M
E
N
U

Run To You (2)

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Romance · Tags: , , ,
Date: October 24, 2022 (1 month ago)


Pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng coffee shop. Ilang minuto kaming nanatili sa loob, pero hindi ko man lang nagalaw ang pagkain na binili niya sa akin kanina.

Kapag tumitingin siya sa akin ay agad akong yumuyuko. Nahihiya kasi akong makita niya ang mukha ko. Isa pa, kapag nagkakatagpo ang aming paningin, nakikita kong ngumingisi siya o hindi kaya ay tatawa. Hindi ko nga alam kung inaaasar lang ako nitong lalaki na ito.

Bumaba ang kaniyang tingin sa hawak kong paperbag. Pati tuloy ako napatingin doon.

"Puwede ko bang malaman kung ano ang laman niyan?"

"Ah, ano lang, yung libro na ibibigay ko sa'yo."

Dali-dali kong inabot iyon sa kaniya. Napangiwi ako nang makitang lukot na ang itaas na bahagi ng paper bag.

"Salamat," aniya saka tinanggap iyon. Hawak niya ang paper bag gamit ang kaniyang isang kamay. Umusod siya palapit sa akin at dahan-dahan niyang inabot ang kaliwang kamay ko para hawakan ito.

Tumingala ako nang bahagya para tingnan ang reaksiyon niya.

Matamis na ngiti ang binigay niya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na nang maramdaman ko ang init ng kaniyang palad.

Pakiramdam ko, sa mga oras na iyon, ay huminto ang mundo ko. Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan na makipag-holding hands sa isang pampublikong lugar. I wasn't the type of a woman who lets a man hold my hand without consent. Pero iba si Rick, imbes na inis ang maramdaman ko sa ginawa niya, kaba ang pumuno sa puso ko.

Ngumiti ako pero agad ding umiwas nang tingin sa kaniya.

Who would've thought that after a year of being online friends, nandito kami ngayon, magkasama at magkahawak pa ang mga kamay?

Sa pagkakataong ganito, hindi ko tuloy maiwasan na maalala kung paano kami unang nagkakilalang dalawa.

"Gusto mo bang kumain muna?"

Kahit gutom na gutom na ako, umiling ako para hindi niya bitawan ang kamay ko. Nasa punto yata ako ng buhay ko na masasabi kong, titigan ko lang siya, pakiramdam ko ay busog na ako.

Ayaw kong bitawan ang kaniyang kamay dahil sa paraang iyon, mararamdaman ko siya. Tinitigan niya lang ako kaya naman pakiramdam ko ay gusto ko nang takpan ang mukha ko.

"Hey stop doing that, you're beautiful," aniya saka hinawakan niya baba ko at tinaas iyon para magtagpo ang aming paningin.

"Don't be shy, Aya. You're safe with me. Ako lang ito."

Pinagmasdan ko nang maigi ang kaniyang mga mata. All I can see is certainty.

Sa pagkakataong iyon ay dumaan sa alaala ko ang unang beses na nagkausap kaming dalawa.

"Do you remember the day when you messaged me, telling me that you like the stories I've written and posted on the website? Naalala mo ba nung sinabi mo sa akin na I should consider you as my fan?"

Napansin ko ang mapaglarong ngiti na pilit niyang tinatago sa kaniyang labi.

"Ang sabi mo, crush mo ako noon. Hanggang ngayon ba, crush mo pa rin ako?"

Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Magkahalong pagkadismaya at pagkairita ang mababakas sa ekpresiyon niya.

"Really, Aya? Hanggang ba naman skeptic ka pa rin? Sa tingin mo ba, pupunta ako rito at makikipagkita sa'yo, kung crush lang kita? I like you. Oh wait, hindi lang pala pagkagusto iyong nararamdaman ko sa'yo, I think I'm in love with your character, your voice… I like everything about you, Aya. Hindi pa rin ba malinaw sa'yo ang bagay na iyon sa'yo hanggang ngayon?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

Nakasimangot akong ngumuso.

"Huwag mo akong daanin sa ganiyan. Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan kita rito sa mall."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad kong itinakip ang aking palad sa aking bibig.

Napailing nalang siya at nauna nang naglakad.

"Hoy teka! Kita mo ito, mang-iiwan talaga."

Hindi niya ako pinansin kaya naman masama ang tingin na humabol ako sa kaniya.

Kahit kailan talaga, nakakainis ang lalaking ito.

"Sorry na nga."

Ako na nga ang iniwan, ako pa ang nag-sorry. Bakit naman kasi ang hirap pakiusapan ng mga matatanda? Ang hirap din palang abutin level of understanding ng lalaking ito. Hindi ko siya ma-gets. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang siya mainis. Nagtanong lang naman ako.

"Rick! Hoy teka nga, sandali lang! Sorry na sabi eh."

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nakataas pa rin ang kilay niya.

"What?"

"Sorry na. Bakit ba kapag nagtatanong ako sa'yo nang tungkol sa bagay na iyon, lagi ka nalang badtrip, kahit kapag kausap kita sa telegram noon, ganiyan ka rin. Akala mo naman nakapatay ako ng tao diyan sa r...

About the Author :

Kira05's Profile Picture

Joined: April 4, 2022 (7 months old)
Writings: 14
Female  ·  Offline
Description:
currently navigating the complexities of adulthood~
novelist
Signature Text:
princess of dragonstone
5  ·  2  ·  6  ·  1,477
 · 

Comments
Takiyomi's Profile Picture
Takiyomi
October 24, 2022 (1 month ago)

Ebargs tong si Rick. Yung palay na nga ang tumuka sa manok, nag-iinarte pa. Tuloy lang Kira-san. Curious ako kung saan nanggagaling si Rick.

I don't need a lot, just a few who truly cares.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Km_sese27's Profile Picture
Km_sese27
October 24, 2022 (1 month ago)

Hala may crush pa mandin akong writer dito sa website na to hahahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments