M
E
N
U

LA LOOB NG ABANDONADONG PABRIKA

"TRAAAYYYYDOOORRR!! sigaw ni sting na nanginginig sa galit.

Biglang kinabahan si leon at ang mga kidnappers sa nangyayari.
" PAPUTOKAN NYOO!!! sigaw ni leon at biglang

" BBBRRRRTTTTTTT!!!!!! Mga uzi at long barrel na armas ang mga dala at walang tigil sa pagratrat hanggang sa maubos ang magazine.

SSSSHHHHHOOOOOOVVVVB BBBOOOOOMMMM!!! pinasundan pa ng isang RPG

Agad nag reload ang mga armadong kidnappers at tinutok sa target na napapalibotan ng makapal na usok.

" Sandali lang! Tignan muna natin. Siguradong patay na yan pero wag naman sanang maging abo" saad ni leon at dahan dahan lumapit at nakita ang wasak na katawan ni sting.

Putol ang dalawang kamay at isang paa. Nahati ang nabiyak na ulo at tadtad ng bala ang wasak na katawan. Nagkalat ang laman loob at bumaha ang napakaraming dugo.

" Hmmm ok pa naman sana ang puso "

Nakangiting saad ni leon ng makitang patay na si sting.

-----

SAMANATALANG sa bahay nina sting ay d mapakali si maria. Hawak hawak ang bracelet ng napatay niyang taong sumosunod kay juan.

" A.C.L.I? Ano kayang ibig sabihin nito? At bakit siya nakasunod kay juan? Hmm kay juan lang ba? Haist." Hawak hawak ang kanyang nuo habang nakaupo sa harap ng mesa.

" O maria. Kain ka na iha. Baka mapano ka na niyan. D kpa nakakain mula kanina. Tawagin ko lang si juan sa labas " saad ni lilia ng nakahanda na ang makakain sa mesa.

D na makasunod si maria kay sting sapagkat unti unti ng bumabalik ang lakas at mga kakayahan nito sa dati niyang buhay mahigit isan daang taon na ang nakalilipas.

Ang misyon na lang niya ay bantayan ang mag asawa . May masamang kutob siya na may mga nakamasid sa paligid at handang atakihin sila ano mang oras.

-----

" Kung ayaw niyong matulad sa kasamahan niyo ay mag ingat kayo!

Di ito madaling misyon sapagkat nariyan si maria. Ang may hawak ng pinakamalakas na medalyon. !" Sambit ni berto sa mga taong may sekretong misyon.

Di ito pinaalam sa kanya kaya wala siyang magawa kundi balaan na lang ang mga ito tungkol sa lakas ng tagabantay.

----

MADILIM NA ANG PALIGID
Sa isang luma at abandonadong pabrika.

Ngiting tagumpay na humulma sa mukha ni leon ng dahan dahan siyang lumapit sa bangkay ni sting ng biglang nagdilim ang kanyang paningin.

Nang imulat niya ulit ang mata mata ay bigla siyang nagtaka at nagulat sa nakita.

Kalmadong nakaupo pa rin si sting sa silya. Nakagapos man ang mga kamay ay nakadekwatro naman ang mga paa.

Nanjan pa rin ang mga kidnapper sa likod ni sting na nakasukbit ng kanikanilang armas. Di niya alam kung anung nangyayari. Alam niyang patay na ito.

" Hmm nagustohan mo ba ang mga nakita at ginawa mo? Tsk. Grabe! Hahahahaha" natatawang saad ni sting sa nakatulalang si leon.

Napasok niya ang isipan nito at ginawan ng imahinasyun ayon sa gustong mangyari ni leon.

Biglang kinuha ni leon ang kanyang revolver at binaril ito sa dibdib.

" Araaaaaayyy!!! Aaahhhh. Wag mo kong patayin!!! Aaahhh" sigaw ni sting ng biglang tinamaan sa dibdib.

Napangiti si leon sapagkat nakita niya ang reaksyon ng nagmamakaawa na si sting .

BAAANNGG!! BAAANNGGG!! BAAAANNGGG!! Sunod sunod na putok ng revolver na umuusok pa ang dulo nito.

" UGGGKKK! AAAAHHH! nasusuka ng dugo sa dami ng balang tumama sa katawan niya ng biglang napangiti si sting.

" oh? Bat ka tumigil? Sige pa! Hahahahahahhaah" tawa ng tawa ang hostage na nagpa dagdag ng galit at gigil ni leon kaya inutusan ang mga kidnappers na ratratin ng bala si sting.

"BRAATTAATATATATATATTATATA! SSSSHHHHHOOOOOMMMMBBBOOOBB!!!

sunod sunod na open fire ang nangyayari ng nagulat ang lahat ng tumayo at lumakad si sting papunta kay leon.

Halos d na makilala ang hitsura nito dahil sa mga balang natamo. Wala na ang kanang parti ng katawan nito. Putol na rin ang kaliwang kamay.

Nang nakalapit na siya kay leon ay halos mamatay sa sindak dahil sa takot niya ng lumapit ang mukha ni sting sa kanya at bumulong ng

" Kahit ilang milyong beses mo pa ako patayin , ikaw din ang bubuhay sakin hahaha " huling salita ni sting ng sinaksak siya ni leon ng patalim na bigay ni berto sa puso.

Bumagsak na nakaluhod at napadapa na naliligo sa dugo.

Takot na takot si leon ng dumilim na naman ang paligid.

Nang dumilat siya ay ang nakangiting mukha ni sting ang una niyang nakita na nakadekwatro pa rin sa silya na nakagapos ang kamay.

" PUTANG INAAAAA!!!!! ANONG NANGYAYARII!!!! Galit na sigaw ni leon at patakbong sinaksak ang nakangiting hostage. . . . .

------

SA LOOB PA RIN NG PABRIKA

Nagbulong bulongan ang mga kidnappers sapagkat ilang minutong tulala si leon na nakatayo lang mga sampung metro sa harap ng hostage.

Dahan dahang napupunit ang lubid na nakatali sa mga kamay ni sting ng namataan ito ng isang kidnapper.

"HOYYY!! WAG MO SUBUKANG TUMAKAS! HINDI KAMI MAGDADALAWANG ISIP NA PATAYIN KA!"

Sigaw ng kidnapper na nakakuha ng atensyon ng iba at tinutukan ng armas si sting.

Kalmadong nakangiti lang ito ng biglang tumalon at binagsak ang likod sa sahig. Nasira ang silya at tumalon sa likod ng pader.

BRATATATATATATATATATAA!!!

"HUWAG HAYAANG MAKATAKAS YAN!. Nagkalat ang mga armadong kidnappers at sunod sunod na binaril ang pader. Ng nakalapit na sila ay walang tao doon.

UGGKKKK! PPPSSSSSZTTTTTTT!!! wasak ang leeg ng isang kasamahan nila . Napaluhod na lang saka dumapa at nawalan ng buhay.

" WALANG MAKAKATAKAS SA INYO! NAPAPALIBOTAN KO NA KAYO!!!!"

natatawang sigaw ni sting na nagpa echo sa boung pabrika. Hawak2 sa kamay ang isang duguang basag na krital.

Dahil sa bilis ng halaw niya ay di na siya o mahagip mn lang ng mata

Nataranta ang mga kidnappers ng

BBBBOOOOOMMM!

isang suntok lang ni sting ang taong nasa likuran nila at para itong lamok na hinampas sa pader. Nagkalat ang dugo at wasak ang katawan.

Nakadama ng takot ang iba. Walo na lang ang natitira sa kanila kaya naging mas alisto ang mga ito.

KKKKKSSSSTTTT. TTTWWWWW.

Biglang namatay ang ilaw at nagsimula na silang mag panik ng

HHAAAKKKK UUUGGGGKKK!!! AAAHHHHHH!!! Sigawan ng mga kidnappers at ng bumalik ang ilaw ay ang leader na lang ang natira.

Nakita niyang nakatayo si sting na puno ng dugo ang mga kamay sa itaas ng mga bangkay ng kanyang kasamahan.

Nanginginig sa takot at napaihi sa pantalon

Kinuha ang sarili niyang handgun at Wala na sa sarili ng isubo niya ang dulo nito at pinutok.

Talamsikan ang dugo at nagkalat ang parte ng utak nito sa sahig ng bumagsak ang katawang walang buhay.

Nanatiling nakatayo pa rin si leon . Nakadilat pa rin ang mga mata nito . Hindi maka alis sa hipnotismong ginawa ni sting sa isipan niya.

" Mabubulok kang nakatayo . Hindi mo kilala ang kinakalaban mong traydor ka " bulong ni sting sa kanya ng nakalapit na ito.

Lumakad na siya palabas ng bodega at tinignan ng huling beses ang mga bangkay na naliligo sa dugo at ang nakatayong si leon.

----

GABI na ng nakauwi si sting sa kanila. Patay na ang ilaw ng nadatnan niyang gising pa si maria at naghihintay sa kanya labas ng bahay.

"Master!! salamat at nakauwi ka na. Nakatulog na ang dalawa. Gusto mo nang kape?"

Nag aalalang saad ni maria sapagkat nakita niyang may mga matsa ng dugo sa damit nito.

Normal na kay maria na makitang ganun si sting sapagkat alam na alam niya kung anung klase ng tao ito nung nakaraang buhay bago ito ma reincarnate

" Sige. Anung balita?" Sagot nito at diritsong pumasok sa loob at naupo sa upuan sa harap ng mesa.

Mabilis gumalaw si maria at nagtimpla ng kape.

" Master. May mga taong nagmamasid dito. May namataan na naman ako kanina ngunit biglang nawala. " ani nito at linagay ang kapeng hinanda sa harap ni sting tsaka umupo sa silyang nakapwesto paharap sa mesa kung saan nakaupo ang kanyang master.

" Bantayan mo ang dalawa maria. At maging alisto ka palagi. Konti lang mga kabahayan dito at medyo malayo pa kaya wala silang mahihingan ng tulong kung wala ka. "

" Masusunod master !" Napatango na lang si maria sa pag sang ayon dito.

----

GABI na ng nakarating si berto sa lupang pabrika.

Napailing ito sa mga nagkalat na bangkay ng mga binarmyarang kidnapper.

Namataan niya sa dulo si leon na nakatayo pa rin at parang wala sa isip.

Agad niya itong pinuntahan at nakitang wala ng itim ang mga mata nito.

"Hmmm dahil sa kahinaan mo ikaw pa mismo ang nakulong sa sarili mong plano" ani ni berto ng bigla niyang sinampal ang mukha ni leon.

Tumilapon ng ilanh metro ang katawan nito at nanginig.

"PUTAAAAA!!! PATAYIN NYO YANNN!!!! sigaw nito at nagtaka sa nangyari sa paligid. Nakabalik na siya sa wisyo at nakita ang bangkay ng mga kidnappers.

" Oooowwwaaaahhhh!!!! nasuka siya sa mga nagkalat na utak at dugo. Di niya inakalang ganun ka brutal ang sasapitin nila sa kamay ni sting.

"B. . . B. . BOOOSSSSS???! Pasensiya na.

Agad lumapit si berto at hinakawan sa kwelyo si leon at itinaas. Agad nakadama ng takot kaya nagpumiglas ito para makaalis ng sinampal na naman ng pagkalakas . Tumilapon na naman at bumangga sa sementadong. Pader ang ulo nito.

Duguan na ang ulo at mukha ni leon na nanghihi...

About the Author :

razel22's Profile Picture

Joined: March 1, 2019 (3 years old)
Writings: 2
Male  ·  Online
Description:
Baguhang manunulat na may mapaglarong imahinasyon na naenggayong gumawa ng mga kwentong magpapasaya sa mga readers.

Sana supportahan ang aking kwento . Magcomment at mag likes para ma boost ang confedence. Salamat
Signature Text:
# STINGSKINARTS
30  ·  8  ·  23  ·  1,773
 · 

Comments
W
Waters
July 7, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update Sir:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
July 7, 2022 (1 month ago)

Thank you din po

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Reinhard1020
July 7, 2022 (1 month ago)

🥰🥰

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
July 7, 2022 (1 month ago)

😘😘

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Barcon
July 7, 2022 (1 month ago)

Thanks sa update👍🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
July 7, 2022 (1 month ago)

Salamat din

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
joseph020
July 7, 2022 (1 month ago)

nice nice slamt sa update sir ganda tlg pag gantong mga kwento

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
razel22's Profile Picture
razel22
July 7, 2022 (1 month ago)

Salamat din sa pag subaybay

# STINGSKINARTS

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments