M
E
N
U

Aist! Ang kulit naman. Ang laki-laki na, grade 8 na. Ang tigas pa rin ng ulo.

"Hoy, Michael! Saan kayo pupunta?" kuha ko ng pansin sa aking kapatid na lalaki.

Ang gago! Sinamaan lang ako ng tingin! Nakakagigil! Nabwibwisit na 'ko. Pagod na rin ang paa ko kakasunod sa kanya at sa dalawa pa niyang kaibigan.

Nakakainis. Dapat wala ako rito e. Naiiyak na ako sa prustrasyon. Hindi ko naman ginusto samahan ang field trip ng isang ito. Pero ano ito, sa huli ako rin pala.

Hindi naman kasi sumusunod sa akin ang isang toh. Dapat sila na lang. Ang sarap bigwasan sa hindi mataong lugar. Pero may lugar ba sa Star City na hindi matao? Hindi ko naman pwedeng hilahin ito sa kung saan para lang bigwasan. Lalo lang siyang hindi susunod.

Tawagan ko na lang kaya muna si mama? Isumbong ko. Sabihin kong kung anong mangyari sa isang ito, wala akong kasalanan.

Hindi ko rin natawagan si mama dahil ilang sandali lang, nakita ko silang lumabas na sa exit ng Star city. Nataranta ako bigla at at tinakbo na ang pagitan namin.

Habang tumatakbo ay dinadama ko ang suot na rubber shoes. Thank God. Hindi ko tinuloy na wedge ang suotin para sa araw na ito. Madali ko silang mahahabol.

Madaling isipin pero hirap gawin. Tangina! "Argh! Hoy! Bumalik kayo rito! Malalagot kayo sa mga titser ninyo!" sigaw ko mula sa kabilang kalsada.

Binelatan ako ng gunggong kong kapatid. I stomped my foot sa sobrang inis. Hindi ako makatawid para sundan sila. Ang dami pang sasakyan… ang bibilis magpatakbo.

Anong gagawin ko ngayon? Sinusundan ko lang ang lakad nila para kapag tumawid ako, hindi ako mahirapan na sundan sila.

Abala ang utak ko sa pagkalkula ng dapat gawin at sasabihin kapag naabutan ko ang tatlong ito. Isusumbong ko na rin kaya sa mga titser nila….kaso malalaman nila na hindi kami ayos ng kapatid ko. Hindi naman kami close na dalawa at baka ako rin ang mapagalitan sa dulo. Ayaw ko namang mangyari iyon.

Nang maging madalang ang mga sasakyan na dumadaan, mabilis akong tumakbo patawid… kaso ang mga siraulo! Nang makita ako bigla rin nagsitakbuhan.

Naiiyak na talaga ako! Masama na nga loob ko sa ginagawa niya sa aking pagtrato, tapos gaganituhin pa niya. Paano kung napahamak siya, edi ako rin masisisi sa huli. Kahit ilang beses ko na siyang pinaalalahanan.

Namumuo na ang luha sa gilid ng aking mga mata. Nanlalabo na rin habang tumatakbo.

Kung tutuusin, pwede ko naman siyang pabayaan muna saglit tapos sabihan na lang na bumalik. Kaso hindi e! Iba ang pakiramdam ko para sa araw na ito. Kanina pa ito pag-alis namin. Masama ang kutob ko. May hindi magandang mangyayari tapos itong isang ito, ang tigas pa ng ulo.

Habang hinahabol sila, may dumaang van sa gilid ko. Nanlalaki ang mata ko nang makitang walang plaka ang sasakyan. Kung anu-ano ng imahe ang pumapasok sa aking isipan sa nakita. Nagsimula ko na ring maramdaman ang mabilis na tibok ng puso.

Tumigil ako sa pagtakbo nang makitang huminto ang sasakyan hindi kalayuan sa likod ng kapatid ko. Habang sila masayang nagkukwentuhan. Walang kamalay-malay ang siraulo sa mangyayari.

Natatakot ako. Natatakot. Nanginginig sa maaaring sapitin ng kapatid ko at ayaw kong mangyari iyon. Mabuting ako na lang. Kapag nawala ako, hindi naman ako hahanapin ng mga magulang ko. Walang mag-aalala sa akin. Dahil kung tutuusin, matagal na rin namna nilang gusto na mawala ako.

Umiling-iling ako para iwaksi ang emosyonal na damdamin. Hindi ito ang tamang panahon para isipin iyon. Ang kailan mong gawin, Sam, ay umisip ng paraan kung paano sila matu-

Fuck! Fuck! Mariin kong mura sa isipan. Dahil nasa likod ang kapatid ko, ito ang inuna nilang sunggaban ng hawak. Nagulat naman ang dalawang kaibigan niya nang makita kung sino ang nasa likod. Hindi na ako nagtaka nang tumakbo sila.

Hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Tinakbo ko ang kinaroroonan ng dalawang malaking lalaki. Ang lalaking may hawak sa kapatid ko ang puntirya ko.

Pagkalapit sa kanila ay agad kong sinipa ang hita ng lalaki. Pinagsusuntok ang malaki nitong braso na may hawak sa kapatid ko. Naiiyak ako pero hindi ko iyon ipapakita. Kahit na nakikita ko na rin ang takot sa aking kapatid.

"Ano ba? Putang ina! Araaay!" kinagat ko ang braso nitong nakahawak sa kapatid ko. Dahilan para mabitawan niya ang huli. Kaso, sa akin naman napunta ang atensyon niya. Pero okay na ito. Ayos lang.

Dahan-dahan akong umatras. Natatakot ako sa presensya ng malaking lalaki sa harapan ko. Ngunit, gayunpaman, nagawa ko pang sulyapan ang kapatid kong hindi man lang lumingon sa akin. Dire-diretsong tumakbo palayo.

Bago ibinalik ang mata sa mukha ng lalaki habang paatras ng paatras. Naka-bonnet ito.

Gusto ko mang pagtuunan ng pansin ang lungkot na nararamdaman sa ginawa ng kapatid. Ngunit, hindi iyon ang tunay kong nararamdaman, takot. Natatakot ako.

"Huli ka! Hahaha." Napatalon ako sa narinig na boses mula sa aking likod.

Hindi ko na nasundan ang nangyayari. Sa bilis ay naramdaman ko na lang na buhat buhat na pala ako ng isang lalaki sa kanyang balikat. Habang ipinapasok sa van. Dito ko na nagawang maikilos ang katawan ko. Pilit na kumakawala sa mga kamay ng lalaking may buhat sa akin.

*PAK*

Nanlalaki ang mata ko. Pinalo nito ang pisngi ng pwet ko! May kasama pang himas.

Tang ina naman oh! Kinikidnap na 'ko, nagawa ko pang malibugan sa ginawa niya. Leche naman! Huwag naman sana akong ma-rape. Kahit naman malibog ako, ayaw ko namang magahasa.

Oh God, please guide and protect me from bad deeds, please… pipi kong dasal.

"Puta! Lambot ng pwet mo Ineng. Sarap lamasin." Rinig kong ani ng lalaking may buhat sa akin.

"Hoy, ano 'yan? Sabi ni Madam C, lalaki ang kukunin, bakit babae 'yan?" mula sa loob ng sasakyan nanggagaling ang boses.

"Hoy! Waldo, mapapagalitan tayo niyan!"
...

About the Author :

Author info not found!
18  ·  10  ·  16  ·  4,138
 · 

Comments
Fish03
October 12, 2021 (10 days ago)

Nice one

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
G
glamsight
October 12, 2021 (10 days ago)

Nice! Pwede naman na one shot kaso sobrang bitin. Thanks.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
User Not Found
October 12, 2021 (10 days ago)

Sorry po. Masakit na kasi daliri ko kakatype. Phone lang po gamit ko hehe

Not my style

Like (1)  ·  Report
hardboxxx
October 12, 2021 (10 days ago)

pwedeeee...!!👍👍

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Stibayan
October 12, 2021 (10 days ago)

galing otor.. ibang klase ang atake. fast paced. tuloy please... 😉

Write to express your feelings, entertain, appreciate, and influence. Don't just write because of the LIKES. Hold the emotions and let the words dance.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
darkagezz14
October 12, 2021 (10 days ago)

Next please

Farfalla De Rosso

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
joshua1ngaloy
October 13, 2021 (10 days ago)

nice author

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
timehascome
October 14, 2021 (9 days ago)

🙌 Bitin author.. Baka need mo ng tiga type 😂

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mox.85
October 14, 2021 (9 days ago)

Galing po author..next plz...

Dbest...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
rednaxel947
October 15, 2021 (8 days ago)

Nice deliveration👍👍👍

rednaxel947

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments