M
E
N
U

The Nerd's Hot Encounter | Chapter 4

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: First Time, Mature, Romance, One Night Stand · Tags: , , ,
Date: September 9, 2022 (16 days ago)


CHAPTER 4- IS THIS FOR REAL?

Mukhang nagkamali ako ng impression sa kanya. Yes, he may be a gentleman, pero may libog rin pala siya sa katawan. Pero at least, kahit hindi man lang hindi niya natapos 'yong gusto niyang gawin sa akin sa sinehan, masuwerte pa rin ako kasi nagkaroon ako ng chance na ma-experience 'yon. Napatunayan ko rin sa sarili ko na hindi porke jologs ako ay wala nang magkakainteres na lalaki sa 'kin.

Nang lumabas kami sa sinehan ay tila napipi siya sa 'kin. Marahil ay nahiya siya sa kanyang ginawa. Kaya naman ako na ang nag-umpisang magsalita sa aming dalawa.

"So, ano? Uwian na ba?" nakangiti kong tanong.

Ngumiti rin siya sa 'kin bago sumagot. "Ikaw? Gusto mo na bang umuwi?" Sa pagkakasabi niyang iyon ay para bang ayaw pa niyang magkahiwalay kami.

"Alas otso pa lang naman, e. Gusto mo bang kumain muna tayo ng dinner?"

"Sure, saang restaurant mo ba gusto?"

"Ah, Danny," huminto muna akong sandali bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Puwede bang ako naman ang manlibre sa 'yo? Para naman makabawi ako kahit na papaano. Kanina mo pa kasi ako ginagastusan, e."

"Okay lang sa 'kin."

"Pero hindi rito sa mall, ah? Gusto ko sa labas. Kulang na kasi ang pera ko kung sa restaurant kita ililibre. Kumakain ka naman siguro ng streetfood, ano?"

"Streetfood? Oo naman kumakain ako no'n," sagot niya, then he smiled again.

Dinala ko siya sa isang karindirya na nasa kabilang highway ng mall. Nakita ko ang excitement sa mukha niya nang inisa-isa niyang tignan ang mga nakahaing pang-ulam doon. Kahit um-order siya ng hanggang five hundred pesos ay hindi ko siya pipigilan. Mas mura naman kasi roon, kaysa sa restaurant na kulang pa ang five hundred mo para sa dalawang ulam.

"O, may napili ka na ba?" tanong ko.

"Gusto ko nitong adobong atay at sinigang na baboy."

"Iyan lang? Wala ka man lang balak na dagdagan pa?"

"Akala ko ba kulang na ang pera mo?"

"Ano ka ba? Mura lang dito ang pagkain. Thirty pesos lang per serving tapos unlimited rice pa."

"Talaga?" At naghanap muli siya ng ulam. Pagkuwa'y itinuro niya ang napili. "Ito ang gusto ko, ginisang sitaw at fried tilapia."

"Wala na ba? Hindi mo na ba dadagdagan?"

"Oo, okay na 'yon. Ikaw ba? Ano'ng napili mo?"

"Same na rin sa'yo," sagot ko.

Pagkatapos ay tinawag ko na ang tindera at um-order. "Manang, tig-dalawang order nga po ng adobong atay, sinigang na baboy, ginisang sitaw at fried tilapia, at saka isang litrong coke na rin.

"Okay!" sagot nito.

Nang makaupo kami at hinainan na ng pagkain ay masayang pinagmasdan ko si Dannyhabang kumakain.

Napaisip tuloy ako kung talaga bang nakakain na s'ya roon, since nasabi naman niyang kumakain siya ng streetfood. Iba kasi ang excitement sa mukha niya na para bang bago lang sa kanya ang lahat sa lugar na iyon.

"Danny, matanong lang kita. Sigurado ka bang nakakain ka na sa ganitong lugar? Para kasing… para kasing ngayon ka lang nakapunta rito."

Huminto siya sa pagkain at tumingin sa 'kin. "Bakit? Nahalata mo ba?"

"Y-you mean… hindi pa nga?" nautal na hindi makapaniwalang tanong ko.

Bahagyang natawa muna siya bago sumagot, "Oo, nagsinungaling ako sa 'yo. Ang totoo ay hindi pa talaga ako nakakakain ng streetfoods at lalong-lalo na sa karindirya."

"Naku! Nakakahiya naman sa 'yo!"

"Hayan! Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa 'yo ang katotohanan. Ayoko na mahiya ka sa 'kin."

"E, kasi naman---"

"Matagal ko nang gustong kumain dito. Ang totoo nyan ay gusto kong magpasalamat sa 'yo dahil sa wakas ay na-experience ko na rin na makatikim ng streetfoods. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ko malalaman na masarap pala ang mga pagkain dito."

"Hindi mo ba ako ine-echos?"

"Hindi. Masarap talaga!"

"Sure ka, ah."

"Oo nga. Ikaw nga 'tong mukhang ayaw dito kum...

About the Author :

TheOrangeGuy's Profile Picture

Joined: September 3, 2022 (21 days old)
Writings: 8
Male  ·  Offline
Signature Text:
"You don’t start out writing good stuff. You start out writing crap and thinking it’s good stuff, and then gradually you get better at it." - Octavia E. Butler
12  ·  6  ·  22  ·  2,193
 · 

Comments
X
xylebitz13
September 9, 2022 (15 days ago)

nice,,, nice,,,, nice,,,, so nice story sir,,, keep it up pls...

Reply  ·  Like (3)  ·  Report
whiteblood's Profile Picture
whiteblood
September 9, 2022 (15 days ago)

the moves haha nice story boss 😊 keep it up!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
dadbodjson21's Profile Picture
dadbodjson21
September 9, 2022 (15 days ago)

Solid... pede 2 pang Indie Film or YouTube Film.....    sarap gawan ng YouTube Series n...simpleng tao lng bida.... at hindi artista...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
KalaiVisbal's Profile Picture
KalaiVisbal
September 9, 2022 (15 days ago)

Pm'd ya. Hahaha!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
blairann08's Profile Picture
blairann08
September 9, 2022 (15 days ago)

bitin more more po

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
tralala43's Profile Picture
tralala43
September 9, 2022 (15 days ago)

Sheet boss similar set up with my beau 😆

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments