M
E
N
U

Mang Banong- Ninong

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Taboo, Wife Lovers · Tags:
Date: October 28, 2022 (1 month ago)


Ilang gabi akong balisa at hindi mapakali, laging matigas ang alaga ko kahit pa nakakapagsarili ako, nakakahibang nga siguro talaga pag sa hinaba ng panahon ay muli kang nakatikim ng luto ng diyos at pagkatapos ng ilang buwan ay mauubusan ka pansamantala, kaya ngayon ay lahat ng taong nasa paligid mo na kung dati ay wala kang pakialam ay napapansin mo na.

Kagaya ng ordinaryong araw ay maaga akong nagigising, ilang araw na akong hindi nakakapag ehersisyo kaya minabuti kong gawin ulit ito ngayon. Nagsuot ng tamang kasuotan para makatakbo kahit mga kalahati o isang kilometro man lang. May sampung minuto kong natapos ang isang kilometro, matanda man ay kaya pa rin pala sa isip isip ko. Malapit na ako sa bahay nung makasabay ko si Merla at marahil ay papunta na ito sa bahay.

"Magandang umaga Merla"

"oh Mang Banong magandang umaga din sa inyo, kakatapos nyo lang bang tumakbo?"

"oo at pauwi na rin ako"

"sakto Mang Banong, papunta na rin ako sa inyo, sabay na ho tayo at ng may makausap man lang habang naglalakad".

Marami pa rin kaming napagusapan ni Merla sa daan, kahit pa araw araw kaming nagkikita at nag uusap ay marami pa rin itong kwento. Kung dati ay wala lang sa akin kung anong suotin ni Merla ay iba na ngayon, naka polo shirt itong hapit sa kanyang katawan na nagpabakat sa kanyang dibdib na malaman at palaban, naka maong shorts na lampas tuhod na hapit din sa kanya kaya umbok na umbok ang kanyang pang upo, halos magkasing katawan lang sila ni Celia, ang pinagkaiba nga lang ay Morena si Merla at hindi ganun katangkaran na hindi pa lalampas sa aking kili kili. Sa edad nitong trenta y otso ay hindi ito nagpabaya sa katawan hindi kagaya ng iba kong kakilalang kaedaran nya na mukhang mga balyena na sa laki ng pangangatawan. Kung ang mukha naman ni Merla ang titignan ay parang may lahi itong intsik dahil sa singkit nitong mga mata at ang ilong nitong maliit man ay matangos na bagay na bagay sa kanyang mukha na pinarisan ng labing manipis.

Nakarating kami sa aking bahay na halos si Merla lang ang nagsasalita. Nagsimula ang umaga ng ginang kagaya ng pang araw araw na gawain nito, magwawalis ng bakuran, maglilinis ng loob ng bahay. Ako ay nasa aking balkon at nagbabasa ng diyaryo nung yayain ako ni Merla na mag almusal, pinaunlakan ko naman ito kahit na alas nuwebe na at huli na sa aking nakaugaliang oras ng almusal. Kita sa ginang na masigla pa rin ito kahit pa marami ng nagawa at kagaya kanina ay panay pa rin ang aming kwentuhan na halos siya lang ang bangka dahil ako ay matamang nakikinig at nagmamasid lang sa kanya, hindi ko alam kung nahahalata nya ang aking mga titig sa kanya lalo sa kanyang dibdib.

"wala ka yatang ganang kumain Mang Banong?"nakangiting tanong sa akin ni Merla.

Hindi ko na sinagot pa ang aking kasambahay at nagtuloy na lang sa aking pagkain. Nauna akong natapos kaya nagpaalam na ako kay Merla at pumasok na ako sa aking kwarto. Nakangiti ako na parang balik dahil sa aking nararamdaman, matigas ang aking alaga at alam ko naman kung bakit. Gusto ko mang magparaos ay mamaya na lang gabi, sana ay matawagan ko man lang si Celia.

Kinatanghalian ay ganun pa rin, sa hapag ay magkasabay pa rin kami ni Merla, ang naiba nga lang ngayon ay nagpalit na siya ng damit na kung kanina ay polo shirt, ngayon ay naka duster na lang ito na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba, hindi ko alam kung may suot pa itong short. (may mga damit siya na extra dito na iniwan dahil para na rin kung sakaling mapagpawisan,mabasa o madumihan ang kanyang suot ay mapapalitan nya agad, ewan ko lang kung may pangloob din siyang iniiwan dito,hehehe).

Kagaya kanina ay tahimik lang akong nakikinig sa kanya, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako dahil inaninag kong maigi ang kanyang dibdib, parang bumabakat ang kanyang utong, hindi ko rin masigurado kung tama ba ang aking nakikita dahil saktong sakto ang kanyang dalawang utong sa disenyo ng kanyang suot. Kanina ay humupa na ang aking nararamdaman ngunit muli itong bumabalik. Dati pa naman kami na laging magkasabay kumain, dati ko pa namang nakikita na suot nya ang daster na iyon pero ngayon ko lang nasiyasat ng maigi ang kanyang katawan. Ayaw ko namang magpahalata pa kaya mabilis ulit akong kumain para makapagpahinga na rin muna sa aking kwarto.

Kinse minutos bago mag alas kwatro ay nagising na ako, mabilis akong lumabas para gumamit ng banyo dahil punong puno na rin ang aking pantog. Nagpunta ako sa salas at nakita ko si Merla na nanunuod sa telebisyon,nakataas pa ang dalawang paa sa lamesita sa gitna ng salas kaya ngayon ay mas lalo kong natitigan ang aking kasambahay. Sa tagal na rin ng serbisyo sa akin ng ginang ay alam kong kampante na ito sa akin at ganon din naman ako sa kanya, nagagawa nya rin ang gusto nya sa loob ng aking pamamahay basta natapos na lahat ang kanyang gawain.

Naaalala ko pa nga nung una siyang pumasok sa aking bahay, mahiyain ito at kimi kung kumilos, halata ding takot ito sa akin dahil sa alam nyang isa akong retiradong sundalo,akala nya siguro ay masyado akong istrikto. Hindi ko naman siya pinakitaan ng kasungitan o hindi maganda para naman kahit na bago pa lang siya ay gumaan ang loob nya sa akin at mawili siya na magtrabaho sa aking bahay. Ilang araw nga lang ay nakuha ko na ang loob nya na dapat ay siya ang gagawa, madalas na rin itong napapakwento sa akin. Minsan ay nakita kong may pasa siya sa kanyang braso, putok din ang labi nito kaya tinanong ko siya kung napaano, ang sabi nya lang ay nadulas siya na alam ko namang hindi totoo, ilang beses ko siyang tinanong kung napaano ang kanyang labi at braso hanggang sa umamin siya, sinasaktan daw siya ng kanyang asawa na lubos kong kinasusuklaman sa mga ugali ng isang lalaki. Pag gagaling ang kanyang mga pasa at sugat ay may papalit ulit hanggang sa halos linggo linggo na itong nangyayari. Kahit papano naman ay napalapit na sa akin ang ginang kaya sinabi ko sa kanyang papuntahin dito sa aking bahay ang kanyang asawa para naman makausap ko, sa una ay hindi siya pumayag pero sinsero kong sinabi sa kanya na kakausapin ko lang ang kanyang asawa at hindi ito sasaktan.

Nakaharap ko na nga ang kanyang asawa, malaki rin itong tao, maraming tattoo at may ilang hikaw sa tainga at sa ilong, ayoko mang manghusga pero base na rin sa ginagawa niya sa kanyang asawa ay alam kong barumbado itong taong ito(sana lang ay matapang talaga siya kahit kanino). Maayos at magalang ko namang tinanggap sa loob ng aking bahay ang mister ni Merla, niyaya ko rin itong uminom para naman mas makapag usap kami ng ayos. Medyo may kayabangan nga ito dahil sa asta ng pananalita pati na rin sa kilos na ipinagsawalang bahala ko na lang, maraming beses na akong nakatagpo ng ganitong tao. Napangalahati na namin ang alak nung magpaalam ako sa kanya at pumunta sa aking kwarto.

Pagkalabas ng kwarto ay bitbit ko ang aking dalawang baril, isang kwarenta y singko at isang shotgun, may mga bala rin akong dala at siyempre para naman mabawasan kahit papano ang kanyang takot ay may bitbit din akong basahan pamunas ng aking mga baril. Hinawi ko ang nakapatong sa lamesita, hinayaan kong matapon ang alak at mga pulutan. Hinubad ko rin ang aking suot na pang itaas at inilatag sa lamesita upang duon ipatong ang aking mga baril at para makita nya ang aking mga pilat sa katawan. Tinignan ko ang mister ni Merla at kita kong namumutla ito, nanginginig din ang kamay at paa nito. Nakita kong papalapit si Merla sa aming pwesto at halatang takot din para sa kanyang mister pero nginitian ko ito, alam na niya ang ibig kong sabihin.

"alam mo naman siguro utoy ang dati kong trabaho,siguro naman ay nakwento sa iyo ng misis mo?" habang kinakalas ko ang aking kwarentay singko

"o-o-oho nasabi nga ho sa-sa-sakin ni Merla"kanda utal na sagot ng maton.

"eh pagpasensyahan mo na kung nailabas ko itong mga baril ko ha, ganito kasi ako pag nakaka inom, ugali ko ng linisin ang mga baril ko"sabay mabilis na dampot at kasa sa aking shotgun na ikinagulat ng dalawang kasama ko sa salas.

"hanggat maari utoy eh ayokong nanghihimasok sa problema ng mag asawa pero kung sagad na ang kamalian lalo na at may nasasaktan na ay na ang usapan" mahabang litanya ko sa lalaking aking kaharap na hindi ko man lang alam ang pangalan.

"ilang linggo ko nang sinusubaybayan ang asawa mo at alam ko ang nangyayari kahit pa hindi nya sabihin sa akin".Kita kong napapalunok ng sunod sunod ang lalaking brusko sa harap ko.

"ilang araw na kitang pinamamanmanan kaya kung ako sa iyo utoy magbago ka na, bukod sa pambababae mo itigil mo na yang bisyo mong pagdo-droga dahil ngayon pa lang, binabalaan na kita, baka makita ka na lang ng asawa at mga anak mo na namamaho sa ilog at may karton sa dibdib". Kitang kita ko ang takot sa mukha ng lalaki.

"pati yang katapangan mo sa asawa mo, itigil mo na. Kalalaki mong tao eh papatol ka sa babae"

"papapiliin naman kita, tatakpan ka ng diyaryo o makukulong ka at pagsasawaan ng mga preso yang butas ng puwet mo, yan pa naman ang gusto ng mga bilanggo, mga asal aso sa labas ng kulungan"

"mag-mag-magbabago na ho ako Ma-ma-mang Banong, pangako ho,hi-hi-hindi ko na ho uulitin"

"marami akong mata utoy, wag kang magkakamali, alam kong mabait ang asawa mo at kung sakaling saktan mo yan eh hindi yan magsusumbong sa akin pero ito ang tatandaan mo, alam ko lahat ang kilos mo, ano mang oras ay kaya kitang ipatumba,tandaan mo yan".

Padabog kong inilapag ang hawak kong baril na nakapagpatayo sa lalaking nasa harap ko. Napahagalpak ako sa tawa dahil sa nangyari, nasa harap ko ang malaking taong akala mo eh sanggano at siga sa daan pero basa ang pang ibaba nito at tuloy tuloy ang pag ihi dahil sa takot. Nakita kong nakita ni Merla ang nangyari sa asawa, mabilis sana itong kukuha ng panglinis pero pinigilan ko ito.

"hayaan mo siyang maglinis ng sarili nyang kalat Merla" utos ko sa aking kasambahay.

"Ke laki laki mong tao eh salaula ka pala at sa short mo ka pa umiihi, malapit lang naman ang banyo dito,hahaha"baling ko sa tao sa harap ko
"dali at linisin mo yan at baka pumanghe pa ang bahay ko at pagkatapos mong linisan yan eh umuwi ka na,bilisan mo" pasigaw kong sabi.

Simula nung pangyayaring iyon ay naging maayos naman na ang turing ng lalake kay Merla, sinabi din ng misis na tumigil na rin ito sa bisyo. Todo pasalamat naman sa akin ang ginang pero hindi rin nagtagal ang buhay ng lalaki, napabayaan naman nito ang katawan at dahil na rin sa alak at matatabang pagkain ay inatake ito sa puso.Kung kailan pa naman bumait na at nagbago eh tsaka pa binawi.

Balik tayo kay Merla na kasalukuyang nanonood sa salas. Dahil nga sa pwesto nito ay mas napagmasdan ko ang ginang, kung kanina ay hanggang tuhod nya ang kanyang duster ay umangat na ito ng kaunti at hanggang sa kalahati na ito ng kanyang makinis na hita. Nakapaling ang ulo nito sa kaliwa na salo ng kanyang kaliwang kamay kung nasaan naroon ako kayat hindi nya ako napapansin. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin ang ganda ni Merla, siguro ay nahumaling lang ako masyado kay Celia kayat pagdating ng ginang na ito sa aking bahay ay hindi ko na nabigyan pa ng kung ano mang pagtingin, kung tutuusin ay matagal naman na siyang balo, kung siya ay aking ligawan ay hindi na rin naman masama, ang tanong lang ay kung sagutin nya ako,hahaha.

Pumunta na lang ako sa kusina para magtimpla ng kape tamang tama sa malamig na panahon.

"dapat inutos nyo na lang sakin yan Mang Banong" biglang salita ni Merla sa aking likuran....

About the Author :

MEGANEKUN's Profile Picture

Joined: February 6, 2020 (2 years old)
Writings: 41
Male  ·  Offline
44  ·  6  ·  42  ·  6,084
 · 

Comments
R
richard_tan
October 29, 2022 (1 month ago)

thanks otor.................................................

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
H
hilderpan
October 29, 2022 (1 month ago)

Thanks for the update!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
trebor_1177
October 29, 2022 (1 month ago)

Thumbs up otor

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
3
3mperorzurg21
October 29, 2022 (1 month ago)

si celia naman boss, thanks

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
charles2700
October 29, 2022 (1 month ago)

Nice salamat sa update author sana masundan agad...Napakaswerte ni Mang Banong kasi kahit matanda na siya ay nakakatikim pa run sita ng mas bata sa kanya....Yung nangyari Kay Celia at sa byenan niya ipagtatapat kaya Niya Kay Mang Banong?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
Copyninja
October 30, 2022 (1 month ago)

Ang bangis mo idol

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks β€˜n Conversations
Recent Comments