M
E
N
U

Sex Note Guide # 1:

The person (target) whose name is written in this notebook shall feel intense lust towards someone (recipient) whose name is written next to him/her. It will take effect once they make contact.

=======

Katatapos lang ng mainit na bakbakan nila Gerald at Alexandra. Dahil sa labis na pagod at gutom ay naubos ang lakas ng binata at nakatulog sa ibabaw ng dalaga.

Wala namang nagawa si Alexandra kundi hayaan lang ang binata. Tutal ay nasarapan din naman sya.

Pero pilit pa rin nyang iniisip kung bakit bigla na lang syang nagkaganun. Parang pagkakita nya kay Gerald ay bigla na lang syang nakaramdam ng napakatinding libog.

Nasa kalaliman sya ng pag-iisip nang may marinig syang kaluskos sa bandang ulunan nya. Simbilis ng kidlat na bumalikwas sya at may kinuha sa ilalim ng kama. At sa isang kisap-mata ay isang punyal ang tumarak sa may dingding ng kwarto.

"Sino yan?" Sigaw nya.
Agad nyang hinablot ang kumot at ibinalabal sa katawan.

Sa may gawi naman kung saan nya inihagis ang punyal ay nanigas si Asmo sa kinatatayuan nya. Halos walang kalahating pulgada ang pagitan ng punyal sa ilong nya.

Humarap sya kay Alexandra at itinaas ang dalawang kamay.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" Tanong ng dalaga nang makilala ang demonyo.

"Ah, eh... Hinahanap ko kasi yung banyo..." Palusot ng demonyo.

"Di ako naniniwala sayo! Kanina ka pa ba dyan?"

"Ahm... Inabutan ko nung nasa part na kinakain ka na nya..." Sagot ni Asmo sabay turo kay Gerald na patuwad na nakasalampak sa sahig at nakausli ang hubad na pwet.

"Nyeeee!" Bulalas ng dalaga pagkakita sa itsura ni Gerald.

"Ano bang nangyari? Bakit andito ka Asmo?" Tanong ng binata pagkabangon.

"Ah... Eh..." Di makasagot ng tuwid ang demonyo.

Naningkit sa inis ang mga mata ni Alexandra. Sa isang kisap mata ay nasa harapan na sya ni Asmo, hawak ang punyal na kanina lang ay nakatarak sa dingding.

"Sumagot ka! Sabihin mo yung totoo!" Singhal ng dalaga habang nakatutok ang talim ng punyal sa lalamunan ng demonyo.

"Sige na, sige na... Sasabihin ko na!"

At nagsimula nang magkwento si Asmo.

===

Halos isang oras ang nakakaraan...

Hindi mapakali si Asmodeus. Kanina pa sya palakad-lakad sa kwarto. Hindi nya maalis sa isip nya ang dambuhalang ChocNut na inabot ni Alexandra kay Nuno.

"Kingina! San nya kaya itinatago yung ChocNut na yun? Sigurado ako na marami pa syang nakatagong ganun." Bulong nya sa sarili.

"Nahalughog ko na yung ref at mga cabinet pero wala dun. Malamang nasa kwarto nya yun. Kaya lang hindi ako basta-basta makakapasok dun."

Nakita nya ang pantalon na hinubad ni Gerald at nakalitaw mula doon ang Seiko wallet nito.

Naningkit ang mga ng demonyo na tila nag-iisip ng malalim.

"Hmmm..." Sambit nya habang hinihimas pa ang baba.

Maya-maya ay may lumitaw na bumbilya sa ibabaw ng ulo nya na biglang sumindi.

"Alam ko na!" Biglang laki ang naningkit nyang mga mata at abot tenga ang ngiti.

Kinuha nya ang Seiko wallet ni Gerald at mula doon ay dinukot ang pahina ng Sex Note.

Naghalungkat sya sa mga drawer at nakita nya ang isang ballpen. Dinampot nya ito at tiningnan ang tatak.
Kilometrico.

Inilapag nya sa desk ang papel at nagsulat.

ALEXANDRA TRESE

Pagkatapos ay muling itinupi ang pahina, isinuksok sa Seiko wallet na sya namang ibinalik sa bulsa ng pantalon ni Gerald.

Tapos ay ginising nya si Gerald.

===

At iyon na nga ang nangyari. Ang pilyong demonyo nanaman pala ang may kagagawan ng lahat.

"Sinasabi ko na nga ba! May kakaiba talaga akong naramdaman kanina. Demonyo ka talaga!" Galit na sabi ng dalaga.

"Pasensya ka na, Alexandra. Demonyo talaga yan." Si Gerald na kumakampi sa dalaga.

"Isa ka pa! Sinamantala mo naman yung libog ko!" Si Gerald naman ang binalingan nito.

"Wala akong kasalanan! Biktima lang din ako!" Depensa ni Gerald.

"Biktima? Eh nasa matino kang pag-iisip. Sinamantala mo ko! Enjoy na enjoy ka sa pagkantot sakin! At ang matindi pa, sa loob mo ko pinutukan! Hayup ka! Ang dami mo pang nilabas!" Pinaghahampas ng dalaga si Gerald.

"Sorry... Di ko napigilan..."

"Magsilayas kayo ngayon din!" Taboy ng galit na galit na dalaga.

Wala naman nagawa ang dalawa kundi umalis.

=

Habang naglalakad sa kalsada ay walang tigil ang sisihan ng dalawa.
At dahil si Gerald lang ang nakakakita sa demonyo ay mukha syang siraulo na nagsasalitang mag-isa. Pinagtitinginan na sya ng mga tao pero wala syang pakelam. Hanggang sa sinabi ni Asmo na babalik na lang muna sya ng impiyerno.

"Mas mabuti pa nga! Lumayas ka na!" Singhal ni Gerald.

Nagpatuloy sa paglalakad ang binata kahit pa di alam kung saan pupunta.

Muli syang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura.
Kinuha nya ang Seiko wallet at tiningnan kung may pera ba sya. Pero dalawang tig limang pisong barya lang ang laman nun at ilang sentimos.

Lumingon sya sa paligid at naghanap kahit fishball man lang nang may sumitsit sa kanya.

"Pssst!"

Agad syang napalingon sa pinanggalingan nito.

Isang lalaking may katangkaran ang nakatingin sa kanya.

Di nya ito kilala kaya di nya pinansin.

"Pssst!" Sitsit ulit ng lalake.

"Ako ba tinatawag mo?" Tanong ni Gerald.

"Oo. Ikaw nga." Sagot ng lalake.

"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ng binata.

"Ako to!"

"Sino?"

"Ako! Si Beelzebub!" Sagot ng lalake.

"Di kita kilala..."

"Ako si Beelzebub! Yung sa warehouse..."

"Beelzebub? Yung kasamang demonyo ni Asmo?"

"Oo! Ako nga! Ibinilin ka nya sakin."

"Si Asmo ibinilin ako sayo?"

"Oo. Sabi nya galit ka daw sa kanya. Iba na lang daw muna ang sumama sayo. Kaya nagprisinta ako..."

"Ganun ba?"

Saglit na nag-isip si Gerald.

"Di ba ikaw yung demonyong matakaw?" Tanong ng binata.

"Makasabi ka naman ng matakaw. Mahilig lang kumain..."

"Ganun na rin yun. May pagkain ka ba dyan? Kahapon pa ko walang kain eh." Tanong ng binata.

"Wala eh. Gutom na nga rin ako kaya ako nagprisinta..." Sagot ng demonyo.

"Pera?"

"Wala rin."

"Eh pano tayo makakakain?"

"Wag kang mag-alala. May plano ako..."

Isang ngising demonyo ang sumilay sa labi ni Beelzebub.

==

"Sigurado ka ba na jan mo lang gustong kumain?" Tanong ni Beelzebub.

Kasalukuyan silang nasa tapat ng isang karinderya.

"Oo. Gutom na gutom na talaga ako eh..." Sagot ni Gerald.

"Sige, ikaw bahala. Basta yung napagkasunduan natin ha..." Si Beelzebub.

"Oo. 20 minutes ha..."

"Sige. Sisimulan ko yung oras mo pag nakapasok ka na."

Tumuloy na si Gerald sa karinderya at agad na umorder.

Sa labis na gutom ay halos lahat ng ulam ay inorder nya at naka limang order din sya ng kanin.

Wala pang beinte minutos ay natapos na sya at hinihintay na lang ang oras na napagkasunduan nila ng demonyo.

Kasalukuyan syang nagtu-toothpick nang pumasok si Beelzebub sa karinderya. May hawak na dos por dos at nagpalinga-linga sa mga taong kumakain.
Napatingin din sa kanya ang lahat ng tao sa karinderya.

Nang makita ni Beelzebub si Gerald ay itinuro nito ang hawak na dos por dos sa direksyon ng binata.

"Ikaw!" Sigaw nito.

Agad namang napatayo si Gerald.

"Ikaw yung nang-ahas sa asawa ko! Walangya ka! Papatayin kita!" Sigaw ni Beelzebub sabay takbo pasugod kay Gerald.
...

About the Author :

AdobongLamok's Profile Picture

Joined: October 1, 2020 (2 years old)
Writings: 58
Male  ·  Offline
Description:
Isang kilong lamok
Kalahating ulo ng pinitpit na bawang
Isang katamtamang sibuyas na hiniwa pahaba
Kalahating kutsaritang pamintang buo
Tatlong dahon ng laurel
Kalahating tasang toyo
Kalahating tasang suka
Isang kutsarang asukal na pula (opsyonal)
Siling labuyo (opsyonal)

Pagsamahin lahat ng sangkap sa isang kaserola o kawali. Pakuluan hanggang maluto ang lamok at lumapot ang sabaw.
Pwede rin lutuin hanggang matuyo ang sabaw.
Signature Text:
Fffzzzzzzzzzzz.. ffzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!
20  ·  6  ·  24  ·  2,580
 · 

Comments
V
voooo_11
October 16, 2022 (1 month ago)

Nagka update din!! Hahaha
Salamat!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rxxx1005
October 16, 2022 (1 month ago)

sa wakas, welcome back po...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lavandera's Profile Picture
lavandera
October 16, 2022 (1 month ago)

👏🏻👏🏻👏🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
leigh_aire
October 16, 2022 (1 month ago)

ha ha.  I enjoyed it. More pls

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
malupet25
October 16, 2022 (1 month ago)

Yown...salamat po Lods

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jjo_farm
October 17, 2022 (1 month ago)

Tuloy mo lang otor.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments