M
E
N
U

Alpha .28 ( Near End )

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Horror, Mature, Mind Control, Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy · Tags:
Date: October 3, 2022 (2 months ago)


PAALALA: ANG KWETONG INYONG MATUTUNGHAYAN AY KATHANG ISIP LAMANG. ANO MANG PAGKAKAPAREHO NG PANGALAN , LUGAR AT PANGYAYARI AY GAWA GAWA LANG NG MAPAGLARO KONG IMAHINASYUN



ALPHA .28 ( NEAR END )

-------

BY:RAZEL22

SA PALASYO NG CRISTAL


Sa likuran ng palasyo nakatayo ang Lobo at galit na nakatitig sa nakalutang sa ere na bampira habang pinipisa pisa pa nito sa kamay ang nawasak na ulo ng reyna "Di ba ito rin ang gusto niyo? Ang mapatay ang reyna? Parang galit ka ata alpha hahahaha" saad ni Melhan at unti unting bumababa sa lupa. Saktong pagtungtung ng mga paa nito ay nawala ang Alpha sa kinatatayuan na lumitaw sa harapan ni Melham at biglang hinawakan ang ulo ng haring bampira at iningudngud sa matigas na lupa "wala kang karapatang sirain ang buhay ng mga tao! ikaw ang nag umpisa ng lahat ng to at ako ang tatapos sa kasamaan mo!" sigaw sa galit ng lobo sa malalim na boses at inikot ang katawan hawak hawak ang ulo ng hari at tinapon sa mataas na pader.

Nagkabutas ang binagsakan ng hari at napaubo ng dugo habang nakadikit pa ang katawan nito sa pader hanggang sa nagpahulog sa lupa at naglakad na naman palapit sa lobo na parang hindi nasaktan."Ikaw? ikaw ang tatapos sa akin ? sa ilang libong taon ng buhay ko wala pa ni isang nilalang na nakapantay sa aking angking kakayahan alpha! kaya sige! pagbibigyan kita sa mga sinasabi mo! " mahinahong saad ng hari at pabilis ng pabilis ang lakad nito palapit sa lobo hanggang sa nagdash at isang derektang suntok sa kinaroroonan ng alpha pero nakahanda na rin ito at pinosisyon ang katawan.

"BOOOOOOOOMM!!!!" sabay na suntok ng dalawa at pumatak ang mga dugo sa lupa. nakadikit ang kamao ni Sting sa nayuping pesnge ng hari habang nakadikit naman ang kamao ng hari sa noo ng lobo na nagkaroon ng malaking hiwa. "GRAAAAHHHHHH!!!! BOOM BOOM BOOOM! " sunod sunod na suntok ang pinatama ng dalawa sa katawan ng isat isa ng di umaalis sa kinatatayuan at hindi rin umaatras. Nagtalsikan ang dugo ng dalawang naglalaban at parehong walang planong umatras hanggang sa. . . .

Biglang napayuko sa Sting at naiwasan ang isang upperhook ng hari at nagpasabog siya ng isang malutong na suntok sa tagiliran nito at napaigik ang hari sa naramdamang pag crack ng mga buto.
Na stock up ang Hari ng bampira at parang nawalan ng hangin ng umikot pakaliwa na naman ang katawan ng Alpha at isa na namang napakalakas na suntok sa tagiliran ang pinasabog nito .
Sunod sunod na mabibilis at malalakas na hook sa katawan hanggang sa yumuko sa kanang parti ng katawan at boung lakas na full swing na suntok ang pinatama sa panga ni Melham at napatilapon ito. Sa lakas ng suntok ay napangudngud sa matigas na lupa ang hari na duguan ang bibig at napapaubo pa.

"Walang saysay ang puro salita ! Kung hanggang dito lang naman ang kaya mong gawin Melham ay magpaalam ka na." Saad ng Alpha at tumalon ng pagkataas taas hanggang sa inihanda na ang mga paa sa ere at bumulusok pababa sa lupa kung saan nakadapa ang katawan ng hari ng bampira

----------------------------------

SAMANTALA

Sa labas ng gate ng palasyo ay malakas na mga pagsabog ang naririnig ni Marcus na nanggagaling sa palasyo. Napaisip ang binata na sa lebel ng antas ng lakas nila ay wala silang maitutulong na tatlo sa kaibigan kaya mas inabuti niya na lang hindi makisali hanggang sa may namataan siya loob ng gate.

Papatayo na sana si Marcus ng may biglang humawak sa kanyang mga paa at nang tiningnan ito ay si Maria na kakagising lang. "Binata nasan si Master?" saad ni Maria at akmang tatayo sana ng pigilan siya ni Marcus. " Andun siya nakikipaglaban sa hari Maria" sagot nito at tinignan ang dereksyon kung saan nanggagaling ang malakas na pagsabog. "Tutulungan ko siya! Dalhin mo ako dun" pamimilit ni Maria ngunit hinawakan lang ni marcus ang mga balikat ng babae " Huwag Maria. Sa antas ng lakas natin ay makakasagabal lang tayo sa kanya at dagdag problema pa kung tayo ang atakehin ng hari" pina-intindi niya ang babae at napayuko na lang ito.

Kitang kita sa mukha ni Maria ang pag aalala ngunit nagulat si Marcus ng nahulog ang punit na damit ni Maria na nakasabit na lang pala ang manipis na tela sa balikat. Biglang napanganga ang binata at lumaki ang mga mata ng masilayan ang bilog na bilog na dibdib ng babae na may namumulang korona. Umalog pa ng konti ng tuluyang mahulog ang damit. "Kyaaaa!!! Bastos! " sigaw ni Maria at napataranta si Marcus " Naku nagkakamali ka Maria. Hindi ko sinasadya yun" sagot nito at mabilis tumayo at naglakad palapit sa gate. Agad inayos ni Maria ang damit at tinali na lang sa kanyang oversize na dibdib.

"Maria .Pakibantayan muna si Russ at may pupuntahan lang ako" sabi ni Marcus at pumasok na . Kaagad niya nasilayan ang napakaraming berdeng Kristal kung saan nakakulong ang mga tao sa loob nito. Sa paglalakad ay kapansin pansin ang mga imahe ng ahas na nakatatak sa mga damit at balote ng mga tao hanggang sa mapadaan siya sa isang naka korona. "Ahas? Korona? Ito naba ang sinasabi ni boss na mga taga timog kanluran?" bulong ng binata sa sarili at inilapit ang palad sa mga Kristal. Agad nakaramdam ng labis na kapangyarihan sa mga batong yun at napaisip ang binata hanggang sa lumakad pabalik sa gate kung saan may nag kalat na Kristal sa lupa.

"Masubukan nga kung abot ng kakayahan ko ang elementong lupa dito" naisip ni Marcus at yumuko para abutin ang isang maliit na piraso ng Kristal. Nakaramdam ng labis na kapangyarihan ang binata mula dito at pumikit. Ilang sandal lng ay gumagalaw na ang batong hawak hanggang sa unti unting natutunaw at nagiging mga pira pirasong berdeng buhangin.

"YESSSSS!!!!!! Malakas niya sigaw na kahit si Maria sa labas ng gate ay napatayo at patakbong tumungo sa kinatatayuan ng binata. Napahanga din ang babae sa nakikita ngunit napalunok ng laway ng masilayan ang mga taong nakakulong sa mga Kristal.

"Binata. Di ba kaya mo yang kontrolin? Subukan mo kayang palayain sila sa Kristal." Suhestyon ni Maria at napangiti ang binata." Yun din ang plano ko Maria. Sinubukan ko muna sa isang to. Hmmm teka may isa sa likod mo. Palayain na natin yan" saad ni Marcus at humakbang palapit sa isang tao na malapit sa gate.

Inilapit ni Marcus ang mga kamay hanggang sa mapadikit ito sa berdeng Kristal at nag concentrate. Ilang sandal lang ay nakaramdam sila nang pagyanig sa paligid at may tumulong dugo sa ilong ni Marcus. "Arrrggghhhhhh!!!!!! Anghirap! " sigaw nito at napaluhod bigla. Napatakbo naman si Maria at inilalayan si Marcus patayo "Pahinga ka muna baka hindi ka pa nakakabawi ng lakas mo " saad ni Maria ngunit sinubukan ulit ng binata ang pagpapalaya sa tao. Sampung segundong ang tagal hanggang sa magkalamat ang Kristal na kulungan at unti unting nagiging buhangin hanggang sa " Thug!" tunog ng natumbang babae na napadapa sa lupa ng mapalaya na ito ni Marcus. Natumba ang binata at hinang hina na kaya agad inilalayan siya ni Maria pahiga .

------------------------------

SA LIKOD NG PALASYO NA KRISTAL

Sumabog ang lupa ng lumanding ang Alpha sa kinadadapaan ng hari ng bampira kung saan ay nagkaroon ng malaking butas at makapal na alikabok. Bago niya matamaan ang katawan ng hari ang naging mga paniki ito at lumipad kung saan saan. " Ako ba hinahanap mo?" Malalim na boses sa likod ng alpha at napatingin ito sa likuran niya ngunit sumalubong agad ang malaking kamao ng hari ng bampira sa kanya at napatapon ang katawan ng lobo sa butas.

TUGDUG! TUGDUG! TUGDUD! Maririnig pa rin ang malakas na kabog sa kanyang dibdib na hindi tumitigil at parang sumakit ang kanyang puso. "AARGGGGHHHHHh!!!!!napasigaw sa sakit ang Lobo at nagkaroon ang hari ng pagkakataon para umatake. Mula sa lupa inabot niya ang kanang paa ng Lobo at boung lakas na hinampas sa kabilang dereksyon at malakas na tumalbog sa lupa ang katawan nito. "BOOOGGSSHH!! BOOGGSSHH!!! BOOGGGSHHH!!!" ilang beses hinampas ng paulit ulit ang katawan ng lobo hanggang sa inihagis sa ere na parang bola . Hinintay ng hari na mahulog ito at bigla sinipa ng pagkalakas lakas hanggang sa tumama ang katawan ng lobo sa palasyo na nagkabutas at nakapasok ito sa loob.

Naging mga paniki na naman ang katawan ng hari at nagkalakat papasok sa butas sa pader ng palasyo at mula sa loob ay maraming pagsabog na naman ang naganap hanggang sa nagkabutas ulit at tumilapon ang katawan ng alpha na bumalik na sa pagiging tao.

Mula sa butas ay lumabas si Melham at nag lakad ulit palapit sa binata at hinawakan ang leeg ni Sting at sinakal. Inangat sa lupa hanggang sa itaas sa ere. "Di ba sabi mo ay ikaw ang papatay sakin? Saan na yun ? Ikaw yata ang puro satsat ah hahaahahahaha" saad ng hari at inilabas sa kanang kamay ang mahahabang kuko at iniunat ito sa likod niya. "katapusan mo na!" sigaw nito at mabilis na sinaksak ang binata sa dibdib malapit sa bandang puso .

"Huh?" Nagulat ito ng biglang madakip ng kanang kamay ng binata ang kamay ng hari at napigilan ang atake nito at napangiti. Sa pagkagulat ni Melham ay nabitawan niya ito kaagad at nagtaka "paano? Paano ka nakakangiti ng ganyan matapos kitang lampasuhin kanina?" saad nito. Alam niyang mahina na ang Alpha at bumalik na sa pagiging tao hanggang sa may itim na marka na nanggaling sa dibdib nito sa bandang puso ang gumapang hanggang sa umabot sa boung katawan. Nagkaroon ng mga tribal na marka si Sting sa katawan at unti unting humahaba ang buhok. Pumikit lang ito saglit at nang inimulat ang mga ata ay isang napakapula na parang dugo ang kulay ng mga mata ng Alpha.

"Lampaso? grahahahahahaha. yun na ba ang lampaso na sinasabi mo ? Ipapadama ko sayo ang totoong paglampaso" Saad ni Sting ng biglang mawala sa kinatatayuan at lumitaw sa harap ni Melham na nakahanda na ang mga papasuntok na kamao . Sa bilis ng binata ay di namalayan ni Melham ang atake nito hanggang sa isang malakas na suntok sa sikmura ang kanyang nalasap mula sa binata. Napaatras ng ilang metro ang hari ng bampira at napahawak sa kanyang tiyan ng maramdaman na namang nakahawak ang kalaban sa kanyang pakpak.

Mabilis na tumakbo si Sting hawak hawak ang pakpak ni Melham at kinaladkad ito sa matitigas na lupa palapit sa palasyo hanggang sa ihampas niya ang katawan nito sa pader. " BBOOOGGGSSSHHH!!!!" lumagpas sa kabilang pader ang katawan ng hari ng bampira kung saan nakapasok na ito sa loob ng palasyo at kinapkap ang kanyang pakpak.
"putangina! ako naman!" sigaw sa galit ng hari at pumatong ang paa sa isang poste at tumalon na bumulusok papunta sa kinatatayuan ni Sting hanggang sa inikot nito ng tatlong beses ang katawan at isang roundhouse kick at tumama sa panga ng Alpha.

Nakayuko patagilid ang katawan ni Sting at hinintay ang susunod na atake ni Melham hanggang sa isang napakatalim na slash ng mga kuko ang nakitang paparating kaya napahakbang paatras ng isang beses at naiwasan ang kuko ng hari. Lumaki ang mga mata ni Melham ng lumagpas ang atake niya at open na open ang nakayukong katawan sa harap ng Alpha at nakadama na naman siya sa isang sipa mula sa ibaba.

"GGUUUHHKKKK!!!!" Napabuga ito ng dugo at umangat sa ere ang katawan. Hindi pa nakarecover ay nakita niyang ginaya ni Sting ang galaw niya at umikot ito ng tatlong beses hanggang sa isang roundhouse kick din ang tumama sa kanyang panga at parang bulalakaw na bumulusok palayo sa likod ng palasyo.

Nakadapa si Melham at gumapang pabalik. Laglag ang na dislocate na panga at hindi alam kung bakit siya parang natatalo sa laban nila. "Hindi to pupwede. Hindi niya ako maaaring paglaruan dito sa lugar ko! Hinding hindi ako matatalo! BBBOOOOOOMMM!" sa galit ng Hari ng bampira ay nagpasabog ng itim na kapangyarihan at boung lakas na ang pinalabas niya. Hinawakan ang nabaling panga at binalik sa dating puwesto ang buto nito.

Samantalang sa harapan ng palasyo ang nagimbal si Maria sa aurang naramdaman . Kinabahan at parang nag alala sapagkat hindi niya maramdaman ang aura ng kanyang Master . Nagsimulang maglakad ang babae papunta sa dereksyon kung saan nangyayari ang labanan ng biglang umalsa ang napakalaking bahagi ng lupa at nagkaroon ng pader "Maria! pakiusap huwag . I trust Sting na kaya niyang labanan ang hari ng bampira so please lang Maria. Dont come near them and come to me baby" saad ni Marcus na kahit hinang hina na at nakahiga sa lupa ay napapaingles pa.

"Hah? may sinasabi ka binata?" saad ni Maria at naglakad na pabalik kay Marcus. Tinignan ng binata ang kaakit akit na babae na naglalakad palapit sa kanya. Sa kagandahan nito ay kahit sinong lalaki ay mapapalingon kung siya ang dumaan. Naka sout lang ito ng punit na shorts na labas ang mahaba at maputing legs at pirasong tela lang ang nakatali sa mayamang dibdib na di mapigilang tumalbog talbog sa bawat hakbang ng babae. Napailing na lang si Marcus at humarap sa kabila " Tsk huwag mo nang pag nasaan yan Marcus! anak ng boss mo yan at master niya si Sting. Kalma lang kalma" saad nito sa isip hanggang sa maramdamang hinawakan ni Maria ang katawan niya. Pinataas ang ulo at pinatong sa malambot nitong binti. "Sige na pahinga na binata. Mamaya marami pa tayong gagawin kaya kailangan mo ng sapat na lakas" saad ni maria at napanganga na lang si marcus ng ma realize na nakahiga siya sa binti ng dyosa.

BALIK SA LABAN

Sumabog ang paligid ng kinatatayuan ni Melham na puno ng alikabok. Nang unti unti nang nakikita ang paligid ay isang parang demonyo na ang kanyang anyo kung saan ay mas humaba pa ang sungay at mas lumaki ang katawan at naging kulay pula. Parang galing sa impyero na ang anyo nito at nakatitig sa likod ng palasyo at hinahanap ang kinaroroonan ni Sting.

"YOOOHHHOOO!!! dito sa taas! sigaw ng binata at biglang bumagsak ang isang sipa na derektang tumama sa ulo ng hari sa gitna ng dalawang mahahabang sungay. Agad napayuko ito at pinagpag ang malalapad na pakpak hanggang sa umangat sa ere ang katawan.

Binigwasan niya ng malaking kamay si Sting na nasa ulo niya pa at napatilapon ito sa malayo ngunit nag paikot ikot lang ang katawan ng Alpha sa lupa hanggang sa isang kamay ang hinawak sa lupa at tumalon hanggang sa makarecover at makapwesto. Kitang kita agad ni Sting ang paparating na kalaban at isang suntok ang tumama sa kanya na agad niya ding nasangga ng dalawang braso na pinag ekis sa harapan ng dibdib.

"Wala pang nilalang na nakakita ng ganitong anyo ko kaya ikaw ang una at ikaw din ang huli! HHAAAAA!!!!! sigaw ni melham at pinasundan pa ng ilang mabibilis at malalakas na suntok na tumatama kay Sting at pa atras ito ng paatras ngunit habang tumatagal ay tinatapik tapik na lang ito ng binata hanggang sa tumayo na lang at iniiwas ang ulo at katawan sa bawat parating na kamao ng hari sa kanya. " HAAHH HUUHHH HAAAHH HHUUUHHH! sino ka at anung klaseng nilalang ka" habol hininga si Melham at hapong hapo na sa mga atakeng di na tumatama

"ako ? isang alpha"

" Matagal ng nawala ang lahing yan!"

" Oo. ngunit pasensiya kasi ilang beses din akong nabubuhay"

" ANOOOO!!!!!" sigaw ng hari hanggang sa tumalon si Sting at tumungtong sa kanyang ulo at hinawakan ng dalawang kamay ang sungay ng hari at " Graaaaaaaahhhhhhh!!! " sigaw niya at boung lakas itong hinugot mula sa ulo ng hari ng...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (3 years old)
Writings: 47
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
31  ·  17  ·  30  ·  1,203
 · 

Comments
W
Waters
October 3, 2022 (2 months ago)

Salamat sa update Sir :)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Wc waters

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jonny
October 3, 2022 (2 months ago)

Sting iba ka talaga..thanks update sir

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Hehe thanks sa pagsubaybay jonny

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog's Profile Picture
kuatog
October 3, 2022 (2 months ago)

master sundan po agad 😁😁

a man with a plan ⚙️

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Hehe salamat sa pag subaybay kuatog

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
linededlin02
October 3, 2022 (2 months ago)

Wow.. nalang talaga masasabi ko author... ang astig ng kwento..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Salamat sa pagsubaybay linededlin02.

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
Nick22
October 3, 2022 (2 months ago)

wala na talaga ako masabi lods..kundi salamat na lang talaga sa update....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Hahaha magsalita ka. .. pero tnx din sa pgsubaybay

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Barcon
October 3, 2022 (2 months ago)

Yown! Galing ni Sting hehe pano na yan baka di pumayag si Ana na yariin ni Sting si Maria hehe thanks boss 👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Thank you sa pagaubaybay barcon..  baka payagan yan hehe

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
L
leigh_aire
October 3, 2022 (2 months ago)

Yehey...tagumpay ang ating bida. Tnx po s update..im waiting for a great ending...kung ending na nga ba?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 3, 2022 (2 months ago)

Who knows. Hehee. Wc leigh.

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
October 4, 2022 (2 months ago)

thanks otor..................................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 4, 2022 (2 months ago)

Wc richard

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
KAWAYANAN
October 5, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update boss😁

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments