M
E
N
U

Ang Nagmamakaawang Pag-ibig

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers, Mature, Romance · Tags: , ,
Date: March 31, 2022 (1 month ago)


Kabanata I: Ang Simula Ng Kwento Nina Alexander, Isabel at Leandro

*****

[SA KASALUKUYAN]

Alex

Masaya ako sa kung ano mang meron ako ngayon sa aking buhay. Hindi man ganoon kayaman tulad nang iba pero masasabi kong kuntento na ako sa naabot ko. Isa na'kong imbestigador/detective na may ranggong Police 2nd Lieutenant sa aming istasyon. Si misis nama'y nagresign sa money-lending company na kanyang pinagtrabahuan noon at ngayo'y nagtatrabaho na siya bilang akawntant sa isang malaking business firm sa bansa. May dalawa na rin kaming anak, sina Ameera at Steven. Si Ameera'y nag-aaral na bilang kinder habang si Steven nama'y pinasisimula na rin namin sa daycare centre. 5 taong gulang na si Ameera at si Steven ay 3 taong gulang pa lang.

Tulad nang sabi kong maganda si misis eh ngayon mas dumoble pa ang alindog nito. Bagay na bagay kasi kay misis ang pagiging malaman sa tangkad niyang 5 talampakan at 3 pulgada. Kung maputi na siya noon eh mas lalo naman ngayon dahil sa mga produktong pampaganda 'tsaka idadagdag ko pa ang kakinisan ng kanyang balat. Kaya alam na alam kong maraming kalalakihan ang nagpapalipad-hangin at nagpapa-pansin sa kanya. Sa kanyang edad na 35 ay marami pa ring nag-aakala na siya'y nasa late 20's lang dahil na rin siguro sa kanyang kaliitan. Marami nga sa mga kasamahan ko ang nagsasabing napaka-swerte ko raw dahil pang-kama daw talaga ang katawan ni misis. Hindi ko nagustuhan 'yon kaya muntik na kaming mag-away nang katropa kong iyon.

Nandirito ako ngayon sa isang lugar na sinasabing dito daw nakatago ang pinaghahanap na pugante dahil sa kabilaang kaso nito na may kinalaman sa panggagahasa't pagpatay sa iilang babae na ang 2 pa rito'y mga anak ng pulitiko. Papalapit na kami sa bahay na pinagtataguan mismo nang suspek nang sa 'di inaasahan ay may mga bakal rin pala itong mahahaba kung kaya't nagka-resulta ito sa barilan habang ito'y tumatakas. Kaagad kong ipinagalaw ang aking mga kasamahan at sinabihan silang mag-ingat. Dahil sa skwater area ang lugar ay medyo nahirapan kami sa pag-approach dahil sa makipot na mga eskinita at marami ring tao. Naispatan kong papatakbo na ito sa labasan kung kaya't sinigawan ko itong tumigil na sinunod rin naman niya saka ko ito sinabihang lumuhod at itaas ang mga kamay na nakalagay sa likod ng ulo nito. Subalit, sa aking paglapit ay hindi ko inaasahan na gagalaw siya nang pabulusok papunta sa kung saan nakalatag ang iwinaksi niyang baril pagkatapos ay pinaputukan niya'ko na tumama sa aking dibdib. Hindi ako nakagalaw at napahiga nalang ta's nagdilim nalang ang aking paningin, rinig ko pa ang pagputok muli nang isa pang beses at kitang-kita ko ang pagdalo sa akin nang mga kasamahan ko.

*****

[LIVE REPORT]

Nandidito tayo ngayon sa isang lugar na kani-kanina lamang ay may nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis at ng mga salarin. Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, sinasabing ni-respondehan daw nang mga pulis ang natanggap nilang ulat na dito daw sa lugar naglalagi ang pinaniniwalaang gumahasa at pumatay sa mga kababaihan noon na ang dalawa pa'y mga anak ng pulitiko.

Nasawi ang suspek na kinilalang si Alyas Batak na 'di umano'y miyembro pa ng isang sindikato na nag-ooperate dito sa kalakhang Maynila. Mabuti na lamang ay walang nasawi sa panig ng ating mga kapulisan at walang nadamay na mga sibilyan pero sinasabi nang mga nakasaksi na dinala raw sa isang ospital si Imb. Alex de Jesus matapos tamaan ng bala sa dibdib.

Sa napanood at narinig ay dali-daling dinampot nang ginang ang kanyang selpon sa mesa at idinayal ang numero ng nais tawagan. Hindi sumasagot ang taong nais niyang tawagan kaya nag-aalala na siya hanggang sa nahinto ang pag-tunog nito, ilang beses niya pa ulit itong idinayal pero wala pa rin kaya mas lalong nabalot sa kanyang sarili ang pag-aalala't pagka-takot sa maaaring nangyari. Ilang minutong pagka-tulala'y tumaginting ang selpon niya kaya mabilis niya itong dinampot.

"He-Hello?", tanong nito sa taong nasa kabilang linya.

"Hello, Isabela. Si Tsip Romulo ito...", sagot nito sa kanya. Dahil sa pagpapakilala nito'y napaisip ang ginang kung ano na ang nangyari sa kanyang mister at kung bakit ito napatawag.

"Uhm... Hello po, Sir. Bakit po kayo napatawag, tungkol po ba ito sa nangyaring barilan? May nangyari po ba kay Alex?", nangangambang tanong niya. Napabuntung-hininga ang hepe at napahimas sa kanyang noo.

"Hmmm... Napanood mo na pala. Oo, tungkol ito sa nangyaring barilan kanina. Ano kase, may nangyari kasi kay Alex pero hindi naman malala or ano... natamaan lang siya nang bala sa dibdib. Huwag kang mag-alala dahil nakasuot naman siya ng kevlar vest noon, tinawagan lang kita para ipaalam sa'yo. Dinala lang namin siya sa ospital dahil nagka-shock siya, first time pa palang matamaan noon kaya gano'n talaga.", paliwanag nang hepe.

"Hayyy... Hallelujah, praise the Lord. Mabuti nalang po at hindi naman pala malala ang nangyari sa kanya. Salamat po sa pagpapa-alam sa amin eh kailan naman po siya makakalabas?", huling katanungan ni Isabela sa hepe.

"Ahhh, tulog pa kase hanggang ngayon. Sabi nang doktor eh sa oras na magising siya'y makaka-labas na rin siya agad.", sagot nito.

"Gano'n 'ho ba? Sige, maraming salamat po at magandang gabi po sa inyo.", nagpaalam na silang dalawa sa isa't isa bago ibinaba ni Isabela ang selpon at napahinga nang maluwag.

Nagtungo siya sa kanilang pridyider para uminom nang malamig na tubig sa idinulot na kaunting pangamba at stress ng tawag na iyon kani-kanina lamang. Pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang laptop at nag-saliksik hinggil sa nangyaring barilan na naibalita. Matapos nito'y tiningnan niya na rin ang emails niya at baka sakaling may mga mahahalagang bagay na dapat niyang malaman lalo na sa kanilang trabaho sa opisina.

Sa mahimbing niyang pagtulog ay may naririnig siyang boses na tila tinatawag siya't hinahanap-hanap, hinanap niya kung saan nangga-galing ang boses na ito. Nakita niya ang lalaking tila kawangis ng kanyang mister na si Alex, tumakbo siya nang mabilis papa-lapit dito ngunit tila ba'y hindi siya makarating sa kinatatayuan nito. Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa napagod na rin siya at huminto. Nakita nalang niya na mag-bigkas ito nang "paalam, mahal ko" sa kanya at unti-unti itong naglalaho, hinabol niya ulit nito ngunit 'di pa rin niya ito ma-abot. Nagising nalang siyang dilat na dilat ang mga mata, malalalim na hininga ang pinapakawalan 'tsaka kinakabahan at naka-dukwang ang kanang kamay na tila may gustong abutin.

Pagtingin niya sa kanilang orasan ay alas 4:30 na pala ng madaling araw at pansin niyang tuma-taginting ang kanyang selpon. My King, basa niya. Mabilis pa sa alas kwatro niya itong dinampot saka sinagot ang tawag.

"Mahal? Mahal, ikaw ba talaga 'yan?", galak niyang tanong sa kabilang linya. Narinig niyang napa-halakhak ang kanyang mister kaya sinimangutan niya ito sa tawag.

"Mahal naman, ayaw mo ba akong pagbuksan? Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo'ko sinasagot, pagod na pagod na'ko sa kakatayo dito.", pagpapakyut nito sa misis.

Pinatay na kaagad ni Isabel ang selpon at dali-daling bumaba at lumabas nang bahay. Pagbukas ni Isabel sa kanilang gate ay binati siya ni Alex, magsasalita pa sana ito pero naunahan na siya ni Isabel. Mahigpit siya nitong niyakap, naka-subsob ang mukha sa balikat ng mister at naririnig nitong mahinang humihikbi ang misis kaya inaalo-alo niya ito sa pamamagitan din nang pagyakap dito at paghagod sa likod ng misis.

"Shh-shhh... Tama na 'yan, Mahal. Tama na ang iyak na 'yan. Nandito na ako, buhay na buhay. Still alive and kicking!", pang-aalo ni Alex sa butihing misis.

"Huhuhuhu... Ayoko, Mahal. Hayaan mo muna akong umiyak dito. Akala ko napano ka na sa operasyong ginawa niyo na nabalita. Huhuhu...", pahikbi niyang salita.

"Mahal, kailangan ko nang ipasok ang sasakyan sa loob. Sige na, baka mapa'no pa tayo dito 'tsaka, nakakahiya sa mga kapitbahay natin. Sa loob na tayo mag-usap...", wika ni Alex.

"Um!", pagpayag ng misis.

*****

Isabel

Hindi niyo'ko masisisi sa kung ano man ang nagawa ko kanina kay mister dahil sa naramdaman ko noong mabalitaan ko ang nangyari sa kanya. Hindi ako mapakali at aligagang-aligaga ako sa sarili ko mismo. Hinainan ko si mister nang maagang pang-almusal, kape 'tsaka pandesal at naupo na ito sa hapag para makapag-usap nang masinsinan.

"Alam kong marami kang gustong sabihin sa akin, Mahal. Pero uunahan na kita, ayos lang ako at walang masamang nangyari sa akin.", paunang-bigkas ni Alex.

Habang nag-uusap kasi kami ay nagluluto na ako nang pang-agahan naming mag-pamilya.

"Hindi naman kasi ganoon 'yon, Mahal. Sana man lang eh sinabihan mo akong may gagawin pala kayong operasyon para hindi ako magulat na habang ako'y nandirito lang sa bahay eh ikaw nakikipag-barilan at nakikipag-habulan sa kung sino mang mga Ponsyo Pilatong 'yan. At para maipagdasal kita na sana'y walang mangyaring ganyan sa'yo, sana nama'y naiintindihan mo'ko, Mahal.", hinaing ko.

Alam kong narinig niya ang sinabi ko at nakita kong parang na-guilty siya. Humigop ito nang kape bago tumayo, lumapit sa akin at hinagkan ako habang niluluto ko ang aming pang-agahan.

"Sorry na, Isay... Alam mo naman ang dahilan kung bakit 'di ako nagpapaalam 'diba? Ayoko lang naman kaseng mag-alala ka.", lambing ni Alex sa akin.

"Hmp! Bahala ka d'yan. Maghanda kana nang mga plato't kutsara d'yan para makakain na tayo pagkagising nang mga bata. Malapit-lapit na rin 'to at kailangan ko na ring maghanda papasok sa trabaho.", mariin kong utos sa kanya na kunyari ay nagga-galit galitan ako.

"No problemo, Komander!", sagot niya saka ginawa ang iniutos sa kanya. Palihim akong napangiti sa sinagot niya.

Alas 5:30 ng umaga'y nakapag-agahan na kaming mag-pamilya at pagkatapos ay sabay-sabay ko nang niligo ang aming mga anak kasama ko. Pagkatapos namin ay sumunod naman agad si Alex hanggang sa pormado na kaming lahat at tatahakin nalang ang daanan patungo sa paaralan at pagtatrabahuan naming mag-asawa. Bago magpaalam ay hinalikan namin ang pisngi ng aming mga anak saka hinatid ni Alex ang mga bata papasok sa mga silid-aralan nito.

*****

Buong araw ay abala ang mag-asawa sa kani-kanilang mga ginagawa sa trabaho. 'Tsaka bukod sa trabaho ay palihim ring ini-imbestigahan ni Alex ang pagkamatay nang kanyang mga magulang, inaalam niya ang pagkaka-kilanlan ng mga ito at kung saan ito nakatira. Hinding-hinding niya kailanman malilimutan ang pangyayaring iyon na bumasag sa kanyang pagkatao. Dito rin niya nalamang basta-basta nalang palang i-sinarado ng mga kapulisan ang kasong ito dahil sa kahirapan ng mga biktima at isa pa'y wala ring mga ebidensya ang makakapag-turo sa mga salarin.

Kina-hapunan ay tinatahak na ni Alex ang daanan papunta sa pinagtatrabahuan ng kanyang misis. Nasa bahay na nila ang kanilang mga anak dahil hanggang 3 oras lamang aabutin ang klase ng kanilang bunso at hanggang alas 12 nang tanghali lang ang sa kanilang panganay na nasa kindergarten. Pagdating niya sa pinagtatrabahuan ni Isay ay wala pa ito, hindi pa nakakalabas sa trabaho kaya tinext niya ito at sinabing hinahanap na niya ito para makauwi na sila, nagreply naman si Isay na mag-oovertime daw sila ng mga katrabaho niya dahil marami daw ang ipinapa-gawa at ipinapapasa sa kanila sa nakatakdang araw kaya todo kayod sila ngayon. Naintindihan naman ito ni Alex at sinabing hihintayin nalang niya ito sa parking lot na sinang-ayunan rin naman nang misis. At sawakas, bumaba na rin ang misis niya kaya bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan si Isabela pero bago pa'yon ay binati niya muna ang misis at hinalikan ito. Nakarinig pa sila nang mga pa-kilig na tili mula sa mga katrabaho ng misis niya na kanya namang ipinagmamalaki't ipinagmamayabang sa lahat.

"Hello, my beautiful son and daughter!", bati ni Isabela sa kanilang mga supling.

"Good evening, Mommy! Good evening, Daddy!", magkasabay namang bati nang dalawa sa kanila.

"Nakapag-hapunan na ba kayo?", tanong ni Alex. Umiling sila.

"Uhhh... Gusto kase nila na sabayan kayo sa pagkain kaya kahit ano'ng pilit ko d'yan sa dalawa eh 'di talaga sila kumain hangga't 'di kayo dumarating dalawa.", sabat naman ni Manang Lucena. Siya ang kanilang ipinagkakatiwala sa kanilang mga anak sa t'wing papasok ang mga ito sa paaralan. Tumandang dalaga na si Manang Lucena, 47 taong gulang. Hindi na ito nakapag-asawa simula noong iniwan ito nang nobyong naka-relasyon nito sa loob ng 15 taon. Mga pamangkin lang nito ang kasa-kasama sa bahay na pagmamay-ari niya.

Kumain na ang mag-pamilya't isinama na rin nila si Manang Lucena para hindi na nito ka-kailanganing maghapunan pag-uwi nito sa kanila. Pagkatapos nilang maghapunan ay pinauwi na nila si Manang, anong oras na rin kase baka mapano pa ito kung magtatagal pa ito. Pinaliguan naman ni Isabela ang kanilang mga anak para sa mahimbing na pagtulog ng mga ito. Matapos siguruhin ni Alex ang mga daanan at pintuan sa kanilang bahay ay nagtungo na rin ito sa kanilang kwartong mag-asawa.

"Oy, witweew... Kinis at seksi nitong babaeng 'to ah.", pahaging-pansin nito sa misis na naglalagay ng lotion sa katawan.

"Hmmm... Ang bango pa, 'tangina! Kaka-libog ka naman, Mahal.", dagdag pa nito. Nahampas ito ni Isabela at pinagsabihan ang mister na hinaan ang boses dahil baka marinig ito nang mga anak nila.

Hinagkan ni Alex si Isabela mula sa likod at nagpaugoy-ugoy ang kanilang pangangatawan na parang sila'y nagsasayaw nang pang-romansa kahit wala namang tugtog, ang ginagawa lang ni Alex ay humuhuni-huni para makapag-likha siya ng tunog na pang-sayaw. Habang nagsasayaw ay inabot ni Isabela ang ulo ni Alex gamit ang kanang kamay at hinahagod-hagod ito kasabay nang paghagod ng kanilang mga katawan at inilapat nito ang kaliwang kamay sa nakayapos na bisig ng mister. Bumulong si Alex sa tainga ni Isabela nang mga nakakakilig at nakakagalak na mga salita at inihayag din niya ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling yaon na hindi na nila nagagawa nang ilang taon.

"Nami-miss ko ito, Mahal. Matagal-tagal na rin ang nakalipas nang huling gawin natin ito.", mahinang sambit ni Isabela.

"Oo nga, 'di na natin namalayan ang bilis ng panahon. Handa ka ba kung aayain kita nang ganito?", tanong ng mister.

"Syempre naman, minsan na nga lang mangyari ta's tatanggihan ko pa ba? Pero saan naman tayo mamamasyal?", balik-tanong ng misis.

Sumagot si Alex na siya na ang bahala doon basta't kapag darating man ang araw na'yon ay handa si Isabela. Humarap na si Isabela kay Alex at nagkatitigan ang mag-asawa, iniyapos nang misis ang bisig sa batok ng mister habang nakahawak naman si Alex sa baywang ng misis. Nagka-ngitian ang dalawa at biglang parang nag-slowmo ang kanilang paligid, unti-unting nagkalapit ang kanilang mga labi. Hanggang sa tuluyan na ngang nagkasugpong ang labi nila sa isa't isa, halik na punong-puno ng pagmamahal. Marahan lang ang kanilang paghahalikan, 'di sila nagmamadali. Napahawak si Alex sa mukha ni Isabela. Dahan-dahan sila napalakad tungo sa kanilang kama at inihiga ni Alex si Isabela.

"Napakaganda mo talaga, Mahal ko... Walang makakapantay sa alindog mong daig pa ang pinaka-maningning na brilyante.", puri nito sa misis.

Napaiwas naman si Isabela nang tingin sa mister at ramdam niya ang pamumula at panginginit ng mga pisngi niya. Napatawa nang bahagya si Alex. Hinubad niya ang kanyang damit pang-itaas at dinaganan ang misis niya. Nagka-lampungan silang muli, maalab na ito at naglilikha ng mamasa-masang tunog.

*Shlup* *Shlup* *Shlup* *Shlup*

"Um! Hmmfff... Hmmfff... Mwwah! Mwwah! Mmmh...", natatakpang ungol ng dalawa.

Dahan-dahang pababa ang mga halik ni Alex, pinanggigilan nitong samyuin ang kabanguhan ng misis sa leeg. Ang kaliwang kamay niya'y napadakma sa kanang suso nito at banayad na pinipiga at lamas kahit na may takip pang nightie nito. Kasabay din nito ang padiin-diin din niyang panga-ngadyot sa kanyang misis, pinapa-taas talaga ang antas ng kalibugan ng misis niya.

"Unnghhh... Haaa-ang sarap, Mahal. Ooohhh...", ungol ni Isabela.

Sa kailaliman nga nang gabi, sa tahimik na kapaligiran at sa maliwanag na sinag ng buwan. Sa isang bahay ay may dalawang magka-pareha ang sumasayaw at nagpapaka-lunod sa tawag ng kanilang kalamnan.

*****

Sa kabilang banda nama'y may lumapag na helikopter sa isang helipad ng isang mataas at matayog na gusali. Lulan nito ang tinik sa pagkatao ng pulis na si Tinyente Alexander de Jesus. Walang iba kundi si Leandro Salvacion, ang bully nito.

"Magandang gabi, G. Salvacion.", bati ng isang matandang lalaki at yumuko bilang paggalang sa lalaki.

Malaki na ang ipinagbago sa buhay ng taong ito simula noong ipalipad siya ng kanyang angkan sa bansang Estados Unidos. Simula noong nandoon siya'y itinakwil na siya ng kanyang angkan, maging ng kanyang mga magulang kaya naghirap talaga siya sa dayuhang bansa. Nandidito siya ngayon dahil sa pagpupulong na gaganapin na ang paksa'y patungkol sa pagbili niya sa isang malaking kumpanya na sumesentro sa tele-komunikasyon. At nang natapos na nga ito'y tuluyan nang napasa-kanya ang kumpanyang ito.

"Congratulations, Mr. Salvacion. Congratulations.", sabay-sabay na bati ng lahat at nagpapalakpakan at isa-isang nakipagkamay ang mga ito.

Nagsabi si Leandro sa kanyang sekretarya na kailangan na nilang umalis para magpahinga. Agad-agad namang ipinahanda ng sekretarya ni Leandro ang sasakyan nila sa ibaba ng gusali bago sila umalis nang wala man lang pagpapaalam sa mga ibang tao sa kumpanya.

Sa Okada Manila naka-checkin si Leandro at tanging siya lang ang nandito, walang ibang kasama. Tsinek na niya ang mga mensaheng matatanggap niya ngayon nga na siya na ang may-ari ng pinakamalaking telecom company sa bansa. Hindi na rin naman ito isina-publiko dahil hindi na rin naman kailangan at isa pa'y ayaw niya rin ito. Habang tini-tingnan niya ang emails niya'y tumaginting naman ang kanyang selpon, pagtingin niya'y may tumatawag.

"Oy, Pareng Leandro! Kamusta na?! Tagal mong 'di nagpakita sa amin ah, jam naman tayo oh.", wika ng nasa kabilang linya. Inaasahan na niyang tatawag ito sa oras na malaman nitong nakauwi siya ng Pilipinas.

"Nasaan ka ba? Kasama mo ba silang lahat?", tukoy niya sa mga tropa niya bago siya itakwil ng angkan niya.

"Oo, kasama ko sila. Pero 'di tayo kumpleto, Pre. May kulang, alam mo naman na may kanya-kanya na tayong buhay. Kaya, nahihirapan na rin ang iba sa atin...", sagot nito.

"Osige, pupunta ako d'yan. Saan ba'yan? Itext mo nalang ang address.", tugon niya bago ibinaba ang selpon at nag-ayos nang sarili saka umalis na. Nagsama siya nang dalawang bodyguard sakaling may mangyaring 'di inaasahan. Nang mabasa niya ang address ay sinabi niya ito sa kanyang tagapagmaneho.

Nakarating siya sa isang magara at mamahaling restawran, mala-mansyon ang disenyo nito, malalaman mong yayamanin ang may-ari nito. May nagbukas na valet sa kanyang pintuan at ibinigay ng tagapagmaneho niya ang susi ng sasakyan bago sila pumasok. Marami-rami rin ang kumakain na alam mong mayayaman din pero hindi niya alam kung bakit karamihan sa mga ito ay nagawi ang paningin sa kanila. Pagka-kausap nila sa receptionist ay iminuwestra na sila ng isang waiter sa kung saan man nakapwesto ang kanyang mga kikitain. Nasa VIP room ang mga ito at nang makita siya ng isa sa mga kaibigan niya'y tumayo ito at nakipag-shake hands sa kanya, ganoon din ang iba at beso naman sa mga kasamahan nilang mga babae.

"Bigtime na ah. May mga bodyguard ng kasama.", wika ng kaibigan niyang katawagan niya kanina. Si Victor, ang may-ari ng restawran kung nasaan sila ngayon.

"Hahaha! Ako pa ba, eh noon nga lahat ng mga gusto ko ay napapa-sakin. Ito pa ba? Maliit na bagay lang 'to.", tugon niya na bakas pa rin ang pagiging hambog nito.

"Teka, ano bang trabaho mo, Lean? Bakit may pa-bodyguard ka pa?", tanong ng isang babae sa grupo nila, si Alena. Isang doktor sa isang tanyag na ospital sa bansa.

"Ahhh... Hehehehe, sabihin na nating negosyante at imbestor lang ako.", sagot niya sa mga ito.

Lima silang lalaki na nandidito, siya, si Victor, si Isidro na negosyante rin na nakasentro sa mga establisyementong masasabi nating labag sa lipunan tulad ng club at pasugalan, si Romano na isang mataas na engineer at si Jorge na isang mataas na opisyal sa kapulisan. Tatlo lang ang babaeng kasama nila ngayon dahil ang dalawa'y 'di makakadalo. Si Alena na tulad nang sabi ko'y isang doktor, si Valentina na isang abogada at si Jasmine na may-ari ng modelling agency na isa ring model noong kabataan nila.

"Eh, dito ka na ba talaga for good, Pareng Lean?", tanong ni Jorge.

"Ah, oo. Dito na'ko magste-stay for good, mga Pre. Tapos na rin naman ang obligasyon ko sa ibang bansa kaya dito na talagaako.", sagot niya.

"Ayos. Cheers!", itinaas nila ang hawak na baso sabay tunga nang iniinom nilang alak.

"Eh, kamusta naman na puso mo ngayon, Lean? Masaya na ba o patuloy ka pa ring umaasa sa pag-ibig ng babaeng 'yon?", tanong ni Jasmine na nagpa-tahimik saglit sa lahat.

"Ahhh, wala na. Matagal na'yon eh. Mas mabuting wala na at pakantot-kantot nalang para walang responsibilidad na dadating sa'yo. 'Diba? Hahahaha!", sagot niyang muli.

"Oy! Balita ko, may asawa na raw 'yon eh. Hindi ba't si Isabel ang tinutukoy niyo? Oo, oo, may asawa na nga siya. Sino nga ba'yon?... Ah, oo, siya nga. Natatandaan ko na, si Alex na lagi nating binubully noon. 'Yung lampa, hampaslupa at patay-gutom na 'yon. Siya nga ang asawa ni Isabela.", biglang sabat naman ni Isidro.

"Tangina, jakpat 'yung mokong na'yon ah. Ang ganda-ganda ba naman ni Isabela ta's magpapatali lang siya sa basurang 'yon. Sayang lang 'yung ganda niya. Ano ngang pangalan nung lalaking 'yon?", segunda naman ni Valentina.

"Kasasabi nga lang na Alexeh..."

"Alex, ano nga? Anong apilyedo niya?"

"Alexander de Jesus. 'Yan ang buong pangalan niya.", mariing sagot ni Leandro na nagpatingin ng derecho sa lahat at napatahimik dahil sa nakikita nila sa kaibigan.

Matalim ang mata ni Leandro na nakatingin sa mga kaibigan, at inis na inis siya sa kaisipang ang basurang si Alex ang bumihag sa puso ng babaeng pinaka-minamahal niya noon pa man. Hinding-hindi matatanggap ng kanyang sikmura na sila ngang dalawa ang mag-asawa. Hindi naman ito naging parte ng kanilang grupo, pero ito lang ang babaeng pinaka-iniingatan noon ni Leandro. Nabaluktot niya ang kutsarang hawak dahil sa matinding pagka-piga niya rito na dahilan rin para mangamba ang kanyang mga kaibigan dahil sa kilala nila ito kung anong klaseng tao ito kapag nagagalit.

*****

Alex

Ilang araw makalipas ay mas ginanahan akong magtrabaho dahil sa aking pamilya. Sunod-sunod rin kase ang mga naso-solb naming kaso sa kabila ng pagiging mahirap nitong i-solb dahil sa mga samu't-saring bagay. Marami ang bilib sa akin, sa aming grupo dahil sa mga nagawa namin kaya minsan, 'di maiiwasan na may inggit at ayaw sa amin dahil ayon sa kanila'y ginagawa lang daw namin ito para magpa-pansin at magpa-sipsip sa mga nakatataas.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Pasok.", wika ng taong nasa silid. Pumasok ako't sumaludo na kanya rin namang sinuklian.

"Tsip, pinatawag niyo raw ho ako?", tanong ko rito.

"Ah... Oo, Tinyente. Pinatawag nga kita para kausapin."

"Ano ho bang kailangan nating pag-usapan?"

"Tungkol ito sa bagay na napagma-masdan ko sa'yo. Alam ko, magaling kang pulis, matapat sa serbisyo at sa masa, at matulungin. Pero alam mo na simula palang nung nasa serbisyo ka'y wala ka pang ni-isang beses na nagleave. Hindi naman sa pinapakialaman ko ang buhay mo pero wala naman sigurong masama doon pa-minsan minsan 'diba?", dito palang ay alam ko na kung saan papatungo 'tong usapan na'to.

"Mawalang-galang na ho, Tsip. Pero desisyon ko na po ito. At, 'di naman nangangahulugan no'n na 'di na ako magle-leave. Darating din ang panahon na ako mismo ang magpapaalam sa inyo niyan mismo.", 'hayag ko.

"Mabuti naman kung ganoon, iho. Alam mo kase, iniisip ko lang din ang kalagayan ng inaanak ko. Kilala ko 'yan kahit 'di niya ipina-pakita sa'yo ang tunay niyang nararamdaman. Nasabi naman na siguro nang ina niya at niya mismo kung paanong namatay ang kanyang ama, hindi ba? Tulad natin ay isa rin siyang pulis... na aking naging matalik na kaibigan at itinuturing kong kapatid..."

"Naiintindihan ko po ang pag-aalala niyo, Tsip. At tulad mo'y ayaw ko ring maranasan muli iyon ni Isay at ng ina niya."

"Salamat naman at naiintindihan mo, iho. Maaari ka nang lumabas at bumalik sa iyong trabaho."

Tumayo na ako't sinaluduhan si Tsip Romulo, na tama kayo nang nabasa na siya ay ninong ni Isabela. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang dahilan kung bakit ibinababad ko ang aking sarili sa pagta-trabaho, at iyon ay dahil sa hindi ko pa din makalimutang pangako sa aking mga napaslang na mga magulang. Ang makamtan ng mga ito ang karapat-dapat na hust...

About the Author :

snowbear's Profile Picture

Joined: July 9, 2021 (10 months old)
Writings: 4
Male  ·  Offline
11  ·  17  ·  14  ·  2,335
 · 

Comments
A
Asty_0220
March 31, 2022 (1 month ago)

Hmmmm cheating wife with weak husband , I hope naiiba siya sa mga story na ganito ang Tema

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
snowbear's Profile Picture
snowbear
March 31, 2022 (1 month ago)

Mahina o hindi, hindi ko masabi kung ano ba talaga siya. Dahil para sa akin ay mahina naman siya noon nung binubully siya nila Leandro pero ngayon? Malay natin iba na pala ang katangiang taglay niya. ☺

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
J
Jovz25
March 31, 2022 (1 month ago)

Wow ganda ng kwento mo author bagong susubaybayan,,Thanks po sa update ...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
snowbear's Profile Picture
snowbear
March 31, 2022 (1 month ago)

Maraming salamat po sa papuri, Bossing. ☺

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
babalu1966's Profile Picture
babalu1966
March 31, 2022 (1 month ago)

Cheating wife story na may meron revenge scene. Aba okey to lods 😊

I can't wait na gawin ni Alex yan lalo na parak sya. Hahaha

Tokhang 'yang si Leandro HAHAHAHAHA

Inosente kung titignan pero saksakan ng libog xD

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
BumpandGrind's Profile Picture
BumpandGrind
March 31, 2022 (1 month ago)

Hindi lang po ito nakasentro sa cheating na magaganap sa buhay nilang mag-asawa. May mas malalang ugnayan pa ang aking tatalakayin sa kuwento. Maraming salamat sa pagbabasa, Bossing! ☺

READY. AIM. SHOOT. BANG. HIT.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
babalu1966's Profile Picture
babalu1966
April 1, 2022 (1 month ago)

I know po lods. Hinde lang naman sa cheating ang kwento eh tungkol din kung saan masusukat ang kanilang pamilya lalo na't bumabalik ang sakit ng ulo kay Alex lalo na kay Isabel.

Thanks po ulet lods and Still can't waiting kay Michelle sa ganap ng story mo lods. ^_^

Inosente kung titignan pero saksakan ng libog xD

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
braddix65
March 31, 2022 (1 month ago)

may secret or hidden "feelings" din pala si isay kay leandro ah!

worth story to follow ... sunod agad otor! tnx

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
snowbear's Profile Picture
snowbear
March 31, 2022 (1 month ago)

Hindi naman po talaga 'secret feeling'. Malalaman niyo po sa susunod na kabanata ang dahilan kung bakit napa-ganyan siya nang makita nga niya si Leandro.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lebron019's Profile Picture
lebron019
March 31, 2022 (1 month ago)

nice story boss sana naman lumaban na si alex ngayon haha thank you boss 👌🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
snowbear's Profile Picture
snowbear
April 1, 2022 (1 month ago)

Antabayanan nalang po natin, Bossing. Salamat sa pagbabasa! ☺

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
April 1, 2022 (1 month ago)

Salamat sa update Sir..

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
snowbear's Profile Picture
snowbear
April 1, 2022 (1 month ago)

Salamat din po nang marami sa pagbabasa, Bossing. ☺

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Q
Qwer1
April 1, 2022 (1 month ago)

Boss kailan ang susunod na kabanata?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
snowbear's Profile Picture
snowbear
April 1, 2022 (1 month ago)

Hindi ko masasabi, Bossing Qwer. May tatapusin pa kasi akong kwento, siguro mga minimum waiting stage na 'yung after holy week. Pero katulad nga nang sabi ko, hindi ako nakasisiguro kung kailan ang maging susunod na kabanata.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Q
Qwer1
April 3, 2022 (1 month ago)

Kailan po ang ikatlong part ng kwento??may other story di po ba kayo ng cheating wife den?

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
B
BoyTulog
May 7, 2022 (13 days ago)

Kelan po update?

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments