M
E
N
U

Beautiful Mistakes TWO

Posted in
Story: True Story, Tagalog · Categories: First Time, Lesbian Sex, Romance · Tags:
Date: July 9, 2021 (15 days ago)


Hi guys! I forgot to tell you na nangyari po ito 8 years ago pa, first year college ako sa una kong school.
Maraming salamat po sa lahat ng naka-appreciate ng first part. Sa mga nagmessage at nakachat ko, para po sa inyo ito.
Hope you enjoy it.
---------------------

Nang nasa jeep na kami ay nag-uusap kami habang naghihintay ng mga pasahero medyo padilim na rin kaya naman kinakabahan na ako dahil sa isiping baka magalit sa akin si ate dahil ginabi na ako ng uwi na bihira ko namang gawin at alam naman niya na sa tita namin ako galing pero andun pa rin yung kaba. "'Di bale na, may kasama naman akong isang anghel", ang sabi ko na lang sa aking sarili upang kahit papaano ay mapanatag ang loob ko at mawala ang kaba.

Marami pa kaming napagkwentuhan habang nasa byahe. Inimbitahan niya rin ako sa isang event nila sa school na kung saan ay kakanta siya.

"Punta ka ha!", sabi ni Jaz na nagpukaw sa akin mula sa pagkakatitig sa kanya.
Naisip ko naman na may event din kami sa school nang araw na iyon na pwede naman akong mag-attendance sa umaga at babalik na lang muli sa hapon upang mag-attendance ulit.

"Oo naman. Basta ikaw!", ang may pagkalandi kong pagkakasabi bago pa siya pumara at nginitian pa ako bago bumaba ng jeep patungo sa kanila.
Hindi naman talaga ako malandi. Siguro likas na sa akin ang maging maalalahanin sa iba kaya yung ibang hindi ko pa lubos na kilala ay iniisip nila na malandi ako.

Nakarating na nga ako sa amin. Hindi naman nagalit sa akin si ate. Napagsabihan niya lamang ako. Inaalala niya kasi na malayo layo pa ang lalakarin ko mula sa binabaan ko ng jeep patungo sa amin.
Habang nagpapahinga mula sa mahabang paglalakad at pakikipagkuwentuhan sa kanila pati na rin sa matagal na byahe, ay nagtxt ako sa kanila na nakauwi na ako. Nagreply naman si Haze at Jaz. Kinumusta ang experience ko sa araw na yun at sinabi ko sa kanila na masaya naman ako. Nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Marami pa kaming mga napagkwentuhan. Napag-alaman ko na parehas pa silang nasa highschool pero magkaiba ng school na pinapasukan. Si Jaz ay fourth year highschool at si Haze ay second year highschool na dapat fourth year highschool na rin subalit ilang beses huminto sa pag-aaral upang pagbigyan ang ate niya na makapagtapos.
Natulog na rin ako dahil sa sobrang pagod.

------------
Kinabukasan, napag-alaman ko na birthday pala ni Haze. Tinxt ko siya at binati, niloko ko pa nga kung saan kami, kung saan ang handaan pero paniguradong hindi rin ako makakapunta dahil sa araw na rin yun mismo ang simula ng araw ng isang linggong event namin sa school. Nagpasalamat naman siya at sinabing nasa school naman siya.

Naging busy ang araw na yun para sa amin. Pero ang mga sumunod na araw ay hindi naman na. Pero required na pumunta kami sa school at mag-attendance.
Isang araw ng linggong yun ay late akong nagising kaya naman dali-dali akong nag-asikaso at naisipan kong sa van na lang sumakay para naman makaabot ako sa oras ng pag-attendance. Lamig na lamig ako sa van kahit 30 minutes lang ang byahe namin. Mahina talaga ako sa lamig. Habang nasa byahe ay nagtxt ako kay Jaz na nilalamig na nga ako sa van. Tinatanong naman niya ako kung malapit na ba akong bumaba para naman hindi na ako lamigin pa. Ang van na sinasakyan ko ay diretso pala sa school dahil karamihan ng sakay ay doon din ang baba. Pagkadating sa school ay dali-dali na akong bumaba ng van, pagpasok ko sa school ay nakasalubong ko isa sa mga kaklase kong babae napansin niya na parang hindi ako mapalagay. "Ui Ace, ayos ka lang ba?", tanong niya sa akin. "Nilalamig ako, grabe kasi yung...

About the Author :

Joined: June 28, 2021 (26 days old)
Writings: 3
Bisexual  ·  Offline
Description:
I'm just new here.
Just want to express myself hoping that someone will listen.
Signature Text:
I'm drowning with my own thoughts. Can you help me?
4  ·  1  ·  7  ·  3,052
 · 

Comments
R
Rexxxy
July 9, 2021 (15 days ago)

Bitin nanmn πŸ€¦πŸ½β€β™‚οΈ

Reply  ·  Like (0)  ·  Report
Add New Comment
M E N U
Recent Comments