M
E
N
U

The Revengeful Heiress (Erotica) 11-15

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Mature, Romance · Tags: , ,
Date: October 29, 2022 (1 month ago)


CHAPTER 11: INTENSE NAKEDNESS

Dahil wala akong kakilala sa lugar na tinitirahan ko, bandang hapon ay nagdesisyon akong magtungo sa bahay nina Ate Aira para bumisita sa kaniya. Hindi naman malayo ang bahay nila. Puwede itong lakarin mula sa apartment na tinutuluyan ko o kung tinatamad ka ay puwede ring mag-tricycle. Mayroon namang paradahan sa kanto malapit sa apartment. Pero dahil gusto ko ring maglakad-lakad, iyon ang ginawa ko para kahit paano ay ma-exercise ko naman ang aking mga paa at binti.

Wala rin kasi akong ginagawa sa apartment kapag wala si Marco. Inaabala ko nalang ang sarili ko palagi sa pagbabasa ng mga pocketbooks o hindi kaya sa panunuod ng TV. Kapag naman tumatawag si Isabelle para magkuwento, ang pinakamatagal na naming pag-uusap ay umaabot lang ng tatlumpung minuto. Hindi katulad ng dati na ilang oras kaming magka-telebabad.

Ito rin ang unang beses na pupunta ako sa bahay ng taga-rito sa Paso. Masarap sa pakiramdam na isiping may isang taga-local na gusto akong maging kaibigan.

Nang makarating ako sa labas ng kanilang gate, tumawag ako mula sa labas. Dali-dali namang may dumungaw na batang babae sa pinto. Bumalik ito sandali sa loob, pagkalabas nito, kasama na nito si Aira.

Nakangiti akong kumaway sa kaniya. Ganoon din naman ang ginawa niya. Mukhang tuwang-tuwa siya na bumisita ako. Pagbukas niya ng gate ay hinila niya agad ako papasok.

Maganda ang kanilang bakuran. Ang harapan nito ay napapalibutan ng mga halaman. Ang dinaraanan namin ay batuhan at ang lupa sa magkabilang gilid ay natatabunan ng bermuda grass. Sa bandang likurang ng kanilang bahay ay puro puno ng niyog ang tanim at sa hindi kalayuan ay matatanaw na ang dagat.

"Mabuti naman at napabisita ka. Akala ko hindi mo na ico-consider ang imbitasyon ko sa kaniya."

Inanyayahan niya akong pumasok sa loob.

"Wala rin naman akong ginagawa sa apartment. Kaya naisip ko na maglakad-lakad hanggang sa nakarating ako rito."

Pinaupo niya ako sa sofa. Sinabi niyang maghintay lang ako sandali dahil magtitimpla siya ng juice.

Ang batang dumungaw sa pinto kanina ay ipinakilala niya sa akin bilang kaniyang anak. Nalaman ko na ang asawa pala niya ay isang seaman kaya wala rito. At ang talipapa kung saan siya nagbebenta ng mga gulay ay hindi pala talaga sa kaniya kundi sa kaniyang mga magulang.

Nagkataon lang daw na nasa bayan ang mga ito kaya siya ang nag-asikaso ng kanilang mga paninda.

Habang nasa kusina ang mag-ina, tumayo ako sa sofa upang tingnan ang mga larawan na nakalagay sa ibabaw ng cabinet.

Ang mga larawan na naroon ay iba't-ibang larawan ng kanilang pamilya. May mga solo pictures doon. Napansin ko sa mga lumang pictures na palaging may kasamang babae sa Aira. Gaya niya ay maganda rin ito. Mas singkit at mas maputi. Sa mga recent pictures naman, ang kasama na ni Aira ay ang kaniyang anak na si Janelle.

Nang bumalik si Aira sa living room, napahinto siya nang makita na nakatayo ako at abala sa pagtingin sa mga litrato.

I focused my attention to one of the pictures. Hinawakan ko pa ito at ipinakita sa kaniya.

"Puwede ko bang malaman kung sino ito?"

Nanatiling nakatitig sa akin si Aira. Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak niya sa baso na may lamang juice. Unti-unting bumaba ang tingin ni Aira sa larawan at tipid na ngumiti.

"Kapatid ko iyan. Si Iris."

"Sorry ah, nakialam ako. Ang ganda kasi niya. Nasaan pala siya?"

Humugot siya ng malalim na hininga at naglakad patungo sa lamesa para ilapag doon ang baso ng juice.

"Namatay siya noong nakaraang taon."

Bigla naman akong nahiya. Inilapag ko agad ang larawan sa cabinet. Hindi ko alam kung saan ako titingin.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Dapat hindi nalang ako nagtanong. Sorry talaga."

Umiling si Aira at ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang maglakad-lakad sa dalampasigan?" tanong niya.

Ang totoo niyan ay nagulat ako sa tanong niya dahil akala ko ay galit siya sa akin.

"Sige. Mahilig naman ako sa dagat."

Sinabi niya sa kaniyang anak na maiwan ito sa bahay dahil ipapasyal niya ako sa dalampasigan. Pumayag naman ang bata kaya agad na kaming nagtungo sa likod-bahay. Dinala niya ako sa mapunong bahagi ng dalampasigan at pinaupo ako sa upuang gawa sa kahoy.

"Namatay ang kapatid ko dahil sa pagkalunod. Isa iyong kagimbal-gimbal na pangyayari sa aming pamilya. Naniniwala kasi akong hindi talaga nalunod ang kapatid ko. Kundi patay na siyang itinapon sa dagat."

Ibinaling ni Aira ang kaniyang atensiyon sa karagatan.

"Pero alam mo ba kung anong mas masakit? Iyong natagpuan naming nakalutang ang kaniyang bangkay dito mismo sa likuran ng aming bahay.

Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit para sa kanila iyon.

"Marunong lumangoy ang kapatid ko. Lahat kami ay laking dagat kaya naman hindi talaga ako naniniwala."

Yumuko ako.

"Pasensiya na. Hindi ko akalain na ganoon ang nangyari sa kapatid mo. Kung alam ko lang, sana hindi na ako nagtanong. Naalala mo pa tuloy."

"Okay lang, Celine. Minsan, mabuti na ring naalala natin yung mga masasakit na nangyayari sa atin. Nang sa gayon ay hindi natin makalimutan ang mga taong nagpahirap sa atin. Kapag nasasaktan ka, ibig sabihin, may dahilan ka para maghiganti."

Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang aking phone. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at agad akong napatayo nang makitang tumatawag si Marco sa akin.

"Hello?" mahinang tanong ko.

"Hello babe, nasaan ka?"

Narinig ko sa kaniyang boses ang pagkainis. Kaya naman dali-dali akong naglakad pabalik sa bahay nina Aira nang hindi nagpapaalam sa kaniya.

"Sorry, sorry. May binili lang ako. Babalik na rin ako ngayon diyan."

"Nasaan ka ba? Sunduin nalang kaya kita?"

Narinig ko ang paghabol sa akin ni Aira. Hinawakan ako nito sa balikat kaya napahinto ako. Agad ko namang nilagay sa mute ang phone ko sandali at hinarap si Aira.

"Naku, Aira. Pasensiya na ha. Kailangan ko nang umuwi. Nasa apartment na kasi si Marco."

Mas nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Mag-iingat ka pauwi, Celine."

Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango. Nang makarating ako sa labas ng kanilang gate ay saka ako sumagot sa tanong ni Marco.

"Pasensiya na babe. Walang gaanong signal sa area na ito kaya naman nagpuputol-putol."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Babe, bilisan mong umuwi. Sabik na sabik na akong makasama ka."

"Sige babe. Sandali nalang ito."

Pinatay ko ang tawag at agad akong luminga-linga sa paligid. Mabuti nalang at may nakita akong nagbebenta ng kamatis sa tabing kalsada kaya bumili ako ng isang kilo nito. At least, mayroon akong palusot kay Marco.

Nang malapit na ako sa apartment ay bumagal ang lakad ko kasabay ng ilang beses kong paghinga ng malalim.

Nang makapasok na ako sa living room, nakita ko si Marco na nakaupo sa sofa. Hawak niya ang kaniyang phone at abala sa pagtitipa. Pero agad niya naman iyong binaba nang makita niya ako.

"Ano iyang binili mo?"

Alanganin ko namang itinaas ang isang plastic ng kamatis. Kumunot ang kaniyang noo pero hindi ko na siya pinansin. Naglakad ako patungo sa maliit na kusina at nilagay sa pinaka-ilalim ng ref ang binili ko.

Bumalik ako sa living room para lumapit sa kaniya at humalik.

Tumagal ang aming halikan hanggang sa paupuin niya na ako sa kaniyang kandungan. Ibinaba niya na rin ang kaniyang phone sa lamesa para mahawakan ang aking puwetan.

"Hmm, ang bango mo talaga, babe. Miss kita. Pero mas miss ko ito," aniya at hinawakan mula sa labas ng aking suot na bistida ang aking dibdib. Nabuhay na naman ang elektrisidad sa buong katawan ko dahil sa hawak niya. Nagkataong manipis lang din ang suot kong bra kaya naman nahanap niya agad ang sensitibong tuktok nito. Tinutusok at nilalaro niya iyon gamit ang kaniyang hintuturo.

Isa ito sa mga bagay na gustong-gusto kong ginagawa niya sa akin. Itong niro-romansa niya ako sa ganitong paraan.

Huminto siya sandali para ayusin ang posisyon ko sa itaas niya. Dahil naka-panty nga rin lang ako, ramdam na ramdam ko ang umbok ng kaniyang pagkalalaki sa kaniyang pantalon.

Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga at bumulong.

"I won't be able to come here until next week. Isn't it the time for you to give me my last favor."

Umayos ako nang upo at tumitig sa kaniya.

"And what is that?"

Gamit ang kaniyang kamay, humawak siya sa aking pisngi at pinagapang iyon sa aking leeg hanggang sa aking dibdib. Nilamas niya iyon at saka pinaalog nang sabay.

"Remove your clothes while you dance in front of me," utos niya sa akin.

"Can you do it, right? Hmm?"

Muli niya akong hinalikan sa labi at nilaro ng kaniyang palad ang aking dibdib.

"Make me horny, Celine."

Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo malapit sa pinto.

"Should I close the window?" tanong ko.

Bahagya akong kinabahan dahil sa kabilang daan ay mayroong mga lalaking nakatambay sa labas. Jalousie ang uri ng bintana kaya kapag tumingin sila sa bahagi ng kinatatayuan ko, makikita talaga ng mga ito ang katawan ko.

"Come on, babe. Hindi naman sila pupunta rito para makita ang katawan mo. Consider them as your audience too. Hindi ba mas masaya kung hindi lang ako ang nababaliw ng katawan mong iyan?"

I swallowed hard, several times. Parang kinikiliti ang puson ko kapag iniisip na may ibang nagnanasa sa katawan ko.

Hindi naman ako ganito dati. Anong ginawa sa akin ni Marco para maging ganito ako.

"Open the lights, babe. Mas masarap kung makikita ko nang malinaw ang katawan mo."

Kinagat pa niya ang ibabang labi dahil para manginig ang tuhod ko.

I switched the lights on. I'm quite hesitating but the way he stare at me, makes me feel like I have no choice but to do it.

Una kong inalis ang aking suot na bistida habang marahang ginagalaw ang aking katawan.

"Babe, you can do better than that."

Nagsimula na rin akong gumiling nang alisin ko ang hook ng aking bra. Nakatitig lang ako kay Marco habang ginagawa ko iyon. Mas inigihan ko pa ang aking pag-indayog nang sa wakas ay maalis ko ang aking suot na panty.

"That's right baby," aniya saka kinuha ang kaniyang phone.

"Are you recording me?" tanong ko habang sumasayaw pa rin.

"Yes, babe. Malaking tulong ito sa akin sa isang buong linggo na wala ka sa tabi ko. Shit ka, ang sarap mo," aniya.

Hindi na ako tumanggi. Kung para sa kaniya naman iyon, mas minabuti kong pag-igihan ang aking galaw.

"Touch your breast baby."

Sinunod ko ang kaniyang gusto at nilaro ko na rin ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sarap na sarap akong ginagawa ang bagay na ito. Para akong nababaliw.

"They're looking at you, look from the outside," saad ni Marco kaya naman lumingon ako.

Halos tumulo ang mga laway ng mga lalaking nasa labas habang pinanunuod nila ako.

"Now, sit in front of me and play with your p*ssy."

Marahan ang bawat hakbang ko. Pag-upo ko sa lamesa sa harapan niya ay agad kong binuka ang aking hita at gamit ang aking middle finger, nilaro ko ang sensitibong parte ng aking pagkababae.

"Damn, basang-basa na ang p*ssy mo, babe."

Huminto ako sa paglalaro nang siya na mismo ang humawak nito. Nang hindi na siya makatiis, tumayo na siya at hinila ako patayo at dinala ako sa may bintana at pinatalikod sa kaniya.

Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng kaniyang pantalon at ang mabilis na pagpasok ng kaniyang kahabaan sa loob ko.

Kung kanina ay napapanuod ako ng mga lalaki mula sa malayo, ngayon kitang-kita na nila kung paano ako romansahin at angkinin ni Marco. Mas lalo silang nabigyan ng access na makita ang aking dibdib habang nilalamutak iyon ni Marco.

Mabilis at sunod-sunod ang kaniyang pagbayo mula sa aking likuran.

Bahagya niya pa akong hinila palayo sa bintana at pinatuwad. Ang aking kamay ay nakaalalay nang hawak sa dingding habang sunod-sunod ang kaniyang paglabas-masok.

Malakas at mabilis hanggang sa lumakas ang ungol lalo na nang iputok niya sa loob ko ang kaniyang katas.

"Ah, that was fun!" he exclaimed.

Pero nang akala kong tapos na iyon, nagulat ako nang iharap niya akong muli sa mga lalaki at saka nilaro ang aking dibdib habang hinahalikan ako sa aking leeg.

CHAPTER 12: HIGH HEAT

Kinabukasan, nagising ako na wala na si Marco sa tabi ko. Nang ibaling ko ang aking paningin ay naroon pa rin pala ako sa living room ng apartment. Nang tingnan ko ang aking sarili ay agad kong kinuha ang unan sa tabi ko para gamitin pantakip sa aking katawan.

Nakahubad pa rin ako. Hindi man lang nag-alala si Marco na baka may makakita sa akin sa ganitong kalagayan. Ni hindi man lang niya ako sinuotan ng panty at bra bago niya ako iniwan.

May galit akong naramdaman. Pero wala naman na akong magagawa. Nakaalis na siya. Kahit magtampo at magwala pa ako rito, wala na rin namang mangyayari. Mabuti nalang at nakasara ang pinto at bintana ng bahay kaya naman sa tingin ko ay safe pa rin naman ako.

Nang tumayo ako, naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko.

Habang naliligo ay biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi. Naalala kong may mga nakakita sa ginagawa namin habang binabayo niya ako sa aking likuran. May kung anong hiya ang pumuno sa katawan ko. Paano na ako lalabas ng bahay nito? Eh yung mga tambay pa naman na iyon ay halos oras-oras nasa labas? Paano nalang kapag naisipan nilang ikalat yung nangyari sa amin ni Marco? Nakakahiya!

Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung ilang beses nagparaos sa loob ko si Marco. Mabuti nalang talaga at safe ako. Tinuruan kasi ako ni Isabelle noon na uminom ng pills para kahit anong mangyari, hindi ako mabubuntis.

Pagkatapos kong maligo, naglinis ako ng bahay partikular na ang living room kung saan nangyari ang lahat kagabi. Naghugas na rin ako ng pinggan na nasa sink at naglampaso ng sahig.

Dahil kinabukasan na ang pasukan ni Marco, limang araw siyang nasa school. Ibig sabihin ay limang araw hindi kami magkikita.

Dahil wala naman akong ibang magawa, naisip ko nalang na bumisita kay Aira sa talipapa para tulungan siya.

Nang lumabas ako sa bahay, tanging maikling dress ang suot ko.

"Psst, miss! Napanuod ko iyong live show niyo kagabi ni Boss Marco. In fairness, hindi ka lang pala talaga maganda, maganda ka rin kapag nakahubad," saad ng isa sa mga tambay na naroon.

Mayroon siyang tatlong kasama na grabe kung makatingin sa akin. Pakiramdam ko ay hinuhubaran na nila ako sa kanilang isipan.

"Sayang nga pare, hindi natin nakita kung paano maglabas-masok ang sandata ni Boss Marco rito kay Miss sexy."

Napalunok ako nang marinig iyon. Gusto ko silang iwasan dahil alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan nito, pero paano ko iyon gagawin kung tumayo na sila sa kanilang puwesto at nagsimulang lumapit sa akin.

"Miss, gusto ulit naming makita na nakahubad ka. At kung puwede, baka maaari mo kaming payagan na hawakan iyang dibdib mo."

Umatras ako at handa nang bumalik sa bahay nang makarinig ako nang sigaw sa hindi kalayuan.

"Hoy, Mang Badong. Kanina pa ho kayo hinahanap ng mga asawa niyo. Ang aga-aga ginugulo niyo na naman itong dayo."

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Aira iyon. Dapat yata, ate na ang itawag ko sa kaniya dahil mas matanda naman siya sa akin ng ilang taon.

Napakamot ng mga batok ang mga lalaki at walang ganang naglakad palayo sa akin. Umakmang tatampalin pa sana ni Ate Aira sa batok iyong dalawang binata sa hulihan ni Mang Badong, mabuti at umiwas ang mga lalaki.

"Ano iyon? Ang aga, pinagkakaguluhan ka nila? May nangyari ba?"

Tipid ako na ngumiti kay Ate Aira at umiling.

"Wala po iyon, ate. May sinabi lang sila?"

Inusisa ni Ate Aira nang mabuti ang hitsura ko. Dahan-dahan niya ring pinasadahan nang tingin ang katawan ko.

"Mukha kang pagod. Parang lantang-gulay. May nangyari ba sa'yo? Yung totoo? Huwag kang magsisinungaling sa akin, Celine."

Napakamot ako sa aking batok saka yumuko.

"Ano kasi, ateโ€ฆ may nangyari kagabi. May nangyari sa amin ni Marco. Actually, hindi naman first time. Pero kagabi kasiโ€ฆ"

Huminto ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari nang hindi nahihiya.

Hinawakan niya ako sa braso at marahang pinisil iyon.

"Celine. Parang ate mo na ako. Alam kong kahapon lang tayo nagkakilala, pero hindi ibig sabihin niyon ay nag-aalala ako sa'yo."

Sa bandang huli, wala na akong nagawa kundi ikuwento sa kaniya ang aktuwal na nangyari.

Tahimik lang si Ate Aira. Tila binabalanse niya sa kaniyang isipan ang mga kuwento ko. Pero makikita rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalala bilang isang ate.

"Sa susunod, Celine. Hindi porket mahal mo ang isang tao ay ibibigay mo na sa kaniya ang lahat ng gusto niya. Kita mo, dahil sa "fun" na gusto niya at sa favor na binigay mo, ikaw tuloy ngayon ang nailagay sa alanganing sitwasyon. Nakita ng mga lalaking iyon ang katawan mo, sa tingin mo ba ay tatantanan ka pa ng mga iyon?"

Humugot ako ng malalim na hininga at umiling.

"Ang magagawa mo nalang ngayon, kailangan mong mag-ingat. Dahil kung hindi, sigurado akong baka kung ano pa ang gawin sa'yo ng mga lalaking iyon."

"Ate, hindi naman po ako malandi," nalulungkot na sambit ko.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Alam ko. Ginawa mo lang iyon dahil mahal mo si Marco. Pero pinapahamak ka na niya, Celine. Hindi naman tamang lagi mo nalang siyang pagbigyan."

Yumuko ako.

"Ginagawa ko lang naman po ang gusto niya para maging masaya siya. Gusto ko siyang nakikitang palaging masaya at nakukuha niya ang gusto niya."

"Eh ikaw, masaya ka ba? Hindi ba parang nagpapagamit ka nalang sa kaniya? Kung anong gusto niya, binibigay mo. Sa totoo lang, nagmumukha ka nalang na parausan niya. Wala pa rin talagang pinagbago ang batang iyon. Kahit kailan napakasama ng ugali."

Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Ate Aira.

"Kilala niyo po ba si Marco?"

Bahagya siyang umirap.

"Wala namang hindi nakakakilala sa kaniya. Sa loob ng ilang taong pamumuno ng kaniyang ama bilang Mayor ng bayan na it. Lumaki siyang spoiled. Minahal ng mga tao, lalo na iyong mga mahihirap. Kilala nila si Marco bilang mabait at masunuring anak sa mga magulang nito. Pero lingid sa kanilang kaalaman, may tinatagong kagaspangan ng ugali si Marco. Palagi ngang sinasabi ng mga tao, mukhang lang siyang anghel pero may pagka sa demoyo."

Nanatili akong tahimik. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin lahat ng sinabi ni Ate Aira. Bigla ko tuloy naalala sa kaniya si Leon.

"Pero mabait naman po ang pagkakakilala ko kay Marco. Pero hayaan po niyo ate, susubukan ko pong sundin ang sinabi niyo. Hindi po ako lagng papayag sa mga kagustuhan niya."

Hindi satisfied si Ate Aira sa sinabi ko, pero mukhang ayos na rin iyon sa kaniya.

Magmula noong umaga, hindi na ako umalis sa tabi niya. Dahil wala pa rin ang kaniyang mga magulang para magtinda ng mga gulay sa talipapa, doon muna siya pumuwesto. Sumama naman ako para kahit paano ay mayroon akong mapagkaabalahan.

"Konti nalang pala ang gulay. Andaming namili dahil sahuran ng mga empleyado at ng mga construction worker diyan sa bungad. Puwede ka bang maiwan muna rito sa puwesto, Celine? Lalakad lang ako sa pamilihang bayan para bumili ng gulay ang mga isda sa palengke."

Agad kong inikot ang aking paningin sa paligid. Iyong mga tambay ay naroon pa rin. Hindi ko rin naman ka-close ang ibang tindera sa katabing puwesto. Kaya naisip ko, bakit hindi nalang kaya ako ang magtungo sa palengke para mamili.

"Ate, ako nalang kaya? Ayoko kasing panay ang tingin sa akin ng mga tambay. Karamihan pa naman sa mga iyon ay may asawa. Mahirap na at baka biglang may sumugod sa akin na isa sa mga asawa nito. Ayoko po ng gulo."

Humugot ng malalim na hininga si Ate Aira at tumango.

"Alam mo naman siguro kung paano magtungo roon?"

Tumango ako.

"Kung marunong ka ring tumawad sa mga bibilhin mo, gawin mo. Para kahit paano ay magkaroon tayo ng tubo. Okay ba iyon?"

Nakangiti akong tumango at agad kong tinanggap ang perang inabot niya sa akin. Sa tricycle ako sumakay patungo sa palengke. Pagbaba ko, karamihan sa mga taong nakatambay sa bungad nito ay bumaling sa akin.

Hindi na kasi ako nagpalit ng suot na damit. Bestida pa rin ang suot ko at hanggang itaas lamang ng tuhod ko ang haba niyon.

May mga sumisipol at ngumingiti sa akin kapag nadadaanan ko sila. At dahil masikip ang daan patungo sa looban ng palengke, nakaka-encounter pa ako na mayroong humahawak sa aking binti.

Kung sanay lang talaga akong magpantalon, ginawa ko na. Kaso, magmula pagkabata ay mas kampante ako kapag dress ang suot ko. Hindi naman iyon naging kaso sa akin dahil wala naman sa mga kaibigan ko ang bastos. Dito lang yata ako nakatagpo ng mga taong walang pagpipigil sa sarili.

"Ang sexy mo naman miss, anong hanap mo?" tanong ng isang lalaki nang huminto ako sa bilihan ng isda.

"Ah, kuya, pabili nga po ng isang kilo nito. Pati po nito."

Itinuro ko ang mga bibilihin ko. Pero imbes na doon ito tumingin, napansin ko na sa nakalawlaw na harapan ng dress ko siya nakatingin. Nakita niya tuloy ang cleavage ko. Dali-dali akong umayos nang tayo at umiwas ng tingin sa lalaki.

Binilisan ko na ang pagbili ng mga kailangan sa talipapa. Nang nasa bandang gulayan na ako, mas maraming tao ang naroon, siksikan talaga.

Nagulat ako nang maramdamang may humawak sa aking puwetan. Hindi lang hawak kundi may halo pang pagpisil. Hinayaan ko nalang iyon noong una, pero nagulat ako nang ipasok nito ang isang kamay sa ilalim ng bestida ko at doon hinaplos-haplos ang aking puwetan. May humahalik na rin sa pisngi ko.

"Huwag kang gumalaw, kung ayaw mong masaktan."

Halos mangilid ang luha ko nang maramdaman ang matalim na bahagi ng kutsilyo na nakatutok sa aking tagiliran.

Mas parami pa nang parami ang tao, habang ang lalaki sa likuran ko ay nagpapakasasa ang isang kamay sa aking puwetan, ang kaniyang kamay naman ay nakahawak sa dibdib ko at nilalamas iyon sa labas ng aking damit.

Kagat-labi nalang ang ginawa ko habang tumutulo ang luha sa aking pisngi.

Nang humupa na ang tao ay kasabay niyon ang pagkawala ng lalaki. Mabilis kong binili lahat ng kailangan at naglakad-takbo palabas ng palengke. Akmang magtatawag na ako ng tricycle nang biglang may bumangga sa balikat ko dahilan para matumba ako sa papalapit na lalaki.

Napahawak ako sa kaniyang dibdib. Nang maamoy ko ang kaniyang pabango ay kumunot ang aking noo. Pamilyar ang kaniyang amoy. Kaya agad akong tumingala para tingnan kung sino ito.

Napalunok ako ng sariling laway. Kung minamalas ka nga naman. Sa dami ng puwedeng makita, siya pa talaga.

"Leonโ€ฆ"

Umangat ang kilay niya at agad na lumayo sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa tonong hindi ko alam kung may halong pagkagulat o pagkainis.

CHAPTER 13: CARE

Kumunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Hindi ba obvious na kaya ako nandito ay dahil namili ako?

Marahan kong itinaas ang basket na dala ko na naglalaman ng mga gulay at isda na pinamili ko.

"Namili ako. Para sa talipapa ni Ate Aira."

Siya naman ngayon ang may nakakunot na noo.

"Aira? Aira Ramirez? Kilala mo siya?"

Nagulat din ako nang malamang kilala niya si Ate Aira. "Bakit mo siya kilala?"

Tila natauhan naman si Leon nang marinig niya ang tanong ko.

"W-wala. Huwag mo nang alamin."

Napalabi ako at umayos nang tayo. Inayos ko na rin ang pagbitbit sa hawak kong basket.

"Sige, mauuna na ako. Baka hinahanap niya na kasi ako eh."

Tumango naman si Leon. Akmang hahakbang na ako palayo sa kaniya nang biglang may nagmamadaling costumer na biglang tumulak sa akin. Nabitawan ko ang basket na hawak ko kaya alam kong safe ito. Pero ako naman ang sumubsob sa basket na may lamang nilagang mais.

"Celine!"

Dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Leon. Naramdaman kong may pumulupot na braso sa aking beywang at agad akong tinayo sa gilid. Nagkagulo naman ang mga tao.

"Ikaw ang anak ng dating governor ng Santa Victoria hindi ba? Anak ka ni Governor Dela Luna."

Nahihilong bumaling ako kay Leon.

"Ikaw ba yung tinutukoy nila?" tanong ko habang nakahawak pa rin sa aking ulo. Si Leon na ang pumulot ng basket. Mabuti at hindi natapon ang laman niyon. Inabutan naman niya ng pera ang may-ari ng isang basket ng mais na tumilapon sa semento.

"Pasensiya na po, Ale. Itong kaibigan ko po kasi, hindi nag-iingat."

Mabilis niyang hinila ang kamay ko palayo pero dahil masakit ang paa ko, hindi ako makapaglakad nang maayos. Nang huminto ako ay huminto rin siya. Sabay kaming napatingin sa aking paa may bahid ng dugo. Saka ko lang napansin na nagkasugat ako nang matalisod ako dahil sa pagtulak ng babaeng dumaan.

Napapikit ako nang mariin.

Bakit ba ang malas ko? Si Leon naman ay nakataas ang kilay habang nakatitig sa sugat ko.

"Takaw-disgrasya ka talaga."

May lumapit sa kaniya na isang naka-unipormeng lalaki.

"Mang Carlos, pakikuha naman po ito," aniya rito at inabot ang basket na may laman ng mga pinamili ko.

"Teka, saan mo iyon dadal'hin?"

Hindi niya ako sinagot. Nagulat nalang ako nang makitang inilililis niya ang sleeves hanggang siko. Lumap...

About the Author :

Author info not found!
9  ·  4  ·  7  ·  1,923
 · 

Comments
D
Dylan15
October 29, 2022 (1 month ago)

Ang ganda ng story mo po idol aabangan ko po eto solid.. sana mabilis yung update hehehe

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
barag012
October 30, 2022 (1 month ago)

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฒ๐—น๐—ฒ.๐—ป๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ฎ. ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜€.๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ.๐—ถ๐˜๐—ผ..๐—ช๐—ฒ๐—น๐—น.๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ป ๐—ฎ๐˜‚๐˜๐—ต๐—ผ๐—ฟ. ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฒ.๐—บ๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฟ.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
October 30, 2022 (1 month ago)

Mahirap talaga kapag bagong salta ka sa lugar na hindi mo kabisado ang ugali ng mga tao.

Buti na lang, nand'yan sina Aira at Leon na nagmamalasakit.

Gumaganda na ang kuwento, Kira-san. As expected lodi.

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
mamongskie's Profile Picture
mamongskie
October 31, 2022 (1 month ago)

maganda ang tunatakbo ng storya mo otor,sana lang wag maging tanga ang bida natin na si atasha/celine dahil sa pag ibig
good job otor tuloy mo lang

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks โ€˜n Conversations
Recent Comments