M
E
N
U

Shorts: You're In Love

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Romance · Tags:
Date: April 21, 2022 (1 month ago)


This is a work of fiction... Any specific names of people, places, products, events, and organizations are just product of the author's imagination...

-----

Minsan nakakaloko rin ang tadhana. Yung tipong mapapailing ka nalang sa pang-aalaska niya sa iyo.

Habang minamasdan ko ang larawang nasa kamay ko, sa dinami dami ng kanta, bakit itong kanta pa ni Wilson Philips ang pinatugtog ng radyo. Habang kusang ninanamnam ng katawan ko yung intro ng kanta, di ko napigilang mapapikit. At sa loob ng isipan ko, muling bumalik ang kaganapan kaninang umaga.

Open the door and come in... I'm so glad to see you my friend... I don't know how long it has been... Having these feelings again...

Napalingon ako ng magbukas ang pinto ng simbahan. Mula sa maliwanag na background, unti unting nabuo ang kanyang pigura. Di ko mapigil ang ngiti ko habang pinapanood ko siyang pumasok, at magsimulang maglakad papapalapit sa akin. Siya na talaga ang pinakamaganda at wala nang gaganda pa sa kanya sa suot niyang wedding gown.

Naalala kong muli nung unang beses kong nasilayan ang ganda niya. That was years ago, nung college pa ako.

Nung college pa kami...

-----

1st year 2nd sem, kasama kong naglalakad sa campus ang college best friend kong si Jeff. Isang sem palang kami magkakakilala pero ewan, ambilis naming maging komportable sa isat isa kaya kami naging college best friends.

"Jeff! Pre!" tawag ng isang babae kaya napalingon kaming dalawa. "Tuloy ba climb next Saturday?"

Halos ma lost for words ako that time. Di pala halos, talagang naspeechless ako that time.

Shemay. Ang pretty niya. Yung dimples sa pisngi niya sobrang panalo pag nakangiti siya. Di ako magtataka kung isang kurap ko lang kausap ko na si San Pedro. yung ngiti niya kase, sobrang pamatay!

Alam mo yung parang biglang tumahimik ang mundo. Tapos para kang nanonood ng silent movie. Pinapanood ko lang siya habang patawa-tawa na nakikipag-usap sa college best friend kong si Jeff. Di ko alam kung gaano katagal yung tila silent movie na nagtatawanan silang nag-uusap basta napansin ko nalang na patingin-tingin na rin silang dalawa sa akin.

Wait!

Patingin-tingin din sa akin?

Doon lang ulit biglang nagnormalize ang mundo!

"Hoy Charlie!" malakas na natatawang sabi ni Jeff. "Tulala ka! Ano, member ka na rin?"

"Hah?" takang tanong ko dahil di ko maintindihan ang ibig sabihin ng tanong niya. "Member ng?"

"Loko loko ka Jeff!" natatawang sabi ng babae. "Mamaya mag-membership nga yan..."

Naghahalo na yung pakiramdam ko. Confused, naiilang, natatawa, tuliro at nahuhulog. Hindi, charot lang sa part na nahuhulog. Pero kind of na rin kase. Nakakatameme kase yung ganda ng kaibigan ni Jeff. Hahaha

"Te-teka ano bang pagmemember yan?" medyo utal kong paglilinaw.

"Fans club ni Andy!" mabilis na tugon ni Jeff sabay tawa.

"Hooooyyy!" natatawang sagot niya sabay palo sa braso ni Jeff. "Siraulo!"

Pero bumaling rin siya agad sa akin.

"Hi Charlie... Nice to meet you..." nakangiting sabi. "Andrea... Pero mas gusto ko Andy..."

Medyo di pa ako nakagalaw agad. Kaya ayun, isang alaska na naman ang kumawala mula kay Jeff.

"Oy Charlie? Ano na?" banat niya sabay kuha ng kamay ko para i-shake hand sa kanina pang nakalahad na kamay ni Andy.

"Ahh Hi! Nice meeting you Andy..." sagot ko na may kasamang effort na bawiin yung composure ko.

Pero shems. Ang init ng kamay ni Andy. At ang lambot. Matapos naming magkamay ay saka muling nag-usap yung dalawa.

"Nga pala lunch ko na… Kayo ba?" tanong ni Andy.

"Ayun kami rin… Sabay ka na sa amin…" sagot at yaya ni Jeff.

"Sakto!" sagot ni Andy. "Wala kase akong mahanap na kasabay…"

Patuloy lang sa kwentuhan ang dalawa hanggang marating naming and cafeteria at makahanap ng mesa. Dun ko rin nagets na legit palang may fans club itong si Andy. Umpisa palang kase ng pag-upo namin sa cafeteria, maya't maya ay may bumabati sa kanya. Yung iba pa nga ay nagtanong kung pwedeng makishare ng table sa amin. Pero nag-iinsist si Andy na may pinag-uusapan kaming private matter kaya hindi pwede. Maya-maya at nag senyasan yung dalawa, kaya naman siniko ako ni Jeff. Pero di ko na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Ano ba yan… Ang slow..." pahagikgik na sabi ni Jeff. "Lipat ka tol sa tabi ni Andy para walang mangulit."

Napatingin agad ako kay Andy at nakangiti siyang itinuturo yung bakanteng upuan sa tabi niya. Gusto ko sana pumalag pero dahil 2 votes to 1 ang nangyari, wala akong nagawa kundi lumipat sa tabi ni Andy.

Naamoy ko agad yung halimuyak niya. Ambango. Hindi siya yung pang romansa na amoy, it's more of like relaxing na bango yung dating. Nagsimula na uli pag-usapan ng dalawa yung tungkol sa parating na climb at halatang halata kay Andy na excited na excited siya. Di ko alam pero nung lunch na iyon mismo ay napasali ako ng dalawa sa Mountaineering club.

"Langya ka Charlie! Tagal kitang pinapasali sa club, si Andy lang pala makakaconvince sa 'yo!" pang-aalaska sa akin ni Jeff. "Wala na! Member na to ng fans club mo Andy!"

"Oy Jeff loko ka!" singit ni Andy. "Pero okay lang kung maging member siya... At least may friend akong member ng fans club ko…"

Sabay pang nagtawanan yung dalawa.

"Oy ano na Charlie! Ngayon ka lang ata nahuli makaubos ng pagkain?" dagdag pang-aalaska ni Jeff.

Totoo naman. Nakakailang kase kumain sa tabi ng isang dyosa.

After noon ay naging madalas ang pagsabay sa amin ni Andy ng lunch. Dumating yung araw ng climb. Ako yung nagmistulang bantay kay Andy. Kaya yung mga members ng fans club niya na sumali sa mountaineering club eh di makapag pacute sa kanya. After nun, nagging mas close sa amin si Andy. Naging trio na kami.

Halos araw araw kaming tatlong sabay sabay na kumakain. Tapos may tambay pa after school. Tuluyan kaming napalapit sa isa't isa. Lagi kaming present pag may climb or hiking yung club. Madalas din magkayayaan gumimik. Pag may problem ang isa sa acads, nagtutulungan kaming tatlo kahit iba iba kami ng course.

Pero ako, nagsisimula na akong magkagusto sa kanya. Hanggang makagraduate kaming tatlo, nanatili kaming magkakaibigan. At kasabay nun ang pagkadevelop ng nararamdaman ko kay Andy. Ramdam ko sa sarili ko, na may pagmamahal na akong nararamdaman para sa kanya.

Pagmamahal na hindi ko kayang aminin sa kanya.

Kahit pang alam kong nadadama naman niya na espesyal ang tingin ko sa kanya. Kahit si Jeff ay nadama rin yun dahil minsan na niya akong kinumbinsi na umamin. Di ko alam, pero nahihirapan talaga akong sabihin sa kanya na gusto kong maging akin siya. I guess takot ako sa rejection. And yung possibility ng pagkasira ng friendship namin after that rejection. Kaya mas nangibabaw sa akin yung idea na i-keep yung friendship at maghintay sa tamang pagkakataon.

Pero isang trahedya ang sumubok sa samahan naming tatlo.

Just about 3 years after graduation, naconfine si Jeff sa hospital. And the lab tests showed Leukemia. Tinulungan namin si Jeff on his battle. Kaya mas lalong naging close kaming tatlo.

After almost a year, nagtext sa akin ang mommy ni Jeff. It was December and Christmas is just a few days away. Pinapapunta raw niya kami ni Andy sa hospital.

Sinundo ko muna si Andy. Just like me, she brought her Christmas gift for Jeff and me. Tradition na naming tatlo ang mag exchange gifts tuwing Christmas. Jeff was happy nung dumating na kami. After ng kwentuhan, we did our exchange gifts.

Then he made his speech.

Dama raw niya na di niya kakayanin. Nagpasalamat siya sa amin ni Andy. Baka raw mas maaga siyang natalo kung wala kami sa tabi niya. He then took out a pair of locked wooden boxes and their respective keys.

"Wag niyong buksan yan hanggang nandito pa ako..." bilin niya.

"I'm losing my battle... I can feel it... Pero para sa inyong dalawa, Charlie and Andy... I will never lose hope for a miracle... I will hope until the end na sana..." dagdag niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. "na sana pagtanda pa natin yan buksan..."

Di kami makapagsalita ni Andy. We both don't know what to say. Napayakap siya sa akin. At gayun din ako sa kanya. Sa dibdib ko umiyak si Andy.

"Ang cute niyo..." biglang sabi ni Jeff. "Bakit kase hindi nalang maging kayo..."

Napatawa tuloy si Andy kahit umiiyak.

"Ikaw talaga Jeff... Panira ka ng moment..." sabi niya habang nanatiling nakayakap sa akin.

Ewan ko ba. Pero di ako bumitiw ng yakap kay Andy. For some reason, I felt na she needed it. We both needed it.

"Edi ganito na kami lagi sa harap mo..." biro ko. "Kahit tumanda ako... Okay lang sa akin na maging ganito kami sa harap mo..."

Tumawa muna si Jeff bago siya nagsalita.

"Sige ba... I'll hold on as long as I can... Malay niyo, maging totoo... Ayyiiiieee..."

"Naman pre…" sagot ko. "Kelangan best man kita sa kasal namin ni Andy…"

"Hala… Eh siya nga maghahatid sa akin sa 'yo… Siya yung kukunin kong sub ni Daddy…" patungkol ni Andy sa yumao niyang ama.

"Di pwede… Best man ko siya… Mas bagay siya dun…" sagot ko.

"Eh bakit?" pataray na sagot ni Andy. "bagay rin naman siyang sub ni Daddy…"

"Bahala kayo diyan…. Di pa nga kayo, may arguments na agad. Toss coin nalang…" biro ni Jeff.

Nagtawanan kaming tatlo.

"I hope na that will not be the last Christmas gift I'll give you guys..." malungkot na sabi uli ni Jeff. "Pero if in any case it ends up that way... Please promise me that you'll only open my final gift when I'm gone..."

We kept our promise to Jeff. Pagkauwi ko ay itinago ko lang ang box na iniwan niya.

We went on with our usual life routines. Jeff never stopped fighting. Isa sa mga naging motivation niya yung pretend-couple namin ni Andy na requested niya. Sobrang kinikilig si loko pag para kaming magjowa ni Andy sa harap niya. There was even a time na he made a bet with me. Nung dalawa lang kami sa room niya kase maraming tinatapos na deadlines si Andy. Pag nanalo raw siya sa battle niya against cancer, kelangan ko...

About the Author :

Panatiko's Profile Picture

Joined: April 12, 2018 (4 years old)
Writings: 35
Male  ·  Offline
Description:
I crave too much for the things that I want...
Signature Text:
Don't confuse me with a devotee...
9  ·  6  ·  13  ·  1,136
 · 

Comments
yulica's Profile Picture
yulica
April 21, 2022 (1 month ago)

how sad.... bakit kasi antagal pang umamin. bakit kasi naduwag. bakit kasi nahiya. may fear of rejection. may fear of losing the friendship and trust. kaya naunahan.
pero mas okey na rin kasi best friends forever na sila. no strings attached.

no strings attached

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Crystalite's Profile Picture
Crystalite
April 21, 2022 (1 month ago)

Nung nakita ko ang title, I immediately thought of the song. I was right.. Brings back so many memories

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
holapineapple's Profile Picture
holapineapple
April 21, 2022 (1 month ago)

Nice one panats 🤟

Already taken by myself

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Cis23's Profile Picture
Cis23
April 21, 2022 (1 month ago)

How does it feel to see the person you love/d get married to someone else? It feels like nightmare that will never end! The solution:ACCEPTANCE.It's a reality that u have to accept no matter how hard it is.The truth is,the pain you've felt will surely heal over time yet the love you've felt will always remain in your memory.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Thedawnowldesuuuu's Profile Picture
Thedawnowldesuuuu
April 21, 2022 (1 month ago)

Ang sakit.. pero yon, kapag happiness ang pinaguusapan, siguro we really have to find a way how to accept things.. Do'n ka/siya masaya, taggapin kahit sobrang sakit. I remember my regrets.. regrets for not telling someone how I really feel (alam mo yan)..
Nice one🤘

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Jay0630
April 21, 2022 (1 month ago)

wala talagang naidudulot na maganda ang pagiging torpe , lalo nat sa umpisa ay meron namang chance , pero sinayang lang .

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments