M
E
N
U

Maagang naging abala si Martha katuwang ang kanyang asawa na si Antonio dahil sa may tatlong bagong mangugupahan sa mga bakanteng silid ng isa sa kanilang bahay-paupahan.

Ito na ang naging negosyo nilang mag asawa simula nang magretiro si Antonio mula sa katungkulan nito bilang isang pulis.

Hindi naman sila matatawag na ubod ng yaman ngunit masasabi mong may kaya ang mga ito sa buhay sapagkat natutustusan nila ang mga pangangailangan nila sa buhay lalo na ang mga kinakailangan ng kanilang mga anak.

Matagal tagal na rin nakatira ang mag asawa na ito sa isa sa mga barangay sa kalakhang Maynila.

Si Martha ay 45 taong gulang ngunit hindi mo mawawaksi na napakaganda pa rin nito. Walang tulak kabigin ang mga dalagita sa lugar nila dahil sa hitsura nito at ganda ng katawan.

Maraming kalalakihan ang namamangha kay Martha dahil sa naaalagaan pa rin nito ang kanyang katawan lalo na ang angking ganda ng kanyang mukha.

Sinasabi nga ng karamihan na napaka suwerte ni Antonio dahil sa ito ang nakabingwit sa napakagandang ginang kahit na masyadong malayo ang agwat ng edad ng mag asawa.

Si Antonio kasi ay 62 taong gulang na kumpara sa kanyang may bahay. Hindi naman matandang tingnan ngunit maaaninag mo talaga sa hitsura nito na may katandaan na ngunit maganda pa rin naman ang pangangatawan dahil sa nakaraang katungkulan nito.

Biniyayaan sila ng tatlong anak: dalawang babae at isang lalake. Si Samantha na panganay, 22 taong gulang, katatapos lamang sa kurso nitong Accountancy at ngayon ay nasa Pampanga dahil sa tinanggap agad nito ang alok sa kanya ng kompanya kung saan niya ginugol ang kanyang internship.

Si Agnes, ang pangalawa na 20 taong gulang at nasa huling taon na ng kanyang pag aaral sa kolehiyo sa kursong Business Administration.

Ang bunso sa tatlo na si Marcus, 17 taong gulang, at nasa unang taon ng kanyang pag-aaral sa pamantasan sa kursong Engineering.

"Tonio, tapos na ba iyong isang kuwarto sa ikalawang palapag?" ang tanong ni Martha sa kanyang mister na nagpapahinga na dahil sa katatapos lamang na gawain.

"Oo mahal. Natapos na iyon kahapon nila Gardo at Cesar. Malinis na iyon tsaka bago ang mga kagamitan doon. Siya nga pala mahal, kailan pala ang dating noong tatlong bagong mangungupahan?" ang tugon ni Antonio sa kanyang may bahay.

"Sa isang araw pa raw ang dating noong dalawang mag ookupa sa dalawang kuwarto sa ikatlong palapag, mag-asawa iyong isa tapos iyong isa naman ay dalaga na katabi lang din ng kuwarto noong mag-asawa."

"Iyong pangatlo naman ay ngayon yata ang dating. Siya iyong sinabi sa iyo ni Pareng Arnaldo na inaanak niya na galing sa Cebu at dito muna sa Maynila magtatrabaho," ang pagpapaliwanag ni Martha sa kanyang asawa.

"Ahh... Oo... tama, nabanggit na nga pala iyan ni Pareng Arnaldo. Taga Cebu nga pala sina Pareng Arnaldo at Mareng Maita ano. Ano nga palang trabaho noong inaanak ni Pare?" ang pangungumpirma ni Antonio.

Si Arnaldo at Maita ang kumpare at kumare ng mag-asawa. Matagal tagal na rin nila kakilal ang mga ito. Si Arnaldo ay 60 taong gulang na kaedaran lamang ni Antonio samantalang si Maita naman ay 49 taong gulang at masasabi mong maganda at masarap pa rin sa kanyang edad.

"Ang sabi niya sa akin ay sa opisina daw ang trabaho noon. Tsaka, lumipat daw dito kasi nandito daw iyong main office ng kompanya na pinagtatrabahuhan niya. Mas malaki ang sahod kumpara doon sa Cebu branch kaya naengganyong lumipat," ang wika ni Martha sa tanong ng asawa.

Hindi naman sobrang kalakihan ang bahay-paupahan ng mag-asawa ngunit masasabi mong mas angat ito sa ibang bahay-paupahan na makikita mo sa kanilang lugar.

Maganda ang istruktura nito. Malinis ang buong kabahayan dahil sa may 4 na caretakers ito na salit salitan ang katungkulan sa paglilinis ng kabuuan ng bahay maliban pa sa mag-asawa na paminsan-minsan ay tumutulong rin.

Binubuo ng apat na palapag ang bahay-paupahan na iyon. Nasa ikalawa, ikatlo, at ikaapat na palapag ang mga silid na pinapaupahan ng mag-asawa.

Ang unang palapag ay kung saan nakatira ang mag-asawa at ang bunso nilang si Marcus. Pinili kasing bumukod ng kanilang pangalawang anak at ang panganay naman ay nasa ibang bansa na.

May permanenteng bahay naman ang mag-asawa sa Cavite ngunit mas pinili nila dito tumigil dahil sa natututukan daw nila ang iba pa nilang negosyo at mas malapit lamang kung tutuusin.

Isa pang magandang katangian ng bahay-paupahan nila ay hindi eksklusibo sa babae o lalake o anumang estado sa buhay ang mga nangungupahan dito. May mga mag-asawa, may binata, may dalaga, may magkasintahan, may magkakaibigan, at kung sino pa.

Ngunit hindi naman sila basta-basta tumatanggap ng ganoon lamang kadali. Sinisigurado rin nila na mabubuti at matitino ang...

About the Author :

Joined: June 7, 2020 (1 year old)
Writings: 12
Male  ·  Offline
Description:
Sex is more than an act of pleasure, it's the ability to be able to feel so close to a person, so connected, so comfortable that it's almost breathtaking to the point you feel you can't take it. And at this moment you're a part of them.
Websites: Signature Text:
UragonFox
52  ·  13  ·  51  ·  8,785
 · 

Comments
Jackooo
September 10, 2021 (14 days ago)

Nice! Keep it up lods

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
T
Terex
September 10, 2021 (14 days ago)

ty sir sundan po pag may time

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
krismille
September 10, 2021 (14 days ago)

Mukhang maganda ito. Masubaybayan nga.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
genrose21
September 10, 2021 (14 days ago)

wow..
keep it up..

"Were the Captain's of our own Soul. Were the Master of our own FATE".πŸ€—πŸ€—

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Mara2311
September 10, 2021 (14 days ago)

nice, cougar and young man naman. Maiba naman sa oldman young girl.
Wet agad si Aling Martha πŸ˜‚

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
Shitnamalagkit_18
September 10, 2021 (14 days ago)

Si aling martha mukang handang ibigay ng buong buo ung puday nya πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
itchibitch69
September 10, 2021 (14 days ago)

Etong kwento na peborit ko, tungkol sa sekswal na relasyon ng olderwoman at youngerm! Nakakapanabik subaybayan!

Call me Tita Lyka

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lebron019
September 10, 2021 (14 days ago)

Nice magandang panimula mukang maadik si martha kay troy a hahaha thank you sir πŸ‘ŒπŸ»

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
M
malupet25
September 10, 2021 (14 days ago)

siguradong maganda to...salamat Boss.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
R
randy_327
September 10, 2021 (14 days ago)

Maganda ang teaser mo sir. Kaabang abang. Keep it up.

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
dhoods
September 11, 2021 (13 days ago)

Nice, may aabangan na nman. Thanks author πŸ‘πŸ»

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
watchingoverme
September 12, 2021 (12 days ago)

Siguradong maraming pagtataksil ang magaganap sa bahay-paupahang ito.

Mr. WOM

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
S
sayyeah
September 12, 2021 (12 days ago)

Intro pa lang alam ko ng susubaybayan ko ang storya na 'to

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments