M
E
N
U

Kambal Ng Tadhana 2.1 : Suko Na Si Jack

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: Taboo, Mature, Romance · Tags: , , , , , ,
Date: April 22, 2022 (26 days ago)


" Clear!!!"

Ang pagbomba ng mga doktor sa walang malay na katawan ng babae.

" No pulse"

" One more" ang sabi ng doktor.

" Clear"

" No pulse"

" One more"

" Clear"

" No Pulse" ang sabi ng nurse.

" Time of Death"

" 6:00 Pm" ang sabi ng doctor.

" Mam, we did everything" ang sabi ng Doctor sa isang babae na nasalikod ng kurtina ng OR.

Tumango lang ang babae at lumabas na ito.

" Prepare the body of the late Governor Daniels" ang utos ni Dok sa mga kasamahan at lumabas na ito.

++++++++++++++++++++++++++++++

Sa Hospital na kung saan dinala si Brett.

Nakaupo lamang sa sulok si Jack. Kita mo rito ang pagod at bigat ng kanyang nararamdaman.

Nakatingin lamang ito sa puting pader at halos hindi ito gumagalaw sa kanyang pwesto simula ng ipasok sa operating room si Brett. Tila ba may malalim itong iniisip.

Habang si Lola Erica naman ay tinitignan din muna ng doktor at nililinis ang mga sugat na tinamo nito sa kamay ng mga tauhan ni Gov at Tom.

Kasama nito ang kanyang matalik na kaibigan na si Aling Fumie na kasalukuyan nilalagyan ng bolsa de yelo ang bukol nitong tinamo.

" Mare, pasensya ka na" ang sabi ni Aling Fumie habang nakikita niya ang kaibigan na nililinisan ang mga galos nito.

" wag ka sa akin humingi ng tawad mare. Alam mo na kung kanino ka dapat humingi ng tawad" ang sabi ni Aling Erica.

" Alam ko mare at babawi ako" ang sabi ni Aling Fumie.

Habang ang magkaibigan naman na si Jade at Kyla ay kasalukuyan na nasa isang pasilyo na di kalayuan kay Jack.

" Jade, sana makaligtas si ate Brett" ang sabi ni Kyla habang nakasandal ito sa pader.

" Kawawa si kuya, ramdam ko ang pagsisisi niya dahil sa pinakita niyang asal kay ate Brett" ang sagot ni Jade habang nakakasandal din ito sa pader na katapat ni Kyla

" Makakaligtas siya, dahil babawi pa tayo sa lahat ng tulong niya" ang sabi ni Kyla.

" Oo naman at" hindi na natapos ni Jade ang sasabihin sa kaibigan ng biglang nagbago ang palabas sa tv sa pasilyo.

" Isang nagbabagang balita"

" Kinalulungkot namin na ibalita ang pagpanaw ni Gov Sally Daniels"

" Alas sais ng gabi ng binawian ito ng buhay"

" Ayon sa mga doktor, ay namatay ito habang inooperahan para tanggalin ang balang tumama dito"

" Si Gov Daniels ay naging biktima ng isang assassination sa presscon niya kaninang umaga"

" Hiningian namin ng pahayag ang Office of Governor, pero ayon sa isang staff nila ay maglalabas na lamang sila ng official statement"

" Kyla? Totoo ba ang narinig ko?" ang tanong ni Jade sa kanyang kaibigan.

" Oo, patay na si Gov. Ibig sabihin nagtagumpay si ate brett" ang mahinang sagot ni Kyla dahil baka may makarinig sa kanila.

" Kailangan malaman ito ni Kuya" ang sabi ni Jade at inaaya niya ito papunta sa pwesto ni jack.

++++++++++++++++++++++

" Mare, wala na si Gov" ang sabi ni Aling Fumie kay Aling Erica.

" oo nga,sana makaligtas talaga si Brett para maibalita natin ito sa kanya" ang sabi ni Aling Erica.

" Mga Mam, kailangan po namin kayo isedate para makapaghinga po kayo at makabawi ng lakas" ang paalam ng nurse sa kanilang dalawa.

Tumango ang dalawa at tinurukan sila ng pampatulog. Tsaka sila dinala sa kwarto na kinuha nila kanina.

Habang si Jack naman ay nakatingin lamang sa tv at hindi pa rin ito.

Di niya napansin ang pagdating ni Kyla at Jade.

" Baby,...

About the Author :

29  ·  3  ·  29  ·  2,379
 · 

Comments
Abet_29's Profile Picture
Abet_29
April 22, 2022 (25 days ago)

Sulit ang pag aantay
Mataminh salamat sa update
Stay safe

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
Marlon1964
April 22, 2022 (25 days ago)

Nice update salamat keep safe always

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
April 23, 2022 (25 days ago)

Welcome back Sir Salamat sa update:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments