M
E
N
U

Note: I just posted it para hindi ko makalimutan. Titignan ko lang kung may magbabasa kapag nagsulat ako using 3rd pov or author's POV.

Hindi pa pulido pagkakasulat. Subok lang po. Cross finger. Sana hindi ma-ban.

*****
SIMULA

Nagmula sa mayamang angkan ang parehong ina at ama ng kambal na Gino at Giana.

Pinagkasundo ang kanilang mga magulang para mas palawakin pa ang kapangyarihan at nasasakupan. Hindi naman nabigo ang kanilang mga lolo't lola sa ginawa. Sapagkat mas lalo pang lumago ang negosyo ng mga ito. Ngunit sa kabila ng karangyaang tinatamasa at pagkagiliw ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa yaman na mayroon sila, may kadilimang nagkukubli sa dalawang mag-asawa.

Hindi nila mahal ang isa't isa. Pareho silang may relasyon ngunit dahil sa takot sa mga magulang na saktan ang mga mahal nila ay sinunod nila ang kagustuhan ng mga ito. Nagpakasal silang dalawa.

Sa mata ng mga tao, isa silang modelo. Ngunit kung titignan sa loob ng tahanan, makikita kung paanong hindi nagpapansinan ang dalawa.

Parehong ginawang kabit ng dalawa ang kani-kanilang nobyo at nobya. Ang masama'y walang kaide-ideya ang mga ito na sila'y mag-asawa at hindi na lamang isang matalik na magkaibigan.

Natuklasan lamang ang lahat ng nobya ni G. Herrera nang magtungo ang kanyang nobya sa kanilang tahanang mag-asawa upang sabihin na buntis ang huli. Ngunit hindi rin natuloy nang makita ng babae sa mismo nitong harapan ang paghahalikan ng dalawa sa harap ng magulang ng ama ng kanyang dinadala.

Mabilis itong kumaripas ng takbo at hindi na nagpakita pa kay G. Herrera. Na labis na ikinalungkot ng lalaki. Sapagkat hindi niya magamit ang buo niyang yaman upang hanapin ang babaeng minamahal, dahil makukuha niya lamang ang buong mana sa oras na magdalantao na ang asawa.

Ilang linggo ang lumipas, patuloy na nakikipagkita si Gng. Herrera sa kanyang lalaki. Lingid sa kanyang kaalamanan na natunugan na pala siya ng magulang ng asawa na may kinakalantaring lalaki.

Kaya nang makipagkita siya sa lalaking minamahal upang sabihin na nagdadalantao siya ay dito nangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya.

Pagkamuhi para sa kanyang mga magulang. Kung hindi dahil sa pagiging ganid ng mga ito sa kapangyarihan, namumuhay sana siya kasama ang anak at ama nito ng maayos. Hindi sana mawawala ang kaisa-isang lalaking minahal niya.

Kitang-kita niya ang pagtawid ng nobyo mula sa kabilang kalsada upang salubungin siya nang makita niya ang pamilyar na SUV na mabilis na tumatakbo patungo sa kanyang nobyo.

Sinisigawan niya na ang lalaki na tumigil ngunit huli na ang lahat. Wala siyang nagawa kung hindi umiyak at maglupasay sa gilid ng kalsada habang pinapanood ang pinakamamahal na bawian ng buhay.

Ang SUV nama'y mabilis na tumakbo papalayo sa pinangyarihan ng aksidente.

Walang nagawa si Mrs. Herrera sa nangyari. Hindi niya nagawang bigyan ng hustisya ang ama ng anak.

Hanggang sa isilang niya ang mga anak. Dahil sa labis na kalungkutan, kinailangan pa siyang ilayo ng asawa mula sa kanilang mga magulang. Ang anak ng asawa mula sa ibang lalaki ang naiisip na paraan ni Mr. Herrera upang makawala sa puder ng kanyang mga magulang.

Ang mga magulang niyang hindi niya akalain na kayang pumatay ng inosente.

Pinagsasalamat na lamang ni Mr. Herrera na umalis ang babaeng mahal at nagpakalayo... kung sa kanya iyon nangyari ay baka mas pipiliin niyang sumunod sa babae kaysa mabuhay.

Isinilang ng asawa ang kambal na babae at lalaki. Pinangalanan niya ang dalawa na Gino at Giana Herrera. Ang ina naman ng kambal ay nagpakalayu-layo. Iniwan ang dalawang bata sa kanyang pangangalaga.

Ang alam ng mga magulang nila, namatay ang asawa...

About the Author :

TheQueen's Profile Picture

Joined: October 18, 2021 (2 months old)
Writings: 18
Female  ·  Offline
Description:
"Not everyone deserves to know the real you, let them criticize who they think you are." - Unknown
Signature Text:
"I don't care what other people think of me. I enjoy my life with my own rules." - Unknown
24  ·  7  ·  26  ·  3,381
 · 

Comments
T
Teemothy1990
January 2, 2022 (15 days ago)

Ganda ng umpisa. Tuloy lng po author πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
TheQueen's Profile Picture
TheQueen
January 3, 2022 (15 days ago)

Maraming salamat po sa pagbabasa. Akala ko walang magbabasa... Inunpublish ko fantasy story sa wp dahil walang reader 🀣 kaya ngjump ako ng erotica

"I don't care what other people think of me. I enjoy my life with my own rules." - Unknown

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mr.nightreader's Profile Picture
mr.nightreader
January 2, 2022 (15 days ago)

isa n nmn masterpiece 😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
TheQueen's Profile Picture
TheQueen
January 3, 2022 (15 days ago)

Thank you po.

"I don't care what other people think of me. I enjoy my life with my own rules." - Unknown

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Stibayan's Profile Picture
Stibayan
January 3, 2022 (15 days ago)

Wow...just wow!! 😍
Captcha=rushes

Write to express your feelings, entertain, appreciate, and influence. Don't just write because of the LIKES. Hold the emotions and let the words dance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
TheQueen's Profile Picture
TheQueen
January 3, 2022 (15 days ago)

Thank you for reading po.

"I don't care what other people think of me. I enjoy my life with my own rules." - Unknown

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
demonicman666's Profile Picture
demonicman666
January 3, 2022 (14 days ago)

Susubaybayan ko to madam

Malibog pero di Manyak hahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments