M
E
N
U

Brian 8

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Mature, Romance · Tags:
Date: July 18, 2022 (29 days ago)


First time namin magkita after sa fake news about my pregnancy. Naniniwala talaga ako na buntis ako pero biglang dumating ang period ko na 7 days late na. Gabi pa lang alam na ni Brian ito.

Na surprise ako kasi bumisita na naman sya sa place ko the next day at hinihintay ako. Nataranta na naman ako kasi nasa tabi ko lang si partner that time, at di ko inexpect na dadalaw sya. Inisip ko nga na iiwan nya na ako. So I grabbed all my stuffs at kumaripas na ako ng alis only to realize na wala akong mask! Hindi na humarang sa akin si partner. I'm not really sure why.

Sya: tumakas ka lang. (Alam na kagad habang inaabot nya ng extra mask nya. Gwapo talaga nya)
Me: oo. (Serious lang na face)

Nag uusap kami about sa mga araw nya doon sa business namin. Masaya nya kinuwento na madali lang pala asikasuhin.Wala syang binanggit about sa bloopers ko until nag open up ako. Nererespeto nya ako.

Nakatingin lang ako sa cappuchino ko. "Brian, sobrang sorry. Nabulabog pa tuloy kita. Pero salamat pa rin at di mo ako iniwan mag isa."

"Okay lang. Salamat at okay ka." Yan lang ang simpleng sagot nya.
"Oo nga. Naawa siguro sa akin ang langit at di na ako pinahirapan pang mag isip."

"Brian, ano gagawin ko sa gamot?"
"Bayad na ba yon?"

"Oo bayad na. Gusto ko sana e donate sa sino mangangailangan. Pero paano? Illegal pa rin yon."

"sge pick upin na lang din muna natin"

"pero mas okay yong contraception. Yong sinabi ko last time."

"Safe ba yon for you?"
"Oo e check ko ulit. Tapos punta ako ob gyne sa weekend"

"Sge."
"Sorry ulit hah. Napahiya talaga ako. Pero paano nangyari na 38 days bago dumating ang period ko? Ngayon pa lang nangyari yon sa buong buhay ko. Sinong di mag iisip na hindi buntis sa case na yon."

Dito na nag umpisa na naging katawa tawa ang pag uusap namin.

"Kaya nga sabi ko sayo sa chat na maghintay ka muna ng 3 months. Ex gf ko 3 months bago dinatnan."

"Ngek! Wala akong 3 months. By then magtataka yaya ko bakit di ako dinatnan. Paano pag nakarating yon kay partner. Weird talaga ano kaya reason nong delay?"

"Kasi nagkaroon ka na ulit ng healthy at regular na sex life."

"Ibig mong sabihin naghintay ang pobreng eggcells ko, na baka naman swertehen. Hahaha. Na stress ako. Pero Brian, bakit ayaw mo akong itanan."

"Gulat nga ako sayo. May tanan 2x ka pang nalalaman. Sino magtatanan ngayon sa 2022?"

"Bakit ano na ba ang uso?"

"Yong aalis na lang."
"Ahh"

"Nagulat din ako sayo 2 days pa lang nagdeclare ka na ka agad na buntis. Dinaig mo pa ang doctor mong kapatid!"

"hahhaaha" sabay na kaming napatawa.

"tapos naging expert ka pa kagad sa mga gamot. Dinaig mo pa yong pharmacist mong kapatid." Pinaliwanag ko kasi sa kanya ang medical abortion.

"hahahaaha... Tapos nagpregnancy test naman ako. Negative nga lumabas doon. Pero sabi ko pa rin na buntis talaga ako at baka sira yong test kit!!! Ang kulit ko no?"

"Oo. Malamang mali ginawa mo. baka nilagyan mo pa ng ihi yong buong stick! Hahaha"

"hahaaha tapos ang message ko sayo, negative naman ang result pero baka kulang lang sa wiwi kaya ulitin ko na lang kaya sa tingin ko buntis talaga ako."

"hahahaa. Tinalo mo ang mga doctor."

"Sorry naman. Kaw naman kasi nakakapanic. Dami mong binuntis. Tapos tinanong ko pa sayo paano sila nabuntis? Tapos ang sagot mo baka nakalusot. Sinong di ma stress sa ganun?"

"Parang joy yon. Isang patak talo ang sangkatotak. Hahaha."

"Hahhahha" sobrang bloopers lang.

Habang nag uusap kami, nagslide na yong palad nya para hawakan ng mahigpit ang kamay ko. Grabe this small gesture of support, understanding, and connection. Di pa ba pag ibig to?

"Brian pansin ko lang lagi ka masaya pagnandito ka."

"Oo. Kaya nga sayo ako pumupunta pag nag away kami ng gf ko. Masaya ako pag kasama ka. Maski dati pa naman. Nawawala ang problema ko pag katabi kita."

Natapos ang araw na yon na masaya kami.

*****
The next day hapon na sya nakapagupdate. Inisip ko baka nagleave na naman si gf. Nagaway na naman pala sila. E kwento na lang daw nya pag nagkita kami. Dumating na naman sya. Magsesex kasi kami dapat that day. Basta sabik lang ulit at gusto naman namin gawin pareho. Pero ayoko makipagsex sa kanya kung busy naman ang isip nya dun sa isa.

So umuwi syang walang nangyari. Nagmessage ako sa kanya at nakikipaghiwalay pa ako maski hindi naman kami. Hahaha.

Me: Brian, itigil na lang natin yong atin at magfocus ka na kay gf. Di mo ako kakayanin emotionally. Kagaya ka lang din ni partner ko na di rin naman ako nakikita talaga. Maski magkasama tayo ibang tao nasa isip mo.

Sya: paanong di kita nakikita?

Me: di ka emotionally available for me. Di ka naman talaga malaya. Kaya ibabalik ko na ang pangagalaga nun sa capable self ko. Meron ako minahal dati na lalaki yong kinuwento ko sayo. Weird kasi tanging sya lang ang tao na maramdaman ko na mahal ako. My Naiiyak tuloy ako. Nag iisa lang ba sya sa mundo? Sayang at di ko sya naipaglaban.

Sya: Wag ka malungkot, Antoinette. Past is past.

Me: Minahal ko kasi yong guy. Pero isa lang ang ayaw ko dun.

Sya: Ano?

Me: Nagbo book sya ng mga babae pag taglibog sya.

Sya: Ay tang inang yan (gulat ako dito) buti di ka nag kasakit kakatakot yon. Tapos nagsisi ka pa na di mo pinaglaban? Hindi dapat siniseryoso ang ganung lalaki.

Me: Nakacondom sya lagi. Pero minahal ko sya at naramdaman ko na mahal nya rin ako.

Sya: Pota...

About the Author :

antoinette's Profile Picture

Joined: December 2, 2013 (8 years old)
Writings: 38
Female  ·  Offline
Description:
Writing for me is a form of self expression. It documents the beautiful memories of the life that I have lived. When I am not writing, I am just out there enjoying every moment.
Signature Text:
i wanna run to you... ohhhh
2  ·  2  ·  2  ·  1,620
 · 

Comments
A
Anything_goes
July 18, 2022 (29 days ago)

Anggg hot ng update oh! More pa….

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
antoinette's Profile Picture
antoinette
July 18, 2022 (29 days ago)

Hahaha last na yan. Ngek! Nagbabasa ka nito?

i wanna run to you... ohhhh

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments