M
E
N
U

2nd Chance : Chapter 6 " Wakas"

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Taboo, Mature, Reluctance, Romance · Tags: ,
Date: October 30, 2022 (1 month ago)


This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident

+++++++++++++++++++++++++++++

Ang nakaraan.

Mabilis naman kami natapos ni Janelle sa paglilinis ng condo at lumabas na din ang maglola. Si Nanay lyka ang nagluto ng tanghalian namin. Nagpaalam naman si Janelle na maliligo lang ito dahil sa lagkit na lagkit na daw siya.

Ako naman ay pumasok sa akin kwarto. Mabilis na tapos ang araw namin at dumating ang miyerkules ng gabi. Tuwang tuwa naman ang maglola na nag-iimpake ng gamit na dadalhin nila sa baguio, nasa sala ang dalawa habang kami ni Janelle ay nasa dining table umiinon ng softdrinks ng biglang magsalita si Janelle.

+++++++++++++++++++++++++++++

" Mahal, ready ka na ba?" ang tanong nito sa akin habang pasimple hinawakan nito ang aking palad sa ibabaw ng lamesa.

" Ready saan?" ang tanong ko dito habang pinagmamasdan ko ang mala anghel nitong mukha.

" Na maging full time daddy kay kobe?" ang tanong nito sa akin. Dito ko lang napagtanto na matapos ang trip namin na ito ay pwedeng maging full time daddy na ako kay kobe o di kaya back to zero.

" Basta andyan ka, ready ako" ang sabi ko dito. Napatingin naman kami sa maglola na patuloy pa din sa pag-iimpake habang kami naman ay pinag-usapan namin ang trip sa baguio. Si Janelle na bahala sa tutuluyan namin habang ako naman ang bahala sa pagkain at sa gas.Ayaw ko naman na puro siya ang gagastos.

Nagpaalam na ako dito na matutulog na ako dahil sa kailangan ko magpahinga para alert ako sa bukas sa pagdrive. Sinilip ko ang relo. Alas nuwebe na kaya may halos anim na oras pa ako na tulog.

+++++++++++++++++++++++++

Sakto alas tres ay nagising na ako at naabutan ko na sila nagprepare na din sa kusina. Si Janelle ay busy pinaliliguan ang anak nito na si Kobe habang si Nanay lyka ay busy din sa paghanda ng mga snacks na aming dadalhin. Halatang kakaligo lang nito dahil sa may balot pa itong tuwalya sa ulo. Naka suot ng Jacket at jogging lamang ito sa nanay lyka.

Mabilis rin naman natapos si Janelle sa paliligo sa anak nito at ako naman ang sumunod. Tipikal na gulo at kumosyon kapag paalis kayo tsaka may pupuntahan na bakasyon ang eksena sa condo unit ngayon.

Matapos ang halos 45 mins ay nasa baba na kami lahat ngayon. Dala dala ang mga gamit namin. Busy akong kinakarga ang mga dala namin sa likod ng fortuner. Sinakay ko ang maliit na maletang pink ni nanay lyka. Ang mas malaking kaunti na maleta ni Janelle. Sumunod ang malaking backpack na spiderman ni Kobe at ang aking duffel bag ang huli kong sinakay.

Sinara ko na ang likod ng sasakyan at binuksan ko muna ang pintuan sa may likod ng driver seat. Nakaupo na ngayon ang maglola. Nasa kaliwa si Nanay Lyka habang sa kanan naman si Kobe ay nakaupo sa child seat.

" Okay na po ba kayo nay?" ang tanong ko dito habang inaayos ko pasimple kong inaayos ang kargada kong baril sa ilalim ng aking upuan.

" ayos lang iho, ikaw apo? Ready?" ang tanong ni nanay lyka sa apo nito na nakaupo ngayon sa child seat.

" ready na po la" ang sagot ni Kobe kaya naman sinara ko na din ang pintuan at sumakay na ako sa harapan. Napangiti naman ako sa hitsura ni Janelle ngayon. Naka medyo dark pink ito na tshirt. Light pink na short, pink na jacket na gawa sa doon sa parang patungan ng telepono. Ung ginantsilyo ba ang tawag doon.

" Ready?" ang tanong ko dito habang inaayos ko ang rearview mirror.

" ready" ang sabi nito sa akin at nagsimula na kaming magbiyahe papuntang baguio.

Di naman gaano matrapik dahil sa maaga pa. Kaya naman halos tatlong oras lang ay nasa may Rosario La union na kami. Nagpapakarga lamang ako dito sa isang gas station habang ang tatlo kong kasama ay bumaba muna para mag cr.

Ako naman ay naiwan lang dito. Matapos mapuno ang tangke namin ay pumarada muna ako habang hinihintay ko ang tatlo. Wala pang 5 mins ay bumalik na sila. May dalang dalawang tasa ng kape si Janelle habang ang maglola ay hot choco naman.

" kape" ang alok sa akin ni Janelle.

" Salamat" ang sabi ko dito sabay kuha sa kape. Nakasakay na ang maglola sa likuran at inaayos na ni Nay lyka ang apo niya sa car seat. Mabilis kong ininom ang kape at tinapik ako ni Janelle sa braso para sabihin na tara na.

Di naman kami dumaan sa marcos highway at mas gusto daw nila ang kennon Road. Gusto daw makita ni Kobe ang lion's head kaya naman pinagbigyan ko naman ang hiling ng bata.

Tuwang tuwa naman si Kobe sa bawat makipot na kurbada na aking tinatahak, panay ang palakpak nito kapag nakikita niya ang mabilis na pagmaniobra ko sa manibela habang parang nakikipag pantitero ako sa bangin at gilid ng bundok.

Kita ko naman sa mag-inang janelle at lyka ang pagkahilo nila pero tiniis nila ito para sa kahilingan ng bata.

Wala pang isang oras ay nasa may Lion's head na kami. Tuwang tuwa naman si kobe na bumaba sa sasakyan at halos hilahin nito ang lola niya papunta sa ulo ng leon. Kami naman ni Janelle at naglalakad lamang sa likod nila at magkahawak ang kamay.

" Cute ni Kobe no" ang sabi ko kay janelle.

" Mana sa akin eh" ang sabi ni Janelle sa akin habang nilabas nito ang kanyang iphone 13 pro at kinuhanan niya ng larawan ang anak niya. Tumigil muna kami saglit sa isang barrier na gawa sa marmol at bato. Umupo si janelle dito at niyaya akong umupo sa tabi niya.

Nagselfie muna kami habang nakaakbay ako dito. Naka ilang kuha din kami bago kami tuluyan na pumunta sa maglola. Ganun din pala ang ginagawa ng dalawa. Nag selfie ito sa leon.

Ng mapansin kami ni Kobe ay kaagad itong lumapit sa amin at hinila ang kamay namin ng mommy niya.

" Mommy pwede po ba ako pic sa mouth ng lion?" ang tanong niya sa kanyang mommy. Halatang nagpapacute ito sa kanyang mommy.

" baka malaglag ka nak at walang hahawak sa iyo" ang sabi ni Janelle. Mabilis naman ako kumilos at nagsalita.

" ako na, sakay ka sa likod ko big boy" ang sabi ko at bumaba ako sa harap niya. Hinawakan naman ni Janelle ang likuran ng anak niya habang tumatayo ako. May kabigatan itong si Kobe, pero walang bagay na mabigat sa taong nagmamahal.

" Kobe, tingin ka kay Lola" ang sabi ko dito habang pinipicturan kami tatlo ni Nanay Lyka. Kita ko sa mukha nito ang kasiyahan na makita ang apo niya na masaya at may buong pamilya.

Naka ilang kuha din kami bago bumaba sa likod ko si Kobe. nagpaalam naman ang maglola na pupunta lamang sila sa tindahan habang kami naman ni Janelle ay naiwan sa may gilid ng leon.

" Pagod na pagod ka mahal ah" ang sabi ni Janelle habang pinupunasan nito ang pawis ko sa mukha. Di ko naman ramdam ang pagod dahil sa malamig ang klima.

" ayos lang mahal, importante ay masaya kayo ni Kobe" ang sabi ko dito.

" paano mo pala sasabihin sa bata ang lahat" ang tanong nito sa akin habang nagpipicture na muli ito.

" ako bahala mahal" ang sabi ko kay Janelle. Halos isang oras din ang tinagal namin dito hanggang sa nag-aya na kami ni Janelle na dumiretso na sa biyahe. Halos trenta minutos ang biniyahe ay narating na namin ang aming hotel.

Napakaganda ng entrance ng hotel. May malaking fountain pa sa harapan. Kaagad naman kami pumarada sa harap ng hotel. Binaba namin ang mga karga at inabot ko sa isang staff ang susi ng sasakyan. Sila na ang nagparada dito.

Pumunta na kami sa amin mga kwarto. Dalawang room ang binook ni janelle. Isa para sa akin at isa para sa kanilang tatlo. Pumasok na kami sa kanya kanyang room namin at nakita ko sa orasan na alas nuwebe pasado na. Ilang rooms din ang pagitang ng aming kwarto.

Nagsabi si Janelle na magkita daw kami sa lobby ng alas nuwebe y medya para daw makapag libot na kami. Pumasok na ako sa aking kwarto. Nagpalit lamang ako ng tshirt ko at umupo ako sa kama.

Ng mag alas nuwebe na ay lumabas na ako ng aking kwarto at sakto naman na palabas na rin sila kaya naman sinalubong ko na sila. Kaagad ko naman na kinuha ang sasakyan namin para makapaglibot na kami.

Sumakay naman kaagad ang tatlo. At ng makasakay na sila ay tinanong ko ang mga ito kung saan nila gusto una pumunta.

" saan po ang unang biyahe natin?" ang nakangiting kong tanong sa kanila.

" Kuya juan, doon po sa may bahay po ng igorot" ang sabi ni Kobe. Napatingin naman ako kay janelle. Ngumiti ito sa akin na parang nakakaloko.

" Igorot stone kingdom" ang sabi nito at pinatong niya sa phone holder ang telepono nito tsaka pinakita sa akin ang direksyon gamit ang isang app.

Sinundan ko naman ito at wala pang 45 mins ay nasa lugar na kami. Ako na ang nagbayad ng entrance at masaya naman na nagpicture picture ang tatlo habang ako naman ay nakasunod lang sa kanila.

At dumating na ang tamang tiyempo para kausapin ko si Kobe. Nasa cr ang mag ina habang kami ni Kobe ay naiwan dito sa parang canteen.

" Kobe, may sasabihin si kuya juan" ang sabi ko sa bata na busy kumakain ng fries at umiinom ng milk tea.

" yes po kuya, gusto niyo po?"ang magiliw na alok nito sa akin ng fries niya.

" Naalala mo noon una mo ako makita, sabi mo gusto mo ako maging daddy di ba?" ang tanong ko dito.

" Yes po, kasi po never ko po nakita ang daddy ko" ang sagot ni Kobe sa akin habang kumakain pa din ito ng fries.

" paano kung , magiging totoo yun" ang tanong ko dito.

" okay na okay po kuya, kasi parang daddy ko na din po kayo" ang sabi nito sa akin.

" kobe, mahal kasi ni kuya Juan si Mommy mo" ang sabi ko dito habang kumuha na din ako sa fries niya na nasa lamesa.

" Yehey daddy na kita" ang gulat kong sagot ng bata at mabilis itong pumunta sa akin tsaka ako inakap nito. Napangiti naman ako at mabilis kinandong ang bata sa akin harapan.

" Pwede po ba na daddy na tawag ko sa inyo?" ang tanong nito sa akin habang kumakain pa din ito ng fries.

" Oo naman" ang sabi ko dito at nagpatuloy na siya sa kanyang pagkain. Nasa ganun kaming posisyon ng abutan kami nila Janelle. Lihim akong nagthumbs up dito ng makita ko ang pagkalito sa mukha niya.

Pasimple din na napasuntok sa ere si Nanay lyka dahil sa tagumpay ang aking plano. Matapos namin na kumain ay umalis na kami pumunta na kami sa iba pang tourist spot.

Sinunod namin puntahan ang tam-awan village. Masaya kaming naglalakad nila Janelle. Hawak ni Janelle ang kaliwang kamay ni Kobe at ako naman sa kanan. Panay naman ang ngiti at picture ni Nay lyka sa amin.

Hanggang sa mag alas dose na kami makaalis sa lugar. Kaagad naman kami pumunta sa bayan para maglunch. Unang araw palang namin sa baguio ay napakadami na namin napuntahan na tourist spot.

Hanggang sa kinagabihan, nagpaalam si Janelle na matutulog ito sa akin kwarto. Pumayag naman si Kobe at sinabi na kawawa ang daddy niya dahil sa wala kasama ito. Napangiti naman kami ni Janelle.

Kaya heto kami ngayon ni Janelle. Ready na sa unang bakbakan namin. Nasa loob ng banyo si Janelle at naliligo habang ako naman ay nakahiga lang sa kama at nanood ng tv.

" Mahal, tagal pa yan" ang pabiro kong tanong dito.

" lapit na mahal" ang sabi nito...

About the Author :

34  ·  20  ·  38  ·  2,476
 · 

Comments
X
xylebitz13
October 30, 2022 (1 month ago)

salamat sa update sir

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
October 31, 2022 (1 month ago)

salamat sa update

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
lelouchluffy01
October 30, 2022 (1 month ago)

Thx sa magandang story author
So tapos na to anong sunod na story mo?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
October 31, 2022 (1 month ago)

pasensya na, pahinga lang ako at magstart na din ako magsulat sa isa pang platform

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
October 30, 2022 (1 month ago)

thanks otor...................................................

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
October 31, 2022 (1 month ago)

salamat din

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jorge94's Profile Picture
Jorge94
October 30, 2022 (1 month ago)

ok author, thumbs up... thanks sa story mo.

jm94

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
October 31, 2022 (1 month ago)

salamat sa support

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
BlueSky's Profile Picture
BlueSky
October 31, 2022 (1 month ago)

Bitin hahaha tyka dami palang deleted scenes sa story na to pansin ko lang. dibale bawe ka nalang sa Season 2 yan ay kung may plano kapang dugtongan ang kwento nito.

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
gilfmilflover's Profile Picture
gilfmilflover
October 31, 2022 (1 month ago)

pasensya na po sa mga nabitin. Kailangan ko lang kasi tapusin na ang story. Ipublish ko na din kasi ito soon sa isa pang platform kaya tinapos ko na. Doon ko na isusulat ang extended version ng story na ito. Salamat sa support pero wag kayo mag-alala. Hinding hindi ko papabayaan ang mga readers ko dito sa FSS. Mag iiwan at magsusulat din pa din ako ng ibang mga likha ko dito

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
Juncureg
October 31, 2022 (1 month ago)

Saang site yan boss

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Juncureg
October 31, 2022 (1 month ago)

Bitin boss Pero ok lang ang ganda ng obra mo

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mikeforce's Profile Picture
mikeforce
October 31, 2022 (1 month ago)

Nice story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
buffalo_trunk
October 31, 2022 (1 month ago)

Kudos otor. Tnx for a wonderful story.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
KAWAYANAN
October 31, 2022 (1 month ago)

Salamat sa magandang story😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
tarogi
October 31, 2022 (1 month ago)

Thank you sa pag share ng story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Z
zooeymama32
October 31, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update boss lover.more to cum

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
bluekidd2000
October 31, 2022 (1 month ago)

Galing

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
charles2700
October 31, 2022 (1 month ago)

Ay tapos na pala pero at least happy ending..Salamat sa update author at sabihan mo kami saang platform mo ipopost tong story na extended version..Ingat po lage

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
ravedeacon's Profile Picture
ravedeacon
October 31, 2022 (1 month ago)

nice story, hats dowm otor 👍

its better to burn out than to fade away

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments