M
E
N
U

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Feel free to show your love and leave any comment down below. Enjoy!

----

"That's officially it, guys. Magpapa alam na ko sa inyo. Ang good news eh nakauwi na si Sir Max nyo kaya ito na ang huli kong klase sa inyo. Naenjoy kong maging estudyante kayo. Salamat sa inyo.." Madamdaming pamamaalam ni Ella sa kanyang hinahawakang klase bilang ito na ang huling beses nilang magkikita sa loob ng classroom. May ibang mangiyak ngiyak pa dahil sa napamahal na ng husto sa kanilang guro.

"For the last time, class dismiss"

Nagsitayuan na ang mga estudyante pero sa halip na magsilabasan na ay lumapit muna ang mga ito sa kanya at binigyan siya ng group hug. Pasimuno talaga ang mga mangiyak ngiyak nyang estudyante hanggang sa lahat nalang sila ay nakidamay. Lahat syempre maliban kay Wayne. Nanatili lang ito sa kinauupuan at pangisi ngisi nanaman na parang natutuwa pa sa nangyari. Pinili nalang ni Ella na wag pansinin ito at nagpasalamat sa pagmamahal sa kanya ng buong klase. Karamihan pa sa kanila ay nagbigay sa kanya ng parting gift at pinasalamatan naman niya ang mga ito.

Nang mapadaan si Ma'am Mary papunta sa faculty ay napansin niya ang punong table ni Ella kaya napagpasyahan niyang pumasok sa bakante ng classroom.

"Wow naman, Ma'am. Mukhang mahal na mahal ka ng mga estudyante mo ah. Ang dami nito, tulungan na kita mag bitbit" Napatingin si Ella sa dumating at nagtuloy na sa pagaayos ng kaniyang mga gamit.

"Naku oo nga eh. Ang mga yon talaga. Mamimiss ko din ang pagtuturo."

"Final na ba talaga? Magiging official florist ka na ba talaga sa Switzerland?"
"Oo Ma'am, malapit na. Siya nga pala, may padespedida sakin si Sir Max mamaya. May nirent daw siyang venue na nagcacater ng eat all you can buffet tapos may pa happy happy din si Sir sa may downtown bar para sa mga gustong mag night out. Odiba ang bongga. Wag mo kalimutan ha!"

"Ano ka ba Ma'am, kaya nga ko maagang nagpadismiss para makapagpa curl pa ko ng buhok, hahaha!"

"Despedida lang ha hindi JS?"

Nagtawanan ang mga teacher habang masayang naglalakad papunta sa faculty area. Sabay na silang nag out ni Ma'am Mary sa clock at inimbitahan nadin ni Ella ang ibang mga guro na nandoon para umattend sa kanyang despedida party na inarrange ni Sir Max. Malugod namang tumugon ang iba at ang iba nama'y may importanteng gagawin. Nagpaalam nadin ng official si Ella sa kanyang mga co-teachers dahil ito na ang huling beses na magkaka trabaho sila.

Tinulungan din ni Ma'am Mary si Ella na dalhin ang mga dala niyang gamit at mga regalo at ikinarga nila ang mga ito sa trunk ng kanyang kotse. Pagkatapos non ay nagpa alam nadin sila sa isa't isa at magkikita nalang mamaya.

xxxxx

"Pre, you won't believe who's over here playing body shots at my bar"

Napakunot ang noo ni Wayne sa biglaang pagtawag sa kanya ng tropa niyang si Red. Walang ibang pumasok agad sa isip niya kundi si Ella, ang substitute teacher nila na alam ni Red na pinagiinteresan niya ngayon.

"Ella? Are you serious?"

"Yeah. Bro, she's wildin'. You should come over here and watch"

Wala ng narinig na tugon pa sa kabilang linya si Red nang biglaan nalang siyang binabaan ni Wayne ng tawag.

Agad itong nagbihis at dinampot ang pinakamalapit na susi. Agad siyang nagtungo sa bar na pagmamayari nila Red gamit ang kanyang Audi R8. Wala pang kalahating oras ay nakarating na siya agad sa bar dahil sa bilis ng kanyang kotse at sa paspasan niyang pagmamaneho.

Pagdating niya ay agad naman siyang inusher ng mga bouncer sa loob dahil kilala na nila ito na VIP bilang kaibigan siya ng boss nilang si Red. Inescort nila si Wayne sa private lounge kung nasaan kumportableng nakaupo si Red habang napapalibutan ng mga sexyng babae at pinapanuod ang mga pangyayari sa kanyang bar.

"That was fast." Nag handshake ang mag tropa bilang usual nilang pagbati sa isa't isa. Ipinatabi ni Red ang mga babae para bigyan ng space na mauupuan si Wayne ngunit nanatili lang ito sa kinatatayuan niya.

"I'm not planning to stay. Where's the bitch?"

"Over there. Kita mo yun pre?" Itinuro naman ni Red ang isang sulok kung nasaan ang billiard pool area. May mangilan lang sa kanila'y naglalaro ng billiards pero halos lahat ng nakapalibot don ay masayang nakikinuod at naglalaro ng nagaganap na beer pong at body shots. Hindi naman nahirapan si Wayne sa paghanap kay Ella dahil siya agad ang unang kapansin pansin sa dami ng taong nagkukumpulan banda don. Nakahiga si Ella sa billiard table kung saan may kung sinong lalaki ang nakabaon sa kanyang leeg. Malamang ay natalo ito sa laro at pinagbabayaran niya ang kanyang parusang body shot.

Sa di maipaliwanag na dahilan ay biglaang nagdilim ang paningin ni Wayne sa nakita at nagsilabasan ang mga ugat nito sa kamay sa tindi ng pagkayukom niya ng kanyang kamao. Umalis nalang bigla si Wayne sa private lounge at agad na tinungo ang direksyon ng billiard pool area. Kitang kita ang panlilisik ng mga mata nito kaya kahit ang mga nababangga niya sa kanyang pagmamadali ay napapaurong nalang bigla dahil sa nakakatakot na aura ni Wayne.

Nang marating na niya ang pool area ay higit na nagsisiksikan ang mga tao kaya sa pagpwersa niya sa kanyang daan ay naitutulak niya na ang mga tao na nakaharang. May isang bruskong siga ang hindi natuwa sa pagbangga sa kanya ni Wayne at dinampot niya ito sa collar ng kanyang tshirt na mas lalo naman ikinasama ng timpla ni Wayne. Walang ano ano'y nilingon niya ito at binati ng kanyang kamao. Napatumba ang brusko na nagdurugo pa ang ilong dahil sa pagsalo niya ng direktang tama ng suntok galing kay Wayne. Nawalan ito ng malay dala narin ng matinding pagka lango sa alak. Ang mga kababaihang nakasaksi sa pangyayari ay napatili at nagkaron ng komosyon sa palibot nila. Napunta kay Wayne at sa walang malay na brusko ang atensyon ng lahat pati narin ng lalaking kanina'y naka pwesto sa leegan ni Ella. Umiikot man ang paningin ay ipinabangon din ni Ella ang kanyang sarili para malaman kung anong biglang nangyayari.

Sa taas naman at sa likod ng makapal na see through na salamin ay aliw na aliw ang nanunuod na si Red sa mga kakatwang nangyayari sa pool area. Napa sipol ito ng "whew" sa nasaksihang komosyon. Minsan lang mabanas ang tropa niyang si Wayne dahil sa isang babae. Katunayan nga'y wala itong pakialam sa kanila at nakikita niya lang ang mga ito bilang mga parausan na ang tanging silbi lang ay paligayahin siya. Kaya nama'y enjoy na enjoy si Red sa pinapanuod. Nageenjoy din siya sa magaling na pagsubo ng nakaluhod na babae sa harapan niya.

Agad namang rumesponde ang mga bouncer na nakapaligid at binuhat ang walang malay na brusko papalabas ng bar. Hindi na ito pinansin pa ni Wayne at nagtuloy na sa paglalakad patungo sa billiard table kung nasaan si Ella. Ngayon ay hindi na siya nahirapan dahil kusa ng nagbibigay ng daan para sa kanya ang mga nagsisiksikang tao sa bar.

Sa paglapit niya sa table ay doon lang siya tuluyang narecognize ni Ella. Bagama't umiikot ang paningin ay hindi pupwedeng magkamali si Ella sa nakikita na si Wayne nga ang nasa harap niya. Napa alis nalang bigla ang lalaking kapartner ni Ella kanina sa body shot sa takot na pati siya ay mapagbalingan ng inis ng nakakatakot na lalaking ito.

Pinwersang hinila at ipinatayo ni Wayne si Ella mula sa pagkakahiga kaya naman nawalan ng balance si Ella at napatumba dahil narin sa umiikot na ang paningin nito. Pirming hawak naman ito ni Wayne kaya hindi siya tuluyang napatumba sa sahig. Sa pagkairita ay binuhat nalang ito ni Wayne bridal style para mas mapabilis na makaalis na sila sa mataong lugar na yon. Inescort din siya ng malapit na nakamatyag na bouncer at pinadaan sa private exit para sa mga VIP na direktang naglelead palabas sa parking area. Pag dating nila sa labas ay ibinaba na niya si Ella dahil nadin sa pilit na pagpupumiglas nito.

"Ano bang problema mo?! Ibalik mo ko sa loob! Hahanapin ako nila Sir Max," Dahil sa pagkainis ay unti unti nang bumabalik sa wisyo si Ella bagamat nahihilo padin ito. Napasandal siya sa pader upang hindi matumba at maisteady ang kanyang sarili. Gulat naman siya at napapikit ng biglang ikinulong siya ni Wayne sa pagbagsak niya ng kanyang braso sa magkabila niyang gilid. Nanlilisik ang mga mata nito na nak...

About the Author :

33  ·  8  ·  34  ·  4,211
 · 

Comments
N
nightcore1822
October 7, 2021 (2 months ago)

Sayang naman sana naelaborate yung segment nung body shots ni Ella. Wala bang ibang series para sa kanya? Nice update otor!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
dickdastardly
October 7, 2021 (2 months ago)

Maganda ang istoryang ito...
At hindi ganoong kapalasak as in may kwento talaga hindi lang basta salpak sa butas at ungol na walang kapararakan

Good job.
Keep it up.

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
oceancruiser
October 7, 2021 (2 months ago)

Thanks sa update otor

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Addy_Lanzon
October 7, 2021 (2 months ago)

Im always looking forward dito sa story na ito. Walangya pwede ko na bang sabihin na kikiligin na naman ako? Wahahaha anyways thank you sa update author. See ya next week.

Hence to fight and conquer in all your battles is not supreme excellence; supreme excellence consists in breaking the enemy's resistance without fighting. - Sun Tzu

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
Rupert
October 7, 2021 (2 months ago)

Ang ganda ng story keep it up

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Y
Yagyeong
October 7, 2021 (2 months ago)

Yes sana talaga may halong romance ito!

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lebron019
October 7, 2021 (2 months ago)

mukang di na matutuloy si ella sa switzerland a haha thank you sa update author 👌🏻

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
F
Francyr
October 8, 2021 (2 months ago)

Wow... Love the storyline author.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments