M
E
N
U

Sarah 01

Posted in
Story: Fiction, Tagalog · Categories: Mind Control · Tags:
Date: March 27, 2022 (1 month ago)


FIRST MOVES

Miyerkules. Pagkabigay ng kanyang order at pangalan sa barista ng Starbucks ay napalingon siya sa may pintuan. Tulad ng mga nakaraang araw, naroon at papasok na naman ang guwapo at matipunong lalaki na nagtungo sa dulo ng pila. Ilang beses na niya itong napansin sa tuwing nagpupunta siya dito. Nung una ay deadma lang siya, nguni't minsan ng magtama ang kanilang mga mata ay ngumiti itong bahagya, na sinuklian din niya ng isang matipid na ngiti. Mula noon ay tila naging batian na nila ang pagngiti sa isa't-isa kapag nagkikita sila duon, bagaman wala pa ni isang salita ang namagitan sa kanilang dalawa.

Pagtawag sa kanya ng barista ay agad niyang kinuha ang kanyang in-order at nagtungo sa dulong bahagi kung saan siya madalas tumambay. Solo niya ang puwesto dahil alanganing oras iyon, kaya't may pagkakataon siyang makapag-review ng kanyang mga notes sa mga lectures niya kanina sa kinukuha niyang kurso na Nursing. First year pa lang siya pero todo buhos ang kanyang atensyon sa kanyang pag-aaral. Bahay-iskwela-bahay halos ang kanyang buhay araw-araw, madalang lumabas maliban kung kasama ang kaibigan na si Kay, at no boyfriend since birth.

Kung may manligaw man ay hindi pumapasa sa kanya, dahil ayaw niya sa mga lalaking kasing-edad lang niya na wala pang siguradong balak sa buhay. Mas type niya ang may pagka-responsable na at may direksyon na para sa hinaharap.

"…..for sir Lex!" dinig niyang sigaw ng barista. napatingin siya mula sa kanyang pagbabasa, dahil alam niyang iyon ang pangalan ng misteryosong lalaki. Hindi nga siya nagkamali, nakita niyang lumapit ito sa barista at kinuha ang inabot na kape at sandwich. Napangiti siya. 'Hmmmm,' naisip niya. 'Bago yon a, may sandwich pa siya ngayon.'

Muli siyang bumalik sa binabasa niya. Nagulat na lang siya ng may mapansing nakatayo sa tapat ng mesang kinaroroonan niya. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya ng makita ang lalaki na nakatayo don.

"Excuse me miss," umpisa nito. "Pwede bang maki-share ng table? Wala kasing bakante."

Napalingon siya sa paligid. 'Shit, ang lamig ng boses,' naisip niya. Nang makita niyang wala ngang bakanteng mesa at tumango na lang siya.

"Thank you miss," sabi ng lalaki, sabay ngiti.

Namula siya. Ngayon lang siya nagkaroon ng kasama sa table dito. Dati kapag may lumalapit at gustong maki-join o magpakilala ay hindi niya ito pinapayagan at minsan ay sinusungitan pa. Nagtataka siya kung bakit tila hindi niya matanggihan itong lalaking ito.

Tahimik nilang pinagsaluhan ang mesa. Mula sa dala nitong backpack ay naglabas ng laptop ang lalaki at naging abala dito. Pilit niyang mag-focus sa binabasa nguni't hindi niya maiwasang ang mga panakaw na pagsulyap sa kaharap. Ng mapansin niyang nakatutok ang atensyon...

About the Author :

ppinoy's Profile Picture

Joined: January 12, 2013 (9 years old)
Writings: 14
Male  ·  Offline
Description:
old-school writer. loves listening to ladies wanting to reveal their deepest, darkest, naughtiest secrets and having them relate with the characters in my stories.
Signature Text:
we all have a dark side
23  ·  9  ·  32  ·  5,115
 · 

Comments
dickdastardly's Profile Picture
dickdastardly
March 27, 2022 (1 month ago)

PPinoy!!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
D
DarkCr0w88
March 27, 2022 (1 month ago)

Welcome Back Boss

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
quiescent_phantom1982's Profile Picture
quiescent_phantom1982
March 27, 2022 (1 month ago)

Not bad... 😆

Asi es la vida...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
X
xxxtyphoonn
March 27, 2022 (1 month ago)

Nagbalik na!!!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
m0b1d1ck
March 27, 2022 (1 month ago)

Mga alamat nagsulputan muli!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
jackstone's Profile Picture
jackstone
March 27, 2022 (1 month ago)

If it’s ppinoy, it must be good.

Welcome back, idol.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
chuchua
March 27, 2022 (1 month ago)

Gumagapang na ulit si Idol. ppnoy!!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Z
Zexix
March 28, 2022 (1 month ago)

The plot of the story is very humorous and exciting.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stibayan's Profile Picture
Stibayan
April 3, 2022 (1 month ago)

Wow..! Nagbalik na ang the grea ppnoy. Welcum back sir and thanks!! 😍

Write to express your feelings, entertain, appreciate, and influence. Don't just write because of the LIKES. Hold the emotions and let the words dance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments