M
E
N
U

Strawberry Skies [ Chapters 7 - 11 ]

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: First Time, Gay Male, Mature, Romance · Tags: , , , , , , , ,
Date: September 6, 2022 (18 days ago)


CHAPTER 7

"...Yun lang, naging close friend agad kame ng girl, si Glaize. Bukod sa maganda physically ay maganda rin ang ugali ni Glaize. Nagka-crush ako instantly. Araw-araw basta may time, nandun siya sa front desk nakikipagharutan sa akin. Ate Sarah, malimit nagdadala siya ng sitsiriya, salad o kung ano mang kukutin ayun, bonding na kami sa ganun. Parang siya na nga yung reason kaya ako pumapasok sa trabaho... Everyday I'm always looking forward for a day to be filled with her presence."

"...Nung mga time na yun Ate Sarah, parang gusto ko nang bumitaw sa plano ko. Gusto ko nang magpakalalaki at magtapat kay Glaize. Pero, naisip ko, tiyak na mawawalan ako ng trabaho. Ayoko nang mangyari ulit na iiwan ako ng babae dahil wala akong hanapbuhay. Kaya, status quo lang. Tuloy ang plano no matter what. Inisip ko na lang na mas mabuti na ito tutal lagi ko naman siyang nakikita araw-araw..."

Ayun, parang kulang pa raw ang araw na nagkikita sila sa opisina. Nagkikita pa sila kapag weekend. Namamasyal sa mall. Parang magsyota sila tingnan kung hindi alam na nagkukunyari siyang bakla. Nagho-holding hands sila at nagsusubuan sa restaurant. Nagagawa pa niyang akbayan si Glaize na hindi naiilang dahil alam nitong bakla siya. Sabi ni Anton, "May strange feeling ako na parang nagpe-pretend siya na ako ay boyfriend niya." Kibit-balikat lang si Anton. Ride lang daw siya sa trip nito. Though nagka-crush daw siya head-over-heels kay Glaize mula sa unang paghaharap pa lang nila.

Sabi pa ni Anton, "I can't believe I can find a woman who is both beauty, brains and sweet."

Hindi napapagod si Anton na makita si Glaize araw-araw. Pero may bagay na umabot na sa sukdulan sa kanya. Yung routine niya na mula sa bahay ng Tita niya na kilos lalaki siya tapos mag-aala darna na magbabago ng anyo pagpasok sa restroom ng fastfood ay tila mabilis na pinagsawaan ni Anton. Naisip niya, tutal may sweldo na siya, baka mas hindi siya mahirapan kung sa ibang bahay siya titira at walang pupuna sa ikikilos niya. Isang bihis lang siya. Hindi na dadaan sa restroom ng mga fastfood. Diretso gayak na ng gay ang suot niya at ayos ng mukha niya.

Isang araw sa opisina, nasa harapan na naman niya si Glaize...

CHAPTER 8

"Sssst... girl, may alam ka bang boarding house malapit sa inyo?" Tanong ni Anton sabay patay malisyang hinawakan ni Anton ang malasutlang kutis na braso ni Glaize. Ang liga-ligaya ni Anton. [Heaven on Earth na raw!]

"Kase, pinagpapantasyahan ako ng mga boyz sa lugar namin... baka isang araw ma-reyp me... Alam mo naman... kung saan pinararaos yun kapag bakla ang nirereyp..." dugtong ni Anton. "At saka girl... ikaw lang ang makakaalam nito..." Inilapit ni Anton ang bibig niya sa may tenga ni Glaize sabay hawi ng mabango at malambot na buhok nito. "Hwag na hwag mong ipagkakalat... Virgin pa ako..." bulong ni Anton sabay... Hmmm... i-kiss nga kita "Tsup!"
Sumabog ang pigil na halakhak ni Glaize. "eee hi-hi-hi...ha-ha-ha!!!

Naka-kiss si Anton sa pisngi ng walang kamalay-malay na si Glaize. Buong akala niya'y tunay na bakla nga si Anton.

At para hindi makahalata sabay bawi niya... "O di ba? lalaki ako kase kiniss kita?

"Oo na, alam naman ng lahat dito na lalaki ka. Kahit nga mga aso't pusa rito ang tanungin mo at isama mo na ang mga butike sa kisame ay alam na "mhin" ka nga di ba?" pauyam na sagot ni Glaize na tila ayaw niyang mahalata ang kanyang pagba-"blush" dahil sa halik ni Anton.

"May isang bed pa sa nire-rent kong condo. Kung gusto mo dun ka na lang tapos mag-share ka na lang sa rent."

"Ha!? Tayong dalawa lang sa isang condo? Gusto ko yan." Mabilis na tugon ni Anton.

CHAPER 9

"Ha-ha! Hindi. May kasama akong dalawang girls. Tunay na mga girls. Nagse-share kami sa upa. Ako yung original na nag-rent nung condo. Nung hindi ko kinaya naghanap ako ng ka-share. So far, ok naman kami."

"Teka, pag-iisipan ko muna pwede?" Parang nalito bigla si Anton.

Tulala si Anton ng makaalis na si Glaize. Hindi niya akalain na ganun kalaki ang pagtitiwala at paniniwala ni Glaize na siya nga ay tunay na bakla.

Totoong pinag-isipan ni Darna este, ni Anton kung makikipisan siya kina Glaize. Makakasama niya si Glaize sa araw at gabi. Kung suswertihin pa baka makatabi niya sa pagtulog. Pero, nagdadalawang isip siya dahil kapag nakipisan siya ay malamang mabuking siya na nagkukunwari lang siyang bakla. Baka tumigas ang 'ano' niya ay tiyak na mabibisto siya, tapos ang maliligayang araw niya. Kaya,...

"Girl, thank you sa offer mo. Parang hindi maganda tingnan." Tanggi niya sa offer ni Glaize.

Tumanggi siya sa offer ni Glaize. Naghanap siya ng ibang mare-r...

About the Author :

G

Joined: August 6, 2013 (9 years old)
Writings: 52
Male  ·  Offline
Signature Text:
if you frequent fss...you have less time for sex...unless, you're in it now...
5  ·  0  ·  4  ·  1,455
 · 

Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks β€˜n Conversations
Latest Writings
Recent Comments