M
E
N
U

Boss - Chapter 1

Posted in
Story: True Story, Taglish · Categories: Wife Lovers, Mature, Romance · Tags: , , ,
Date: December 19, 2021 (1 month ago)


Author's note: Please read the Prologue para mas maintindihan ang story :) Salamat pala sa comments and likes!

Chapter 1

Nakatitig ako sa kanya habang naglalakad sya papalapit. May halong kaba. Nag "Hi" sya sa lahat, ngumiti, at isa isang nilapitan para kumamay. Sya yung type na mapapangiti ka na lang pag nakita mo syang nakangiti. Isa, dalawa, tatlo… Nagbibilang ako ng mga segundo kung kelan sya makakarating sa tapat ko. Tinitingnan ko mga galaw nya. Mahiyain ba sya o mahinhin lang talaga kumilos? Tapos, ito na, katapat ko na sya. Nakangiti at naghihintay na sagutin ko ng kamay ang maliliit nyang kamay. Kahit na nagbilang ako ng ilang segundo di ko na matandaan saan ba ako tumigil. Sinagot ko ang mga kamay nya. Ang lambot. Ang kinis. Ang lamig.

"Hello po." Yan lang nasabi ko sa kanya. Tanginang "hello po"! Ahaha.

"Hi", sagot nya kasabay ang napakagandang ngiti.

In my head parang eksena sa pelikula ang nangyari. Unang pagtatagpo ng mga bidang artista. Slow motion ang galaw, may pa hangin effect pa. Sana nga lang kagaya ng mga pelikula ang nangyari. Sana may malalalim na titigan na naganap. Sana may moment na di agad nabitawan ang kamay.

Sapat na sakin yun that time. Makilala sya and makamayan. Matapunan ng nakapagandang ngiti. Di na ko nagisip na may ibang pupuntahan pa ang pagtatagpo na yon. Sya ang producer, ako ay artista. She's really in a different class. Di naman sya katulad kong actor na pwede ko kausapin dahil nagiging friendly lang ako.

Nagsimula na kami magrehearse. Same routine parin naman. Kapag di ko eksena andun ako sa isang sulok at nagmememorize ng linya. Minsan nakikipagbatuhan ng linya kay K oh kaya naman sa ibang mga actor para mas mabilis ko maalala mga linya. Si K parin ang palagi kong katabi, pero alam kong may nag-iba noong araw na yun. Kahit na iwasan ko na di tumingin, nagnanakaw at nagnanakaw parin ako ng sulyap. Bibisita kaya ulit sya sa mga susunod na araw? Makikita ko kaya ulit syang ngumingiti na directed at me? Di pa tapos ang rehearsal nung nagpaalam sila ng secretary nya. Tinitingnan ko sya habang lumalakad papaalis.

Natapos ang rehearsals makalipas ang ilang oras. Naiisip ko parin sya. Naamoy ko parin ang pabango nya sa kamay ko. "Haaay…." Buntong hininga na lang. Di ko maalala pangalan nya. Alam ko narinig ko pangalan nya kanina pero di ko yata pinansin. Nahihiya naman ako magtanong at magpakita ng interest. Pero naisip ko din, wala namang mawawala kung itanong ko pangalan nya.

Noong araw na yun, andun din sa venue ang Production Manager namin. PM tawag namin sa kanya. Bakla si PM. Palakaibigan at masiyahing tao.

"PM ano nga pangalan ng producer natin?", tanong ko sa kanya.

"Hmmm... Bakit mo tinatanong? Ikaw ha.", pabirong sabi ni PM na halata mong playful lang, sabay taas ng kilay at ngiti.

"Nakalimutan ko lang PM. Kanina ko pa iniisip eh.", sa isang malambing na tono.

"Si Ma'am Belle. Ganda nya noh? Di na pwede yun may asawa na yun."

Napangiti naman ako sa sinabi ni PM. Pangalan lang naman tinatanong ko diba? Tinanong ko na lang din kung pano napunta si Ms. Belle sa pagpo produce ng theater plays. Kaibigan pala ni direk yung secretary ni Ms. Belle. Nagkataon na naghahanap ng bagong business venture si Ms. Belle at pinakilala ni Ms. Secretary si direk. Mukhang nagustuhan naman ni Ms. Belle ang business opportunity na ito kaya nagtayo sya ng bagong group. Di biro magproduce ng palabas. Bukod sa talent fee ng lahat ng cast at staff, may set, venue, food, marketing, lights and sounds, at props and costume pa na kailangan pagka gastusan. Sa tantya ko humigit kumulang 600k ang magagastos ni Ms. Belle sa palabas na to. Mayaman talaga siguro - well oo. Asawa pala sya ng isa sa mga Executive Secretary ng Presidente that time. Oo. Presedente ng bansa. Biglang lalong lumaki ang agwat naming dalawa. Ibang klase si madam. Ibang level talaga.

Makwento talaga si PM. Kahit mga bagay na di ko naman tinatanong nakkwento nya. Kung saan saan na napunta ang usapan hanggang parang iniinterview na nya ako. Para syang imbestigador na interested sa love life at personal life ko. Sinasagot ko naman ang mga kaya ko sagutin. Pag hindi ko gusto ishare di ko na lang pinapansin ang tanong oh di kaya ngingitian ko na lang sabay sabi ng "secret". Hanggang...

"Nagkajowa ka na ba ng bakla?", biglang tanong nya sakin out of the blue.

Okay, sign na to para magpaalam at umuwi. "Wala PM. Straight po ako. Buhok ko lang ang di straight sakin." Kasabay ang pacute na ngiti at nagpaalam na ako umalis.

Naglalakad lang ako palabas ng intramuros, tapos tatawid sa kabila ng Taft Avenue malapit sa area ng City Hall ng Maynila at sasakay ng jeep or FX pacubao. Minsan hanggang LRT Recto lang pag maaga natapos rehearsals at may byahe pa ang LRT. Pagbaba ko ng venue di ko inaasahan ang nakita ko. Nakatayo katabi ng streetlamp si K. Nakatungo at may tinitingnan sa phone. Umuuwi agad usually si K pagkatapos ng rehearsal. May driver na naghihintay at usually nakapark lang naman sa gilid ng kalsada sa baba ng venue.

"K bakit nandito ka pa? Asan driver mo?"

"Wala pa nga eh, nastuck daw sa traffic.", sagot nya na parang nagulat pa at bigla ko sya tinawag.

"Hindi ba usually naghihintay lang sya sayo dito? Di mo kasama today?"

"Hinatid lang nya ako kanina tapos umalis din agad kasi may errands sa kanya si mama."

Lumapit ako sa kanya since nakikipagusap naman ako sa kanya. Umupo ako sa gutter sa bandang kaliwa nya.

"Oh asan na daw sya ngayon? Malapit na ba?"

"Di daw gumagalaw eh." Sabay tingin sa phone at buntong hininga.

Di na nya nasabi kung nasan. Di ko na din tinanong. Gusto ko lang naman samahan sya maghintay para naman di sya mainip. Safe naman yung lugar na pinagpapractice-an namin kaya kahit di ko sya samahan, I'm sure safe sya. Nasa tapat lang kasi kami ng barracks ng guards nun.

"Samahan na lang kita maghintay para di ka mainip."

"Naku Kris wag na. Late na din baka wala ka na masakyan pauwi."

Natawa ako sa kanya. Partly kasi ang cute nya. Im sure di sya sanay mamasahe pauwi.

"May taxi naman. Saka di naman nawawalan ng jeep dito pacubao.", nakangiti ako na natatawa habang nagsasalita.

"Sure ka?"

Ngumiti lang ako at tinaas ko kilay ko bilang pagsang ayon. Naglabas ng phone at nagcheck kung anong oras na at nagcheck na din kung may message ba. Naramdaman ko na lang na umupo sya sa tabi ko. Hindi maarte si K. Maarte or maalaga siguro sa katawan, oo, pero...

About the Author :

I-am-B's Profile Picture

Joined: October 10, 2016 (5 years old)
Writings: 5
Male  ·  Online
Description:
Barako. Lover boy. Makata.
Signature Text:
I-am-B
14  ·  3  ·  14  ·  3,692
 · 

Comments
B
BertV
December 19, 2021 (1 month ago)

Ang ganda, next! 😊

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
mikekosa's Profile Picture
mikekosa
December 19, 2021 (1 month ago)

PANg Wattpad to boss
Ganda ng kwento di akalain NASA fss ako nagbabasa

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
lebron019's Profile Picture
lebron019
December 19, 2021 (1 month ago)

nice update author thank you πŸ‘ŒπŸ»

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments