M
E
N
U

ALPHA II chapter 10

BY:RAZEL22

SA PAGPAPATULOY



Sa kadiliman ng gabi sa loob ng kaharian sa timog kanluran ay nakatayo ang dalawang tao sa harap ng palasyo . "Saan ka nanggaling at anong ginawa mo? dis oras na nang gabi at hindi mo schedule ngayon para magbantay at mag ronda!! Sinong kasa kasama mo kanina!!! Umamin ka Russ kung ayaw mong lumayas dito!!! sumagot ka!!!!" galit na sigaw ni Bebe kay Russ kaya napatulala na lang siya at nanginginig ang katawan.

Tumulo ang malamig na pawis sa noo at napanganga dahil walang may maisagot sa mga tanong ng asawa. "Ayusin mo sagot mo kung hindi ay lalayasan talaga kita at dadalhin ko mga anak mo! ISA!!!!" dugtong ni Bebe kaya mas lalong nahintakutan si Russ.

"Ahh mahal naman. . . .pakiusap magpapaliwanag ako kaya pumasok muna tayo kasi gabi na oh. " mahinang saad ni Russ ngunit nagmatigas talaga ang butihing maybahay nito. Napakabait ni Bebe pero pag magalit eh sobra-sobra at parang dragon.

"Walang papasok hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo! DALAWA! pag umabot to ng tatlo mag iimpake na talaga ako!" pananakot pa ni Bebe kaya wala nang nagawa si Russ at biglang napaluhod. "Mahal ko . . . . . patawad at nagkasala ako sayo.. " saad niya at tumulo ang butil ng luha sa mga mata. Umusbong ang galit ni Bebe sa reaksyon ni Russ at lumakad palapit dito.

Takot na takot na siya at ayaw niyang masira ang pamilya ngunit hindi na alam ni Russ ang gagawin ng bigla na namang dugtungan ng misis niya ang mga tanong. " Ano mo si Jenny! sumagot ka!!! nakita kita kaninang karga-karga siya! " Parang tinakluban ng mundo si Russ sa mga narinig at naghilamos na nang luha hanggang sa. . . .
.
.
.
.
.
.

"NINOONNGGG!!! NINONG !!! Eto na po mga gamot na kailangan natin ! tsaka ok na po si Jenny. Nagawan ko na po ng paraan para makalakad na siya ng maayos. " Malakas na saad ni Rc na tumatakbo palapit sa mag asawa. Agad niyang hinarap ang asawa ni Russ. "Magandang gabi po ninang. bat po kayo nasa labas? gabi na baka mapano po kayo." sabi nito at nagtaka si Bebe.

"Para sa ano ang mga gamot na yan Rc? at anung ibig mong sabihin?" Nakakunot noong tanong ni Bebe dito. " ah eh kasi po ninang natapilok kanina si Jenny at napilay ang paa. Di ko kayang buhatin kaya nagpatulong po ako kay ninong na dalhin sa pagamutan pero sarado na kaya dinala namin sa bahay nila. Di naman nagtagal doon si ninong at nagronda na kahit di niya schedule kaya ako na gumamot kay Jenny. " saad ni Rc at tinignan si ninong niya Russ na nakatingin din sa kanya.

" Ngapala ninang bat nakaluhod dito si ninong? may nangyari ba? " agad nitong tanong kaya dali-daling tumayo si Russ at nagpagpag ng alikabok sa tuhod. " Wala inaanak napagod lang ako at napaluhod. May hinahanap lang kasi ako". Saad nito at nakahinga ng maluwag.

Agad lumapit si Bebe kay Russ na umamo na ang mukha. " totoo ba yun mahal? na tinulungan mo lang si Rc na gamutin si Jenny?" tanong nito kaya napatingin muna si Russ kay Rc bago tignan ulit ang asawa. "Oo mahal. Napagod si Rc kanina sa bayan kaya di niya mabuhat ng mabuti si Jenny kaya tinulungan ko lang sila. Amoy pawis na nga ako sa kakaronda dito at ilang beses ko nang naikot ang lugar. " saad ni Russ at niyakap siya agad ng asawa.

Napatingin si Russ sa inaanak at nakipagfistbump dito. Sa loob loob niya ay hulog ng langit talaga si Rc sa kanya at nasalba ang maaring pagkasira ng kanyang pamilya. Nang bumitaw si Bebe kay Russ ay agad nitong hinalikan ang asawa sa labi. " Pasensiya na mahal sa pagtrato ko sayo kanina. naunahan lang ako ng emosyon ko. Tara na sa loob at kakain na ." saad ni Bebe ngunit hinalikan siya ni Russ sa noo. " Mauna ka na muna mahal at may aasikasuhin lang ako. " Pagkasabi nito ay nag paalam na ang kanyang asawa at pumasok na sa palasyo.

Agad napaluhod si Russ at niyakap ng mahigpit ang kanyang inaanak. Tumulo ang luha sa mata at nagpapasalamat. " Oh paano yan ninong may utang ka na naman sakin?" saad ni Rc kaya hinarap siya ni Russ. " Salamat inaanak. Kung anong gusto mo e gagawin ko alang-alang sa mga tinulong mo sakin. " saad ni Russ kaya nag isip muna si Rc.
"sa susunod ko na lang sasabihin ninong pag nangangailangan na talaga." saad ni Rc at niyakap siya ulit ni Russ .

------------------

Nakabalik na si Russ sa kanilang silid sa loob ng palasyo at iniwan niya na si Rc sa labas dahil may babae dw na naghihintay sa kanya sa lumang bahay na ginawang bodega ng bigas. Nakahinga na siya ng maluwag ng makapasok siya sa kanilang tahanan na ayos na ang lahat. Nadatnan niyang nakabenda ang ulo ni Boysong pero nakikipag boxing pa rin kay Balbi.

"Pst magpahinga na kayo at gabi na. Mag-uusap pa tayo bukas. " saad ni Russ ngunit di nakinig ang dalawa. " Papa naman eh! nagsasanay kami dahil maraming kaming makakalaban pag nag-aral na kami sa bayan. " saad ni Balbi at yumuko para maiwasan ang suntok ni Boysong . Nag counter ng isang hook sa tagiliran ng kanyang kuya ngunit agad ding na block ng siko ang kanyang kamao. "Bata kapa Balbi!. . . hahahaha kulang kapa ng ilang taon para matalo ako sa boxing" saad ni boysong at nagpaulan ng mabibilis na suntok na isa isang na iilagan ng nakababatang kapatid.

Napailing si Russ sa dalawa niyang anak ng biglang . . .

TOK TOK TOK!! BALLLBBBIIII!!!! LABASSSS!!! BALBBBIII!!!
sigaw ni makoy sa labas ng pintuan nila.

BALBIII!!! LABASSSS!!!! BILISAN MO!! HUMANDA KA SAKINNN!!!!
sigaw na naman ni makoy hanggang sa pinagbuksan ni Russ si makoy sa labas ng pintuan.

"Oh inaanak gabi na bat gising kpa at bat ka umiiyak?" tanung ni Russ ngunit agad siyang tinulak ni Makoy at pumasok ang bata sa loob ng bahay. Agad tumakbo papunta kay balbi na galit na galit.

"Gagooo ka preee!!! nilagay mo ko sa panganib!!!" sigaw ni makoy habang tumatakbo ngunit agad siyang niyakap ni Russ at dali-dali ding pumunta si bebe sa sala dahil sa narinig na sigaw ni Makoy

"Inaanak ano bang nangyari at galit na galit ka kay balbi?" tanung ni Bebe at nilapitan si makoy para pakalmahin. "Eh kasi ninang ahhmmmm ang ganda niyo pala . . . ah eh tinuruan po kasi ako ni balbi ng isang site sa internet." saad nito kaya natawa si bebe at hinalikan ang noo ng bata.

"Anong site ba yun?" tanung ni Russ at tinignan ang anak niya na pinipigilan ang tawa.

"YOUPORN PO!! at nahuli ako ni mama" sagot ni makoy at humagalpak ng tawa ang magkapatid. Natumba si boysong sa kakatawa hawak-hawak ang tiyan samantalang si Balbi ay napatukod ang kamay sa balikat ng kuya niya.

"Ano??? Bold yun di ba?" agad na tanong ni Russ kaya kahit si Bebe ay natawa na din. "Hai nako mga bata kayo . Ang babata niyo pa andami niyo nang alam.

Napatingin si Makoy kay Balbi at tumakbo ulit ngunit nahawakan siya ulit ni Russ " Putangina ka Balbi!!! Humanda ka sakin at kakatayin kitang abnormal ka!!! " sigaw ni Makoy ngunit nang hawakan ni bebe ang balikat niya ay agad itong kumalma.

"Inaanak masama yang pagmumura mo. Bata kapa at di mo alam ibig sabihin yan kaya tumigil ka na sa pagmumura ok?" saad ni Bebe at umamo bigla ang bata at napatango. " Ang ganda niyo talaga ninang" mahinang saad ni Makoy kaya natawa na naman si bebe.

"Sino nga pala nagturo sayo na magmura ng ganyan at pipingutin ko ?" sabi ni Bebe kaya napatingin muna si Makoy kina balbi at boysong . Nag isip muna hanggang sa tinignan niya si Ninong niya Russ at tinuro ito.

Agad napanganga si Russ dahil wala siyang naituro sa pagmumura ng mga bata ngunit huli na nang biglang pingutin ni Bebe ang kanyang tenga. " Ikaw talagang matanda ka kong ano ano tinuturo mo sa mga bata!!! Wala kang hapunan! matulog ka na!" sigaw ni Bebe na parang dragon na naman. " Arayyyy mahal masakit tenga kooo . . . aray!! di ako yuunnn!! makoy magsabi ka nang totoo sa ninang moo!! arayyy!!!" saad ni Russ na hinila na ni Bebe papunta sa kanilang kwarto " Huwag kang lalabas jan kong ayaw mong madagdagan galit ko sayo!" pananakot ni Bebe kaya napabuntong hininga na lang si Russ at napatingin sa inaanak na nakangisi.

Sinarhan na ni Bebe ang pintuan ng kwarto at bumalik na sa pagluluto ngunit lumingon muna sa mga bata. "Kayo mga bata kayo ayaw na ayaw ko nang makarinig ng pagmumura mula ngayon ha! pag may marinig ako pipingutin ko din!" saad nito at napayuko ang tatlong bata kaya pumunta na nang kusina si Bebe.

"Tangina mo pre tinuro mo pa si Papa sa kalokohan mo " bulong ni Boysong " Pre punta tayo sa kwarto ko. Manood tayo ng youporn dun! hahaha" saad ni Makoy at sumigla agad ang mukha ng dalawang magkapatid at dali-daling hinila ang kamay ni makoy palabas ng kanilang bahay.

"Sandali lang pre napanood niyo na ba ang tarzan x? " Agad na tanong ni boysong at napatingin sa kanya ang dalawa. "Maganda ba yun pre? " Tanong ni makoy habang binubuksan ang pintuan nila. Agad sumalubong ang dalawang ate ni Makoy na magkasalubong ang kilay

"MAKOY! BAT MAY BOLD SA COMPUTER MO?!!!!!"


---------------

Kinabukasan sa malapad na bulwagan sa loob ng palasyo nakaupo ang tatlong bayani sa kani-kanilang trono. Ginawan talaga sila ng upuan katabi ng hari ng kanluran . Nakapambahay lang ang mga ito at walang paki-alam sa mga sasabihin ng iba.

Nakaharap sa kanila ang apat na mga anak nila at nakatayo ng tuwid. Tinitigan ni Sting si Rc " Anak kong gusto mo talagang mag aral sa bayan ay may mga ipapataw kaming alituntunin para ma protektahan ang lugar at ang inyong pagkakilanlan. Ganun din sa inyo Makoy Boysong at Balbi" saad nito at uminom muna ng kape at tumikhim

"Sa sampong taong kapayapaan dito sa kaharian ay di kami nag higpit na makihalobilo kayo sa mga taga bayan. Dahil sa mga asul na kristal ay di na natin kailangan ng elektrisidad mula sa kanila dahil mas malakas pa sa nuclear plant ang kapangyarihan ng mga ito. Pinoprotektahan nito ang ating kaharian sa ano mang panganib. May forcefield sa labas na hindi makakapasok ang mga taga labas. . . Maliban lang sa mga di normal na nilalang" dugtong pa ni Sting sa kanila.

"Kung sa pagkain man ay sobra-sobra na ang makukuha sa kaharian natin. Di din natin kailangan ng pera at alam niyo yan. Ang gusto ko lang sabihin ay pag nakapag-aral na kayo doon ay dapat walang maka-alam kong taga saan kayo at ang inyong pinagmulan. Isang sekreto ito lalo na ang lahi natin anak. Kayo din mga inaanak ko. " saad nito at tinitigan ang mga bata.

"Mamumuhay kayo ng hindi katulad dito! Isang desisyon na dapat tumayo kayo sa inyong mga paa! Wala kayong makukuhang tulong mula sa kaharian at hindi kayo makakabalik dito pag hindi kayo nakapagtapos ng pag-aaral. " saad pa nito at napatingin bigla sa kanya ang mga bata

"Papa! bat ganun ?! parang di pamilya ah." reklamo ni Rc ngunit nagbuntong hininga lang si Sting. "Di porket anak ka ng isang prinsesa ay mamumuhay ka ng masagana sa labas anak. Dapat mong malaman ang hirap ng buhay at kung paano tumayo sa sarili mong mga paa. Alam niyo na ang tama at mali at may mga isip na kayo "

Napayuko ang apat na bata sa mga narinig ngunit biglang tumikhim si Russ. " Sting pwede bang bisitahin ko sila paminsan minsan sa bayan ? Ibabalita ko sayo ang progreso ng mga bata" saad nito. ." Pre kung maaari din sana ay bigyan natin sila ng pera para makapagsimula sila ng kanilang pamumuhay. Mga bata pa mga yan at sanay sa luho dito. Ayoko namang maghirap sila at mag umpisa sa wala. Pakiusap pre." saad ni marcus at napabuntong hininga si Sting.

"Tsk sige na nga. Russ bigyan mo sila ng pera para sa pang isang taon na pamumuhay nila sa labas ng kaharian. Ikaw ang magbantay sa kanila at magreport sa akin ng mga balita ok ba ? At tsaka mga bata pakiusap lang iwas-iwas sa pakikipag away dahil hindi yan magandang tignan. Lumaban lang pag nasa wasto kayo. Mamaya ay mag impake na kayo at makakaalis na sa kahariang to. " saad ni Sting hanggang sa napahikbi si Rc

"Papa! sampung taon?! Bat ganon katagal? " sabi nito at tumulo ang butil ng luha sa mata.
"para sayo yan anak. huwag ka mag-alala dahil pagnasanay ka na sa labas at magustuhan mo na doon ay mararamdaman mo nang parang ayaw mo ng bumalik pa dito. Ngunit isa lang masasabi ko sayo anak. Andito lang kami ng mga mama mo at mga kapatid mo maghihintay sayo. " pagtatapos ni Sting at tumayo na sa trono . Naglakad pabalik sa kanyang silid at iniwan ang mga bata at kaibigan.

Nang makarating siya sa kanyang kwarto ay agad bumungad sa kanya ang luhaang mukha nina maria at ana. "mahal bat ganoon ang desisyon mo ? bat ganon kahigpit at ganon katagal?" saad ni maria at napahilamos ng luha sa mukha. Niyakap ito ni Ana na malungkot din. "Mga mahal ko alam niyo naman kung gaano ka importante si Rc sakin. Iniiwas ko lang siya sa maaaring maganap sa hinaharap. " saad ni Sting at napatingin ang dalawang asawa sa kanya. "Anong maaaring maganap?" agad na tanong ni Ana dito

" Ipagpatawad mo mahal kong ana pero isa itong sekreto na di ko pa pwedeng sabihin sayo. Kaya mula bukas ay bumalik na kayo sa pagsasanay at ihanda ang mga sarili sa darating na kapahamakan. " seryosong sabi nito at alam na alam ni maria na napakalakas ng kotob ni Sting kaya napatango na lang ito.

------

Hapon sa taas ng burol at umiihip ang maaliwalas na hagin ay nakaupo ang tatlong magkakaibigan. Hawak-hawak ni Sting ang bote ng alak at nakatingin sa kawalan " Mga pre. mabuting ideya to na aalis ang mga bata. At kung maaari din ay ilisan niyo din ang inyong mga asawa sa susunod" saad ni Sting at napasimangot si Marcus.

"Anong ibig mong sabihin pre? parang kaninang umaga ka pa ganyan ah? hindi parang nung nakaraang linggo pa. Anung nangyayari sayo? " tanung nito at napabuntong hininga si Sting. "Si haring Gimo pre. Wala pa akong konkretong pruweba pero sana huwag kayong magalit sa sasabihin ko. " saad nito at napatango ang dalawa.

"Noong nakaraang linggo ay kitang-kita ko na hawak-hawak niya ang katawan ni Berto. Dinala sa pasilyo kun...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (3 years old)
Writings: 47
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
40  ·  22  ·  37  ·  1,163
 · 

Comments
O
okistisaba
November 11, 2022 (18 days ago)

Salamat razel22 sa obra!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (18 days ago)

Your welcome okistisaba 😊

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Nick22
November 11, 2022 (18 days ago)

salamat sa bagong update..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (18 days ago)

Welcome nick 😊

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
tarumpetot
November 11, 2022 (18 days ago)

solid, nice update sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (18 days ago)

Thank you tarumpetot 😊

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gil251975
November 11, 2022 (18 days ago)

Thanks sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (18 days ago)

Your welcome gil251975

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gwapo7836
November 11, 2022 (18 days ago)

Salamat

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (17 days ago)

Welce gwapo

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
joseph020
November 11, 2022 (18 days ago)

c balbi tlg nagdadala kia ntatawa ako haha slamt sa update otor

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (17 days ago)

Take note!! Hahahaha thanks joseph

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
Barcon
November 11, 2022 (18 days ago)

Save by the inaanak hehe galing ng wingman ni Russ, exciting ang bawat eksena, thanks boss 👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (17 days ago)

Welcome barcon. And salamat sa pagsubaybay

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jero1978
November 11, 2022 (18 days ago)

thnx sa update boss autor

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (17 days ago)

Your welcome jero. At salamat sa pagsubaybay

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
November 11, 2022 (17 days ago)

Salamat sa update Sir razel22 ^_^

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 11, 2022 (17 days ago)

You welcome waters

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
November 11, 2022 (17 days ago)

thanks otor..................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 12, 2022 (17 days ago)

Welcome richard

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
KAWAYANAN
November 12, 2022 (17 days ago)

salamat sa update sir Razel😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
November 12, 2022 (17 days ago)

You welcome kawayanan

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments