa. Siguradong may tinatarget na naman yun haha" Sagot ni balbi kaya napanguso ang gwardiya at tinuro ang isang babae na nakaupo sa sementadong upuan sa ialim ng puno sa labas ng unibersidad.

"Nakita mo ba yun pre? Kanina pa nakaupo yun eh. baka may hinihintay. Di na nga pumasok dito" sadi ng guard kaya ng tignan ito ni Rc at si natasha pala ang babaeng nakaupo sa kabilang kalye.

"Ahhh ehh mamong guard kilala ko po yan at kaklase ko. Hmm puntahan ko muna ha." sabi ni Rc kaya natawa ang guard. " Sus iho side na enjoy your date" saad ng gwardiya.

"Date mo mukha mo! hahaha Bleehh!!" sabat ni Rc at binilatan muna ang guard bago patakbong pinuntahan si natasha. Napailing na lang ang guard " Sus mga bata talaga ngayon. Pumapag-ibig na nagbubulakbol pa tsk tsk tsk" saad nito at napapailing na lang

Nang makarating na si Rc ay agad siyang sinalubong ng nakangiting mukha ni Natasha na agad ding tumayo sa kinauupuan nito. " Ahhh kanina ka pa ba dito Nat? Sorry ha kakarating ko lang. Marami kasi akong inaasikasong papeles sa bahay." palusot ni Rc kaya natawa ang babae.

"Sus papeles kajan! Style bulok eh hehehe. Hindi kakarating ko lang dito. " sagot ng babae kaya napangisi si RC. " Sabi ni Guard isang oras ka na daw dito nag hihintay. Hmm miss mo na siguro kagwapuhan ko no?" saad ni Rc kaya napayuko si Natasha at agad namula ang mukha nito sapagkat huling huli na siya.

"Anyway Natnat saan tayo mag lunch?" tanong ni Rc kaya binangga ng babae ang kanyang balikat ." ikaw ng bahala kong saan Julian. Ililibre naman kita eh. "Sagot nito kaya natawa na lang ang lalaki. "Sure babes!" sabat nito kaya napabaling ang ulo ni Natasha sa kabila at napakagat sa labi.

Nakarating sila sa loob ng malaking mall at magkasabay silang maglakad at napapadikit ang kamay ni Rc sa kamay ni Natasha na siya namang kinilig ng babae . "Nat kung may gusto kang puntahan ngayon ay sabihin mo na habang nandito pa tayo. Pero sa ngayon hanap muna tayo makakainan ha. Medyo nagugutom na kasi ako." sabi ni Rc kaya napatingin sa kanya ang babae. " Ahmm Rc balak ko sanang pumunta sa shoestore para bumili ng bagong sandals. Pwede mo ba akong samahan doon mamaya?" tanung ni Natasha sa kanya ng biglang hawakan ni Rc ang kanyang mga kamay.

Nagulat si Natasha sa paghawak ng lalaki sa kamay niya kaya napakagat siya sa labi at pinipigil ang kilig.

Unang beses niya pa lang nakita ang lalaki ay may naramdaman agad siyang di niya ma explain para dito subalit di siya nito pinapansin hanggang sa magpakasiga siya sa classroom at aawayin pa sana ang lalaki ngunit naunahan siya nito sa mga masasakit na salita kaya napaiyak talaga siya at nalungkot.

Blessing in disguised din para sa kanya ang nangyari dahil nakuha niya din ang atensyon ng lalaki ngunit sa pagsunod sunod niya dito ay lagi niyang nakikita na kausap nito si Pinky at ang ate nitong si Sofia. Nakadama siya ng selos pero di siya nagpahalata.

Sa sitwasyon ngayon ay napakasaya niya sapagkat nakakasama niya na ang lalaking lagi niyang tinitignan mula sa malayo at hawak-hawak pa nito ngayon ang kanyang kamay.

"Sure Natnat. Sasamahan kita kahit saan huwag lang sa dressing area hehehe. Ngapala gusto ko sanang kumain doon kong ok lang sayo?" sabi ni Rc at tinuro ang isang restaurant sa loob ng mall . Agad bumalik sa ulirat si Natasha kaya napatitig siya sa tinuro ng lalaki. " Sure Julian kung saan mo gusto. . . sasama ako"

Magkahawak kamay silang pumunta sa nasabing restaurant ng di naaalis ang ngiti sa mga labi ni Natasha. Nang makapasok na sila ay dumiretso sila agad sa pinakasulok ng resto at naupo. Pangiti-ngiti lang ang babae habang tinitignan ang maamong mukha ni Rc hanggang sa itinaas nito ang kanyang kamay para tawagin ang waiter.

Agad naman may dumating na waiter at nakangiting nakatayo sa gilid nila. " Hi maam and sir. Welcome to our new resto and here are the menu list. Pumili lang po kayo sir " saad ng waiter at binigay ang dalawang menu list kina Rc at Natasha.

Nahihiyang pumili si Natnat at napalunok ng makita ang presyo ng mga kakainin nila. Halos boung buwan niya na itong allowance pati na rin pambayad sa boarding house di pa siya nakakapili ng biglang magtuturo si Rc sa menu.

"Ito po. tska ito. dalawang ganito at tsaka ito pa. Tsaka yung special na menu niyo isa ring ganito oh. " sabi ni Rc at masayang nilista ito ng waiter. "Hmm do you want to add anything sir?" tanung ulit ng waiter kaya kinabahan na si Natasha dahil marami na ang naorder ni Rc ng biglang. " Sir ito ba yung pinakamahal niyo dito? ano ba to lobster? hmm sige isa ring ganito!" saad ni Rc kaya di na nakapagsalita pa si natasha.

Nakangiting humarap sa kanya ang waiter " Ah miss sa iyo po may napili na po ba kayo? " sabi nito kaya parang maluluha na si Natasha. "Tubig na lang po saakin. Makikihati la lang po ako sa kanya" sabi nito kaya tumango ang waiter at aalis na sana ng hawakan ni Rc ang braso ng waiter.

"Wait pre di pa siya naka order. Ako na pipili para sa kanya. " sabi nito at nagtuturo na naman ng kung ano-ano. Napayuko na lang si Natasha at parang nagsisisi kung bakit pa sa ganitong resto sila pumasok.

Nang makaalis na ang waiter ay hinawakan ni Rc ang kamay ni Natasha kaya napatingin ito sa nakangiting mukha ng lalaki. " Nilalamig kamay mo Natnat. Just relax ok. mag enjoy ka lang at manonood pa tayo ng sine mamaya" sabi ni Rc at napangiti na lang ang babae. "Sayang naman kung hindi natin maenjoy tong first date natin di ba?" dugtong ni RC kaya napanganga si Natasha.

"de. . date???" tanong niya kaya napatango si Rc. " oo naman. Ikaw at ako. Lalaki at babae ,magkasama at namamasyal. Date na yun kaya ituturing ko itong first date natin. Takenote mo rin yan mamaya ha" sabi ni Rc kaya napabaling sa glass wall si natasha at pinipigilang mapahiyaw si kilig .

"Anyway Nat nakita mo ba kaninang umaga sina Pinky at ate Sofia sa unibersidad?" agad na tanong ni Rc kaya ang pigil kilig na si Natasha ay biglang nag iba ang timpla ng modo. " patay na!" mahinang saad niya.

"ha? Ano nat?" agad na tanong ni Rc kaya nakangiting humarap sa kanya ang babae. " Di ko alam Julian . Di naman ako tagabantay nila eh. Tanong mo kaya sa prof nila" sabi ni Natasha kaya napatango si Rc at nag-isip isip.

"Ano ba naman to. Kakasabi lang na date namin to may ibang babae na naman na hinahanap. hmp! nandito na nga ako sa harapan niya ang labanos na pinky pa ang hinahanap! kakabadtrip!" bulong ng isip ni Natasha at nag pout na ang mapulang labi nito.

Titig na titig sa kanya si Rc at nahuhumaling sa ganda ng mukha ni Natasha. Kamukha ito ng artistang si Nancy ng momoland na pinabatang version. Cute na cute nitong tignan kaya napapangiti na talaga si Rc ng biglang humarap sa kanya ang babae.

"Hmm are you ok julian? May dumi ba sa mukha ko?" agad na tanong nito sa lalaki.

Nagpatingin tingin muna si Rc sa paligid hanggang sa . " Natasha. I saw the most beautiful girl sitting here inside the resto. " sabi ni Rc kaya napakunot noo ulit si natnat.

"Babae na naman! Tangina!" bulong nito sa isipan kaya nagpatingintingin din siya sa paligid. " Saan? wala naman akong makita ah. " tanong ni Natasha kaya tinitigan siya nang maigi ni Rc.

"I think she's a bit tired Nat. Shes in the right corner but. Dahan-dahan lang sa pagtingin dahil nakatitig din siya sayo. " sabi ni Rc kaya nagtataka man ay dahan-dahan binaling ni Natasha ang ulo sa kanan niya hanggang sa nakita ang kanyang repleksyon sa isang malaking salamin.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya at napatingin kay Rc. " Yes Nat. Ikaw ang pinakamagandang dilag na nakita ko simula ng nakapunta ako sa lugar na to. I even ask your name sa prof natin . " pagtatapat ni Rc kaya hindi halos makapagsalita ang babae.

Tsaka di ako nagpakita ng motibo sayo baka ikaw ang lumayo saakin Nat. At noong napagsabihan kita ng masama eh hindi ako nakatulog dahil sising sisi ako sa aking nagawa." Madamdaming saad niya kaya napapaluha na si natnat ng biglang dumating ang napakaraming order nila na naka cart pa.

"Im very sorry sa distorbo sir and maam but here is your order. " sabi ng nakangiting waiter at inilapag na isa isa ang napakaraming pagkain na inorder ni Rc at Natalie. Kahit si Natnat ay natakam na rin sa masasarap na pagkain sa kanilang harapan at nakalimot na siya pala ang magbabayad ng lahat.

Nang makaalis na ang waiter ay sinimulan na ng dalawa ang masarap na pagkain . Bawat subo ay nagtititigan kaya natawa si Natnat sa lalaki. Tinitigan siya ni Rc ng maigi at pasosyal na sinubo ang karneng nakatusok sa kanyang tinidor.

Napalunok ng laway si Natasaha dahil napakasexy ng gawi ng lalaki pero mas pinili niya ang matawa para hindi maging awkward ang kaganapan.

Inabot ang dalawa ng isang oras sa loob ng mamahaling restauant at busog na busog si Natasha. " Nat sandali lang ha. Mag c.r muna ako. Babalik ako kaagad." saad ni Rc kaya napatango si Natasha at tinitigan lang ang paalis na lalaki.

Di nagtagal ng makabalik si Rc ay inilahad niya na ang kamay sa babae. " Tara Nat. Alis na tayo. Tsaka marami pang natira pabalot na lang natin ok lang ba?" sabi ni Rc ngunit napakunot noo lang ang babae. " Uy teka di pa bayad yan Julian. Baka sabihin na tinakbuhan natin sila. " sabi ng babae ngunit napangiti lang si Rc. "Ok na nat. Bayad na" sabi niya sabay kindat kaya di makapaniwala si Natasha sa sinabi niya.

Itinaas ni Rc ang kamay at lumapit ang isang waiter. " Sir may maitutulong po ba ako?" agad na tanong nito. "Pre pakibalot ng mga hindi nagalaw naming pagkain. Tsaka yung mga konti lang nabawas pakibalot na rin. Salamat" sabi ni Rc at napatango ang waiter. Aalis na sana ito ng tinawag siya ni Natasha. "Uhm sir bayad na po ba lahat ng to?" agad na tanong ni Natasha kaya napangiti lang ang waiter at tumango.

Hindi makapaniwala ang babae hanggang sa may nakita siyang mahabang papel na nahulog sa sahig. Hinintay muna niya na makaalis ang waiter bago hinarap si Rc. " Uy Julian nakakahiya naman sayo. Ikaw pa nagbayad ng kinain natin. Nagpromise pa ako na ako magtreat sayo eh" sabi ni Natasha kaya umupo ulit si Rc at hinawakan ang kamay ng babae." Natnat this is our first date at hindi pwede sa akin na ikaw ang magbabayad niyan. Ako ang lalaki at ako ang bahala sayo so just relax at mag enjoy ka lang. Marami pa tayong gagawin mamaya" sabi ni Rc kaya napabaling na naman ang ulo ni Natasha sa glass window at napakagat labi.

Agad niyang naalala ang papel na nakita sa sahig kaya gamit ang paa ay unti-unti niya itong inaapakan hanggang sa mapunta sa paanan niya. Yumuko lang siya ng konti at kinuha ang papel bago pinasok sa kanyang bulsa.

Masayang lumabas silang dalawa sa restorant at halos di makalakad ng maayos si Rc sa kabusugan. " wait Nat. hinay hinay lang. Maaga pa naman eh. Tsaka labas muna tayo may nakita akong mga mas nangangailangan nito." saad...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (3 years old)
Writings: 68
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
27  ·  13  ·  27  ·  1,552
 · 

Comments
O
oddysess
December 14, 2022 (1 month ago)

Thanks Author, Sa update....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
December 14, 2022 (1 month ago)

Welcome po oddysess

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Chainsmoker07
December 14, 2022 (1 month ago)

Galing author. Ang bagsik ng laban nila pero paano na si sting boss? Mabubuhay pa ba siya,? Hint ko lng mabubuhay siyaΒ Β kasi sa loob ng eternl chamber walang kamatayan . Thank you author. At yung kay Rc at Natasha tnangina bitin bossing.... Nakaka L na bitin pa. Hahaha looking forward to it master. Thnk you sa update

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
December 14, 2022 (1 month ago)

Well thank you sa hint mo chainsmoker. Good idea at sa pagsubaybay . Abangan na alng po natin sunod na magaganap 😁😁😁

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
badace316
December 14, 2022 (1 month ago)

slamat boss razel s update πŸ˜πŸ‘
lumabas n ang pinakamatindi nilang kalaban ang kadiliman mismo anu ng mang yayari ky sting at ana ngayon berto at ana sex scene eh mukang mapupurnada pa hehehe
ayuz k talagan rc nadali mu batang- bata hehehe kya lng fc ang ma nga magulang mu nsa matinding panganip

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
December 14, 2022 (1 month ago)

Thank you badace sa pagsubaybay sa story. Actually di pa totally buo ang lima as kay ana hehe. Abangan na lang natin. Salamat

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
December 14, 2022 (1 month ago)

thanks otor...................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
December 15, 2022 (1 month ago)

welcome richard

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
December 15, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update Sir razel22^_^

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
December 15, 2022 (1 month ago)

Welcome po waters

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jhones
December 22, 2022 (1 month ago)

wala pa din update

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
December 24, 2022 (1 month ago)

Updated

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Barcon
January 24, 2023 (11 days ago)

Boss thanks sa update, grabeng action too ! Pati kina Rc at Nat hehe πŸ‘πŸ»

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Latest Writings
Recent Comments