M
E
N
U

Author's Note: I will leave the Perfect Mistress for a while to make way for my Halloween 2021 special. Greetings to everyone and this special story is for the fans and readers that are supporting the current multi shared universe of Heaven or Hell. For a recap, Sanctum Pandaemonium is a part of HoH but works outside its main plot. It will support and build the universe that I am creating and showing its rich stories and characters. Enjoy the read.

Chapter 1
The City of the Dead
By: Balderic

Previously: Matapos tulungan ni Elias ang naghihiganting espirito ni Diana, umalis ito at naglakbay patungo sa Romania kung saan meron itong panibagong misyon. Hinahanap nya ang kastilyo mi Countess Carmilia. Isa itong mabagsik at maluput na bampira na naghahasik ng lagim sa buong Ardelean territory.

Pinasok ni Elias ang Forest of the Lost. Makakapal na hamog ang sumalubong sa kanya at malalaking mga puno ang nagkalat sa paligid. Tahimik ang lugar. Nakakabahalang katahimikan. Ni isang huni ng ibon o sigaw ng mga insekto ay walang maririnig. Maging ang mga puno ay kakaunti lang ang mga dahon. Tila walang buhay ang tumatagal sa lugar na ito.

Tinawag itong Forest of the Lost dahil ang sino mang taong mapangahas na pumasok ay hinde na nakakabalik pa. Subalit, noong unang panahon, mga taong hinde mabilang, naging sentro ito na daanan ng komersyo dahil ito ang pinakamabilis na daan patungo sa syudad ng Rogova, ang pinaka malaking syudad sa Ardeal Province. Pero sa pagsimula ng pagdanak ng dugo, at pagdami ng mga bampira, nabalot na ng dilim ang lugar at nakalimutan na ng panahon.

Tahimik na nilakbay ni Elias ang masukal na daan. Halos hinde nya na makita ang sementadong daan dahil natatabunan na ito ng lupa at mga damo. Hinde rin makita ni Elias ang kalangitan dahil nakabalot ang makakapal na ulap at ang hinde mawala-walang hamog sa paligid. Alam nyang malapit na ang dapit hapon at kailangan nya nang maghanap ng tagong lugar na kanyang pagpapahingahan. Sa daan ay natagpuan nya ang ilang mga kalansay at mga kagamitan na naka kalat. Parang isang grupo ng mga manglalakbay ang minalas. Tinignan ni Elias ng maigi ang mga labi. May mga bali ito sa mga buto at ilang pinsala.

Ilang oras din ang lumipas at natagpuan nya ang isang grupo ng malalaking tipak ng bato at sa pagkakadikit ng mga ito ay para silang naging haligi at bubungan. Naghanap ng mga tuyong kahoy at mga dahon si Elias. Sakto sa pagdilim ang paglagablab ng bonfire.

Kumuha ng pagkain si Elias sa kanyang bag at niluto nya ito sa apoy. Habang nagluluto sya ay tila umihip ang malamig na hangin. Tumingin sa paligid si Elias. Madilim na ang paligid at nasa gitna sya ng gubat na may panganib sa kung saan-saan. Bigla syang nakarinig ng pagkabali ng mga sanga. Tumayo si Elias at nagmasid.

"Hello there." Bati ng isang lalakeng estranghero. Marumi sng kasuotan nito at puno sya ng putik. Naka bukas ang mga palad habang nakaharap kay Elias. Dahan dahang lumalapit ang lalake.

"Who are you?" tanong ni Elias.

"I'm sorry mister. I just saw your fire. No one has dared to have a fire in this forest. Not during a time like this."

"What do you mean?"

"That fire can be seen a few hundred kilometers away. Someone could have been attracted to it. This is why I came here." Sagot ng lalake at napasulyap ito sa pagkain na nasa apoy.

"Really. You came here just to tell me that? You and your friends?" nakataas ang kilay ni Elias. Tinitigan nito ang lalake na dahan dahang ngumiti. Nakalabas ang maruming mga ngipin nito.

"Heheheheheโ€ฆ" tawanan na nagsilabasan ang isang grupo ng mga kalalakihan at may hawak na mga sandata at pamalo.

"You're pretty sharp for a dead man mister hehehe." Wika ng lalake na mukhang lider ng grupo. Napalibutan ng mga ito si Elias.

Kinuha ni Elias ang nilulutong karne at inamoy. Luto na ito kaya kumagat sya ng piraso at ngumuya. Nagkatinginan ang mga lalake.

"You seem calm. You're not afraid?" tanong ng pinuno ng grupo. Ikinataka nila ang pagiging kalmado ng animo'y bibiktimahin nila.

"So you bandits are the one's responsible to the disappearances of the people unfortunate enough to come here. This place should be renamed to the forest of the thievesโ€ฆ.and murderers.." sabay ngiti ni Elias at tuloy sa pagkagat ng karne.

Inilabas ng pinuno ang isang malaking espada mula sa likod nya. Galit na galit ang itsura nito.

"Hand over the food and the supplies or I will gut you like a pig." Sabay tutok ng sandata.

"No guns? I'm insulted."

"Guns or not, these weapons will make you bleed man. Now hand them over!" demand ng lider. Umiling lang si Elias.

"Nope. The way I see it, you people don't want to use weapons that explodes because you are afraid of something out there. You don't use fire, and you cover your body heats with mud. I say, you are afraid of being spotted."

Nagkatinginan ang grupo.

"Don't be ridiculous, we are not afraid."

"Vampires. That's what you are afraid of."

"Vampires? Are you stupid?" palusot ng lider.

"Heh, you and I both know they are active in these parts and just like you said, this fire will attract something. The question is not who but when. And you know quite well who they are."

"oh God!" panic ng isa. Nagsimulang makaramdam ng takot ang ilan sa kanilang grupo.

"Shreeeeeeeee!!!" isang malakas na sigaw ang kanilang narinig mula sa kalangitan. Kasabay nito ang pagdating ng isang grupo ng mga halimaw na lumilipad. Para silang mga taong paniki. Mukhang paniki ang mga mukha at katawan nila at may matatalas na mga pangil. Mapupula ang mga mata at nababalot ng balahibo ang katawan.

"Aaaaaahh!!! Rruuuunnnn!!" kanya-kanyang takbuhan ang mga bandido pero isa isa din silang pinagdadampot. Tinangay ang mga ito at nilapa habang nasa ere. Ang iba naman ay sa mismong lupa na sila kinain.

Nasa gilid lang ng kaguluhan si Elias at nagmamasid. Sa isang iglap ay nalunod ang sigawan ng mga tao, naiwan ang nakakagimbal na ungol ng mga halimaw. Napansin ng mga ito si Elias at hinarap sya.

"Your scent is new." Malalim at garagal na boses ng isang bampirang halimaw.

"I met a vampire just a couple of kilometers from here but not a group of Chiropteran vampires." Ito ang klase ng mga bampira na nagbago ng tuluyan ang kanilang katawan na nagmukhang tunay na halimaw. Mas mabangis ang mga ito at mas hayok sa laman ng tao dahil hinde lang dugo ang kanilang kinukuha kundi pati mga lamang loob.

"It seems your group already have their fill. Let me pass the night and I will be out of your hair by dawn."

Ngumiti ang mga halimaw.

"GAHAHAHAHAHAHA!!!" Sabay tawanan ng mga ito kay Elias.

"No one leaves here alive. We will rip you limb from limb and eat you to the bone." Nagsimulang lumapit ang ilan sa mga ito kay Elias.

"I don't wanna hurt you." Babala ni Elias.

"SHRREEEEEEE!!" Umatake ang tatlong Chiropteran at sinalubong sila ni Elias.

"SSHHAAAAAKKKK!!" Tatlong taga ang tumama sa mga ito at naputol ang ulo at katawan ng mga halimaw matapos daanan ni Elias. Sa kamay nya ay ang isang legendary sword na Dyrnwyn. Isang espada na nagagamit lamang ng isang taong hinirang.

Ang mga Chiropteran ay ang mga pinaka mabangis na uri ng mga bampira. Dahil sa pagiging mabangis nila, mas sensitibo ang kanilang pakiramdam, pandinig, paningin at pang amoy. Marami nang naging biktima ang mga ito na patuloy sa paghahari sa kagubatan. Pero sa unang pagkakataon, hinde nila maintindihan kung bakit tila napapa atras sila ng iisang tao. Hinde nila maintindihan ang nararamdamang takot.

"SSHHRREEEEEEKKK!!" Sumugod pa ang ilang mga halimaw kay Elias. Handang pira pirasuhin ang lalake. Nailagan nya ang mga kalmot ng matutulis na kuko ng mga Chiropteran. Sinabayan nya ito ng ilang hiwa sa braso at katawan ng mga madikitan nya at sumirit na lang ang mga dugo ng mga ito.

Masyadong matalim ang espada ni Elias. Malakas man ang mga halimaw at mabilis ang kanilang pag galing sa pinsala, hinde kayang tanggapin ng mga ito ang talas ng espada. Dalawang bagay lang ang pisikal na makakapatay sa kanila. Saksakin ang puso o pugutan ng ulo. At sa talas ng Dyrnwyn, parang papel na tinuhog at hiniwa ang katawan nila. Sa bawat umatake ng mabilis ay may lumilipad na parte ng katawan nila at tumatalsik sa paligid ang dugo.

"You really wanna bring your whole clan into extinction?" wika ni Elias sa Alpha ng mga Chiropteran. Bilang na bilang nalang sila at halatang napapa atras na ang iba.

"Grrroooaaaarrrr!!" nagsibatan ang mga ito nang marealize na wala silang laban.

----------

By: Balderic

Kina-umagahan ay timuloy ni Elias ang paglalakbay nya. Sa dulo ng malabong daan ay nahawi ang ilang kaulapan at hamog. Nasilayan ni Elias ang isang abandunadong syudad. Sumalubong sa kanya ang isang wasak na gate at makapal na pader. Sa loob nito ay ang mga kabahayan at mga gusaling nalulumot na at nabubulok sa pagdaan ng panahon.

Tulad ng sa gubat, wala kang maririnig sa paligid. Tanging ang malamig na simoy ng hangin ang syang nagpaparamdam sa kanya. Sinipat nya ang daan. Sa gilid ng isang kanto ay nakalagay ang karatulang "Welcome to the City of Rogova."

Naglakad si Elias sa kalsada ng syudad na tila ilang taon nang hinde nadaanan ng isang tao. Bawat bahay ay may sira. Ang kalsada ay puno ng mga crack at mga damo. May mga tumubo na ring mga kahoy maging sa loob ng ilang bahay. Tuluyan nang inagaw ng kalikasan ang dating pamayanan.

Sa paglalakad ni Elias ay narating nya ang town square. May malaking rebulto sa gitna nito na may desenyong fountain. Sa norte ng plaza ay ang abandonando at sirang simbahan. Ang krus nito ay bumagsak na sa semento at basag.

Dito nakaramdam si Elias ng tila may nagmamasid sa kanya. Naging alerto sya at tinignan ang paligid. Walang ibang nasilayan ang mga mata nya kundi ang patay na syudad na puno ng pinsala at kasaysayan. Pero iba ang kutob nya. Isang panganib ang nagbabadya sa kanya. Napatingin sya sa fountain at may naka upo sa gilid nito. Isang babae na nababalot ng itim na balabal.

Nilapitan ito ni Elias pero agad syang dumistansya nang mapansin nyang hinde normal ang taong ito. Tumayo ito at isang babae ang lumitaw mula sa loob ng balabal.

"are you lost?" tanong ng babae. May katangkaran ang babae, medyo malaki ang katawan at kulay itim ang mahaba nyang buhok. Ang balat naman nya ay mala porcelain ang kaputian at ang bibig nya ay dark red. Ang mga mata naman nya ay kulay yellow at tila lumiliwanag. Halatang isa itong bampira.

"I don't think so. My name is Elias. You?"

"Marga." Sabay ngiti ng babae.

"Good day." Bati ni Elias.

"What is your purpose here Elias?"

"I'm looking for Countess Carmilia Ardelean. You know her?"

"Everybody knows her here."

"Oh good. Then that means I don't have to waste my time. Can you tell me where I can find her castle?"

"You're the one that killed some of my Chiropteran pets last night."

"Those were your pets? Lady, I think you need to check them for rabies, because the way I saw them? Their hygienic practices must be way waaay off. They stink."

"They told me that you harness an Arcane power."

"Well they're probably over exaggerating."

"Allow me to show you an Arcane power of my own." Biglang nagkaroon ng lumiliwanag na glyphs sa mga kamay ni Marga. Namuti ang mga mata nito at naglabas ng itim at pulang aura ang kanyang katawan. Lumiwanag sa harapan nya at isang malaking glyph na kulay pula ang lumitaw.

"You're a necromancer." Wika ni Elias. Ngumiti si Marga. Isa itong bampira na may kapangyarihan ng isang necromancer. Isang klase ng manggagaway na kayang kontrolin ang namatay.

Mula sa gitna ng glyph ay nagsilabasan ang mga bangkay at nawasak ang mga nabubulok nitong katawan. Ang mga balat, laman at mga buto ng mga ito ay minanipula at bumubo ng mga hugis. Isa-isang nabuo ang tila mga parte ng mas malaking katawan ng nilalang. Alam ito ni Elias. Pamilyar sya sa arcane skill na ito.

"You don't look surprised. You know what I am creating don't you?"

"I've only heard of it. This is the first time I am seeing it first hand, and quite frankly, I am not impressed. Manipulating corpses for your insidious work? I'm not a fan."

Nabuo ang isang dambuhalang halimaw. Tinatawag itong Defiler. Isang klase ng undead na binubuo ng maraming bangkay at gumagalaw ito ayon sa utos ng nag summon dito.

"Magnificent isn't it? Hahaha! Now this monster will drain you body and soul!"

"HHRRRRRRUUUAAAAAAAAARRRGGGHHH!!!" Sumugod ang malaking halimaw kay Elias.

Nag chant si Elias at nagsummon ng isang torrent ng holy fire.

"FFFWWWWWOOOBBBBBB!!!" Para itong flame thrower na lumabas mula sa kamay ni Elias at binuga ng buo sa katawan ng Defiler. Napasigaw ang halimaw nang mapaso ito. Nasunog ang harapan ng katawan nito.

"TAKE HIM DOWN!!" Utos ni Marga at lumabas mula sa hamog ang maraming mga bampirang mandirigma na under sa kanya. Umatake ito sa kaliwa't kanan ni Elias.

Nag dash paatras si Elias nang makalapit sa magkabilang panig ang mga bampira. Hinabol sya hanggang makapasok sa isang bahay sila. Nawasak ang mga gamit sa loob at isa-isang lumabas mula sa pinto at bintana ang ilang nasirang kagamitan. Nawasak ang bubong kung saan tumalon paitaas si Elias. Sumabay ang apat na bampira.

"SLASSSHH!!" Gumuhit sa gitna ang mabilis na taga ng Dyrnwyn mula sa kamay ni Elias matapos nya itong e summon.

"BRAM BRAGAM BRAKAM BRAGAM!!" Sumabog ang katawan ng mga bampira.

Naglanding sa ibabaw ng bubong si Elias. Tinignan ang Defiler. Nakawala na ito sa apoy. Napinsala man ito, hinde ito lubos na napigilan. Biglang pinulot ng Defiler ang ilang mga bampira at hinigop ang enerhiya mula sa katawan ng mga ito.

"Eyyaaaaaaarrrggghh!!" sigaw ng mga bampira na natuyo ang katawan matapos higupin ang essence nila. Nag heal ang ilang parte ng katawan ng Defiler na nasunog.

Napalibutan si Elias ng mga bampira sa bubong. Pero nakahanda ang sandata nya. Kulay silver ito at tila kumikinang. Kinokontrol ni Elias ang apoy mula sa espada.

"You guys really wanna do this? Your boss, already sacrificed the lot of you and she's willing to sacrifice more if she wanted to."

"Our lives are forfeited. We belong to her coven now."

"Wow, such loyalty. But you wasted it by following her."

Sabay na inatake ng mga bampira si Elias. Isa sa mga ito ang agad na hati ang katawan matapos tagain ng espada ni Elias. Tumalon ito patungo sa papalapit na Defiler at tinungtungan ito sa balikat at agad nag backflip papunta sa likod ng halimaw. Hinabol pa sya ng mga bampira pero hinuli ang tatlo sa kanila ng Defiler at agad inabsorb. Nabigla si Marga sa bilis ni Elias nang makaharap na sya neto. Hinanda ng lalake ang Dyrnwyn at tinaga ang pinuno ng mga bampira.

Parang alon ang apoy na paitaas bumuhos mula sa blade ng Dyrnwyn pero nakagawa ng Arcane Shield si Marga. Isa itong magical shield na pumuprotekta sa user laban sa arcane based skills. Pero hinde nito napigilan ang sipa ni Elias na tumama sa mukha nya.

Tumilapon si Marga at nawasak ang rebulto ng fountain na nasa likod nya. Hinabol sya ni Elias at ayaw bigyan ng recovery time. Subalit nakalapit ang mga kasamahan ni Marga at hinarap si Elias. Naglabas ng mga espada ang mga bampira at inatake si Elias.

Umilag ng ilang beses ang lalake. Ginamit nyang panangga ang Dyrnwyn at umapoy itong muli. Nagkaroon ng streaks ng apoy sa hangin sa bawat labanan ng mga espada. Dumating ang Defiler at isang malaking kamao ang dumaan sa kanila. Naka backflip si Elias habang tinamaan ng suntok ang dalawa sa mga bampira. Tumilapon na parang mga manika ang mga ito at natusok sa mga naka usling matatalas na bakal sa kabahayan at gusali.

Pito pa ang natira sa mga bampirang tauhan ni Marga. Isang slash mula sa isa sa kanila ang nailagan ni Elias nang lumiyad ito at ang ikalawang espada ay nasalag ng Dyrnwyn. Sinipa ni Elias ang tuhod ng bampira at nabali ito papunta sa likod. Napasigaw ang bampira at tinapos ito ni Elias nang pugutan nya ito ng ulo.

Tinaga naman nya ang isa pero nahawakan nito ang blade ng Dyrnwyn. Isa itong malaking pagkakamali dahil lumagablab ang espada at nasunog ang bampira.

Lumabas naman si Marga at kinontrol muli ang Defiler para atakihin si Elias. Tumatakbo ang Defiler na inatake si Elias. Wasak ang paligid sa mga bigwas ng malalaking kamao ng halimaw. Ilang katawan ng tao ang kumalas mula sa malaking katawan ng Defiler. Naapakan nito ang isang bampira at para itong kamatis na napiga.

"HHUURRRKK!! HHHUUOOORRGHH!!! GGRRROOOUUUUAAAAAAGGGHH!!" Naglabas ng kulay yellow na aura na kung saan kinapitan nito ang natitirang mga bampira.

"NNOOO!!!" Sigaw ng mga ito sa takot pero huli na ang lahat at inabsorb na ang enerhiya nila ng Defiler. Tanging si Marga nalang at Elias ang natitira.

"summoning the Defiler is a wrong choice. Now you have no soldiers left."

"They're merely tools to strengthen my Defiler. Now it's strong enough to destroy you!"

"Not strong enough." Maikling sagot ni Elias.

Sumugod sa kanya ang Defiler. Sa laki at bigat nito, umuuga ang lupa sa bawat yapak ng halimaw. Hinanda ni Elias ang sarili at nag chant. Lumiwanag ang mga mata nya. Lumitaw ang isang malaking glyph na may enerhiyang na ipon sa gitna. Isang mala espiritwal na sandata ang na buo. Isa itong hugis palaso.

"This is the essence of Gungnir, the spear of Destiny, and in its tip I will pierce this abomination and erase it from existence!" umikot ng mabilis ang spirit form ng Gungnir at mas mabilis pa sa speed of light ang biglang atake nito na nagpahinto sa takbo ng Defiler at nag iwan ang palaso ng malaking butas sa gitna ng katawan ng halimaw. Agad sumunod ang malaking torrent ng apoy mula sa Dyrnwyn na kung saan sinunog nito mula sa loob ng butas ang Defiler.

"GGRRRAAAAAAAAAAARRRRGGGGHHHHH!!!!" Sigaw ng halimaw at na break ang spell ni Marga at nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng Defiler. Daan-daang laman ang bumagsak sa lupa.

"This is not over Elias!" tumakas si Marga at naglaho ito sa hamog.

Matapos ang matindeng laban at pagpamalas ng mainit na apoy mula sa sandata ni Elias ay nagbago ang panahon sa lugar at biglang umulan. Dahan-dahang umatras ang hamog sa paligid at naaninag na ang kabuuhan ng syudad. Sa di inaasahang pagkakataon ay lumiwanag ang langit at lumabas ang haring araw mula sa makapal na mga ulap. Napangiti si Elias na tila hudyat ito ng paghahari ng liwanag sa kadiliman.

----------

By: Balderic

Habang nakatayo sa gitna ng plaza si Elias ay napansin nya ang isang batang babae sa malayo na lumabas mula sa isang basement ng bahay. Lumabas din ang isang babae na mukhang ina ng bata at pinigilan itong umalis. Ilan pang mga tao ang nagsilabasan mula sa paligid. Hinde bampira ang mga ito. Nasisilayan sila ng araw at hinde sila nasusunog.

Lumapit ang isang 50 year old na lalake kay Elias. Sumusunod sa kanya ang ilang mga kasamahan nya. Itinaas ni Elias ang mga kamay nya at ngumiti.

"I'm not here to make trouble. My name is Elias. I come from the western world seeking the Crimson Castle of Countess Carmilia Ardelean." Paliwanag ni Elias.

"My name is Morgan. I'm leading this group of survivors. What do you plan to do in that dreaded castle Mr. Elias?"

"Have you ever heard of the legend of Sekhmet?"

Nagka tinginan sina Morgan at mga kasama nya. Halatang hinde nila alam.

"Sekhmet is the ancient warrior in Egypt. It was believed that her lust for blood and violence consumed her to become the very first Vampire. She was so powerful that her abilities alone made the people believe that she was a God. She became known as the goddess of war. It took everything from a secret group of powerful arcane masters to seal her away for eternity. But her influence and legacy lived on among the coven of vampires that there was a secret vile ritual that allows a specific vampire to harness the same power as Sekhmet."

"So you are telling me, the blood countess is planning to harness this power?"

"That's right. If she succeeds, she will become the most powerful undead on earth and her terror will wrap the world into oblivion. I'm here to stop her."

Nagkaruon ng usap-usapan sa mga kasamahan ni Morgan. Mula sa likuran ay dumating ang isang magandang babae. Itim ang kulay ng buhok nito, makinis at maputi ang balat. Isang bulaklak sa loob ng grupong mukhang hinde pa naliligo ng ilang buwan.

"Elias, I would like to introduce to you my adopted daughter, Laura Corvus. She leads a few of our people to help defend us against the vampires." Pagpapakilala ni Morgan. Ngumiti naman si Elias at nag bow sa babae.

"If what you say is true, then we should talk about this in our hideout. Come." Maikling wika ni Laura.

Sumunod si Elias. Isa sa mga gusali ay may sekretong pinto na may hagdan paibaba. Isang mahabang underground tunnel system at dito nakita pa ni Elias ang ilan pang mga survivors. May mga bata pa at may ilang sanggol na mukhang malnourished.

"These kids lack the nourishment they need and we cannot farm on the surface. But these tunnels helps us hide from them. The cold soil on the surface covers our body heat."

"I see. What's your source of food here?"

"We hunt. Scavenge the land for anything. The only saving grace for us here is the water. We get fresh water from the mountains. The vampires need only bl...

About the Author :

Joined: December 3, 2015 (6 years old)
Writings: 248
Male  ·  Offline
Description:
Isang lalake na mahilig sa hot wife, taboo, cheating, cockold, action, comedy, horror, love, at young girls stories. Isa akong author na baguhan at natututo rin dahil sa inspiration ko. Sana basahin nyo story ko at mag komento kung ano ang reaction at ideas nyo. Salamat po.
Signature Text:
Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.
52  ·  44  ·  62  ·  3,783
 · 

Comments
D
drdrake23
November 18, 2021 (18 days ago)

Ang galing mo tlgang magsulat sir Balderic. Ang sarap abangan ng stories mo.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Thank you ๐Ÿ˜Š

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
M
Mr.Aahhh
November 18, 2021 (17 days ago)

Galing...ย ย  talagang mapapabasa ka.... Thank you author!!!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Welcome ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ‘

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
G
Grigori
November 19, 2021 (17 days ago)

Nag nose bleed ako haha. Pero okay lang dahil maganda ang plot. Nakakaenganyong basahin.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Ay haha ganun ba. Di naman ganun katinde ang ingles. Sakto lang hehe

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
Dylan15
November 19, 2021 (17 days ago)

Thankyou idol sa update sana tuloy tuloy na to..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

I will try po

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
rolo2011
November 19, 2021 (17 days ago)

Lufet

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Salamat ๐Ÿ˜Œ

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
Jacum
November 19, 2021 (17 days ago)

Sa wakas nadugtungan na. Salamat master...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Last year pa ang unang labas nya hehehe. It's been too long

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
KAWAYANAN
November 19, 2021 (17 days ago)

Lupetย ย talaga, may bago na namang masusubaybayan, thank you sir Balderic

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

It will be a short one

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
babalu1966
November 19, 2021 (17 days ago)

nice one sir Balderic .. sana po may update na kayo sa perfect mistres

TY

Inosente kung titignan pero saksakan ng libog xD

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

It will pero sa December ko pa sya itutuloy

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kuatog
November 19, 2021 (17 days ago)

yownnn !!! ayan n ang ultimate legendย ย c boss balderic !!! nagparamdam na ang legend ng mga legend... astig talaga ๐Ÿ˜๐Ÿ˜.. sana bukas ulit sir hehe

a man with a plan โš™๏ธ

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Haha salamat ng marami sa papuri ๐Ÿ™‚๐Ÿ˜

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
kanton123
November 19, 2021 (17 days ago)

Always the best

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Thank you po ๐Ÿ˜Œ

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Jack0519
November 19, 2021 (17 days ago)

Nice!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Thanks โ˜บ๏ธ

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
StoneJack_123
November 19, 2021 (17 days ago)

salamat sir Balderic may bago nanaman kaming aabangan

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Yes jehehe. Isang munting handog ngayong Halloween

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
cornets23
November 19, 2021 (17 days ago)

Sana boss tuloy tuloy na to at yung karugotng ng HoH yung anak ni gabriel at karen.

Jefferson

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

That will be explored next year hehe

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rhadz2467
November 19, 2021 (17 days ago)

Ganda sir bal.. dito ka muna magย ย focus please . Hahaha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

Ahaha. Of course. Tatapusin ko ito. Short stories lang naman ito

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
W
Waters
November 19, 2021 (17 days ago)

Salamat sa pa holloween update my Sir Bal:)

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 19, 2021 (17 days ago)

No prob hehe

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
C
chrimespayce
November 20, 2021 (16 days ago)

๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 20, 2021 (16 days ago)

Lit my man ๐Ÿ‘

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
I
Intotheunknown2021
November 20, 2021 (16 days ago)

Sana madugtungan yung sa HoH or Kay Ben pa din pero sa family na nya pero kudos pa din sayo kasi ang galing-galing nyo magsulat

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 20, 2021 (16 days ago)

Next year hehehe we shall see

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Tazman_ic
November 20, 2021 (16 days ago)

Very nice. Feeling ko nanonood ako nung Van Helsing na anime hehe pero bomba version.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 21, 2021 (15 days ago)

Maraming bombahan haha

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jerome143
November 22, 2021 (14 days ago)

obea

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 22, 2021 (14 days ago)

Po?

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
J
jerome143
November 22, 2021 (14 days ago)

obra

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 22, 2021 (14 days ago)

๐Ÿ˜…๐Ÿ˜๐Ÿ‘

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
McLovinLovin
November 23, 2021 (13 days ago)

Return of the cumback boss balderic...

Too Horny to Sleep, Too Sleepy to Fap

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 24, 2021 (12 days ago)

Thanks ๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘
Di naman ako umalis. Hehehe

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
N
nahtanojamaryag
November 23, 2021 (13 days ago)

Sobrang ganda naman basahin talaga mga gawa mo sir balderic, d mo pa kame binibigo sa mga akda mo ang galing mo mag mula ilang taon na din akong tagapagbasa mo po sir bald,thanks

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Balderic
November 24, 2021 (12 days ago)

Salamat sa patuloy na pagsuporta hehehe

Destiny is an illusion created by people who has no dreams in life.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks โ€˜n Conversations
Recent Comments