M
E
N
U

Isang Gabi... (Natalsikan Si Bianca)

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Supernatural, Toys and Masturbation · Tags: ,
Date: July 23, 2022 (16 days ago)


Bagong lipat pa lang ni Jeremy, 25 yrs old, sa unit 39, ng malaking apartment complex, na pag-aari ng isang kilalang senador.

Maganda ang unit na napili niya, maliban sa iilan lang ang tenant sa buong 3rd floor, makikita sa labas ng kanyang bintana ang Laguna de Bai. Na nagdudulot sa kanya ng maaliwalas na pakiramdam.

Mabilis naman niya naiayos ang kanyang mga gamit.

Dahil sa laki ng bintana na nakatapat sa lawa, minabuti niyang duon na rin ipuwesto ang kanyang sofa upang mapakinabangan niya ang liwanag sa labas at preskong hangin habang siya ay nakaupo dito.

Ihinarap naman niya ang kanyang 40" 4K Smart TV sa kanyang sofa upang lalo niyang maenjoy ang kanyang panunood. Kung kaya't ang kanyang TV ay direktang nakaharap sa bintana.

Okey din 'tong nalipatan ko, tipid pa ako sa kuryente. sabi ni Jeremy sa sarili tinutukoy niya ang natural na liwanag na nagmumula sa malaking bintana ng kanyang unit, sapat na upang hindi na niya kailanganin ang magbukas ng ilaw, at dahil sa preskong hangin hindi na niya kailangan ng aircon sa kaniyang sala.

Habang nakaupo sa kanyang sofa binabalikan ni Jeremy sa kanyang ala-ala ang mga hirap niyang pinagdaanan para lamang marating ang lahat ng iyon.

Mula sa pagiging delivery rider, hanggang sa maging dispatcher, at ngayon ay area supervisor, ng isang courrier company.

Kumukuyakoy pa ang kanyang mga tuhod at nilulubos ang kanyang pagrerelax dahil alam ni Jeremy na pagdating ng lunes balik trabaho na naman siya.

Nang may kakaiba siyang napansin, sa kanyang TV screen.

Bagaman hindi ito naka-on, malinaw namang makikita ang kanyang repleksyon na tumatalbog sa itim nitong screen.

Nakikita niya ang repleksyon ng sarili na nakaupo sa kanyang sofa, ngunit sa TV screen may nakikita rin niya ang isang babae na nakaupo sa kanyang bandang kaliwa.

Wala namang ibang tao sa bahay na iyon maliban sa kanya.

Nilingon niya ang kaliwa niya at wala naman siyang nakitang nakaupo sa kanyang kaliwa, o kahit sa kanyang kanan.

Mag-isa lang talaga siya ng mga oras na iyon!

Muling ibinalik ni Jeremy ang tingin sa TV screen at nanduon pa rin nakaupo ang babae sa tabi niya, hindi ito gumagalaw at nakatingin din ng diretso na parang may pinanonood din sa kanyang naka-off na TV.

Muli niyang nilingon ang lugar kung saan dapat makikita ang babaeng nakaupo, ngunit wala naman ito doon.

Ibinalik niya ang tingin sa kanyang TV screen, at nakita niyang gumalaw ang babaeng katabi niya, humiga ito sa sofa at ang ulo nito ay makikitang ginawang higaan ang hita niya.

Kitang-kita ni Jeremy na nakahiga ang babae na tuloy lang na nanonood ng TV at nakaunan sa kanyang mga hita!

...

About the Author :

14  ·  4  ·  16  ·  7,774
 · 

Comments
Judie19's Profile Picture
Judie19
July 23, 2022 (16 days ago)

Konektado po ba ang kwentong ito kay bianca at Jeremy?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
itchibitch69's Profile Picture
itchibitch69
July 23, 2022 (16 days ago)

Hmmmmm, mysterious... nakakaintriga ang kwento. Mahusay!

Call me Tita Lyka

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
saismedya's Profile Picture
saismedya
July 23, 2022 (16 days ago)

Sino sa dalawa ang multo

am not saint to commit sins, , am not sinner to confess,

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Miranda-2001
July 23, 2022 (16 days ago)

Sundan po agad author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments