M
E
N
U

Wala sanang kasunod ang akda kong...

Ayaw Ko Sa Gusto Mo Part 1, 2, 3.

Pero, subali't, ngunit, datapwat...

Dahil marami ang humiling na ituloy ko ang mahalay na kuwento nina Beck at Kurt, muli ko po silang ibabalik sa bagong kong likhang pinamagatang Bagansya.

Pasasalamat ko po ito sa 7k+ readers na tumanggap sa nauna kong akda. Sana po'y maibigan niyo rin ito.

Part One - Girl Talk


"Totoo? Wala kang suot na panty?", hindi makapaniwalang tanong ni Kurt.

"Oo nga. Naaalala mo ba 'yung sinabi mo na kung ikaw ang magiging bf ko, kahit magpalda pa ako na walang panty, ayos lang sa iyo?", paalala ko.

"Sinabi ko ba iyon?", tanong niya na may sakit na kalimot.

"Hay! Ewan ko sa'yo. Kung hindi mo pa gets, bahala ka.", taas kilay ko siyang inirapan.

Ang ibig sabihin pala, nasabi niya lang iyon dahil sa bugso ng pagkalango niya sa ininom naming beer n'ung isang gabi. O nagpapanggap na naman ito na nagmamaang maangan para ako mismo ang umamin na gusto ko siya?

Pero hindi ako madaling bibigay, kung iyan ang gusto mong laro, game ako!

Mabuti na lang at lumapit sa amin sina Shane at Sasha. May excuse ako para iwan si Kurt.

"Sayang, Beck. Sana nakasama ka. Ang saya kaya namin.", turan ni Shane.

"Oo nga 'eh! Kung kasama kayo ni Ariel baka lalong sumaya ang debut party ko.", panghihinayang naman ni Sasha.

Napansin kong inirapan ni Sasha si Kurt at nagtaas ng kilay kaya minabuti ko nang ayain silang lumabas ng school, "Tara na! Sabayan niyo ko at doon niyo ko kuwentuhan sa convenience store.", sabay akbay sa kanilang dalawa at iniwan ko si Kurt nang walang paalam.

Nakalayo na kami nang magpahabol siya ng tanong at sumigaw, "Teka? Ano nga ulit 'yung tungkol sa wala kang panty na suot ngayon?"

OMG talaga! Kahit kailan, wala talagang kwentang bulungan si Kurt ng usapang para sa amin lang dapat.

Kaya hindi ko pinalagpas ang sigaw niya at tumugon ng bulyaw, "Hoy! May panty ako 'no? Tingin mo sa akin, baliw?"

Hindi ko na hinintay ang banat niya kaya lalo kong binilisan ang pagbaba ng hagdan kasama sina Shane at Sasha.

Baliw nga siguro ako. Akala ko kasi, ma-aappreciate ni Kurt ang ginawa kong ito. Ngayon ko lang kasi ginawa ito kaya may halong kaba, ngatal at asiwa ang aking pakiramdam.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may kakaibang thrill sa akin. Magaang din sa pakiramdam ang pagdampi ng hangin sa aking hiyas. Ang kaba na baka may makahuli sa akin ang siyang dahilan kung bakit tila namamasa masa ang puke ko at dumadaloy pa ang likido nito sa aking hita. Kaya pasimple kong pinupunasan ito ng aking suot na saya.

Kapag nasanay siguro ako, gawin ko ito minsan sa isang linggo at kung sanay na sanay na, baka araw-arawin ko na ito. Hihihi!

********

Nang makarating kami nina Sasha at Shane sa convenience store, bumili kami ng makakain bilang miryenda. Instant Mami lang ang binili ko na bulalo flavor.

Mukha kasing instant lucky me na lang ako ngayon. Naks, hugot!

Pumuwesto kami sa harap ng glass wall, kung saan tanaw namin ang mga taong naglalakad sa labas. Doon kami lumapang ng snacks at nag tsika tsika.

Hinayaan ko lang na magkuwento si Sasha about sa birthday niya, mga happenings at paulit-ulit na, "Sayang, sana kasama kayo ni Ariel."

Dala siguro nang pagkarindi ko sa paulit-ulit niyang pagsambit sa pangalan ni Ariel, inamin ko na na, "Break na kami ni Ariel, kanina lang."

"Yeah! We already knew. We overheard you. Kaya nga sayang 'eh! Care to talk about it?", malasakit ni Sasha.

"Oo nga, an'yare, Beck?", usyoso ni Shane.

"It simply didn't work out the way it was. Don't get me wrong. He's nice and all that kaso nakakasakal na rin. He wants to get the better of me but I can't be the girl he wants me to be.", ayan, naibulalas ko na.

At kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. May bigat pa rin sa loob. Nagtatalo ang panghihinayang at pagkainis hindi lang kay Ariel pati na rin sa sarili ko.

"Ano bang gusto niya na hindi mo kayang ibigay? Hinihingi ba niya na mag sex agad kayo?", tanong ni Sasha habang nakatayo si Shane na hinihimas ang likod ko.

"Hindi ka naman ba niya sinaktan physically? Hindi ko na tatanungin kung sinaktan ka emotionally. Halata namang apektado ka pa rin.", tanong naman ni Shane.

"Salamat sa malasakit niyong dalawa. No, hindi tungkol sa sex 'no? In fact, wala nga siyang intention na galawin ako kahit gusto ko na. At sa tanong kung sinaktan niya ako, hindi, both physically and emotionally. Sadyang hindi lang talaga kami magtugma ni Ariel bagama't wala na akong masabi sa pagiging gentleman niya. Ako lang talaga ang may diperensya.", sagot ko sa parehong tanong nila.

Parang lalo yata silang naguluhan sa akin dahil kita ko sa mukha ni Sasha na nablangko ito at nanganak pa ng panibagong tanong.

"Para lubos naming maintindihan kung saan ka nanggagaling, anong klase bang lalake si Ariel?"

"As I said, gentleman siya. Gwapo, matalino, gusto niya matapos agad ang ginagawa niya dahil hindi raw siya mapakali kapag maraming nakatenggang gawain, he's a perfectionist. Hindi siya nasisiyahan na ganito na lang, gusto niya always the best. Parang wala akong maalala na past times niya aside from reading books. Ako na nga lang ang umaaya sa kaniya na manood ng sine kaso epic fail pa ang moment na iyon... and the rest is history.", tugon ko.

"To cut the story short, na-bored ka, nainip ka, nabagot ka!", sabi ni Sasha.

Ewan ko kung nakita ko ba siyang inirapan ako? Medyo nakakainis ang punto niya 'ah!

"Baka hindi pa kayo ready for each other. Who knows, in the end, kayo pa rin.", sabi ni Shane.

Doon kumalma ang kalooban ko sa sinabi ni Shane. At least kay Shane, ramdam kong kakampi ko siya.

"Base sa kwento mo, Beck. Napaka ideal man ni Ariel. Alam mo ba na lahat ng babae or let's just say ako na lang. Maswerte ang babaeng makakatagpo ng lalakeng katulad niya. Kung ako siguro ang liligawan ng kagaya ni Ariel, gagawin ko ang lahat, huwag lang siyang mawala sa akin.", wika ni Sasha na parang may ningning pa sa kaniyang mga mata.

Biglang naging bruha ang tingin ko sa babaeng ito. Napaisip tuloy ako, kinaibigan ba niya ako o nilapitan upang makakuha ng inputs about Ariel. Feeling ko kasi parang ginigisa niya ako sa sarili kong mantika.

Kaya hindi ko maiwasan ang tumaas ang kilay sa babaknet na 'to.

"Magtapatan nga tayo, Sash! May gusto ka ba kay Ariel?", taklesa kong tanong.

Nasamid siya at naubo sa aking tinuran. Doon pa lang ay kuha ko na ang sagot na nais kong malaman. Assumera nga ako 'di ba?

Lumipat ngayon si Shane sa likod ni Sasha at ang likod naman nito ang tinatapik tapik niya at hinihimas himas.

Uminom ng mineral water si Sasha mula sa bote saka niya pinagkaila na gusto niya si Ariel.

"Ginawa ko lang example ang sarili ko kung sakaling ako'y ikaw. Hindi 'no? Wala akong gusto kay Ariel. Pfft!"

Sige lang, i-deny mo lang. Advance na nga ang karma mo 'eh. Sa isip isip ko lang.

Part Two - Boys Talk

Medyo uminit ang ulo ko kaya uminom ako ng Coke mula sa bote.

Nang mapatanaw ako sa harap ng glass wall, naibuga ko ang ininom kong Coke sa harap mismo ng salaming dingding.

Paano ba naman? Nabigla ako at gusto ko sanang tumawa kung wala lang lamang Coke ang bibig ko sa itsura ni Kurt.

Nakangudngod kasi ang mukha niya sa salamin. Tapos kita pa ang laman ng ilong niya na nakalapat ang mga butas nito sa salamin kasama na rin ang taas ng labi niya.

Naalala ko tuloy si Marlon Wayan sa pelikulang White Chicks sa eksenang nakangudngod din ang mukha sa windshield.

Hindi pa doon natapos ang arte ni Kurt. Bigla siyang bumaba habang nakataklob pa ang mga kamay niya sa gilid ng kaniyang mga mata na parang namboboso.

Gumaya naman ang dalawa pa niyang kasama na kumakatok sa salamin saka nilalahad ang kamay na parang mga pulubi.

Naalala ko, binanggit ko sa kaniya na wala akong suot na panty at malamang, sa malokong ugali ni Kurt, nasabi na niya ito sa mga kasama niyang kutong-lupa.

Mabuti na lang at mahaba ang sayang suot ko na nasa binti ko ang laylayan. Kaya kahit anong boso niya, wala siyang mapapala.

Dumikwarto pa ako ng upo.

Muling tumindig si Kurt at heto na naman siya. Nilahad niya ang kamay niya pero hindi katulad ng dalawa, ginalaw niya ang mga daliri nito na parang may kinakalkal. Ginawa na naman niya na bilugin ang mga kamay nito na parang may iniikot o nilalamutak.

Ang gago talaga, bwiset.

Nakangudngod pa ang mukha ng dalawa niyang kasama sa salamin nang pabiro niya itong binatukan saka inaya niya ang mga ito upang pumasok sa convenience store.

Heto na naman si ako ikaw, "Alam mo, napapansin namin, lagi kang minamanyak ni Kurt. Kung ako sa'yo, sasampalin ko iyan nang matauhan."

"Bakit naman kayo naiinis kay Kurt? Nakakatuwa naman siya 'ah!", natatawang tanong ko.

Natatawa ako hindi dahil kay Kurt, kung hindi sa asiwang reaksyon ng dalawa. Hindi maipinta ang mga mukha nila nang makita si Kurt.

"Kaya alis na tayo, iba na ang hangin dito.", aya ni Shane matapos makitang pumasok ang tatlo at patungo sila sa amin.

Tumayo na rin si Sasha at kinuha ang bottled water.

"Oo nga, Shane. Umaalinsangan ang hangin dito. Halika na, Beck!", aya ni Sasha sa amin.

Tumanggi akong sumama.

"Bahala ka, Beck. Uwi na kami. Ingat ka d'yan, manyak 'yan.", paalam niya na may kasamang babala.

"Tabi nga d'yan!", sungit na sambit ni Sasha sabay bunggo sa balikat ni Kurt habang hawak ang kamay ni Shane.

Sa karipas ng pag-alis nina Sasha at Shane hanggang makalabas ng convenience store, hindi na nila nahintay pa ang sasabihin ni Kurt.

"Sino'ng manyak? Tatlo kami dito 'oh!"

Sabay baling sa akin ni Kurt, "Ano'ng problema n'un? Dapat namili siya sa aming tatlo kung sino ang pinakamanyak."

Mukhang ako naman ang tinatanong kaya sumagot na ako.

"Hindi na tinatanong dapat iyan. May tatalo pa ba sa iyo, Kurt?"

"Ohh Oww!", sabay na buyo ng dalawa.

"Aba? Baka hindi mo kilala ang dalawang ito. Pangalan pa lang, bastos na!", wika ni Kurt habang salitang tinuturo ang dalawa.

Natatawa lang ako habang nakakalumbabang pinagmamasdan si Kurt. Tinitignan ko rin ang dalawa kung anong reaksyon nila sa pang-aasar ni Kurt.

"Gaya nitong si Timothy. Ulitin mong bigkasin ang pangalan niya, iba na ang maririnig mo.", sabi ni Kurt kay Timothy.

Inulit ko nga ang pangalan ni Timothy.

"Timothy, Timothy, Timothy..."

"Bilisan mo pa!", ani Kurt.

"...Timothy, Timothy, Tit--"

Ayun, nabaluktot na ang dila ko. Nasabi ko ang hindi dapat sabihin.

Hindi lang pala sa charades nakakaisip ng kabastusan si Kurt, pati rin pala sa tongue twisters.

"O 'di ba, titi mo? Nyahaha!", tawang sabi niya kay Timothy.

"Heto namang si Dominador, ang baho ng pangalan. Parang dumi na may bad odor. Kaya bininyagan ko ng bago...", bumitin na naman si Kurt.

Tinitigan ko lang siya habang hinihintay ang punchline.

"...Jebs. Mas maganda nang pakinggan.", patuloy ni Kurt.

Hindi ako natawa dahil hindi ko naintindihan ang humor. Dominador sa Jebs? Ang layo 'di ba?

"Hmm? Dapat Doms, ang layo kasi ng Jebs, 'di ba, Doms?", pag-aanalisa ko na siyang sinang-ayunan ni Dominador a.k.a. Jebs.

"Correct ka d'yan, Bekbek!", ani Jebs sabay high five sa akin.

Saka wala namang nakakatawa sa Jebs 'eh. I think, it's a nice name.", dagdag ko pa.

Tawanan pa rin sila maliban lang kay Jebs na tampulan ngayon ng asaran, kahit hindi ko pa rin maisip kung bakit sila nagtatawanan.

Teka, tama ba ang narinig ko? Tinawag akong Bekbek ni Jebs?

Ahh! Bwiset ka talaga, Kurt? Gago ka! Huwag mong sabihing may kiss and tell na nangyari? Isusumpa talaga kita.

Napapaisip na ako habang nagbubuskahan pa rin ang tatlo.

"Eh ikaw nga Curtis. Akala mo ba flawless ka, 'eh Curtis bayag ka nga.", bulalas ni Timothy na may ngiting wagi.

"Ahaha! Kutis bayag!", gatong pa ni Jebs na halatang pilit ang tawa.

Sinapo ko ang aking bibig upang pigilin ang tawa ko. Sa wakas, nakahanap ka rin ng katapat mo, Kurt B.

"O, sige na. Nakakatawa na kayo. Bilhan niyo nga ako ng chicken sandwich at Sprite 500mL. Ikaw, Bekbek? Ano'ng gusto mo?", utos niya sa dalawa sabay alok sa akin.

"Kumain na ako. Kayo na lang.", sambit ko.

"Sigurado ka? Ayoko kasing pinababayaan kang gutom, gusto ko lagi kang malusog.", paniniyak sa akin ni Kurt.

"May kahulugang kahalayan na naman iyang ibig mong tumbukin. Gusto mo na naman makatikim sa akin 'eh.", turan ko.

"Gusto talaga kitang tumbukin at tikman, Bekbek.", sambit niya nang muntik pa niya akong nakawan ng halik.

Mabuti na lang mabilis ang reflex ko. Nasungalngal ko sa aking palad ang mukha niyang manyak.

"Umm! Sabi ko sa'yo makakatikim ka ng palad 'eh!", sambit ko.

Bigla siyang humipo sa aking hita at binalikan niya ang sinabi ko kanina sa school.

"Totoo bang wala kang panty?", tanong sa akin ni Kurt habang abot-tainga ang ngisi niya.

"Joke lang. Gusto ko lang makita ang reaksyon mo kanina. Yun lang!", sabi ko na lang sabay iwas tingin sa nakakainis niyang titig.

"Ows? To see is to believe.", duda niya.

"Ikaw na gago ka!? Ke may panty o wala ang ipapakita ko, panalo ka pa rin '...

About the Author :

Takiyomi's Profile Picture

Joined: May 3, 2022 (6 months old)
Writings: 34
Male  ·  Offline
Description:
Starting up as a newbie writer. I'm open to any constructive criticism and feel free to make any suggestions about my writings. Hope you'll enjoy it.
Signature Text:
I don't need a lot, just a few who truly cares.
4  ·  2  ·  7  ·  3,401
 · 

Comments
somebodyuused2know's Profile Picture
somebodyuused2know
October 30, 2022 (30 days ago)

Magaling ka talaga magsulat. Binasa ko yung unang post mo, this one though mahaba para sa akin pero tatapusin ko to.

"You are my lesson learned"

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
October 30, 2022 (30 days ago)

Salamat po, Sam. Nakakataba po ng puso ang comment niyo.

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments