M
E
N
U

Shhh's Mine

by jackstone


"Babe, you still have a chance to change your mind. Hindi kita pipilitin. But once we are inside the room, wala ng bawian, wala ng atrasan. Ok?"


Napabuntong-hininga ako. Huminga ng malalim nang ilang beses, may konting pangangatog na medyo nagpapailing sa aking ulo habang nag-iisip ng aking isasagot sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto na sa pakiramdam ko ay parang ilang oras na hesitasyon, kahit nanginginig ako ay buong determinasyon na sumagot sa kanya ng, "babe, I'm not, hmmm, sheeesh".

With another sigh, I told E, "babe, I'm not backing out. Let's go inside."


Pinatay ni E ang makina ng kotse at sinabihan ako na sya na ang magbubukas ng aking pintuan. Pagtanggal nya ng kanyang seatbelt, tinulungan din nya akong tanggalin ang aking seatbelt. Pagbaba nya at pagkasara ng kanyang pintuan, lumipat sya sa aking side at malumanay na binuksan ang aking pinto. Tinulungan nya akong bumaba at lumabas ng sasakyan. Nakakakilig talaga. Nadadagdagan ang kanyang pogi points. Malumanay din nyang sinara ang aking pintuan at ni-lock ang mga pinto ng kotse.

We walked hand in hand towards the stairs going up to the room. Upon reaching the bottom of the stairs, he went one step ahead still holding my hand gently para alalayan ang aking pag-akyat sa hagdan. We went slowly, firmly, surely up the stairs, and upon reaching the upper landing, without letting go of my hand, he opened the door to the anteroom and led me inside ahead of him. Ni-lock nya ang unang pinto at pumasok na kami sa inner door ng kwarto.

Sa isang promdi na katulad ko na kailanman ay hindi pa nakakapasok sa lugar na katulad nito, kamangha-mangha ang aking natunghayan sa loob ng kwarto. May malaking banyo sa bandang kanan mga ilang hakbang mula sa pinto. Sinilip ko ang banyo at mayroong malaking bathtub na kasya yata ang 4 na tao. Later on, nalaman ko na isa pala itong jacuzzi.

Nag-ring ang telepono sa loob ng kwarto. Nagpatiuna si E tumuloy sa sala para sagutin ang telepono. Naulinigan ko lang na sinabi nya sa kausap na, "yes, it's fine". At pagkatapos ng ilang Segundo ay nasundan ng "4 muna, then we'll call if needed to extend". Di ko alam kung tungkol saan ang sinabi nya sa kausap nya. (Napakainosente ko.)

Paglampas ng banyo, mayroong sofa, malaking LCD TV, siguro 42" o higit pa. Basta mas malaki kaysa sa TV namin sa bahay na 24". Sa ibaba ng TV ay may telepono. Sa tapat ng sofa ay may center table na may nakapatong na apat na remote at tsaka menu ng pagkain. Yung isang remote siguro ay para sa TV, at isa para sa aircon. Para saan kaya ang dalawa pa?

Sa kabilang banda ay mayroong isang hindi ko mawari kung upuan ba o higaan o pahingahan. Mukha syang alon na may pataas na kurba at may mababa ding kurba sa kabilang dulo. Tingin ko parang pwedeng maglaro ng kaba-kabayuhan dun sa upuan na yun. (Nalaman ko din later on na love seat pala ang tawag dun.)

Naupo muna ako sa sofa habang si E ay pumasok sa banyo. Maya-maya ay naulinigan ko ang medyo may kalakasan na tunog ng umiihi. Iginala ko ang aking mga mata at may nakita akong hagdanan na paakyat. Sa loob-loob ko siguro mezzanine o veranda. May Nakita din akong maliit na ref sa ilalim ng TV. Tumayo ako at sinilip ang loob ng ref. Puno ito ng mga maiinom tulad ng softdrinks in cans, beer in cans, bottled water.

Mayroon ding sa tingin ko ay parang satellite or cable box, sound system na may kasamang mikropono at song book. Ah para siguro dito yung dalawang remote. Sa palagay ko ay private videoke ang aming pinuntahan. Pero bakit may bath tub sa banyo? Hmmm.

Narinig ko ang flush sa banyo at pagbukas ng gripo ng tubig. Sa isip-isip ko, "hmmm, naghuhugas ng kamay pagkatapos gamitin ang banyo. Malinis sa katawan." Narinig ko din na nagsisipilyo sya, nagmumumog. Dagdag pogi points ulit. Maya-maya ay lumabas na si E nagpupunas ng kamay gamit ang tissue paper.

Bumalik ako sa upuan at hinintay ko sya. Pag-upo nya sa aking tabi ay tinanong ko sya, "magvi-videoke ba tayo? Hindi ako masyado marunong kumanta hihihi."


"Ah oo, siguro. May dala ka bang mic?" tanong nya sa akin.

"Yun oh, may mic dun sa ilalim ng TV. Pero isa lang yun," sabi ko kay E.

"Di bale, babe, may dala naman akong sariling mic," sagot ni E na medyo may kasamang kindat. Hindi ko na-gets kung para saan at bakit sya kumindat. (I was so naive. Grabe.)

"Ang ganda naman ng videoke room na ito, malamig pa" banggit ko, "pero bakit merong malaking bath tub sa banyo?" ang inosente kong tanong sa kanya.

"Ah, siguro pag medyo pawisan kung galing ka sa labas, o kaya naman ay pagod at gustong gumaan at maging presko ang pakiramdam," sagot ni E. "Actually babe, jacuzzi yun. Masarap gamitin yun," dagdag pa nya na may kasama na namang ngiti na parang nakakaloko. Ngisi yata ang tawag doon.

Ipinagkibit-balikat ko ang kanyang ngisi. "Gusto mo na bang kumanta ngayon? Nakita mo na ba ang taas?" at itinuro nya yung hagdan na paakyat.

"Ah hindi pa. Hinihintay kita eh. Sige tingnan muna natin ang taas bago tayo kumanta," yaya ko sa kanya. Tumayo ako at ako'y binigyang-daan nya na maunang umakyat sa hagdanan.

"Ingat sa pag-akyat. Wag excited ha," biro ni E sa akin.

"Halika alalayan mo ako," balik ko sa kanya at aking inabot ang kanyang kamay. Inalalayan nya ako mula sa likod habang papaakyat kami ng hagdanan ng dahan-dahan.

Ako'y nagulat pagdating namin sa taas. Mayroong isang malaking kama na sa wari ko ay king size ang sukat, may mas malaki pang TV, merong sariling aircon, telepono, 2 remote sa ibabaw ng side table (TV at aircon), at mas maliit banyo kumpara sa baba na may lababo at water closet, ngunit walang shower.

Napalingon ako kay E na parang nagtatanong ang aking mga mata. Sya naman ay mayroong konting ngiti at kislap sa kanyang mga mata. "Hmmm, what do you think?" tanong nya sa akin.

Nablangko saglit ang aking pag-iisip hanggang sa aking mawari na hindi pala private videoke ang aming pinasok. Kami ay nasa isang lugar na ang tawag ay biglang-liko.

Medyo nanginig ang aking tuhod, iniwasan ang kanyang mga mata, napatungo ang ulo ko at ibinalik ang aking paningin sa nag-aanyayang malaking kama na parang ang sarap higaan. Hindi sya umimik. Naghihintay siguro ng aking sasabihin o gagawin.

Kumalas ako sa aming pagho-holding hands. Lumakad papunta sa paanan ng kama, naupo, at muling ibinalik ang aking paningin kay E. Nandun lang sya malapit sa hagdanan. Hindi gumagalaw. Nakatingin lang sa akin. Naghihintay ng aking sasabihin.

Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin. Naghahabulan ang mga bagay-bagay sa aking isipan. Buhol-buhol. Sa aking isipan, "this is real. Am I ready? Di ba ocular inspection lang dapat kami?"


Sa aking pagkakaupo sa kama, komportable ang aking pakiramdam. Hindi matigas, hindi malambot ang kama. Sakto lang. Nakaka-relax. Dinama-dama ko pa ng aking mga kamay ang aking paligid, pinipindot ang parte ng kama na aking abot. Hmmm masarap siguro humiga, magpahinga dito, but I was resisting the temptation. Si E ay nakatitig lang sa aking. Parang mayroong invisible wall na naghihiwalay sa aming dalawa.

"Shall we go back downstairs," basag nya sa katahimikan, nakatitig pa din sa akin. Hindi ko Mabasa kung ano ang iniisip nya.

Reluctantly, and with a sigh, I stood up from the bed, slowly walked back to him, at iniabot ko ang aking mga kamay sa kanya. "Sige baba muna tayo," sagot ko sa kanya.

He took my hand with gentleness and a shy smile. We walked down the stairs slowly habang inaalalayan nya ako. Pagdating sa baba, pinaupo nya muna ako at pumunta sya sa maliit na ref at tinanong ako kung ano ang gusto kong inumin. Sabi ko sa kanya ay bottled water pero gagamit muna ako ng banyo.

Pagpasok ko sa malaking banyo ay marahang kong isinara at ni-lock ang pinto. Akin munang minasdan ang paligid. Mayroong maliit na bar of soap sa tabi ng lababo. Ito siguro yung ginamit ni E sa paghugas ng kamay. Medyo mahaba ang counter kung nasaan ang lababo, wall to wall. Pati ang salamin ay halos wall to wall din. May dalawang dental kit na nakalagay sa ibabaw ng isang parang kwadradong platito. Ang isa ay nak...

About the Author :

Joined: December 5, 2012 (9 years old)
Writings: 13
Male  ·  Offline
Description:
Looking for my muse. Are you the one?
12  ·  11  ·  14  ·  4,543
 · 

Comments
t0t0ybat0
October 6, 2021 (2 months ago)

malapit na matapos ang ocular inspection ng kwarto.

siguro susunod na ang body cavity inspection. go go go, Sir E

As a matter of principle, I don't pay for sex 😎

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
K
kuhol
October 6, 2021 (2 months ago)

Pet-malu ang pagkakasulat. Sir Jackstone is a legend!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
A
Abet_29
October 6, 2021 (2 months ago)

Swabe
Ang ganda ng story
Salamat sa update

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
October 7, 2021 (2 months ago)

Salamat po sa pagbabasa at pag-appreciate

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
roma.69
October 6, 2021 (2 months ago)

Nakakadala yung story

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
O
otkep
October 6, 2021 (2 months ago)

wow, may ganun palang room duon? mukhang i’ve never been to that branch. hahaha.
ganda ng build up ng heat sa chapter ng ito, isang gentlemaniac!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
October 7, 2021 (2 months ago)

Yun pong mga suite rooms ay kadalasan mayroong jacuzzi

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
O
otkep
October 7, 2021 (1 month ago)

yeah i’ve been into a suite na may jacuzi but not with videoke. kunsabagay matagal na panahon na iyon hahaha. no time for videoke, pandale na kagad sayang oras haha

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
D
dylenpogi5
October 7, 2021 (1 month ago)

Sarap basahin detalyado... Salute sau sir... Can't wait sa update

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
jackstone
October 7, 2021 (1 month ago)

salamat po

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Hitoeken143
October 7, 2021 (1 month ago)

Nice story boss,excited for the next chapter;)

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments