M
E
N
U

© COPYRIGHT DISCLAIMER: This is an original work of dojacat97. Please do not try to copy, paste, or repost it here or any other sites/pages/social media accounts. Please do inform me if you happen to see my works on platforms of any kind. Thank you in advance.

Confession with little twists and spice on a rise from months ago…
Please enjoy…

by dojacat97

......................

Hindi ko na halos marinig ang buhos ng ulan pagpasok ko sa bahay nila. Humakbang ako para makatuloy sa loob at nilingon ang Papa ni Dea. Sinarado niya ang double-wooden door nila at 'di ko na talaga napigilang magsalita,

"P-Pasensya na po t-talaga, 'di ko po kase m-macontact si Dea." literal na naginginig ako dahil sa pinaghalong pawis at tubig ulan sa balat ko.

"It's fine really... ahh Sabel, right?" kumpirma niya sakin kasabay ng nakakahalina niyang ngiti.

"A-Ahh o-opo.." sagot ko sabay iwas ng tingin. Hinimas ko na lang ang magkabilang braso ko sa intensyong mainitan. Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Tito Anton.

"Wait here.." nilagpasan niya ako at lumiko sa kanang hallway kung saan tanaw ko pa din dahil sa mga glass walls nila. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ang damo sa labas at kabilang parte ng bahay. Halos parang Japanese style pero may pagka modern ang disenyo nito.

Nilakbay lang ng mga mata ko ang sala nilang sobrang lawak at linis. Puro dim lights lang ang nakabukas at naka-aircon pa kahit umuulan na! Ibang-iba sa amin. Ngayon ko talaga napatunayan na ibang klase ang yaman nila Dea na dating naririnig ko lang sa mga blockmates ko.

Agad na bumalik ang Papa ni Dea at naglakad siya papunta sa akin.

"Sorry, this is the quickest thing I have here downstairs. Sobra ka na atang nilalamig." sabi niya sabay patong ng coat sa likod ko. At ramdam ko ang init ng katawan niya dahil don.

"N-Nako 'wag na po. Nakakahiya, aalis din naman po ako." iiwas ko pa sana kaso nalagay na niya sa balikat ko.

"I really don't mind, 'di ko rin naman nagamit 'yan because my schedule got cancelled." nalanghap ko ang panlalaking pabango niya na ngayon ko lang naamoy sa buong buhay ko!

Pinantay niya sa balikat ko ang coat niya at umatras palayo sa akin.

"Ayy salamat po..." ani ko.

Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Walang kapintasan. Pino ang mga kilos at halatang mayaman sa bawat galaw. May kinuha siya sa pader nila at tinutok iyon sa aircon. Narinig ko ang beep sound n'on, hudyat ng pagpatay nito.

"Upo ka muna, I suggest magpatila ka muna ng ulan. I'm not sure kung may bagyo ngayon but it looks like it. San ka nga ulit galing, iha?" tanong niya sabay halukipkip habang nakatayo sa kanan ko. Malapit sa sofa, ilang hakbang mula sa akin.

Napatuwid ako sa pagkaka-upo nang maalala kung ano nga bang pinunta ko dito. Ang report namin sa Foreign Trade subject!

"Ah, sa Quezon po. Kakamustahin ko lang po sana kay Dea kung ayos na yung report sa isang subject namin. Hindi ko po kasi siya matawagan kanina pang umaga kaya tumuloy na po ako dito. Baka po pwede ko siyang maka-usap?" desperado kong tugon.

Bukas na kase ang deadline n'on at wala akong gamit pang print o ano pa man kaya't si Dea na lang ang nagpresinta dahil madali naman daw sakanya 'yon.

"Province? That's like three hours away! But, how do I say this?" gulat niyang sambit sa akin.

"She's in Cebu right now. There's an emergency with her grandparents so she flew there yesterday." tuloy niya. At bakas sa tono niya ang awa para sa akin.

Bumagsak agad ang balikat ko sa balitang 'yon. Pa'no na ang project ko? Namin? Strikto pa naman si Mrs. Jimenez!

"I suppose it's urgent for you to show up here late while it's raining?"

"Opo, bukas na po kase ang deadline 'non e. Medyo strikto din po ang prof namin don, pano po kaya?" maluha-luha kong sambit.

"I can call Andrea for you, so you two can talk about it." suhestiyon niya sa akin habang malamyang nakatitig sa mga mata ko.

"Naku, ok lang po ba? Sana po hindi abala sa inyo." nahihiya kong sabi.

"Of course, of course. It's no big deal. I'll be right back." paigurado niya sakin sabay punta ulit sa hallway kanina. Hula ko ay nandon ang opisina niya o di kaya'y kwarto?

Medyo gumaan naman ang loob ko kahit na aligaga pa din sa takot na hindi kami makapagpasa bukas. Nakadagdag din ng ginahawa yung coat na suot ko sa ginaw.

Tumayo ako agad nang makita ko si Tito Anton na paparating.

"Here, call her...

About the Author :

dojacat97's Profile Picture

dojacat97

Joined: July 3, 2022 (2 months old)
Writings: 1
Female  ·  Offline
Signature Text:
don't lust on something u can't afford
38  ·  11  ·  46  ·  4,448
 · 

Comments
C
charles2700
September 9, 2022 (20 days ago)

Maga da siya author sundan agad please.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
V
vrylle_yummy
September 9, 2022 (20 days ago)

May balak si Father,. 🤣🤣🤣

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
tuhogking0202
September 9, 2022 (20 days ago)

Rapsa naman din kasi ang dalagang bukid 😀

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
T
tuhogking0202
September 9, 2022 (20 days ago)

Sarap!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
M
MangPaeng
September 9, 2022 (20 days ago)

Oo naman like ko ganitong plot.  Young woman vs older man. Keep it going please. Thanks so much.  👍❤😉

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
junkabul's Profile Picture
junkabul
September 9, 2022 (20 days ago)

Maganda ang pagkakasulat. In fact, i thought i was reading my own composition... the style, the smoothness of the conversations, the paragraphing etc... everything is perfect... mas maganda pa ito nga kaysa sa mga nagawa ko.

Ang ganda ng plot na napili mo. Sana huwag mong madaliin ang pag post upang mas masarap basahin na parang 3 layered sandwich na kinain ni Sabby na kumpleto sa palaman.

Susubaybayan ko ito.

Don't feel bad if people remember you only when they need you. Feel privileged that you are like a candle that comes to their mind when they are in the dark.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Juanted02
September 15, 2022 (14 days ago)

May bago ba lods?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
samanthamon
September 10, 2022 (20 days ago)

Thissss👏✨ ang ganda ng pagkakasulat parang professional, malinis at detailed kung sumulat, ipag pa tuloy mo lang author, madami kaming nag hihintay sa story mo❤️

mommy🙊

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
trebor_1177
September 10, 2022 (20 days ago)

Very intriguing! Keep it up thanks!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
K
kepukissme
September 10, 2022 (20 days ago)

Nagdidilig na ang ulan sa labas.malamang may madidiligan din sa loob ng bahay.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
Juanted02
September 15, 2022 (14 days ago)

Maganda yung flow nang story, gusto ko yung ganito may plot,.. keep it up! Aabangan ko to,..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments