M
E
N
U

Whirlwind - 09

Posted in
Story: Fiction, Taglish · Categories: Mature, Romance, One Night Stand · Tags: , , ,
Date: August 5, 2021 (1 month ago)


Author's note: This is a work of fiction... All specific names, places and events are just products of the author's imagination...

------

"Mmmmmmmnnnnnhhhhhhhhhhh…" ungol ko habang unti unting nagigising ang aking diwa.

Pero nanatili akong bahagyang nakadapa sa kama, nakayakap sa isang malambot na unan. Five minutes... Sabi ko sa isipan ko…

"Mmmmmmnnnnnnhhhhhhhhh…" muling ungol ko. Ang sarap. Kung pwede lang, sana'y araw-araw akong ganitong magising. Patuloy lang ako sa pagkakadapa ko sa kama. Di ko rin napigilang mapangiti habang ninanamnam yung masarap at mainit na mga labing gumagapang sa balikat ko.

"Babe, nagtutulug-tulugan ka ah…" bulong ng lalaking nagmamay-ari ng mga labing naggagala sa balikat ko.

"Five minutes babe…" bulong na tugon ko. "Five minutes…"

Saka ko naramdaman ang paglapat ng palad niya sa bewang ko. Kahit may kumot, napakislot pa rin ako at napakagat pa ng labi.

"Five minutes huh?" patuloy pa rin siya sa pagpapagapang ng halik sa balikat ko. "Baka iba magising ko sa 'yo in five minutes…"

Napakagat labi muli ako dahil narealize kong tama siya. Kaya dahan dahan kong ibinangon ang katawan ko at tuluyang gumapang pababa ang kumot hanggang balalang ko.

"Good morning..." nakangiting bati niya.

Tinignan ko lang siya ng diretso. Medyo poker face.

"Babe...?" tanong niya.

Saka ako nag pouty lips tapos dinikit ko ang hintuturo ko sa noo ko.

Kaya humalik siya dun.

Sunod kong tinuro yung cheeks ko.

Humalik siya dun.

Tapos, tinuro ko yung lips ko.

Kaya humalik rin siya dun nang medyo mas matagal.

"Gusto ko ganoon… Gusto ko ganoon after mo mag-good morning sa akin…" malambing na sabi ko nang nakangiti. "Ganoon lagi babe…"

"Opo babe…" sagot niya ng nakangiti. "I'll remember that by heart…"

"Anung oras na?" tanong ko.

"Mag 6:00 am…" sagot niya. Sabay abot ng isang mug ng kape mula sa side tabe saka inabot sa akin. "Babe coffee mo…"

Ayun na naman yung kapeng timplado niya pero saktong sakto sa timpla ko. Pagkatapos naming magcoffee on bed, ay nagbihis na ako ng bikini para sa morning swim. Di na ako nahiya habang pinapanood niya ako magbihis. Ano pa nga ba ang ikakahiya ko sa kanya, eh nakita na nga niya lahat. Kabisado na nga niya mga kiliti ko eh.

Magkaholding hands kaming naglakad papuntang beach at saka nagswimming. Syempre, di mawawala yung tyansingan, kilitiian, at lampungan. Mga bago mag 7:30 am na nung umahon kami, nagpatuyo, at saka bumalik ng beach house.

Nagluto siya ng breakfast habang ako naman ay nagsalang ng mga damit namin sa washing machine. Malandi na kung sa malandi, pero sobrang kilig ko talaga nung oras na 'yun. Feel na feel ko yung pagiging couple namin habang nagshashare kami sa gawaing bahay. As in para kaming happily married couple. Wedding ring lang ang kulang at saka… babies, siguro. Haha anlandi!!!

Habang hinihintay ko yung mga nakasalang sa washing machine ay lumapit ako sa kanya habang nagluluto siya.

"Mmmmmmm… bango niyan ah…" panimula ko sabay yakap sa bewang niya mula sa likod. "Babe, feeling ko tataba ako sa 'yo…"

Tumawa muna siya bago sumagot. "Edi bawiin natin babe sa exercise… Mas dalasan pa natin yung…"

Talagang sinadya ng loko na i-hang yung sasabihin niya. Nakurot ko tuloy siya sa abs niya.

"Yan! Yan! Yan!" tugon ko. "Diyan ka magaling!"

"Talaga!" nakakalokong tugon niya. "Alam mo yan babe! Nawawala ka nga sa bilang lagi eh!"

"Tse!" Inalis ko yung yakap ko sa kanya at bigla ko siyang tinalikuran. Hindi dahil nagalit ako. Kundi dahil namula ng mabilis yung mga pisngi ko sa sinabi niya. Susme! Napahawak pa ako sa magkabila kong pisngi dahil nahihiya akong makita niya. Bigla ko nalang naramdaman yung pagpulupot ng yakap niya sa bewang ko.

"Andaya mo talaga…" bulong niya habang nakayakap mula sa likod ko. "Dapat bawal mo nang itago yang pagblublush mo sa akin eh…:

"Eehhh…" protesta ko habang nakatakip pa rin ng mga kamay ko ang pisngi ko.

Humalik pa siya sa leeg ko saka niya ako pinakawalan at tinuloy ang pagluluto. Saktong nagbell yung washing machine kaya inasikaso ko uli yung mga labada namin. Nakakatawa na nakakatuwa kase parang sobrang in-sync namin. Ilang minuto lang ng matapos ako sa mga labada ay saktong tapos niya rin ng pagluluto.

As usual, nagtungo kami ng terrace para dun magbreakfast. May dining set naman sa loob ng beach house. Pero bakit ka pa nga naman sa loob kakain kung maganda naman ang panahon at maganda ang tanawin sa labas. Di ba?

Tinanggihan ko yung upuang inoffer niya. Kusa kong pinili na kumandong sa kanya. Ngayong kami na, tila naging mas masarap para sa akin ang kumandong sa kanya. Ngayong kami na, gustong gusto ko nang kumandong lagi sa kanya.

Nagsimula kami kumain at syempre di mawawala yung maya't mayang subuan. Alangan naman di ba. Masaya naming inenjoy ang first breakfast namin as a couple. Nanatili akong nakakandong sa kanya habang pinapababa namin yung kinain namin.

"Babe… Wag mo na akong pakawalan ah…" lambing ko sa kanya. "You know naman how much I've been hurt in my past relationships…"

"Sure babe…" tugon niya. "Sobrang tanga ko na pag pinakawalan pa kita…"

"Wag kang mag-alala.." pag-aalo pa niya. "I will never ever let you go..."

Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan. Saka niya yun binigay sa akin. Nasa search bar ng facebook app. Nagets ko naman yung gusto niya. Kiya tinype ko yung facebook ko habang nanonood siya. Siya pa mismo ang nagtap ng Add friend. Tapos kinuha ko ang cellphone ko at saka ko inaccept ang friend request niya. Pero di pa umiinit sa kamay ko ang cellphone ko nang makareceive ako ng bagong request.

Napangiti ako habang kinikilig ng sobra habang tinatap ko yung confirm. Saka ko siya binigyan ng isang mahaba at matamis na halik sa labi. Dahan dahan niyang inilapag ang cellphone niya sa mesa habang gumaganti sa halik ko. Naiwang nakabukas sa cellphone niya ang facebook profile page niya.

Marty Angeles

Lives in Pasay City, Philippines

From Tarlac City, Tarlac

In a relationship with Amanda Jane Sandejas

"Wait!" biglang awat ko sa halikan namin. "Babe upo ka nang maayos."

Saka ako kumuha ng ilang selfie habang nakakandong sa kanya. Saka ko binalikan ang Facebook ko at pinili yung pinakacute na picture namin. At saka ko siya ginawang profile pic ko. Ganun din ang ginawa niya. Parang mga tanga lang, parehas pa naming pinusuan yung bagong profile pic ng isa't isa. Taena yan, pag kinikilig ka talaga, para kang tanga.

Hahalikan ko na sana siya uli nang biglang tumunog ang cellphone ko. Messenger call.

Messenger video call with Mila.

"Hello besh!" bati ko nang tuluyang magconnect at makita ko ang bagong gising na mukha ni Mila. Saka ko nilagay sa loudspeaker.

"Oy ano tong mahalay na profile pic na to?" natatawang tanong ni Mila habang pinapakita sa isa pa niyang cellphone yung bagong profile pic ko. "May pagkandong habang naka-bikini?"

"Pake mo ba besh?" natatawang sagot ko. "Edi magjowa ka na rin uli para may pangtapat ka!"

Natatawa ng tahimik si Marty habang nadidinig kami.

"Aba'y sige! Saan ba meron? At nang makabog kita! Akala mo magpapatalo sa yo tong mga melon ko!"

"Bahala ka kung saan mo gusto maghanap! Aba'y dibdiban pala ang la...

About the Author :

Joined: April 12, 2018 (3 years old)
Writings: 31
Male  ·  Offline
Description:
Often a silent reader... Rarely a writter...
Signature Text:
Don't confuse me with a devotee...
11  ·  8  ·  15  ·  1,557
 · 

Comments
blairann08
August 5, 2021 (1 month ago)

Damn!! Those last words, sana all ganun!! 🥰🥰🥰

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
C
cjeromet
August 5, 2021 (1 month ago)

nice update author

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
xxkanexx
August 5, 2021 (1 month ago)

Hoyyyyy kakilig hahahahhaha🤧♥️

Lil' miss sassy!

Reply  ·  Like (2)  ·  Report
Panatiko
August 5, 2021 (1 month ago)

Ahahahah... nice nice... yun talaga gusto kong madama niyo sa update na to... ahahahha

Don't confuse me with a devotee...

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
xxkanexx
August 6, 2021 (1 month ago)

Damang dama nga hahahaha more to kilig scenes please 💙

Lil' miss sassy!

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
MakabagongMariaClara
August 5, 2021 (1 month ago)

The last line tho. ❤ Sana all. 😁

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Panatiko
August 5, 2021 (1 month ago)

Is it really that good? Hahaha matry nga yan balang araw... ahahaha

Don't confuse me with a devotee...

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
lebron019
August 5, 2021 (1 month ago)

Mukang magkakaron ng inaanak hahaha thank you sa update sir 👌🏻

Reply  ·  Like (1)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments