M
E
N
U

Run To You (3)

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , , ,
Date: October 26, 2022 (1 month ago)


Pareho kaming nagulat sa nangyari. Kahit hindi niya sabihin, naramdaman ko ang pagtigil niya sa kaniyang kinatatayuan.

Nagulat siya noong hinalikan ko siya. Pero mas gulat ako nang ma-realize ko ang ginawa ko. Umatras ako at naitakip ko ang aking palad sa aking bibig. Parang gusto ko nalang sampalin ang aking sarili dahil sa kagagahan ko.

Sino ba naman ang matinong babaeng mag-i initiate ng halik? Paniguradong iniisip ni Rick na maharot ako o hindi kaya ay malandi dahil sa ginawa ko.

I was never like that. Ang totoo nga niyan, he was the second man I've kissed. Kasi yung unang beses kong mahalikan, noong fourth year college ako, eh smack lang naman mula sa ex-boyfriend ko.

Pumikit ako nang mariin at tumalikod sa kaniya para kalmahin ang aking sarili.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. I was just… I was…"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Paano ko ba naman ipaliliwanag na kaya ko lang nagawa iyon ay dahil nadala lang ako ng aking damdamin? Isa pa, kahit sabihin ko iyon. Hindi siya maniniwala.

I was so stupid for doing that.

Muli akong humarap sa kaniya, pero sa pagkakataong ito ang aking palad ay nasa noo ko na.

I tried looking up. I tried to meet his gaze but I failed.

"Sorry. Hindi ko intensiyon iyon. Siguro ay na-excite lang ako sa fact na sa halos isang taon din tayong nagkausap tapos ngayon lang tayo nagkita."

Humugot siya ng malalim na hininga at alanganing tingin ang binigay sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan niya ang kamay ko.

"Let's talk somewhere private. If that's okay with you."

I responded with a single nod. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng aking backpack saka sumunod ako sa kaniya palabas ng mall.

Wala akong ideya sa lugar na pupuntahan namin. Pero kapag kasi sinabing private, it's either bahay niya o puwede rin naman sa hindi mataong lugar. I just hope he'll choose the latter. Dahil kung sa bahay niya nga ako dadalahin, ibig sabihin, kailangan kong bantayan maigi ang sarili ko dahil kung anong gawin niya.

Hindi naman ibig sabihin ay re-rape-in niya na ako. Paano kung ang habol niya sa akin ay lamang-loob ko? Paano kung ibebenta niya ako? Paano kung masamang tao pala ang taong hinalikan ko?

Napalunok ako nang sunod-sunod sa aking naisip. Mariin akong umiling at tinapik pa ang aking pisngi para gisingin ang aking sarili.

"Anong nangyayari sa'yo?"

Nang mag-angat ako nang tingin ay nakita kong titig na titig siya sa akin habang kunot na kunot ang kaniyang noo.

"Kung nag-aalala ka na baka may mangyari sa'yong masama, hindi mangyayari iyon. Hindi kita dadal'hin sa bahay ko lalong hindi sa kuwarto ko, hindi ako serial killer, hindi ako nagda-drugs."

Napalabi ako habang nakatingin sa kaniya.

He's 40 years old. Hindi ko akalain na may cute palang 40 years old?

"Kung ganoon, saan mo ako dadal'hin?"

Lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko. Napangisi ako nang makitang magkahawak ang aming mga kamay.

Kulang nalang ay magsiklop ang aming mga daliri. Para na tuloy kaming mag-jowa.

"Tumigil ka riyan sa kangingiti mo."

Ngumuso ako.

"Bakit naman? Masaya ako eh. Isa pa, kinikilig ako."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Siyempre, dahil matigas ang ulo ko at makulit ako, ginaya ko iyong ginawa niya. Anong akala niya sa akin, magpapatalo ako sa kaniya porke mas matanda siya sa akin?

Aba! Hindi ko naman ugaling maging submissive 'no!

"Huwag kang makulit. Nakikita tayo ng mga tao."

"Ayaw mo no'n, makikita nila kung gaano tayo ka-sweet?"

Umiwas siya sa akin nang tingin.

"Buti nga sana kung ganoon. Pero hindi, Aya. Marahil iniisip ng iba ay tatay mo ako o hindi kaya kuya."

Umangat ang kilay ko.

"Edi kung ganoon, mga judgemental pala sila. Gusto mo bang ipagsigawan ko na ikaw yung lalaking gusto ko para malaman nila?"

Mariin niyang pinisil ang braso ko.

"No! You won't do that."

"Bakit hindi? Ikinahihiya mo ba ako?"

Bumigat ang pakiramdam ko. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na magiging ganito siya sa akin. I expected that na magiging light lang yung meet up namin. Hindi naman ganito. Ayoko nang ganito. Pakiramdam ko, urong-sulong siya.

"Alam mo Rick, kung ayaw mo sa akin, sabihin mo nalang okay."

"Hindi nga ganoon iyon."

Paglabas namin ng mall, pumara agad siya ng taxi. Pinasakay niya ako sa loob, ganoon din siya.

May binanggit siyang lugar sa driver. Mukhang alam na alam itong driver dahil hindi na ito gumamit ng waze.

Hindi naman ganoon katagal ang biyahe dahil hindi traffic. Huminto ang sasakyan sa isang malawak na parke kung saan mayroong ilan-ilang mga tao na nag-iikot.

Bumaling ako sa kaniya.

"Dito tayo?"

Tipid siyang tumango.

"Oo, dito tayo. Para alam mo sa sarili mong safe ka sa akin."

"Anong gagawin natin dito, magpi-picnic?"

Seryoso siyang humarap sa akin.

"Ano bang sinabi ko kanina? Hindi ba ang sabi ko, mag-uus...

About the Author :

Author info not found!
6  ·  1  ·  5  ·  984
 · 

Comments
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
October 26, 2022 (1 month ago)

Parang meteor garden ng mga tito. Nice one, Kira-san.

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments