M
E
N
U

Episode 0

(July 01, 2030, 18:30 / When Everything Started)

Reporter Jessica Soho: Makikita po natin ngayon dito sa aking likuran ang pag sabog ng isang pabrika dito sa Lungsod ng Paranaque dahil 'di umano, ay binagsakan ito ng isang nakakagimbal at napakalaking bulalakaw. Tinitingnan pa ng mga tao natin ngayon kung may mga naka survive ba sa nangyaring pag sabog sa a --
???: AHHHHHHHHH!!!
Reporter Jessica Soho: Makikita nga po natin na nag kakagulo na ang mga tao ngayon at -- teka... ano 'yon? Rex pakikunan nga kung ano 'yon -- AHHHHH! WAHHHH! HUWAG! 'WA --

Maraming nag tataka, nagulat, natakot, dahil sa pangyayaring natunghayan ng mga tao ngayon. May mga hindi makapaniwala at hindi naniniwala, pero isang katotohanan ang nakita nila. Ang isang kilalang reporter na nasa balita ngayon ay nasa harap ng camera, nakahandusay at wala ng buhay habang kinakain ang kaniyang laman loob ng isang hindi kilalang nilalang na ngayon lang nila natunghayan.

Kaya ngayon ay idineklara na ang lungsod ng Paranaque na dead zone o wala ng buhay sa loob ng lungsod na ito.

(July 01, 2062, 08:45 / Last Breath)

*wosshh* baggg* pzzzz* puuggffff*
Azro: ARGGHH!! *huff* huff* WAHHHHH!!!
Ellizabeth: Kekekeke! *psshh* wosshh* Ano bang magagawa mo sa pag tanggi sa kamatayan hah?! Mamatay ka na rin namin ngayon sa mga kamay ko kaya huwag ka ng lumaban pa. Hayaan mong gawaran kita ng isang painless death para hindi ka na mahirapan pa. *bggsshh* Isipin mo na lang na isang munting regalo ko sa iyo ito dahil sa matagal mong hindi pag suko sa aking maibalik ako sa dati. HAHAHAHAHA!
Azro: ELLLIIZZAABBEETH!!! *huff* huff* Hindi... hindi ko hahayaang ipagpatuloy mo pa ang mga kasamaan mo dito sa mundo namin... *huff* huff* H-hindi... *huff* ako susuko.

*Flashback*

Ellizabeth Casova, isang summoner type magician at dating kasamahan ni Alexandro o Azro, The Shadow Hero, sa pakikipag laban sa mga halimaw na nag hahasik ng kadiliman sa kanilang mundo.

Walang nakakakilala sa totoong mukha sa likod ng maskara ng Shadow Hero dahil hindi ito mahilig makipag halubilo sa mga tao dahil alam niyang magiging pabigat lang ito sa kaniya at kayang-kaya naman niyang tapusin lahat ng kaniyang mga kalaban kahit siya lamang ang mag-isa. Pero nag bago ang lahat ng nakilala niya si Ellizabeth. Aksidente silang na-trap sa isang dungeon noon na siyang naging dahilan ng kanilang pag kakakulong sa loob no'n ng halos kalahating taon.

Hindi gusto noon ni Azro na makipag tulungan kay Ellizabeth sa pakikipag laban pero wala na siyang nagawa noon dahil sila lang namang dalawa ang nasa loob ng dungeon, at sa kauna-unahang pag kakataon sa kaniyang buhay ay kinailangan niya ng kasama para kalabanin ang mga halimaw sa loob ng dungeon na iyon.

Lumipas ang ilang buwang pakikipag laban sa loob ng dungeon ay kanila ng nakaharap ang final boss na si Masowak, isang ant type giant fire monster.

Pero dahil sa pag tutulungan ng dalawa ay madali nilang natalo ang leader at nakalabas na sila sa loob ng dungeon na kanilang napag kulungan.

Matapos rin noon ay napag pasyahan ng dalawa na mag tulungan na lamang sa pakikipag laban lalo na't naging mag kasundo na rin naman sila sa huli.

Lumipas ang isang taon ng kanilang pakikipag sapalaran ay nahulog ang dalawa sa isa't-isa at nag pasyang mag sama bilang iisang pamilya. Wala ng kasal ng mga panahong iyon dahil halos matupok na lahat ng mga normal na tao at tanging mga taong may kakayahang mag pamalas ng kanilang enerhiya sa katawan ang siyang natirang nabuhay sa mundo.

Ngunit isang pangyayari ang sumira ng kanilang buhay ng umatake sa kanilang tirahan ang ang pinuno ng mga halimaw ng panahong iyon, ang Demon King Muzan, ang pinakamalakas na halimaw na siyang nabuhay sa kanilang mundo.

Kasalukuyang pauwi noon si Azro galing sa pag ha-hunting ng mga h...

About the Author :

Dark_Ink

Joined: September 21, 2021 (2 months old)
Writings: 1
Male  ·  Offline
Description:
Ман танҳо як ҳикояи тасодуфӣ ҳастам
Signature Text:
Dark_Ink
35  ·  9  ·  29  ·  3,657
 · 

Comments
kanton123
September 30, 2021 (2 months ago)

Nice

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
E
Edzone
September 30, 2021 (2 months ago)

Go lang po boss .. aabangan namin yan.. 👏👏👏👏👏

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Sex_machine_gun1978
September 30, 2021 (2 months ago)

Cge lang lodi maganda ang simula... Tuloy mo lang

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
rondave22
September 30, 2021 (2 months ago)

More update pa boss ganto type kong story

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Foreman1983
September 30, 2021 (2 months ago)

Nice bago....tuloy lang po author abangan n men kasunod slamat..

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mr.Loverboy
September 30, 2021 (2 months ago)

Ok maganda ang story  at bago  plot ng story mo

Sa umpisa kala ko zombie apocalypse  ang tema
Pero naging parang RPG games hehehe

Sa characters medyo naguguluhan lang ako kc walang origin
Sa next chapter sana makilala pa namin yung bida sa istorya mo
32 years ang time skip......

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Balongski
October 1, 2021 (2 months ago)

Mukhang may aabangan na ulit ako...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
B
Balongski
October 1, 2021 (2 months ago)

Nice one....

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
L
Lobo2608
October 2, 2021 (2 months ago)

Ganda

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Rhythms, Talks ‘n Conversations
Recent Comments