M
E
N
U

Alpha .27 ( Huling Habilin )

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Mature, Mind Control, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy · Tags:
Date: September 30, 2022 (1 month ago)


PAALALA: ANG KWETONG INYONG MATUTUNGHAYAN AY KATHANG ISIP LAMANG. ANO MANG PAGKAKAPAREHO NG PANGALAN , LUGAR AT PANGYAYARI AY GAWA GAWA LANG NG MAPAGLARO KONG IMAHINASYUN



ALPHA .27 ( HULING HABILIN )

BY: RAZEL22

---------------------------------------

BUNDOK SA TIMOG KANLURAN


9am sa bahay ni tandang yulisis ay nakaupo ang matanda sa silya na nakaharap sa mesa at binabasa ang mga nalalaman ng itim na libro na galing pa sa ilalim ng palasyo ng hari ng timog kanluran.

Dito niya nakita ang mga kakayahan ng asul na kristal pati na ang mga nahating piraso na binigay sa tatlong estudyante.

Agad kinuha ng matanda sa bulsa ang mga kwentas at inilagay sa mesa nang mapatingin sa kapares ng kay Sting na nagkalamat na.

Sa pagpapatuloy sa pagbabasa ay may napansing nakatuping pahina ang matanda at binuklat iyon hanggang sa binasa at napangiti.

Dali daling napatayo sa kinauupuan at patakbong pumunta sa kwarto ni Ana ngunit naabutan niya itong natutulog pa rin dahil sa sobrang sakit ng leeg ng umilaw ang tanda ng kagat ng hari ng mga bampira.

"Pwede ko pala silang makausap kahit sa malayo gamit ang mga kristal . Sana ay sout sout pa nila at di pa natapon. Haist. "
bulong ng matanda at bumalik sa mesa at pinag aralan ang orasyon ng cristal.Dahan dahang binasa ang mga nakasaad sa libro.

"Me. . Keni Me. .Keni dugdug Du re mii"
napasimangot ang matanda sa nabasang orasyon pero ito talaga ang dapat niyang sambitin.

Inayos niya na sa harapan niya ang tatlong kapares ng kwentas at nag sambit ng orasyon.

"ME KENI! ME KINE! DUGDUG DU RE MI"
ngunit biglang natawa ang matanda sa kanyang ginagawa at napailing .

Nabigo siya sa pagpapagana ng orasyon pero buo ang loob ng matanda para lang malaman ang sitwasyon ng mga estudyante niya.

Hindi siya tumigil hanggat hindi niya nakakausap ang mga ito hanggang sa huling orasyon na sambit at ginalaw ang mga kamay sa ibabaw ng mesa na parang nag mamajong.

Sa malalim na boses ay nagsambit ng orasyon

"ME. KENI! ME KENI! DUG DUG! DU REMII!!!"
malakas na sigaw ng matanada ng biglang umilaw ang asul na kristal at umangat sa ere.

Agad napangiti sa kinauupuan at mas sobra pa pala sa inaasahan niya ang kapangyarihan ng mga ito. Biglang may lumitaw na imahe sa hilagang isla kung saan ang palasyo ng mga bampira at nakita ng matanda ang malaking sira at napakalaking crater na gawa ng meteor.

Sa pag tingin tingin sa imahe ay nakita niya na sina Marcus at Russ sa mataas na parte ng lupa di kalayuan sa nasirang palasyo hanggang sa namataan niya ang isang napakagandang babae.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso at napangiti. Napakasaya ng nararamdaman ng matanda ng masilayan muli ang nag iisang anak na mahigit isandaang taon niya ng hindi nakita.
Biglang tumulo ang butil ng luha sa kanyang mga mata na kahit ang isang balbas saradong matanda na parang ermentanyo ay naiiyak rin.
Itinaas ng matanda ang mga kamay para hawakan ang imahe ng babae at tinawag ito
.
.
.
.
.
.
.
"Maria"

-----------------------------------------

SA BAYAN



Nakarinig ng nakapaingay na tunog ang mga tao sa bayan at nag silabasan sa kanilang mga tahanan at napatingala.
Daan daang fighter plane ang mabilis na lumilipad papuntang hilaga at napanood din nila sa telebisyon ang napakaraming bilang ng aircraft carrier na umusad na papunta sa hilang bahagi ng pilipinas.

Kahit mga empleyado sa FSS building ay napaakyat sa rooftop ng building at natunghayan ang napakaraming eroplano pang gyera ang mabilis at sunod sunod na lumilipad sa hiligang dereksyon.

Maging sa Balderic at Cloud ay nandun na din hanggang sa isa isa nilang kinuha ang mga cellpone at nagpadala ng mensahe sa mga inaasahan nilang tagapagligtas .

"Cloud! bumaba muna tayo. Kailangan mailathala ko ito sa lahat ngayun din!"
saad ni Bal at mabilis bumaba at sumakay ng elevator.
Akmang magsasara na ito ng biglang pigilan ng kamay ni cloud ang pintuan ng elevator at sumakay na din

"Pre anung plano?"
saan ni cloud sa kaibigan

"Tulad ng dati. "

"Sige kayo sa bayan at kami sa hilaga ok ba yun ?"

"OK. approve!"

Naghintay ng ilang sandali hanggang sa pagbukas ng elevator ay sabay na lumabas at mabilis tumakbo pabalik sa kani kanilang opisina at nadadaanan lng nila ang mga patay na bampira na hindi pa nakuha ng mga taga linis.
.
.
.
.
.

Habang sa baba naman sa FSS building ay nakatayo sina Romeo, Richard at Jasmin hawak hawak ang cellphone ng makatanggap ng message mula kay cloud.
Napangiti lang ang tatlo at biglang tumalon ng pagkataas taas hanggang makarating sa rooftop ng building at sunod na tinalon ang sa kabila at mabilis na nag lakbay patungong hilaga.

Sa opisina naman ni Bal ay naroon lang si Ben at parelax relax.
Nalinis niya na ang lugar at naubos ang lahat ng natirang bampira .

Ang misyon niya na lang ay magbantay sa lugar baka sakaling may makapunta na namang kalaban.
Patingin tingin si Ben sa Flatscreen TV na nakasabit sa dingding ng opisina at dun nasilayan ang sitwasyon ng isla sa hilaga na kuha ng high tech camera mula pa sa satelite sa labas ng mundo.

Napabuntong hininga na lang siya at kinuha ang cellphone para tawagan ang kasintahan.

---------------------------------------------

BOOOOOOMMMMMM!!!!

Nakabibinging tunog mula sa malakas na banggaan ng mga kamao nina Sting at Melham.

Napaatras ang Hari ng bampira at hindi inaasahan na may isang nilalang na kayang makapantay sa lakas niya. Hindi pa nakakalayo ay biglang sumulpot si Sting sa kanyang kanan at nakapagpasabog na naman ng isang fullswing na sipa na agad din niya nasangga ng kanyang braso.

Sa lakas ng dulot ng sipa ng binata ay nadislocate ang braso ng hari at mabilis bumaba at tumungtong sa sementong parti ng sirang palasyo at ginalaw at kanang kamay hanggang sa tumunog ang mga buto at bumalik sa dati ang nabaling braso.

"Hmmmm may ibubuga ka bata pero tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo."
saad ng hari at sumilay sa napakaputing pisnge ang isang nakamamatay na ngiti na nakalabas ang mga pangil.

Mula sa isang portal ay may bigla na namang lumitaw na dalawa sa gilid nito at lumabas ang napakaraming halimaw at bampira.
Parang nayanig ang lugar sa dami ng kalabang lumalabas mula sa mga asul na portal na nakalutang sa ere.

Nagimbal sina Marcus, Russ at Maria sa nasilayang dami ng kalaban hanggang sa may marinig si Russ na boses galing sa bulsa.

At nang kinuha ito ay galing pala sa kanyang kwentas na may asul na kristal na kumikinang kinang pa. Naririnig nila dito ang isang tawag

"Hoy!!! Kanina pa ako tawag ng tawag! May tao ba riyan! HOY!!!!"
Nagkatinginan and dalawang binata at kinuha ni marcus ang kwentas ni russ.

"HOY KA DIN! WHO YOU?!"
Pasigaw na sagot ni Marcus sa cristal

"Tangina marcus! Si yulisis to! Nasaan si Sting?! Anung nangyari sa kanya?"
Nagulat ang dalawa sapagkat nakakausap sila ng kanilang guro sa pamamagitan ng kwentas na bigay nito.

"AH eh nakikipaglaban sa hari boss. Maraming naganap. Saka na namin e kekwento pagbalik riyan"

"Kamusta naman ang anak ko?!"
Saad nito at napatingin ang dalawa sa nakatayong si maria. Hindi ito nakasagot sapagkat walang edeya sa pinag uusapan.

"Eh boss andito siya. Gusto mo ba . . . . "
Di pa natatapos sa pagsasalita ang binata ng may biglang umatake sa kanila.

Nakapalabas agad si Maria ng buhawi at tumilapon sa malayo ang mga halimaw na papalapit.
Mabilis na umangat sa ere si Russ at tinaas ang dalawang kamay at dumilim ng langit.
Mula sa taas ay lumabas ang napakaraming nakahubad na babae na may dalang espada at kalasag hanggang sa nag umpisa na naman ang digmaan.

"BOSS! mamaya na tayo mag usap. May malaking problema dito"
saad ni marcus at tinago sa bulsa ang kwentas .

Humakbang paabante at agad nagbagong anyo hanggang sa maging leon.
Yumuko ang binata at tinapat ang palad sa matigas na lupa hanggang sa manginig ang paligid at unti unting nabubuo ang isang heganteng golem .

Hindi pa tumigil hanggang sa gumalaw ang mga bato sa paligid at nagiging mga estatwang batong gumagalaw na bigla na lang tumakbo pasugod sa mga kalaban.

Tumayo ng tuwid si Marcus na kahit pagod na pagod na ay nakakaya pa niyang makipaglaban sa mga alagad ng hari.

Libo libong mga halimaw laban sa isan libong mga nakahubad na babaeng mandirigma at mga golem.
Napakalakas na ingay ang maririnig sa lugar na yun kung saan naglalaban ang tatlong binata at si Maria kontra sa hari at reyna ng bampira.
.
.
.
.
.
.
Samantalang nakarating na sa gilid ng dagat ang napakaraming aircraft carrier at bumulusok ang napakaraming fighter plane .

Kitang kita ng lahat ang nangyayari sa isla sa hilaga na nabrobrodcast live sa telebisyon.

Di makapaniwala ang lahat dahil sa umagang umaga tirik ang araw pero sa islang yun ay gabi at may biglang napakakapal na itim na ulap ang nabubuo at ilang daang kidlat ng umulan sa isla.

" Hindi na to normal na laban!"

Sigaw ng isang kapitan ng aircraft carrier hanggang sa nakita sa monitor na unti unting lumiliit ang bilang ng mga eroplanong nag deploy.
Sabog na sabog na ang lugar sa ilang missiles na tumama sa mga halimaw hanggang sa nakita sa monitor ang nakatayong hari at nag target lock ang lahat ng eroplano.

FIRE!!!!!
FIRE AT WILL!!!
FIRE!!!!

SHHHHOOOOWWWVVVVVV
BOOOOOMMMMMMMMMMM!!!

Sa tindi ng atake ng lahat ng eroplano ay nagkaroon ng napakalaking apoy mula sa pagsabog na umabot sa ere na parang mushroom clouds.

Walang tigil rin sa pagbaril ang mga automatic na gattlinggun ng mga fighter plane sa mga lumilipad na halimaw.

Kitang kita din sa telebisyon ang napakaraming hubad na babae na nakikipaglaban at ang mga golem na nagpapabagsak na napakaraming bilang ng mga halimaw.

Hanggang sa unti unti nawala ang malaking apoy at nakita nilang nakatingala ang hari ng bampira na wala ni isang galos sa katawan at hindi umaalis sa kinatatayuan.
Biglang tinaas ng hari ang kamay ngunit nawala ito sa kinatatayuan ng biglang sipain ng isang binata at natagpuan ang hari ng bampira na tumilapon ang katawan malayo sa dating kinatatayuan.

"MARCUS! RUSS! SA LOOB NG PORTAL! PASOK BILIS!!"

Malakas na sigaw ni Sting at narinig ng dalawang kaibigan.
Mabilis na tumakbo si Marcus at tumalon ng pagkataas taas papuntang portal ngunit biglang sumulpot ang hari ng bampira at sinipa ang binata na bumulusok ang katawan pababa sa lupa at sumabog ang binagsakan nito.
Kitang kita ni Sting ang nagyari kaya mabilis na tumakbo at biglang tumalon na nagkabutas ang lupang pinagtalunan niya at derektang sinuntok ang hari ngunit nakayuko ito at nadakip ang kanyang kamay at sinikmuraan na nagkaimpact ng malakas sa kanyang likod.

"GGGUUHHHAKKKK!!"
napabuga ng dugo ng binata ngunit nahawakan niya agad ang kamay ng hari at tinapon pabalik sa asul na portal hanggang sa makapasok ito.

Nakita ni Russ na nakapasok na sina Sting at ang hari sa portal at balak na sanang sumunod nang biglang makaramdam ng isang napakalakas na aura na nanggagaling sa baba.

Kahit si Maria na nagpaulan ng kidlat at nagpalabas ng buhawi ay naramdaman din yun at napatingin sila sa iisang dereksyon.

Isang galit na galit na reyna ang nakatayo na mula sa binagsakang lupa at nakapalibot dito ang isang itim na aura na palaki ng palaki hanggang sa masakop na ang boung isla.

Naabot din ng aura ang ilang daang aircraft carrier sa dagat at nawalan ng power ang mga sasakyang pandagat.
Nagkandahulog rin sa himpapawid ang libo libong fighterplane na nakapag-eject agad ang mga pilot ngunit agad nasasawi pag mahagip ng mga lumilipad na halimaw.

Mula sa malalim na butas ng lupa ay lumabas ang kamay ni Marcus at dahan dahang umakyat sa lupa na naginginig na ang mga tuhod at hindi pa naka recover sa sipa ng hari.

KABBBOOOOMMMMM!!!!
umulan ng naglaglagang eroplano sa lugar kung saan libo libong nilalang ang matinding naglalaban hanggang sa naglakad palapit sa isat isa sina Maria,Marcus at Russ.

Sampung metro ang layo sa galit na galit na reyna at umaapaw ang pamatay na aura.

"Mga binata. Protektahan niyo ako sa mga atake ng reyna. Susubukan ko siyang dalhin sa portal at pagnapasok ko na siya ay sumunod kayo. Ayokong masira ang mundo sa labang to."

Saad ni maria at pinagitnaan siya ng dalawang lalaki.

"SUGOD!!!!"

Sigaw niya at mabilis na tumakbo palapit sa reyna at nagpalabas agad ng mga apoy sa katawan.

GRAAAAHHHHH!!!
buong lakas niyang sinuntok ang reyna ng umaapoy na kamao na nasangga ng dalawang kamay nito ngunit agad pinasundan ng dalawang binata ng malakas na sipa na tumama sa binti at ulo ng reyna na agad nagpatumba dito.

Itinaas ni Maria ang kamay at isang milyong boltahe ng kidlat ang derektang tumama sa katawan ng natumbang reyna ngunit sa isang iglap ay nakaalis ito sa kidlat na umuusok pa ang katawan at isang malakas na suntok ang pinasabog sa mukha ni maria ngunit agad umangat ang isang napakalaking bato at nasangga ito.

"Salamat binata!"
Sigaw ni maria at umangat sa ere ang katawan hanggang sa isang napakalaking buhawi ang lumabas na hinigop ang napakaraming bilang na mga halimaw at nagkandapunit ang mga balat at laman ng mga ito sa loob at derektang kinain din ng buhawi ang reyna na umangat sa ere .
.

Balak pa sanang umalis nito ngunit agad tumalon si marcus at isang derektang sipa sa sikmura ng reyna ang tumama hanggang sa mapalipad ang katawan palapit sa portal .

Habang nasa ere ang reyna ay nakitang may lumabas na heganteng babaeng mandirigma na bibigwasan na sana siya ng espada kaya agad siyang pumasok sa loob ng asul na portal at biglang nawala.

"MGA BINATA! SA PORTAL! BILIS!"
sigaw ni maria at agad tumalon sa ere ang tatlo at derektang nakapasok sa loob nito.

------------------------

Samantalang palapit na sina Jasmin Romeo at Richard sa hilaga ay kitang kita nila ang mga pangyayaring nagaganap kung saan maraming pagsabog ang nangyayari at kitang kita rin ang nagliliparang mga halimaw na umaatake sa mga naka eject na mga piloto sa mga nalaglag na eroplano .

Humakbang na paabante ang mga binata ngunit sa isang kisapmata ay biglang nawala si Jasmin at nakarinig ng malakas na pagsabog na kung saan malaking parti ng lugar ang nasira at mula sa umaapoy na lugar ay lumipad paitaas sa ere si jasmin na nagbagong anyo. Ang alindog ng kisapmata. ang aswang ng kalenara

"Hoy kulupong bilisan mo at nahuhuli na tayo!"
saad ni Richard ngunit nawala na din sa tabi niya si Romeo at biglang may lumabas na napakalaking tao na may napakaraming kamay na kung saan may naiipong aura ng liwanag at dilim

Napailing na lang si Richard at humabol sa dalawa hanggang sa biglang tinawag ang pinakamalakas niya apoy at nang gumana ang sout na anting anting ay agad lumabas ang heganteng dragon na umaapoy ang katawan at biglang bumuga ng lava hanggang sa tinamaan ang napakaraming bilang ng mga kalaban.

Ang tatlong taga probinsya na ang bahala sa mga bampira at halimaw na nakalabas sa lugar na yun ng hindi nila nakita ang apat na taong kumakalaban sa hari at reyna

---------------------------

PORTAL

Nakapasok na si Sting sa loob ng portal at napahanga sa kanyang nakikita.
Isang lugar ng walang katapusan na parang nasa kalawakan .
Naglakad lakad muna ang binata hanggang sa makarating sa paanan ng napakalaking tulay at nakaramdam agad ito ng hindi maganda.
Humakbang paabante hanggang sa makarating siya sa paanan ng tulay at tumakbo ng mabilis.
Hindi nagtagal ay narating din niya ang dulo nito kung saan makikita ang lugar na may napakaraming berdeng kristal at kitang kita ng kanyang mga mata ang isang napakalaking palasyo na triple ang laki sa palasyo ng mga bampira.

May isang napakalaking bukas na gate ang pinasok ng binata at doon nakahanay ang napakaraming tao na nakakulong sa mga crystal at di makagalaw. Agad niya itong nilapitan hanggang sa namataan niya ang isang tao na may korona at nakasout ng balote na may tatak ng ahas katulad ng sa tattoo sa dibdib at likod ni tandang yulisis at sa mga imahe na nakita niya sa palasyo sa timog kanluran.

Agad niyang naalala ang kwento ni boss yul sa kanilang tatlo at dun kinutuban ang binata. Hinawakan niya ang kristal ng biglang magkalamat ito na agad niya ring binawi ang mga kamay.

"Maganda ba ang mga koleksyon ko binata? Yang nasa harap mo ay isang hari din. Napakahinang hari na naging isa sa mga koleksyon na nagpapaganda sa palasyo ko hahahahahha"
Biglang saad ng bampira na lumitaw sampung metro ang layo sa likod ni Sting.

"Siya ba ang hari ng timog...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (3 years old)
Writings: 47
Male  ·  Offline
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
25  ·  17  ·  26  ·  1,292
 · 

Comments
M
Mellow19
September 30, 2022 (1 month ago)

Ms Author ikaw ba ang sumulat doon sa kwento ni Jasmin ang pinakamalakas na aswang na may lahing kalinara, tapos si romeo kasintahan ni jasmin at richard diba partner nya yung bff ni jasmin na aswang tapos humahaba ang buhok at diba itong dalawang binata na ito ay nagsanay doon sa europa para maging party sa grupo ng (aswang hunter or bampira hunter) saan pala yung jowa ni ben yung partner nya at level 7 ba yun or 6 sa organisasyon kung saan nag recruit kila richard at romeo di ba yun sumama sa laban?
Isa yun sa favorito kung kwento, nabasa ko cguro somewher in fb or here in google😊😊😊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 30, 2022 (1 month ago)

Kay idol cloud na kwento yun mellow. Nag usap na po kami about sa story ko kaya napasok ko siya at mga gawa niya hehe. Sa panh akit ng probinsiya na story yun kung nasaan sina romeo,richard at jasmin

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
M
Mellow19
September 30, 2022 (1 month ago)

Pang-akit sa Probinsya pala yun.
Bida: Jasmin, Romeo, Richard, Rachel, Ben, Nia

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 30, 2022 (1 month ago)

Wala si ben. Si ben ay gawa no boss balderic. Ben sandoval hehe

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mellow19
September 30, 2022 (1 month ago)

Kay cloud pala yun (shout out ako kay sir cloud)
Sensya ms. Razel naalala ko lang kasi nong nakamention ang "aswang na kalinara"  nabasa ko lang kasi to mga around 2018 o 2019 kaya sensya po.. s
Silent reader lng kasi ako..
Gusto ko din sana makagawa ng mga kwento na kagaya nito yung nag_eenjoy ang mambabasa kaso bubu ako sa mga grammar at punctuation mark🤣🤣🤣🤣

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 30, 2022 (1 month ago)

Wahahahaha ok ok lang at tsaka lalaki po ako mellow. Kay cloud din ang una kong nabasa at kay balderic kaya naengganyo akong gumawa gawa ng sariling kwento. Nag pm na din ako sa kanilang dalawa about dito hehehehe

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Wolf_2791
October 1, 2022 (1 month ago)

❤️

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 1, 2022 (1 month ago)

♥️

# STINGSKINARTS

Like (0)  ·  Report
B
Barcon
September 30, 2022 (1 month ago)

gag* tlaga si Marcus hehe Salamat sa update boss, tlaga namang ma action ang bawat chapter, 👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
September 30, 2022 (1 month ago)

Hahaha parang ganun na nga. Salamat din s pagsubaybay barcon

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
September 30, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update Sir:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 1, 2022 (1 month ago)

Walang anuman

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
richard_tan
September 30, 2022 (1 month ago)

thanks otor...............................................

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 1, 2022 (1 month ago)

Walang anuman

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Russel143
October 1, 2022 (1 month ago)

Malapit na seguro ang happy ending nito otor nuh...heheheheh...ganda tlga ng laban parang nanonood akong sa nitflix...hahahaha...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
October 1, 2022 (1 month ago)

Salamat sa pagsubaybay russel

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
gwapo7836
October 1, 2022 (1 month ago)

Grabe aksyon!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments